"OH SH*T! DREI! TINGNAN MO SYA DALI!"
Dali-dali akong pumunta sa pwesto ni Brian.
Akmang titingnan ko na si Babaeng makapal ang mukha ng--
WHAT THE F*CK?
Biglang humara ang isang grupo ng kalalakihan. BWISET NAMAN OH KUNG KELAN MAKIKITA KO NA KUNG SINO YUNG BABAENG YUN SAKA NAMAN BIGLANG HUMARA ANG MGA KUMAG NA 'TO!
"Uhh, makikitabi nga po."
Tumabi naman ang grupo at nang tiningnan ko ay wala na si Mystery Girl.
"Hala, Brian di ko na sya nakita."
"ALA DREI SAYANG DI MO SYA NAKITA!"
"Bakit, ano bang itsura nya?"
"ONE WORD: SH*T"
"Anong Sh*t? Sh*t na mabuti o masama?"
"Sh*t na ---"
"BRIAN! WALA DAW PASOK NGAYONG HAPON. TARA NA AT UUWI NA TAYO."
"Drei una na kami ni Mama. Basta, magugulat ka pag nakita mo sya."
At umalis na sila ni Mam Analytic Geom. Kuh. Kainis naman eh di pa sinabi kung ano eh. Binitin pa talaga ako. Ugh. Dahil mag-isa na naman ako, niyaya ko na muna Jake at Ricky na mag-sm muna kami. Maglalaro muna kami sa WoF, total marami naman akong nahinging token kay Brian (dahil adik maglaro ang mama nya sa WoF at mga slots, kaya sagana sya sa mga token).
*toot toot*
*1 New Message*
*Message*
Jake: Uy, di muna kami makakasama sa'yo. May klase pa kasi kami. Sa sunod na lang. Gege.
Anak naman ng tinapa. Solo pala ako ngayon maggagala. Hay buhay. Kakatamad pa kasi umuwi sa amin. Bukod sa maaga pa eh traffic pag ganitong oras pauwi. Mukhang no choice ako kundi magsolo. Sabagay. Sanay na naman ako MAGSOLO. (DRAMA XD)
Lumabas na ako ng BSU at sumakay ng jeep papuntang SM.
"Manong bayad ho."
"Saan itong bente?"
"Sa pitaka nyo po. De joke. Isa po, estudyante."
Biglang sama ng tingin sakin ni manong driver. Nainis ata sa joke ko :'D XDD
Medyo mabagal ang andar ng jeep namin dahil traffic kaya nag saksak muna ako ng earphones sa tenga ko at nagpatugtog. Unang kanta agad na tumugtog sa playlist ko ay ang 14.
Sh*t...
Inaayos ko ang iyong isipan... Ngunit hindi ka nakikinig....
Lahat na ng bagay ay aking ginawa ngunit wala parin....
Sobrang drama naman. Tek. Ininext ko nalang para di ako makapag-isip ng kung ano.
Minsan.... Hindi ko maiwasang isipin ka...
Lalo na... Sa t'wing... Nag-iisa....
Ano na kayang.. Balita... Sa iyo...
._. Grabe. Pinatatamaan ba ako ng playlist ko? naka shuffle naman to ah. Bakit parang magkakarugtong ang kanta? Parang pilit ibinabalik ang aking nakaraaan?
Pagtingin ko sa labas ay nasa SM na pala kami.
Aba. Kabilis naman ng byaheng yun. Nakinig lang ako ng ilang mga DRAMA songs nakarating na agad sa SM. Matindi nga. XD
Saktong pababa na ako ng jeepney ng nagplay ang sumunod na kanta.
Bumaba ako... Sa Jeepney...
Kung saan tayo'y dating magkatabi....
Magkahalik ang pisngi nating dalawa... Nating dalawa....
Pagbaba ko ng jeep ay medyo natahimik ako. Dahan-dahan akong naglakad papasok sa SM.
Subalit ngayo'y... Wala na...
Ikaw ay... Lumayo na.....
Naaalala ko ang mga... gabing... nakahiga sa ilalim sa kalawakan
Naalala ko ang mga gabing... magkatabi sa ulan...
Hay... Kumusta na kaya siya? Ano na kayang ginagawa nya? Iniisip nya kaya ako? Siguro... Masaya sya ngayon kasama yung ipinalit nya sakin.
"Sir, uhm nakahara po kayo sa daan ng pila."
HALA, NATULALA NA PALA AKO SA ENTRANCE!
Galit na galit ang mga tao sa likod ko. Jusko nakakahiya >_<
"Ahh, sorry po >//<"
Tuloy ako sa paglakad sa loob. Hay. Nakakawalang gana naman. Wala akong kasama. Oo, mag-isa lang ako madalas pag napunta ng SM, pero simula nung nagkaron ako ng karelasyon, parang pakiramdam ko ang hirap kapag mag-isa.
Dahil wala akong magawa, naglibot nalang ako sa loob.
Gala dine, gala doon. Tingin dine, tingin doon. Walang katapusang paglibot. Nagpapagutom lang para makakain na. Syempre, ayoko sa chowking at baka may maggot rice. Mahirap na. Baka magsuka pa ako at kung ano. Kahit naman malungkot ang buhay ko eh ayaw ko pa naman mamatay XD
Para naman maiba, sa KFC ako kakain. Mwehehehe, wala eh, bagong sahod dahil ng sideline ko (Habit Perfume. Isa ulit advertisement, PM nyo ang author pag gusto nyo bumili. XD)
Habang napasok ako sa KFC ay bigla akong nakaramdam ng kakaibang kaba. Teka, bakit ako kinakabahan?
Maaga pa naman noon kaya wala pa masyadong tao sa loob. Isa pa weekdays at nagkataon na walang pasok sa hapon ang BSU. Pumila na muna ako sa counter.
"Good Afternoon po! Welcome sa KFC! Anong pong order ninyo?"
"Ahh, 1 pc. Chicken nga, ung original tsaka 1 hotshots"
"Ahh sige po"
-----
"Eto na po yung order nyo. Enjoy your meal po!"
Kinuha ko na sa counter ang order ko. Naghanap ako ng mesa na malapit sa tao. Kokonti na nga lang kami sa loob ng fast food tapos para pa kaming mga isla na isolated. Tsaka gusto ko rin makakausap ng ibang tao.
Luminga-linga muna ako. At...
Tingnan mo nga naman ang pagkakataon oo. Nakita ko sa bandang dulo ang isang blue na jansport. Ang blue na jansport bag na katulad na katulad ng sa babaeng nagpahiya sa akin. Sure ako dun, di ako magkakamali na kanya nga yun. Mukha atang wala ang may-ari, nag cr ata.
*TING*
>:)) THIS IS MY ULTIMATE REVENGE HEHEHE.
At dahil nga napagplanuhan na namin ni Brian na pag nakita namin ang nagpahiya sa akin ay gagantihan namin, may dala ako mga bagay na siguradong mapapasigaw ka pag nakita mo.
Nilapag ko muna sa table ang pagkain ko at pasikretong lumapit sa bag na blue. Nakita ko ang pangalan ng may-ari ng bag.
Samantha Nicole Mendez
Hmm.... Tatandaan ko 'tong pangalan na 'to. At binuksan ko ang bag at inilagay ang munting regalo ko sa kanya. MUHAHAHAHAHA. HUMANDA KA SA MAKIKITA MO SA BAG MO MAMAYA.
At dali-dali akong bumalik at kinuha ang aking pagkain. Umupo ako at kumain.
Binabagalan ko ang aking pagkain dahil gusto kong makita na buksan niya ang bag nya.
Maya-maya pa'y nakita ko na ang may-ari ng bag na galing nga sa CR.
Still, she fits the description of the one who humiliate me. Same height, that hair of hers. Pero may isang bagay akong nakita na sobrang ikinagulat ko at ikinatigil ng puso ko.
Nang lumabas sya galing sa CR, tumambad sa akin ang mukha ng tila isang anghel, para bang isang goddess sa greek mythology.
Sobrang.... nakakasilaw ang ganda nya... Sh*t... Tama nga si Brian. MapapaSH*T ka talaga kasi.... Sobrang... Sobrang ganda nya... Parang pakiramdam ko nasa langit na ako nung nakita ko sya. Yung mga mata nya na parang mga dyamante... yung kanyang ngiti na animo'y mga perlas sa sobrang kinang. Tapos yung buhok nya. Sobrang landas. Yung balat nya na sobrang kinis.
UGRH! Tama na ang kabaliwan. Di ko parin nakakalimutan na sya yung babaeng nagpahiya sakin. Wala pang babae ang nakakagawa ng ganoon sa akin, at kahit babae sya wala akong paki.
Umupo na sya sa table nya.
Napansin ko lang. Bakit parang mag-isa ata sya? Bakit wala syang kasama?
Halos napatigil na ako sa pagkain dahil inaabangan ko na buksan nya yung bag nya.
BILISAN MO NA DALIII BUKSAN MO NAAAAA >:))
AYAN..... BINUBUKSAN NA NYA! MUHAHAHAHA.
Kaso ng malapit na mabuksan ang bag ay nagring ang cellphone nya na nasa table. P*KSH*T NAMAN OH, READY NA ANG EVIL LAUGH KO EH BIGLA NAMANG MAY NAKATEXT SA DYOSANG YUN E-ESTE SA BABAENG YUN. :'D
Matapos nya basahin ang text ay tumuloy na sya sa pagbubukas ng bag...
.......
"AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!! IPISS!!!!!!!!!"
OH MY F*CKING HOLY SH*T WAHAHAHAHAHAHAHA GRABE YUNG REAKSYON NYA NUNG NAKITA NYA YUNG TOY COCKROACH XDDD
Sobrang sigaw na sya as in parang end of the world yung irit nya at kahit anong pigil ko ay di ko na mapigilan na mapatawa sa nangyari
Bigla syang tumingin sa akin. SH*T.
Grabe yung titig nya. YARE MUKHANG NAHALATA NYA ATA NA AKO ANG NAGLAGAY NG IPIS SA BAG NYA.
Pero yung titig nya... Grabe... Parang matutunaw ata ako.... Para syang medusa kung tumitig... nanigas ata ako, tumigil ata ang tibok ng puso ko..
ENOUGH PANTASYA!
"HOY! IKAW!"
SH*T! Tumingin ako sa paligid ako, medyo malayo ang mga tao sa kinauupuan ko, meaning ako nga ang tinutukoy nya. Nahuli ako :'D
"Bakit miss?"
"WALANG HIYA KA IKAW ANG NAGLAGAY NG IPIS SA BAG KO ANO!?"
"Ha? Anong ako? Nakain ako dito ng tahimik tapos pagbibintangan mo ako?"
"EH BAT KA TUMAWA NUNG UMIRIT AKO!?"
"Sino ba namang di matatawa..."
Sabay napatawa na din ng mahina ang ibang mga tao sa paligid ko. YES SUCCESS!
Dahil sa hiya ay napalabas nalang si Samantha ng KFC. HORAYYYYY NAKAPAGHIGANTI AKO WAHAHAHAHA
Buti nga sa kanya. Nakaganti ako HEHE.
Pero Andrei, sobrang ganda nya talaga.
HE! Alam ko. Wag moko pangunahan author =_=
Pumunta muna ako sa WoF para maglaro. Naglaro lang ako ng basketball don magdamag hanggang sa nangalay na ang aking mga braso. Hay. Di ko mabeat yung high score. Kainis. Buti pa pag si Brian, laging pag yun ang naglalaro laging natatalo nya ang High score.
Naglaro din ako sa machine na nakuha ng stuff toy.
UYY BAYMAX! Mai-try nga kunin yun.
*Naghulog ng 1 token*
*Ginamitan ng physics at maths.*
Hehe. Alam ko na ang daya ng mga machine na to.
*Bumaba na ang claw. Nakuha ang baymax. Naihulog na sa drop area.*
TOO EZ FOR ME MEHEHEHEHE.
Wow! ang galing naman ni Kuya
Grabe isang token lang !
Hahaha, sobrang mangha yung mga bata sa likod ko. XD
Matapos mag WoF ay naglibot pa ako ng kaunti.
Teka anong oras na ba....
*3:30 pm*
Makauwi na nga.
Lumabas na ako sa SM at bumaba sa may parking area.
Naglalakad na ako sa may pathway ng may nakapukaw ng atensyon ko mula sa malayo.
...
...
...
Teka... Hindi ba si... Samantha yun? Bakit nakaubob sya?
=============================================
-To be Continued
Hehe. Hi guys! sorry sa delayed update. Di bale next week i update ko ulit ito. ^^
-themostselflessguy