Park Jimin
"Ibinigay ko naman lahat sa kanya pare eh! Pero bat ganito? Dahil wala ba akong jams?! Punyaterang jams yan oh!"
"Tama na pre. Lasing na lasing kana."
Nahinto kaming dalawa sa paglakad dahil huminto ako at tinignan ung muka ni Pareng sino ba to? Ah! Si Seungri! Ahehehe~
"Muka ba akong lasing pre? Hindi! Tipsy lang ahaha. Pero hindi talaga! Kaya pa nga eh. Wala pa to sa pananakit ni Jungkook sa damdamin ko!"
Humawak ako sa balikat niya at sinimulan ng tignan ang mga mata niya.
"Sige lasing ako Seungri Hyung. Pero ung nararamdaman ko ang hindi. Ramdam na ramdam ko pa eh! At hindi ko kayang makalimot!"
Tinignan niya lang ako na parang ako na ung pinakanakakaawang nilalang sa mundo.
"AY JUSKO! MARYOSEP! JIMIN! ANO NANGYARI?!"
Napatingin kami kay Jin Hyung. Ahe. Bakla talaga.
"Pasensya kana Jin. Eh inaya ni GD Hyung eto. Problemado eh. Sorry talaga."
"Sige sige. Salamat sa pag-uwi"
Inakay na ako ni Hyung papasok ng bahay.
"Ano ba nakain mo at naglasing ka ha?!"
Lumabas na ung iba saka si Yoongi Hyung dahil sa lakas ng boses neto.
"Wala Hyung. Masakit lang talaga. Harapan eh. Harapang pangagago. Pero Hyung....sino ba talaga? Ako ba o sila? Alam ko na naman sa simula palang. Wala na ako. Kung bakit ba naman kasi pinanganak mo ako na walang jams. Haha. Hyung ang sakit eh. Ang sakit sobra."
Naramdaman ko na lang yung mga luha ko na bumabasa sa pisnge ko. Tengeners pinaiyak pa ako.
"Hyung. Kahit ilang beses ko pang sabihin na masakit kahit kelan hindi mababawasan ung sakit na nadadama ko ngayon. Lakas tama shet. Bawal magmura Hyung? Eh ung pananakit ng kapwa mo at pananakit mo sa sarili mo bawal rin ba? Hindi ko na alam Hyung. Gusto ko na makawala sa lesheng sakit at pagmamahal na to."
Nakita ko si Yoongi Hyung na pumasok sa kwarto. Basang basa na ung muka ko dahil sa luha. Niyakap na lang ako ni Jin Hyung. Si Namjoon Hyung ayon nakatingin kasama si Hoseok Hyung. Langhiya talaga.
01/24/16