I saw his eyes changed from black to red. A really fury red. He pulled out the arrow that drilled to his chest like nothing. But, black blood streamed down his chest. Hindi niya naisipang lagyan ng proteksyon ang pinaka-mahinang parte ng kanyang katawan. Ito ang nagmistulang black hole ng kanyang plano. Lahat ng kanyang mga subjects minodify niya at nilagyan ng kung ano-anong proteksyon. But.. he couldn't protect himself.
Hinawakan ko ang aking tiyan. A bullet is inside me. Sobrang durog na ng katawan ko at hindi ko malaman kung ano pang gagawin sakaling may plano pang gawin si Francisco Adams. Unti-unti kong nararamdaman ang sakit mula sa bala na nasa loob ng aking sistema.
Isang malakas na pag-sigaw ang narinig ko mula sa side nila Hiro. The big guy, Goree, matapos ang ilang shots ng bala at kung anu-ano pang skills na ipinakita nila Reiji sa wakas ay bumagsak na rin siya. Tumayo si Lurixia mula sa mga kamay ni Ken at unti-unti ina-analyze ang nangyayari.
"Lurixia, you're awake." pagmamaka-awa ni Francisco Adams. After all of this villainous acts, sa tingin niya makukuha niya pa ang loob ni Lux? "Help your father." he reached out his hand and pulled out a face to look pitiful.
"Stop the nonsense, Dad. I may have your DNA but I got my personality from Mom."
"You're both stubborn." nilabas ni Francisco Adams ang isang dagger na kulay yellow ang tip na kumikinang. Ngayon ko lang na-realize na papasikat na pala ang araw dahil sa repleksyon nito sa kumikinang na dagger ni Francisco Adams.
"Aren't you tired of being one of the bad guys?" sabi ni Lurixia. He may have done violent acts towards her and even betrayed his own daughter, but even if you flip the world upside down he will always be her father. "Dad, please surrender. I'm tired."
Ngumisi ang kanyang ama at sumugod sa kanyang anak na nagmamaka-awa. Ayaw niyang makipag-laban sa ama at kunin ang buhay nito. Umiling si Lux at hinawakan si Hiro, "Thank you for lending me your power."
A confused smile was plastered on Hiro's face when she left to fight. Ngunit ng makita niya na kung ano ang tinutukoy ni Lux ay naliwanagan siya. She now knows her power. Tumalon siya sa ere at sa proseso nito ay tinbali niya ang lubid sa leeg ng kanyang ama. Madling napigilan ni Francisco Adams ang pagpulupot ng lubid sa kanyang leeg. He bent down and tripped Lurixia but she was able to recover quickly. Inulit ng kanyang ama ang pag-bend ngunit hindi niya napatumba si Lux. Because he made the same move again, naalala ni Lurixia kung paano niya ito nagawa nung unang beses dahil kay Hiro.
She went up to the air again at napulupot ang lubid sa leeg ng kanyang ama. "Dad, surrender."
"No, Lux. I won't." mas lalong hinigpitan ni Lurixia ang pagkakapulupot ng lubid at napadaing ang kanyang ama sa sakit, "G-Go on, K..ill me."
Kinuha ni Papa ang lubid mula kay Lurixia at siya na mismo ang nagpulupot nito sa leeg ni Francisco Adams. Kinuha niya ang dagger mula sa kamay nito at si Papa ng kumuha ng buhay ni Francisco Adams. He prevent Lux from feeling guilty. Ayaw niyang siya mismo ang kumitil ng kanyang ama dahil alam ni Papa na masasaktan siya rito. And she would regret doing it forever.
Sa mga sumusunod na pangyayari ay unti-unti ng nawawala ang aking vision. Nakita ko ay papalapit sa akin si Hiro na hindi mawari ang mukhang pinapakita. Si Papa at Lux na malungkot ang mga mata. Si Riye na pinupulsuhan ako at si Carrie na nakaingin lamang sa mga mata ko.
"Her eyes are brown." sabi ni Carrie in a muffled voice.
And that's when I blacked out.
--
"Hindi ka talaga marunong, akin na nga!"
Kinuha ni Akane ang raketa mula kay Ken na puro bugbog na sa katawan dahil sa kalabang si Reiji na kanina pa nage-enjoy sa paglalaro ng tennis. Well.. hologram tennis. Hindi kasi alam ni Ken kung paano laruin ito, he just sucks at it. Kanina ay tuwang-tuwa pa si Akane ngunit ngayon ay hindi niya na natiis at pinatabi si Ken mula sa court.
"Ikaw na kasing magaling." he said while drinking water. Binatuhan siya ng bimpo ni Akane at bumelat. Ngumiti ng palihim si Ken and I swear, nakita ko siyang nag-blush! Kahit walang sixth sense na gamitin kitang-kita pa rin ang pamumula ng kanyang pisngi. Nagmitulang siyang kamatis sa pula.
Sa wakas ay isang ordinaryong araw na rin ito. Makakahinga na ng maluwag. No deaths, no pain, no bullet through the system. And, wala ng melancholic aura sa paligid. Everything went back to normal. Just like the old days na klase lamang ang kailangan naming atupagin.
Break namin ngayon, actually. Matapos kasi ang brutal na pangyayari last week, muntikan ng mawala ang aking sight. Buti na lang at madali akong nadala sa ospital ng Tantei. Kung hindi, I would be blind right now at hindi ko makikita si Ken na namumula, akane n uwang-tuwa dahil natatalo si Reiji sa tennis, si Riye na nagbabas ng libro sa tabi. Si Lux na inuubos ang raspberry tart kasama si Darwin sa cafeteria. At si Hiro.. na nakasandal sa balikat ko.
He fell asleep 20 minutes ago at gumegewang-gewang na siya kaya isinandal ko siya sa balikat ko. Still, hindi ko pa rin kayang magbasa ng closed na isip. Kahit wag na, actually. Maybe there's a reason why this guy's mind is closed. There is a reason why he can read others' closed minds. Everything happens for a reason. Katulad ni Lux, she was meant to be caught because of the sushi she stole. Akalain mo yun, siya pala ang hinahanap naming seventh agent.
Sa pagtingin ko sa maamong (kapag tulog) na mukha ni Hiro, hindi ko naririnig ang tibok ng puso ko o ang pagitigil ng oras o iba pang cliche na nararamdaman ng tao kapag nahanap niya na. Iba eh, it's like looking at someone and you can't imagine how to live life without them. Of course, ganoon din ang nararamdaman ko sa mga taong nakapaligid sa akin. But, Hiro? Iba eh.
I've experienced the deadliest battles, blood coming out from my body, betrayal, tragedies, and etcetera. But I haven't had my first kiss. Somehow, my instinct told me to be closer. Closer.. closer.
"AKEMI!"
Napatayo ako bigla dahil sa sigaw ni Akane at nakalimutan ko na nakasandal pala sa akin si Hiro. He groaned dahil tumama ang ulo niya sa bench. Lumapit si Akane sa amin na may ngiti na sobrang laki. HINDI NIYA NAMAN NAKITA IYON DIBA.
"I won! I won! I won!" nagsisi-talon ito sa harap ko and I muttered a yes under my breath. Hindi niya nakita. I tried my best to give her a smile pero nagmistula akong isang babaeng nakakain ng sobrang dami at kailangang gamitin ang comfort room. "Oy, ba't ang pula mo? Gusto mo bang pumunta sa banyo?"
"Ah,.. no. Ang init kasi eh." Lame excuse, Akemi. Way to go. Pinaypayan ko pa yung sarili ko gamit ang aking mga kamay. I tried to steal a kiss from him. Nagdidiwang na yata lahat ng laman loob ko dahil feel na feel ko yung kahihiyang muntik ko ng gawin.
"Guys, pinapatawag kayo nila Sir." agad dumating si Darwin na ikinasaya ko. Well, first para maalis ako sa awkward situation na ito. And secondly, para makapag-practice na kami kung paano gamitin ang seventh sense. Last time kasi nung ginamit namin iyon muntik na akong mabingi sa mga naririnig ko, mag-nosebleed sa mga naamoy ko at kung iba-iba pa. Unstable pa kami kaya we need to practice
.
"Akemi, guess what?"
"What?"
"Tinuruan ako ni Darwin ng mga skills and from 3 minutes 5 minutes na ang time limit ng pag-gamit ko ng sixth sense!"
"That's great." ngumiti siya sa akin ng malaki. Bigla kong tinuro ang mga mata niya. This is news! "Light green na ang mga mata mo!"
Nagsisi-talon talon din siya sa harap ko tulad ng ginawa ni Akane kanina. Tumalikod ako upang tignan kung nasaan na ba ang babaeng iyon. Instead of finding a girl with red hair, I saw a guy with a dark aura walking towards me. Iniwas ko ang tingin ko at naramdaman ako ang sarili kong nagi-init. I bet mas pula pa sa buhok ni Akane ang mukha ko ngayon.
"Akemi."
"Yeah?"
"Anong ginawa mo?" I whispered a what? kahit na alam ko naman ang tinutukoy niya, ".. while I'm asleep?"
"Ah, alam mo naman kasi. Aksidente lang yon, I didn't try to kiss you or anything. May ano- may nalaglag kasing eyelash sa pisngi mo. Oo yun, tapos.. gusto ko lang mag-wish kaya-"
Ngumiti siya ng malaki at pinantayan ako sa paglalakad, "Tatanungin ko sana kung bakit ako nahulog sa bench, but guess hindi na kailangan."
I hate you, Hiro.
"No, you don't. You like me." ngumiti siya sa akin muli, "..and don't worry your 'like' is not unrequited."