Note: So far, chapter 11 na pinakamahaba kong chapter. 4 parts. Sabog ako neto nung ginagawa ko to eh. Hahaha. :)
Almost 1000 reads na ko. :) Pagnaka-isanglibo talaga ako. . .naku. . .papalakpakan ko sarili ko. :D
SALAMAT SA LAHAT NG BUMABASA, WALANG SAWANG NAG-VO-VOTE, AT NAG-CO-COMMENT!
Thine_23. . .medyo nakakaiyak yung chap 4, noh? Feel na feel ko rin yung drama nung mga oras na yun eh. :D hahaha. :D
KAWAY! KAWAY!
-=-=-=-=-=-=-=-=-
“San ka galing? Sobra akong nag-aalala.” Tanong ni Xavier habang hawak pa din niya ang braso ko.
“Uhmm. . .hinatid ko yung pinsan ko. Bakit? Tsaka ba’t ganyan itsura mo?” alalang tanong ko sa kanya. Bumitaw ako sa pagkakahawak ng kamay sakin ni Gio at hinanap ang panyo sa bag ko.
Xavier is always been so. . .clean. As in lagi siyang sobrang amoy mabango at mukhang mabango. This is the first time I see him this. . .messy.
Pagkakita ko ng panyo ko ay agad kong inabot iyon sa kanya para punasan niya sarili niya. Alangan namang ako pa ang magpunas sa kanya.
Were close, but not that close.
Imbes na kunin iyon ay tinabig niya ang kamay ko at hinarap niya ko sa kanya. This time, hawak niya na yung parehong balikat ko. I’m looking straight on his eyes. He look so worried talaga. Nakonsensya tuloy ako.
“Hindi ka kasi nagrereply sakin. Hindi mo din sinasagot yung tawag ko. Tapos kanina sa ospital, hindi kita mapuntahan sa dami kong kailangan gawin. Ano bang nangyari sayo? Okay ka lang ba?”
Nakalimutan ko nga pala siyang replyan. Kasi kagabi sobrang wala na kong lakas magreply pa sa sobrang pagod tapos sa ospital naman, daming pasyente na hindi ko na nahawakan yung phone ko. Nawala na talaga sa isip kong itext si Xavier.
“Xavier, sorry. Sobrang busy at sobrang pagod ko din kaya nawala sa utak ko. Sorry.”
Mukha naman mag nag-relax na ito kasi mas lumuwang na yung hawak niya sa balikat ko. Tapos yung mukha niya, mas relax na rin kasi nawala na yung wrinkles sa noo niya.
Nagulat na lang ako nang bigla niya kong yakapin palapit sa kanya.
“Please, don’t do that to me again.” Bulong niya habang ang mukha ko eh nakasubsob sa dibdib niya.
NYEK! Ano to? O.A lang siya? Wala pa kong 24 hours nawala kung maka-react kala mo nakidnap ako. Anyare dito? Pero, infairness ah. Nakonsensya ako. Sobrang bait niya sakin nung isang gabi and the least I can do is to reply. But I did not.
“EHEM! EHEM! EEEEEGGKKKSS! EHM!!!”
Whats that? Grabe naman plema nung taong yun.
TANGA! SI GIO!!!
Then I become conscious na andiyan nga lang pala si Gio sa tabi ko. As in 3 rulers apart. Kanina lang siya ang ka-moment ko ngayon naman ibang lalaki na.
Landi lang? Ay potek. Magkaiba naman toh eh. Yung kay Xavier, friendship.
Yung kay Gio. . .
Something. . .something. . .more.
Bigla akong bumitaw sa yakap ni Xavier at hinarap si Gio na ngayon ay nakatingin kunwari sa malayo.
“Uhmmm Gio, you know Xavier right?” AWKWARD.
“Yah . . .”sagot nito sabay ang masamang tingin kay Xavier.
What the fudge?
“Xavier. . .this is Gio. . .”pagpapakilala ko.
“I know him.” At titig na titig din si Xavier kay Gio.
Wow lang ah. Obvious lang na nagsusukatan ng lakas. As in like kala mo may kuryente yung mga mata nila na kapag nagtama sasabog ang earth. Ilang minuto din silang ganun habang palipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa.
“Ah. . .Gio sige uwi ka na. Salamat sa paghatid ah. Balik mo na din pala yung planner ko sakin sa susunod ah. Sige na alis ka na. Alis na.” sabay ang pilit kong pagtutulak dito palayo.
“Eh teka. . .wait lang Toni Mahal. . .ba’t ako lang aalis?” sabay tingin nito kay Xavier. Napatingin din ako kay Xavier na kasalukuyang pinapanood kame.
OO NGA NOH?
“Xavier, uwi ka na din. Gabi na. May trabaho pa bukas. Sige na, sige na!” sabay tulak ko din kay Xavier.
Anak ng tokwa! Bakit ba kasi ang lalaki ng katawan ng mga ito. Di matinag. Eh pagod na din naman ako para pagsusuntukin ang mga ito.
“Di ako aalis hangga’t andito siya.” Sagot ni Xavier habang nakatitig pa din ng masama kay Gio.
“Mas lalo naman ako. Mahirap na, baka may mangyari pang masama sa iyo.” Sabi naman ni Gio na nakikipagtitigan din kay Xavier.
AY BOSET LANG!
“Ganun? Gusto niya yan? Pwes. . .”
Iniwanan ko sila at dali-dali akong pumasok sa bahay ko.
“Toni . . .”
“Antonette. . .”
“Bahala kayong dalawa sa buhay niyo. Gusto niyong magsapakan? GO! Gusto niyong magtitigan hanggang umaga? GO! Pero kapag nahuli kayo ng guard diyan, DI KO KAYO KILALA! OKAY?!”
Sabay pasok ko ng pinto.
Hirap maging maganda.
CHOS!
Hindi ko na alam kung nag-away pa yung dalawa o nagsi-uwian na din. Kapag nag-away sila, kawawa naman si Xavier kasi si Gio may mga body guards. Pero I know Gio, he’s not a war freak.
Bahala na sila.