Published: August 2, 2013
CHAPTER 9.2.3
TIMMY GIANNE's POV
At tulad nga nang napagkasunduan, inihatid ako ni Xial hindi kalayuan sa bahay namin. Bigla kong namiss ang umuwi. Matagal-tagal na rin.
"What time will I pick you up?" Nakangiwi pang tanong ni Xial at ang sakit sa balat nang sikat ng araw.
"'Wag mo na akong intindihin, sabayan ko na lang ang time nang uwi mo." Umiling ako at ayoko namang magpaka-importante sa kanya.
"Are we going to argue about this again?" Namaywang siya at bahagyang kumunot ang noo. Igting din ang kanyang panga at kung may sabihin akong kontra sa kanyang gusto ay paniguradong malalagot na naman ako.
"Sige na! Sige na! Mainit na kasi! Sige na!" Pagtataboy ko pa at noon na lumambot ang ekspresyon ng kanyang mukha.
"Goodbye kiss?" Pilyo pang sabi niya at pinaikot ko lang ang mga mata ko. Abusado rin ang kolokoy na 'to.
"May makakakita! Go!" Hindi na rin naman ako nagpakulit pa at naglakad na palayo dito.
"Call me, okay?" Paalala pa niya bago tuluyang pumasok sa sasakyan nito.
Hinintay ko na muna na tuluyan siyang makaalis bago pumunta sa aking munting tahanan. Bumuntong-hininga ako at wala sa sariling ngumiti. Dito ako sa lugar na ito may kalayaan.
Pero bago pa man ako tuluyang makapasok sa loob ng aming bahay ay may kung sinong tumawag sa akin, si Enchong! Ang bestfriend ko!
"Timmy!" Ngiting-ngiti pa niyang salubong sa akin.
"Whoa... ang gwapo mo bes a!" Halos hindi ko siya makilala dahil pusturang-pustura ang gayak niya. Madalang pa sa patak ng ulan ko siya makitang nakabihis nang pormal. Pero wala namang dudang gwapo siya.
"Siyempre naman, may trabaho na kasi ako. Bigatin na 'to 'no." Nagyayabang pang himig niya at pinaikot ko lang ang mga mata ko. Manipis siyang tumawa sabay kumindat-kindat.
"Wow naman, sosyal ka na, huh!"
"Mukhang pareho naman tayo, e." Mataman pa niya akong pinagmasdan mula ulo hanggang paa. "Mukha ka nang mamahalin ngayon. Mas lalo kang gumanda." Medyo seryoso pang pagkakasabi niya at ibig ko yatang maconcious.
"Hindi naman," ngumuso ako at hinapyawan nang tingin ang aking suot. Shit. Mamahalin nga pala ang damit na suot ko.
"Tagal mo nawala, it's been what? More than a month?" Taka pang tanong niya at bahagya pang kumunot.
"Ah, medyo busy lang sa work." Ngumiwi ako at hindi rin talaga ako komportableng magsinungaling sa kanya. Simula pagkabata ay magkaibigan na kaming dalawa. "Saan ba 'tong work mo na 'to? Bakit kahit ang nanay walang alam?"
"Diyan lang sa tabi-tabi." Pagsisinungaling ko pa at agad ring iniligaw ang usapan namin. "Kung may pasok ka, bakit nandito ka pa?"
"Nag half day lang ako. Ipapasyal ko kasi si Kelly." Ang tinutukoy niya ay ang nag-iisang kapatid nito.
"Oh..." Tumangu-tango ako sabay mahina ko siyang tinapik sa balikat. "Naku sige, sayang naman ang time ninyo."o. Intensyong pagpuputol ko pa sa usapan namin dahil ayoko nang dumami ang mga tanong niya.
"Wait, may cellphone ka na? Can I get your number para naman ma-text kita. Sobrang na-miss kita alam mo ba 'yun?"
"Wait..." Dinukot ko ang aking cellphone sa bag at huli na nang maisip kong mamahaling brand nga rin pala ang cellphone ko. Shit, Timmy.
"Whoa..." Rumehistro ang gulat sa kanyang mukha at ibig kong ipukpok ang cellphone sa aking ulo. Ang tanga lang, ah. "P-paano mo na-afford ang ganyang cellphone?"
"Huh?" Panandali akong natulala at mabilis na nag-isip. "Medyo maganda kasi ang napasukan kong trabaho." Pagsisinungaling ko pa.
"Ano ba talagang trabaho mo?" Kumunot siya at alam kong hindi siya kumbinsido.
"Office siya. Magandang kompanya." Alanganin akong ngumiti at mabilis na binuklat ang aking cellphone. Idinikta ko ang aking numero habang itinitipa rin niya iyon sa kanyang cellphone. Hindi ko kasi kabisado ang numero ko lalo pa nga't hindi ko rin naman masyadong nagagamit ang cellphone. Nangangapa pa rin kasi ako kung papaano gagamitin iyon.
"Thanks..." Tipid pa siyang ngumiti at hindi pa rin maikakaila ang pagtataka sa kanyang mukha. Parang gusto niyang magtanong pa pero pinipigilan lang niya ang kanyang sarili. Pero mas mainam na ring huwag na siyang magtanong. Hindi talaga ako komportableng gumawa pa nang kuwento. "Magtatagal ka ba diyan? Usap tayo later?"
"Naku, may pasok kasi ako bukas, baka umuwi rin ako kaagad." Palusot ko pa.
"Gan'un ba?" Nagkamot siya ng ulo at parang nalungkot. "Okay sige, text or tawagan na lang kita? Ayos lang ba sa'yo?"
"Okay sige..." Tumango ako at panay ang kabog ng puso ko sa sobrang kaba. Matalas din kasi si Enchong pagdating sa akin. Kilala niya ako.
"I miss you, bes." Pahabol pang sabi ni niya. "I'll see you when I see you?"
"Sure. I miss you too, bes."
Noon na siya naglakad paatras bago tuluyang tumalikod sa akin. Noon na lang din ako nakahinga nang maluwag dahil buti na lang at hindi na siya masyadong nag-usisa.
Pumasok ako sa aming gate at mas lalong nadoble ang kaba ko. Ayoko talaga magsinungaling kay nanay pero ayoko ring mag-alala siya. May kung ilang taon na rin kasi ang nakakaraan nang mamatay si tatay kaya kinargo ko talaga lahat ang responsibilidad sa pamilya.
"'Wag naman ganyan ka katagal mawawala, anak. Masyado mo akong pinag-aalala." Alalang sabi pa ni nanay Amelia. My super bait at magandang nanay.
"Masyado po kasing busy sa work, 'nay. Ang layo naman kasi if mag-uwian pa ako. Kahit Sunday may pasok ako." I lied. Sorry 'nay.
"Oo nga pala, anak. May naghahanap sa'yo n'ung isang araw," malungkot pang aniya. "Mukhang malapit mo na makita ang tunay mong mga magulang."
Napaawang ang labi ko sa kanyang balita. Matagal na panahon din akong naghintay. Hindi sila ang tunay kong pamilya. Sa kuwento ni nanay noon, I was around 12 years old n'ong makita nila ako ni tatay na duguan sa isang bakanteng lote. Pero walang nakakaalam kung anong nangyari sa akin dahil kahit ako ay walang maalala. I have amnesia. Sabi raw ng doktor, maaaring na-trauma ako sa nangyari kaya't wala akong maalalang detalye tungkol sa akin. I-turn over talaga nila ako sa police noon pero natakot ako at pinakiusapan kong 'wag nila akong dalhin doon. Naghintay na lang kami na may maghanap sa akin pero sa kasamaang palad, walang naghanap. I am 23 now. Kaya naman dahil sa ginawa nilang pagkupkop sa akin, I took the full responsibility na bigyan sila nang magandang buhay. Utang na loob ko ang buhay ko sa kanila. Kahit hindi nila ako nakikilala, kinupkop nila ako na parang tunay nilang anak.
"Ano pong sabi ninyo, 'nay?" Hindi pa man ay excited na ako.
"Babalikan ka raw nila dito." Mapait na sabi pa niya. Ramdam kong nalulungkot siya sa posibilidad na tuluyan na akong mawala sa kanila. Kaya nga nagsisikap ako nang husto para mapatayuan ko man lang nang maliit na tindahan si nanay sa harapan ng bahay. At kung dumating man ang araw na maalala ko na lahat ng mga nangyari sa akin, at least mayroon silang pangkabuhayan ni bunso.
"Kailan daw po?"
"Tatawag na lang daw sila. May dala silang picture mo." Sabi pa niya sabay dukot sa kanyang bulsa. Picture nga.
Agad na nanlamig ang mga kamay ko at kinuha ang picture sa kamay niya.
"This is me..." Hindi ko napigil ang emosyon. May dalawang tao akong katabi na hindi ko nakikilala.
"Iyan daw ang mama at papa mo." Nanginginig ang boses ni nanay pero nakangiti man siya ay bakas ang lungkot sa kanyang mga mata.
"Wala akong maalala..." Pumikit ako at kahit anong pagpipilit kong alalahanin ang lahat, wala talaga akong maalala. Tumulo ang luha ko at bahagyang humikbi. Kahit paano, may pag-asa na talagang makilala ko ang totoong mga magulang ko. "Puwede po bang sa akin na lang 'to?"
"Oo naman, anak." Pinisil niya ang aking pisngi.
"Tama na nga muna 'to." Pinahid ko ang luha ko sa pisngi. Halu-halong emosyon ang aking nararamdaman. Sa ngayon, gusto ko munang pasayahin sina nanay at bunso. "Mag-shopping naman tayo, 'nay. Gumayak kayo ni bunso." Pilit kong pinasigla ang boses ko. Ang tagal ko rin silang hindi nakita, miss na miss ko na sila.
"Shopping?" Kumunot siya pero nakangiti naman. I know na-excite siya.
"Oo naman! Bibilhin natin lahat nang gusto ninyo!" Nagyayabang pang himig ko at manipis naman siyang tumawa.
Akala siguro niya'y nagbibiro ako. Hindi naman din birong halaga ang sinusuweldo ko kay Xial. Kung tutuusin ay kaya ko nang pagawan nang maliit na tindahan si nanay pero ayaw ko rin naman siya biglain. Uunti-untiin ko lang.
At tulad nang pangako ko, namasyal at pinag-shopping ko sila nanay at bunso sa mall. Sarap din sa pakiramdam na makita silang masaya. Sana maipakilala ko rin si Xial sa kanila. Inalog ko ang aking ulo at nasosobrahan na yata ako sa pangangarap. Impossible ang iniisip ko. Hindi ko naman alam kung hanggang kailan kami magiging mag-asawa.