LOVE until it hurts no more...

By lifeistooshortSMILE7

1.2K 7 0

Hanggang kailan ka ba dapat magmahal? Hanggat may dahilan ka para mahalin siya... Kahit nasasaktan ka na at... More

INTRODUCTION
CHAPTER 1:
CHAPTER 2:
CHAPTER 3:
CHAPTER 4:
CHAPTER 5:
CHAPTER 6:
CHAPTER 7:
CHAPTER 8:
CHAPTER 9:
CHAPTER 10:
CHAPTER 11:
CHAPTER 12:
CHAPTER 13:
CHAPTER 14:
CHAPTER 15:
CHAPTER 16:
CHAPTER 17:
CHAPTER 18:
CHAPTER 19:
CHAPTER 20:
CHAPTER 21:
CHAPTER 22:
CHAPTER 23:
CHAPTER 24:
CHAPTER 25:
CHAPTER 26:
CHAPTER 27:
CHAPTER 28:
CHAPTER 29:
CHAPTER 30:
CHAPTER 31:
CHAPTER 33:
CHAPTER 34:
CHAPTER 35:
EPILOGUE...

CHAPTER 32:

16 0 0
By lifeistooshortSMILE7

CHAPTER 32

Jane

Habang tumatakbo ako palayo sa lugar kung saan nandun ang lalaking nagawang paglaruan ang nararamdaman ko.

Samo't sari na ang tumatakbo sa isip ko.

Halos lahat na siguro ng depinisyon ng sakit ay naramdaman ko na.

Para ngang nagkameron ako bigla ng multipersonality disoder. Bipolar.

Grabe! nakakabaliw na 'to!

I want to escape from this pain. Kahit ngayon lang oh.

Kakatakbo ko hindi ko na alam kung saan na'ko dinala ng mga paa ko, pero wala na akong pakialam.

All I want is to get away from this very painful chord.

Gusto kong magwala, gusto kong sumigaw, gusto kong tumigil na'tong mga luhang kanina pang patak ng patak hindi man lang makisama, gusto kong magpakalasing, mang-away, manapak, manampal. Gusto kong magkulong muli sa silid na madilim na may malaking screen.

Sh*t! Gusto kong makalimot sa sakit. Kahit ngayon lang.

Biglang tumunog ang ringtone ng phone ko. Si Mommy, tumatawag. Nagdadalawang isip ako kung sasagutin ko ba ang tawag ni Mommy.

Baka nag-aalala na sila.

"Hello, Ma." I tried to sound normal.

"Nasaan ka? Kanina ka pa naming hinihintay. Tumawag din sina Sarah at Cathy, umalis ka raw." Nag-aalalang sabi ni Mommy sa kabilang linya.

"Papunta na po ako Mommy don't worry. I'll be there. Bye." Hindi ko na hinintay si Mommy sa susunod niyang sasabihin. I turn off my phone.

Nakakabaliw talaga!

Tama! Graduation day ngayon, araw ko 'to. Sino ba naman ako para ipagkait sa sarili ko ang magsaya sa espesyal na araw na 'to.

Sino sila para sirain ang isa sa pinakahinintay kong araw sa tanang buhay ko.

Mga walang kwentang lalaki!!!

Dapat sa kanila pinuputulan ng ano!!!

Grrrrrr!!!

Marami akong kaibigan na nand'yan para sa'kin. Mahal ako ng pamilya ko at maraming kamag-anak namin ang naghihintay sa pagdating ko sa restaurant. I'm so selfish naman siguro kung ipagkakait ko sa kanila na batiin, yakapin at i-congratulate ako dahil finally graduate na'ko.

Dahil sobrang wasted ako ngayon at hindi ko na maitsurahan ang kagandahan ko. Umuwi na muna ako ng bahay. Si Manong Baldo lang ang nandito, guard namin. Nasa party na siguro silang lahat.

Pumunta ako sa bedroom ko. Kinuha ko ang pinakamaganda kong damit na binili ko 'nung isang Linggo, para talaga sa araw na 'to. I put some make up on my face. Nagpaganda ako ng husto.

After retouching, I said to myself through the reflection of myself on the mirror, "Maganda ako, at hindi sila kawalan sa buhay ko. Sila ang nawalan."

Pumunta na ako sa San Antonio Restaurant at pagkadating na pagkadating ko, agad akong binati ng mga pinsan, kamag-anak, kakilala at kaibigan nina Mommy at Daddy.

"You look great today. Ang ganda talaga ng pamangkin ko." Sabi ni Tita Bianca.

"Oh sweetie. Kanina ka pa naming hinihintay. Saan ka ba galing?" Saad ni Mommy ng makita ako.

"Nagpahinga lang po ako ng konti at nagretouch." I said smiling.

"Ok ka na ba? Oh hala kumain ka na muna. Mamaya punta ka sa table ng ninong at ninang mo, at sa iba mo pang mga tita at tito. Kanina ka pa nila gustong makita."

Tumango na lang ako kay Mommy.

Alam ko namang ibibida na naman nila ako. Wala namang masama dun. Pinapakita nga nila na proud sila sa'kin eh. Ang kaso ayaw ko ng ganung set up.

Ang saya ng mga tao ngayong gabi. May mga sumasabay sa tunog na nakakainganyo sa pamamagitan ng pagsasayaw.

Ang dami ring pagkain, umaapaw. Ang dami rin palang bisitang dumating. Ang saya nilang panuorin, parang wala silang kapro-problema sa buhay. Kanya kanyang tawanan, kwentuhan at bidahan ang kanilang pinagkakaabalahan. Hindi ko maiwasang mainggit sa kanila. Buti pa sila masaya.

Hindi ko na namalayan ang paglipas ng gabi. At sana hindi ako pagalitan nina Mommy at Daddy. Kawasat sila may paalak-alak pa silang binili, at grabe ang lakas ng tama ng tequila'ng 'to. I feel so hot.

Dumating din sina Bessy Sarah at Cathy, pero sandali lang sila dahil mayroon pa rin silang celebration with their parents and constituents. Dumaan lang talaga sila para i-check ang kalagayan ko. Ang sweet talaga ng mga Bessy ko. Kaya love na love ko 'yang mga yan eh.

Kinulit nila ako ng sobra, kung ano raw ang nangyari, kung bakit ako nag run away. Sobrang bothered sila.

Sabi ko naman, let's enjoy this night. Eh, 'yun napagod na rin ata kakukulit, pinagbigyan din ako sa aking hiling.

Alam ko naman na concern lang talaga sila pero hindi pa ko handang i-broadcast sa kanila ang sakit na nararanasan ko ngayon.

Nagpaalam na ako kayna mommy, daddy at sa mga kamag-anak ko. Nagpasalamat din ako sa kanila at sa lahat nang dumalo. Gusto ko na kasing umuwi, pagod at hilo na rin ako. Buti nga hindi ako natumba eh. Mahirap na kung nagkataon. Grabeng embarrassing na naman 'yun.

Pumayag naman sila. Sumama naman sa'kin si Sofia, bored na at antok na rin.

Pagdating namin ng bahay, WALASTIK! talaga. Nakita ko ang pagmumukha ni Clive sa harap ng gate namin.

Hatinggabi na rin, hindi ba siya nag-celebrate. Nang mapansin niya na ipapasok na ni Mang Simon ang kotse sa loob ng parking lot sa bahay. Kinatok niya ang bintana ng kotse na sinasakyan ko.

Hindi ko siya pinansin. Ayaw ko nga siyang makita, kausapin pa kaya.

Baka kung ano pa ang magawa ko sa kanya. Malakas pa naman ang tama ko ngayon.

I heard him shouting outside the house. At dahil ayaw kong marinig ang boses niya, I put my headset on, pinatugtog ang mga kanta na hindi ko naman maintindihan na.

Dahil medyo marami rin akong nainom, hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako.

Clive

Pagkatapos na pagkatapos kong mag-celebrate ng graduation day kasama si Dad, Mommy at iba ko pang kamag-anak at mga kakilala ng parents ko, agad kong hinanap si Jane.

Hindi umattend si Kuya Charles sa graduation celebration ko. Siguro galit talaga siya dahil sa mga sinabi ko.

Nung umalis si Jane, hababulin ko na sana siya. Hahanapin, pero hindi ko naman alam kung saan siya pumunta.

Bad timing.

Tumawag na si Dad, nasaan na raw ako. Magsisimula na raw ang graduation celebration ko.

Gustuhin ko man na hindi pumunta, hindi pwede, alam kong magagalit sila sa'kin at nakakahiya naman sa mga taong dumalo kung 'yung taong dahilan kung bakit sila nandun sa bahay namin eh wala at hindi nagpakita.

Hindi ko masyadong na-enjoy ang kasiyahan. Dahil ang iniisip ko ay kung nasaan na ba si Jane, at kung ano nang nangyari sa kanya?

Hindi ko mapapatawad ang sarili ko pag may nangyari sa kanyang hindi maganda.

Kasalanan ko rin naman.

Sana hindi na lang ako pumayag sa pinagusapan namin ni kuya.

Sana hindi na lang ako nandamay ng iba. Sana hinintay ko na lang ang panahon na mapapatawad din ako ni Kuya Charles.

Hindi 'yung ganito, nawala sa'kin bigla ang taong hindi man lang naramdaman ang pag-ibig na gusto kong ilaan lamang para sa kanya.

Pumunta ako sa bahay nina Jane. Tanging ang gwardiya lang nila ang nandoon. Sabi niya nasa party pa raw.

Natuwa naman ako ng konti sa narinig ko, buti naman nagsasaya siya ngayon.

Ang tanga ko talaga.

Matagal din akong naghintay sa harap ng gate ng bahay nina Jane, pinapapasok naman ako ni Mang Baldo, pero sabi ko dito na lang ako sa labas maghihintay.

Mga around twelve in the evening may dumating nang kotse.

Si Jane ang nasa loob.

Sinubukan kong katukin ang bintana ng kotse niya nagbabakasaling bubuksan niya ito.

Nakapasok na lang ang kotse niya sa bahay nila, hindi man lang niya ako pinansin.

Hindi pa rin ako sumuko, mula sa labas ng bahay niya nasisigaw ako.

"JANE LET ME EXPLAIN!!!"

"MAHAL NA MAHAL KITA JANE!!!"

Halos mapaos na ko't lahat hindi man lang siya lumabas o dumungaw man lang kahit konti sa bintana ng kwarto niya.

Maya maya lumabas ang nakakabatang kapatid ni Jane, si Sofia.

"Hindi ko alam kung ano ang hindi mo ma-gets. Halos isa't kalahating oras ka nang nagsisigaw d'yan eh hindi pa rin siya lumalabas. Siguro tulog na 'yun. Lasing kasi. Gusto ko rin namang matulog at syempre 'nung mga neighbors namin dito. Sana naman kung ano man n'yong problema n'yong dalawa please wag na kayong mandamay ng iba. Magpatulog din kayo. Siguro bukas, baka kausapin ka na niya pero ngayon mukhang malabo pa sa sikat ng buwan. Kaya Kuya Clive, umuwi ka na muna. Magpahinga ka na rin. Goodnight."

Halos hindi nagkakalayo ang ugali nilang dalawa ni Jane. Para ngang mas mataray pa siya.

Sa sinabi niyang 'yun. I decided na umuwi na.

Pero ito ang pinapangako ko Jane gagawin ko ang lahat para patunayan sa'yo na mahal kitang talaga.

Continue Reading

You'll Also Like

119K 4.9K 36
Everything started when the notorious troublemaker Benj Ferrera came back to school after months of being hospitalized due to a car accident and met...
190K 3.1K 51
Salvatore De Luca and Joanna Lumanog storiesđź–¤
373K 12.4K 29
[PROFESSOR SERIES II] Astrea Zaire Luceria thought she was incapable of loving someone. But the moment she laid her eyes on a certain Art Professor...
498K 8.9K 40
Duke & Izza