MEI'S POV
Palingon-lingon ako habang mabilis na naglalakad palabas ng NAIA.
Ang buwisit na Danilo, mabuti at naisahan ko. Kung hindi ko pa pinabili ng mineral water, siguro nakabuntot pa rin sa akin hanggang ngayon.
Ni hindi ako nakaidlip man lang sa eroplano dahil sa pangungulit niya sa address ko.
Kaya yun, yung adress ng condo ko sa Makati ang ibinigay ko. Kahit tumambay pa siya doon, wala siyang mahihintay na Mei dahil sa Pangasinan ako uuwi.
"Araaaaay! Tumingin ka naman sa dinadaanan mo!"
Daing ng babaeng nabangga ko.
Dahil sa kakalingon sa likuran ko, di ko na tuloy nakita ang babaeng nakasalubong ko.
"Sorry Miss. Nagmamadali kasi ako."
Nanlaki ang aking mga mata nang makilala ko ang babae.
"Therese Rhodessa Isadorra!"
"Mei Ann!"
Ang lakas ng tili nito at sinunggaban ako ng yakap.
"Gagi! Ikaw nga! Biruin mo, ang cute-cute mo pa rin, Trodis. Hindi ka na talaga tumangkad bruha! Hanggang limang talampakan ka lang talaga!"
"Ikaw rin Mei Ann. Walang nagbago sayo, maganda ka pa rin pero ang liit pa din ng boobs mo!"
"Shutangina! Lumaki na kaya! Nagba-bounce na kapag naglakad ako ng mabilis. Samantalang noon kahit tumakbo at mag-skipping-rope ako, hindi yumuyugyôg!"
"Ay ganun? So dinispatsa mo na ang mga silicon brěast pads na ginagamit mo noon?"
Tumatawang sabi niya.
Hmp! Porke malalaki ang boobs nila ni Chequi, minamaliit talaga ang mga boobs ko.
"Oo Trodis! Hindi ko na kailangan ang mga yun. See? Halata na ang umbok sa dibdib ko."
Lumiyad ako at nagpose sa harap niya.
"Oo nga! May bukol na Mei! May naidulot pala ang kung
ano-anung breast enhancement exercises na ginawa mo noon."
"Siyempre! Bakit ang laki naman yata ng luggage mo? Saan ang destinasyon mo, Trodis?"
"Sa Singapore lang."
"Maglalakwatsa ka doon? Manlalalake? Bakit hindi mo kasama ang donya mong Lola?"
"I'll be working there."
"Wow! Talaga? Anong work mo doon, Financial Analyst?"
"Domestic Helper, Mei."
"Ay tange, ang yaman-yaman mo, magpapaalila ka lang doon? Ang susungit pa naman daw ng mga Singaporean lalo na ang mga babae. At sobrang selosa daw. Makakatagal ka kaya doon? Anong trip yan, Trodis?"
"Mas maigi na yun kaysa makasal ako kay Magnum Policarpio."
"Gagi ka talaga, Trodis. Magnum. Pangalan pa lang yummy na."
"Yan ang akala mo. Iniisip mo kasi ang Ice cream na magnum kaya sinabi mong yummy. Pero mali ka, Mei. Nakakasuka ang hitsura nun. Puwedeng gawing model".
"Ng Kalvin Clein?"
"Ng kabaong. Kasi mukhang kalansay!"
"Hahahaha! Sige Trodis, layas na kung ganun. Susuportahan kita. Ayuko namang malahian ka ng mukhang bangkay. Pero paano na ang negosyo ng Lola mo? Sayo pa naman ipapamana?"
"Yun pa Mei. Yun pa ang isang dahilan kung bakit lalayas ako. Sa ganda kong ito, ipapamanage ba naman ang pagawaan ng kabaong at Chains of funeral homes na negosyo ng abuela ko? Hindi ko ma-take, Mei. Feeling ko, araw-araw akong kinakawayan ni Kamatayan. That business is so morbid!"
"Tama ka. Kahit ako man ayukong hawakan ang ganun na negosyo. Pero ang tanong, makakayanan mo bang mag-DH? Noon nga, hindi mo malabhan ang panty mo na may bahid na dugo tuwing nireregla ka, yun pa kayang magluto at maglinis ng buong bahay?"
"Kakayanin ko, Mei. Saka Filipino naman daw ang amo ko. Mag-isa lang siya sa bahay. So kaming dalawa lang. Saka mukhang mabait ang pangalan nito."
"Gagi! Pangalan ang pagbabasehan mo ng ugali?"
"Eh kasi ba naman Mei, Brandon ang pangalan. Katukayo niya yung gumanap na Superman Returns. Kaya sinabi kong mabait."
"Oh siya, siya! Kung yan ang sabi mo eh di yun. Good luck na lang sayo. I-add mo na lang ako sa Wechat."
"Sige Mei. Si Chequi ba may Wechat din?"
"Aba'y oo! Doon siya unang nagdalaga at kumarengkeng."
Ang lakas ng hagikgik namin.
"I need to go Mei, male-late na ako sa flight ko."
Nagyakapan muna kami bago nagpaalam sa isa't isa.
CHEQUI'S POV
"Bakit siya umuwi ng Pilipinas? Nag-away kayo?"
Nang-aarok na tanong ni Mommy sa akin.
Tumawag kasi siya kanina at sinabing bibisita siya sa flat namin ni Dan.
Siya kasi ang umasikaso ng lahat para sa nalalapit naming kasal ni Danilo.
"Hindi kami nag-away. May importanteng inasikaso lang. Babalik din siya agad."
"Kung ganun bakit mukhang balisa ka? Natatakot ka ba na magbago ang isip ng fiancé mo?"
Hindi ako nakasagot.
3 days na kasi si Dan sa Pilipinas pero hanggang ngayon ni isang text o tawag man lang, wala akong natanggap mula sa kanya.
Mabuti pa kay Mei, updated ako sa mga ginawa nito sa Pangasinan.
At ngayon nga ay nasa Makati na si Mei.
Bumuntong-hininga si Mommy. Kahit hindi ako magsalita, expression pa lang ng mukha ko, kada kurap palang ng mga mata ko, alam na niya na may bumabagabag sa akin.
Ganun siguro ang mga ina.
There's this immediate unreasoned understanding that a mother has toward something regarding the well being of her child.
Mother's intuition ika nga nila.
"Kung ganyan na nag-aalala ka kay Danilo, bakit hindi mo siya sundan Chequi? 10 days na lang, kasal niyo na."
Gusto ko mang sundan, pero ni address niya sa Pilipinas hindi ko alam. Nakakatawa lang isipin na nagsasama kami bilang mag-asawa at malapit na kaming ikasal at lahat pero hindi ko man lang alam kung saan siya nakatira sa Pilipinas.
"Don't tell me na hindi mo alam ang address ni Dan sa Pilipinas!"
Ang lakas ng radar ni Mommy. Pati iniisip ko alam niya.
"I know. Siyempre alam ko ang address ni Dan."
Pagsisinungaling ko.
Nakakahiya kasing sabihin na hindi. Sasabihan pa akong tanga.
Inaamin ko naman na malaking katangahan ang hindi ko man lang pag-usisa kay Dan ang tungkol sa tirahan nito.
"Kung ganun, sundan mo! Huwag kang magpatumpik-tumpik, Chequi. Baka hindi mo alam, marami palang babaeng naiwan sa Pilipinas ang fiancé mo. Mabuti nang matuklasan mo ng maaga. Ito na kasi ang sinasabi ko noon pa sayo. Na huwag padalos-dalos sa pagdedesisyon. Pero ang tigas-tigas ng ulo mo!"
"Oo na, Mommy. Susundan ko na siya sa Pilipinas."
Pagkaalis ng Nanay ko, agad kong tinungo ang kuwartong ginawang office ni Dan dito sa flat namin.
Inisa-isa kong tinignan ang mga calling cards sa ibabaw ng desk niya pero address lang ng ODB ang nakalagay doon.
Isinunod kong chineck ang mga drawer sa desk niya.
Laking pasasalamat ko dahil hindi naka-lock ang mga ito.
Napangiti ako nang pagbukas ko palang sa unang drawer ay may nakita akong asul na notepad.
Nakasulat ang adress ng ODB architectural firm pati ang kumpletong adress ng bahay ni Dan sa Pilipinas.
Tama si Mommy.
Hindi ako dapat na mag-aksaya ng oras. Ikakasal na kami ni Danilo. Kaya dapat lang na maging alerto ako sa bagay-bagay.
Isa pa may karapatan ako sa kanya.
MEI'S POV
Nakalapag na pala ang eroplanong sinakyan ni Chequi. Susunduin ko sana pero tumanggi siya. Siguro dahil si Danilo ang sumalubong sa kanya sa airport. Mabuti naman kung ganun.
Mula kaninang pagkarating ko sa condo ko, hindi na ako mapakali dahil sa boquet na natanggap ko.
Actually hindi naman talaga ang boquet ng carnation ang ikinakabahala ko. Kundi dahil sa nakasulat sa card.
Nanginginig ang kamay kong dinampot uli ang maliit na pulang sobre at binasa ang card na nasa loob for the 4th time.
MEI ANN BRILLANTES,
I want to see you, AGAIN.
Isasauli ko ang black leather wallet na nawala mo noong September 9, 2012.
Let's meet in Sta. Praxedes tomorrow, at exactly 6:00 pm.
Sa mismong building kung saan ka nagahasa.
Trust me. I won't hurt you.
Mr. D.R.R.L.
Nakaramdam ako ng kaba at takot. Siento porsiento, yung rapist ang nagpadala nito sa akin.
Pero napakalaking palaisipan sa akin kung paano nito nalaman ang address ko.
Mukhang updated kasi alam nitong umuwi ako ng Pilipinas.
Ano kaya?
Pupunta ba ako?
CHEQUI'S POV
Pagkababa ko sa taxi, napanganga ako sa laki at ganda ng bahay ni Dan sa Forbes Park. Mayaman nga talaga!
Ilang beses kong pinindot ang doorbell.
Ang tagal namang bumukas.
Baka nasa ODB siya.
Pero kahit ganun, may kasambahay dapat na siyang magbubukas ng gate.
Pero naisip ko rin na sa taglay ni Dan na kakuripotan, baka walang stay-in na helper.
Aalis na sana ako sa tapat ng gate nang bigla itong bumukas.
"Hi Miss, pasensya na kung natagalan akong pagbuksan ka."
Nakangiting sabi ng isang babae.
Naumid ang dila ko sa kakatitig sa napakaganda niyang mukha.
Ang puti-puti at pang-modelo ang katawan. Nakasuot lang ng fitted white blouse at maiksing pink na walking shorts.
Ngayon alam ko na.
Kaya pala nagmamadaling umuwi si Dan sa Pilipinas kasi may babae rin siya dito. At ibinahay talaga!
"Hey, Miss. Baka matunaw ako sa kakatitig mo sa mukha ko." Nakangiting sabi niya. Mukhang mabait pero hindi niyon nagawang palisin ang sama ng loob na nararamdaman ko ngayon. Gusto ko na ngang umiyak.
Kumaway siya sa harap ng mukha ko.
"Are you okay? Namumutla ka. Ano nga pala ang sadya mo?"
"My....my fiancé. D-dito siya ...nakatira."
Pigil ang iyak na sabi ko.
Biglang nag-iba ang timpla ng mukha niya. Kung kanina naging magiliw ngayon parang tinitimpi ang galit.
Pareho lang naman kami ng nararamdaman.
"Come."
Mariin niyang sabi.
Nakasunod lang ako sa kanya.
Bumagal ang paglalakad ko nang makita ko ang napakalawak at napakagandang garden.
Nasisinghot ko ang mababangong halimuyak ng sari-sari at makukulay na bulaklak.
Ang suwerte naman ng babaeng ito.
Pinatira talaga ni Dan sa
mala-palasyong bahay at mala-paraisong hardin.
"Sit there."
Turo niya sa akin sa mahaba at mamahaling sofa.
Iginala ko ang paningin ko sa malaking living room.
Naghuhumiyaw ng karangyaan ang bahay.
Umagaw sa pansin ko ang napakalaking portrait ng babae sa sala.
Mukhang mahal na mahal ni Dan ang babae.
Gusto kong takpan ang dalawang tainga ko nang sumigaw ng pagkalakas-lakas ang babae.
"Danreb Floooyd!!!!! Peste kang blood sücker ka!!!!! Come here!!!! Now!!!!!"
Nag-echo sa buong kabahayan ang malakas na sigaw ng babae.
"Sweetheart! Bakit sumisigaw ka na naman? Don't tell me na naglilihi ka ulit?"
Napanganga ako nang bumulaga sa sala ang napakatangkad at nakajogging pants lang na lalaki. Walang suot na t-shirt. Kaya naman nakalantad ang magandang hubog ng dibdib.
My God! Ang gwapo naman ni Mr. Cleft Chin.
Kahawig niya si Brandon Routh!
"Peste ka!!! Dalawa na nga ang anak natin, nambababae ka pa rin??? Sabi mo matagal ka nang nagretire sa pagiging total package playboy mo!!!!"
"Nagretiro na nga, Sweetheart mula nang makita at makaniïg kita sa Waterfalls."
"Liar!!!! Yan! Tignan mo ang babaeng yan! Fiancé ka daw niya, peste ka!!!! Lalayasan na talaga kita!!!"
Napalunok ako nang lapitan ako ni Mr. Cleft Chin.
Nakakatakot ang tingin na ipinukol sa akin.
"You, homewrěcker. I don't. know. you! Kaya bawiin mo ang sinabi mo sa asawa ko!"
Nanginig ako sa klase ng tingin ni Mr. Cleft Chin. Parang mangangain ng tao.
"Ahmm... I...I'm so sorry. Mali ang ....ang..adress na..na pinuntahan ko. Pasensya na talaga."
Nagkanda-kandautal kong sabi.
Lumapit sa akin ang babae.
"Sigurado ka? Baka natakot ka lang sa lalaking ito. Look Miss, hindi ko papanigan ang blood sücker na ito kung babae ka niya talaga. Nagpanggap ba siyang binata? Pinangakuan ka ba niya ng kasal kahit pamilyadong tao na? Hihiwalayan ko kung talagang niloko ka. Kung niloko tayong pareho."
"H-hindi. Honestly, ngayon ko lang siya nakita. Nagkamali talaga ako ng bahay na pinuntahan. Hindi ito ang address ng fiancé ko. Pasensya na sa abala."
Agad akong tumayo.
"Sandali. Magmeryenda ka muna."
She offered sincerely.
"Thanks. But no thanks. Pupuntahan ko pa kasi ang mapapangasawa ko."
Hiyang-hiya akong umalis.
Pero nakaramdam ako ng galak knowing na hindi iyon babae ni Danilo.
May asawa na pala siya at ang gwapo ni Mr. Cleft Chin. Napanganga talaga ako.
"Keep the change, Manong."
Sabi ko sa taxi driver nang makarating ako sa bahay ni Dan sa Bel Air.
"Thank you, Ma'am."
Pagkatapat ko sa gate, saktong bumukas ito.
Lumabas ang medyo matabang babae na sa tantiya ko ay lampas singkuwenta ang edad.
"Hello Manang! Magandang hapon po."
Magalang na bati ko.
"Magandang tanghali rin sayo Ineng. Ano ang kailangan mo?"
"Ako po ang fiancée ng lalaking nakatira dito, Manang. Yung pakakasalan niya sa Hong Kong sa February 14."
"Por Dios Por Santo."
Usal nito at nag-sign of the Krus.
"Nandiyan po ba sa loob ang fiancé ko?"
"Ah...o-oo, Ineng. Sige pasok ka na. Aalis kasi ako. Pinag-day-off ako bigla. Apat na araw ang ibinigay na pahinga ko with pay. Bilisan mo ngayong nasa main door pa ang amo ko."
"Thank you, Manang. Happy holiday sayo."
Nakangiting sabi ko at mabilis akong pumasok sa gate.
Mabuti at wala akong dalang luggage. Tanging handbag lang.
Patakbo kong tinungo ang main door.
Hindi patatalo ang bahay na ito sa mga nadaanan kong kabahayan kanina. Sabagay mayayaman lahat ang nakatira dito sa Bel Air.
"Who are you? Bakit basta ka na lang pumasok?"
Natigil ako sa paghakbang nang makita ko ang babae na papasok na sana sa loob ng main door.
Nakasuot lang ng pulang robe na hanggang kalahati ng hita. Napakaganda!
Ang kinis ng pagka-morena at perfect ang kurba ng katawan.
My God! Ito na yata ang inuwian ni Dan kaya hindi man lang ako naalalang itext at tawagan.
"I'm talking to you."
Tila naiinis niyang sabi.
"I need to talk to my fiancé. Ito ang address niya."
"Really?"
Taas ang kilay niyang sabi. Mukhang maldita ang babaeng ito.
"Yes. Kung hindi ako nagkakamali, ito ang bahay niya. In fact, malapit na kaming ikasal."
"How soon?"
Tanong niya na nahihimigan ng galit.
"February 14."
"Follow me."
Ang bibigat ng hakbang ng babae na pumasok sa loob ng mansion. Ni hindi man lang ako pinaupo nang marating namin ang receiving area.
"Labrador!!!! Labrador!!! Lumabas ka Ugok ka!!!!! Mapapatay talaga kitang babaero ka!!! ....Matapos mo akong puyatin gabi-gabi, may gana ka pang mambabae!!! Hay0p!!! Animal kang Ugok ka!!! Matatanggap ko pa kong replica kong bl0w-up doll ang hinahälay mo, huwag lang ang ibang babae!!!! Labradorrrrr!!!!!"
Ang higpit ng pagkakatakip ko sa dalawang tainga ko.
Grabe namang makasigaw ang babae. Parang mega phone lang. Ano ang sinabi, Labrador? Kawawang aso, sinisigawan na lang ng ganun.
"Mink! Sa sala na ba ang round 9?"
Napasinghap ako nang makita ko ang lalaki na bumababa sa hagdan.
Tumulo yata ang läway ko nang makita ang katawan.
Hubô't hübad na katawan.
At....at yung arï niya lang ang may takip.
May nakapulupot na....bandagę????
Anong nangyari?
Nagasgasan ba? Nabali?
O naputol kaya?
"Huwag mong pagpiyestahan ang king cobra ng mister ko!"
Galit na sigaw ng babae sa akin.
Nag-init ang mukha ko dahil sa sinabi ng babae.
Nahuli pala akong nakatingin sa....sa arï ng asawa niya. Ang haba kasi! At agaw pansin kasi nakatirik at may nakapulupot.
"Izang, bakit ka ba naninigaw?"
Iniwas ko ang tingin ko sa lalaki. Nadako ang tingin ko sa center table.
May goodness! Akala ko ba naman iba't ibang klase ng chocolates ang laman ng crystal bowl na nasa center table.
Condôm pala. Punong-puno ng condôms!
"Isuot mo yan, Ugok ka!!!"
Napalingon ako sa babae na nagngangalan ng Mink or Izang.
Hinubad niya ang suot niyang pulang rôbe at inihagis sa lalaki. Kay Mr. Nakakatulo ng läway.
Tanging undies na lang ang suot ng babae.
"May bisita ka pala, Mink. Hi Miss beautiful."
Napalunok ako ng sunod-sunod nang ngitian ako ng lalaki.
Parang hindi ko maramdaman ang mga binti ko. Ngiti pa lang nakakapanghina na ng tuhod.
"Oo, Ugok! Fiancée mo daw!!!! Animal ka!!! Kahit pagod na ako, pinagbibigyan pa rin kita kapag humihirit ka ng bonus round tapos pagtataksilan mo lang ako!!! I hate you!!! I hate you to the core!!!"
Humagulgol ng iyak ang babae
"Hindi kita pinagtaksilan, Mink. Ikaw lang kaya ang mahal ko."
Niyakap ni Labrador or Ugok ang babae.
"Eh bakit nandito yan? Hinahanap ka. Pakakasalan mo daw sa February 14."
"Husssh. Tahan na. Sinungaling ang babaeng yan. Ni hindi na ako tumingin at tinigasan sa ibang babae mula noong unang beses na magjěrjer tayo. Naalala mo yung first r0und the clock shâg natin noon? Hindi mo pa ako sinasagot noon pero faithful na ako sayo. Ngayon pa kaya na asawa na kita at may baby Eve na tayo?"
"Eh bakit nga nandito ang babaeng yan?"
Turo ni Izang sa akin.
"Bakit ka nga ba nandito?"
Tanong ng lalaki.
"Sorry. Hinahanap ko kasi si Danilo Ron Reberos Lau. Akala ko ito ang bahay niya. Mali pala ang nakuha kong adress."
"I-ikaw ang fiancee ni Danilo?"
Gulat na tanong ni Izang or Mink.
"Oo. Ako nga. Sorry kung nabulabog ko kayo."
Hingi ko ng paumanhin.
Nagulat ako sa sumunod na ginawa ng babae. Niyakap niya ako.
"Ikaw pala! Akala ko ginu-good time lang kami ng lalaking yun. Totoo palang ikakasal na siya. Sorry. Natarayan pa kita."
"Mink, tama na yan. Huwag mo siyang yakapin. Baka tomboy yan."
Hinila ni Labrador or Ugok ang asawa niya.
"Ang seloso mo talaga."
"Round 9 Mink."
"Mahiya ka nga! May bisita tayo."
"Aalis na siya, Fel. Di ba aalis ka na? Hahanapin mo pa ang pangit mong fiancé?"
Baling ni Labrador sa akin.
"Manjoe, huwag ka ngang bastos!
Ihahatid natin siya sa bahay ni Danilo."
"Pero nangako ka na may round 9 pa kung titigâsan ako hanggang sa tawagin mo ako. Matïgas pa ang King Cobra ko, Mink. Kasi mahigpit ang pagkakapulupot ko ng bandage."
"Ang libog mo talaga. Makakapaghintay yan, Manjoe. Ihahatid muna natin siya."
Nakita kong sumimangot ang lalaki.
"Huwag na kayong mag-abala pa. Tutuloy muna ako sa condo ng kaibigan ko."
Sabi ko kay Izang.
"No. Mas mabuti kong ihatid ka na namin."
Giit ni Izang.
"I'm okay. Pasensya na talaga kung naligaw ako. Nice to meet you both."
Inihatid ako ni Izang hanggang sa labas ng main door.
"Take care Chequi!"
Sabi niya.
Ngumiti ako at kinawayan siya.
Hiyang-hiya akong umalis.
Bukas ko na lang puntahan si Danilo sa ODB.
Tutuloy muna ako sa condo ni Mei.
"Mabuti at dumating ka na, Chequi. Kanina pa kita hinihintay."
Seryusong sabi ni Mei nang papasukin niya ako sa condo niya.
"May lakad ka yata, Mei."
Puna ko.
Nakabihis kasi ito at nakaready ang travelling bag niya.
"Oo, Chequi. Aalis tayo ngayon din."
"Kadarating ko lang. Saan ba ang lakad natin?"
"Sa Sta. Praxedes, Chequi. May katatagpuin tayong tao."