KALMIA Series 2: Aaron's Stor...

By Sophia_Victoria

3.4K 49 16

What if everything you thought was true were all lies? Kwento ng pag-ibig na nagsimula sa isang malaking kasi... More

Chapter 1

3.4K 49 16
By Sophia_Victoria



"ALAM niyong ayaw kong pinipilit ako sa isang bagay na hindi ko gusto! Maghanap kayo ng ipapakasal sa lalaking iyon! I will never marry anyone I don't even like!"

Napabuntong-hininga ulit si Kizza habang nagmamaneho siya papunta sa favorite bar niya: Ang Evergreen Music Lounge. Kahit na nga ba napakaingay at alive na alive ang naturang lugar ay nakukuha niyang mai-relax ang sarili at makisaya sa lahat ng naroroon. Naging paborito niya iyon hindi lang dahil sa lugar kundi sa house band ng naturang establishimento na kilala sa pangalang Alpha Stellar. Crush na crush niya kasi ang keyboardist-slash-vocalist ng banda na si Aaron Aquino, Artemis' half-brother.

Artemis and her was a great friend in fashion industry. Nag-click kasi ang pagkamataray nilang dalawa that led to a strong bond of friendship. Ito rin ang nagdala sa kanya sa Evergreen and fell in love with the place, the Art's brother. And right now, she needed the right distraction from her very foul mood. Hindi kasi naging maganda ang pag-uusap nila ng magulang. Just thingking of it makes her blood boil kaya nga nagpasya siyang pumunta muna sa Evergreen.

Hindi naman nagtagal at nakarating siya doon and as usual, pahirapan na namang makakita ng parking lot dahil nga sa dinarayo ang naturang lugar. As soon as she found a space ay lumabas na siya sa kanyang sasakyan. Wearing her usual black stilletos, her own designed bags and clothes ay nag-ala-model siya sa paglalakad. Kahit naman kasi bad mood siya, she cannot bare to lose face and poise because she's one of the faces of modeling industry. She was an ex-model.

Nagmamadaling lumakad siya sa entrance ng Evergreen dahil narinig niyang ang Alpha Stellar na ang tutugtog and she can't afford to missed it dahil she wanted to laugh at Aaron's jokes. Ilang talampakan na lang siya sa pinto ay nabangga pa siya ng isang nagmamadali ring lalaki at dahil na rin sa impact ay na-out of balance siya. Hindi niya alam kung maaasar ng tuluyan sa lalaking nakabangga sa kanya o magpapasalamat dahil na rin sa ito ang tumulong sa kanya upang hindi tuluyang mapaupo sa maduming sahig pero dahil iritable na siya kanina pa ay hindi niya napigilan na bigyan ito ng nakamamatay na tingin. It was a wrong move. She thought dahil ang nakita niya ay isang di kaaya-ayang itsura ng binatang nakabanggaan niya. She really hate people who doesn't care about their looks, specially their fashion sense. Kaya nga siguro nagkasundo sila ni Art ay dahil sa kinaiinisan nila ang ganitong bagay. Bigla-bigla ay gusto niyang bihisan at ayusan ang binata dahil kung pakatititigan ay may itsura ito.

"Sorry, Miss, nagmamadali kasi ako dahil late na ako sa usapan naming magkakaibigan," sabi pa nito.

And that voice, I think I heard that voice somewhere. Somehow, it soothes my foul mood.

"Pasensya na talaga. Miss, medyo malabo kasi ang mata ko," paliwanag pa nito. Doon naman siya biglang natauhan. Tumayo na siya at iniayos niya ang nagusot na damit. Napabuntong-hininga na lang siya ulit at tinignan ng binata. She took her calling card out and gave it to the man.

"Thanks for catching me and saving me from humiliation. Ito, card ko, call me if you need some fashion advice," sabi niya at tumuloy na siya sa loob. Tumingin-tingin na siya sa kabuuan ng Evergreen para makahanap ng tahimik na mapu-pwestuhan. She saw an empty bar stool infront of the bar at doon na siya nagpasyang umupo, malayo man sa stage ay makikita pa rin naman niya ang lahat doon. "Sex on the beach, please," sabi niya sa bartender at hinintay na magsimula ang tugtugan ng Alpha Stellar.



HINDI niya mapigilang mapangisi habang papasok siya sa Evergreen. What happened earlier made his night awesome. Aba, akalain mo na nilait ni Kizza ang itsura niya ng hindi siya na-o-offend. Hindi niya tuloy mapigilang pagmasdan ulit ang calling card na ibinigay sa kanya ni Kizza habang pinupuntahan niya ang mga kaibigan sa backstage. Wearing his disguise as a geek guy, umupo siya sa tabi ni Isaac habang pinagmamasdan pa rin ang calling card.

"Hindi ka ba naiinitan sa suot mo? At bakit ba ngising-ngisi ka?" takang tanong ni Kiel sa kanya. He looked up at him still with the usual grin and took off the bowtie and loosen the buttons of his checkered shirt.

"Naiinitan din naman," sabi niya at tinanggal na rin ang walang gradong salamin niya. Everything he wears right now was just a disguise. At first, gusto lang niyang maging unfashionable para asarin ang half-sister niyang si Artemis dahil na rin sa naging childhoos experience nila sa isa't-isa. Art used to make fun of him as a child and when he realized it it was already too late to get revenge the same way. Kaya naman ang galitin at asarin na lang ito sa pagdadamit niya na para siyang geek, nerd, hippie at kung anu-ano pa ang kaya niyang gawin. Dati ay para iyon sa pang-iinis pero natutuhan niyang mahalin ang pagdi-disguise at naging hobby na niya.

"Eh yung ngisi mo di mo pa tinatanggal. 'Di ka ba nangangalay?" Tanong naman ni Grant na kadarating lang kasama si Noel.

"Here," maikling sagot niya at inihagis ang calling card sa gitna ng lamesa. "Hindi naman kasi nakakangalay ngumisi kapag naaalala ko ang nangyari sa labas. May chicks kasing napagkamalan talaga akong geek. Sabi niya kontakin ko daw siya kung kailangan ko ng fashion advice after I saved her from falling down," pagpapaliwanag sa mga kalalakihang nakatingin sa kanya ngayon at nagtataka kung bakit nga ba siya nakangiti.

"De Toaute Beaute Modeling Agency: Kizza Anette Dela Cruz [Owner]," basa ni Grant sa calling card ng ito ang unang gumalaw para kunin iyon.

"I'm a part-timer photographer there and knowing Kizza, talagang aalukin ka non ng fashion advice," napapangisi na rin si Isaac ng malaman ang pangalan ng chicks na nakita niya. "Ex-model siya at nasa fashion industry din ang mga magulang niya," dugtong pa nito.

"Hindi ba dapat naaasar ka dahil nilait yung hobby mo?" nagtatakang tanong naman ni Kiel sa kanya.

"Not in a slightest, Kiel, actually I find it really interesting kind of event. Ahh! Ewan, pero isa lang ang sigurado ko. I would like to see her again dahil mukhang magiging masaya ang medyo nagiging boring ng buhay ko," sabi naman niya sa lahat habang mas lumapad ang ngisi niya.

"I heard the name Kizza earlier. She's a good friend, Aaron, so better not do something stupid like earlier. Buti at di ka niya namukhaan or else hindi ko na maaatim pang magpakita sa kanya dahil sa iyo. I'll lose face!" nakataas pa ang kilay nito at makikita sa maganda at seryosong mukha nito ang iritasyon. She was being followed by John Trever o mas kilala bilang JT na 'napulot' ng ate niya at gawing official alalay nito.

"Mas masaya kung ganoon. Mas maaasar na kita habang natutuwa ako sa mga mangyayari sa amin ni Kizza and you will lose your face too!" gusto niya pang dagdagan ang galit ng ate niya at hindi naman niya nagkamali ng ginawa dahil nahampas siya nito sa balikat. "Hindi ko alam kung bakit ka nakakatagal sa kanya, JT," sabi niya habang hinihimas-himas ang nasaktang balikat.

"She's fun to be with at marami rin akong natututunan sa kanya," maikli pero may kabuluhang turan ni JT sa kanya. Hindi naman sa napulot talaga ito ni Artemis pero dahil nga sumasakit ang mata nito sa mga 'unfashionable' people ay napagtripan nito si JT na parang katulad niya ang suot pero dati iyon. Ngayon, napagkakamalan na si JT na isang model o artista dahil na rin sa tangkad at tikas ng katawan nito.

Napatingin siya sa kapatid at nakita niya ang pagmamalaki sa sinabi ni JT.

"Bulag lang si JT," sabi niya na lang dahil ayaw niya talagang natatalo sa usapan lalo na at si Art ang kausap niya.

"Whatever, Aaron," sabi nito at luminga-linga sa paligid. "Nasaan na ang mga kapwa mo baliw, Aaron?" tanong nito and the next thing they heard was the voices of the people she was looking for.

"Bff, yung totoo? Adik ka ba?" boses iyon ng baliw-baliwan na doktora sa grupo.

"Sa iyo? Oo naman! Makasama ka lang ay nagiging tatlo na ang season ng Pinas!" sabi naman ng bestfriend nitong bahista nila.

Kumaway-kaway siya sa mga ito para makuha ang atensyon ng dalawang babaeng bestfriend niya. Both of the lovely ladies smiled widely and ran towards him while shouting his name. Niyakap niya ang dalawa at nagkuwentuhan na. Tatlo silang baliw-baliwan sa grupo and for him it's fine, dahil kung puro sila lahat seryoso baka tahimik na ang gabi nila at hindi niya iyon makakaya. Mabuti na lang talaga at iba-iba ang ugali nila pero nagki-click parin silang lahat.

Everybody talked to different person at the same time ng magtanong si Noel. "Speaking of gathering. Kayo na ang susunod, andito na naman tayong lahat diba?"

Isaac nodded at tumayo na para kunin ang drumstick nito. "Andito na lahat ng nasa banda pero wala pa si Ericka."

Nang makita niyang nagre-ready na si Isaac ay inakay na rin niya ang dalawang babae para mag-ready na. Siya, si Isaac, si Grant, si Autumn at si Vicky ay nasa isang banda at ang pangalan ng banda nila ay Alpha Stellar. Dahil na rin nasa banda nila ang dalawa sa may-ari ng Evergreen ay naging house band na sila ng naturang lugar and all of them loved the idea. Atleast, they were having fun and earning money at the same time. Hindi naman nagtagal at dumating na rin ang laging late comer na si Ericka at nakipagbangayan ito kay Noel saglit pero dahil sila na nga ang susunod sa stage ay pinatigil na niya ang dalawa.

Pumunta na si Noel sa stage to stir up people para mas maging excited ang mga ito sa next band. As soon as ipinakilala na ang banda nila ay maririnig ang nakabibinging palakpakan at hiyawan ng mga tao. Pumwesto na sila sa kani-kanilang mga instrumento. He's a keyboardist and the lead singer kaya siya lagi ang nagsasalita sa grupo.

"Good Evening mga katoto!!!" masayang bati niya. "Naghintay ba kayo ng matagal? Sensya na, na-late kasi ang pinsan kong si Ericka eh," sabi niya at nakita niyang natatawa lang si Ericka habang nakaway sa pwesto ng mga kaibigan niya. "Hindi na naman kayo paghihintayin pa ng matagal! Our first song will be a rendition of For the first time by The Script! Sana magustuhan niyo!" sabi niya at tumingin na siya kay Isaac. Both their eyes met at alam na nito na umpisa na.

Habang nasa kalagitnaan ng kantahan ay napansin niya ang babaeng nakatingin at halatang nagugustuhan ang tugtugan dahil na rin sa nakikitang paggalaw nito. It was Kizza Anette. Nagkatinginan sila ng dalaga and he can't help but to winked at her na inignora lang nito and kept on swaying her head while he was singing.

"We're smiling but were close to tears. Even after all these years, we just now got the feeling that were meeting for the first time," pagkanta niya habang di niya maialis ang tingin sa dalaga. Hindi niya mapigilang maramdaman na sana ay magkita ulit sila or magkausap man lang. It was the first time na na-curious siya talaga sa isang tao. Hindi niya alam kung bakit pero he wanted to know why he was curious.



HABANG nag-e-enjoy siya sa pagtugtog ng Alpha Stellar ay hindi niya napigilang sulyapan si Aaron na crush niya noon pa. Nagulat siya dahil kinindatan siya nito, akala nga niya ay hindi iyon para sa kanya kaya inignora niya ito. Pero dahil nakikita niyang nakatingin lang ito sa kanya hanggang sa matapos ang unang kantang tinugtog nito at ng kabanda nito, ay nawari niyang para sa kanya nga ang kindat na iyon. Kinilig naman siya sa pag-iisip na kinindatan siya nito ng biglang naalala niya ang geek na lalaking nakasalo sa kanya kanina. Kung aayusan kasi iyon ay sure siyang magiging kasing gwapo ito ni Aaron. Just like Artemis' JT Project, parang trip niya ring gawing project ang geek na iyon. Habang iniisip ang project na iyon ay nakaisip siya ng magandang idea. She needed to talked to that geeky guy!

I'm definitely going to find him!

Continue Reading

You'll Also Like

352M 7.2M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
15.9M 298K 35
Five W Series 1 [Published Under LIB x Wattpad]
129K 8.6K 20
Kenny Rae B. Sinclair is a fourth-year college student. Pretty handsome but aloof and prefers to be alone. She has only two friends at school and has...
64.9K 2.8K 32
Everything started when the notorious troublemaker, Benj Ferrera, came back to school after months of being hospitalized due to a car accident and me...