Don't Make The Bad Boy Mad

By sweet_aria

12.2M 187K 12.1K

Allison's almost perfect life flips the moment she married the popular model, Reid Marquez. Determined to mak... More

Don't Make The Bad Boy Mad
Prologue
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Epilogue

Chapter 1

280K 5.2K 241
By sweet_aria

Chapter 1

"Aki, can you help me solve this problem?" Mika asked, obviously flirting with Akiro, and placed her purple notebook on his desk.

Mahina kong itinuktok ang ballpen sa sariling desk habang pinanonood sila. Maingay ang room at may kani-kanyang pinagkakaabalahan ang lahat. Walang professor kaya para silang mga nakawala sa kural. Tsismisan dito, tsismisan doon. Ang iba naman ay walang ginawa kundi ang magharutan.

Akiro scanned the writings on Mika's notebook and smiled at her. "Just a piece of cake, Mika!"

Napairap ako.

Tumingin ka rito, Aki! Baka hindi ako makapagpigil at sabunutan ko ang malanding babaeng iyan!

"Really?" A kittenish smile crept across her face.

Sanay na ako sa mga panlalanding tulad nito kay Akiro. Ang nakaiinis lang ay ang sobra niyang kabaitan to the point na iniisip ng mga babae na nakipaglalandian din siya.

"'Di ka kasi nakikinig sa prof, ayan." He flipped the notebook to its next page. May mga sinabi pa siya pero hindi ko na iyon naintindihan dahil sa mas tuminding pagkainis ko.

Tumayo ako at akmang lalapitan sila nang may humawak sa braso ko.

"Lalapitan mo?" Umupo ang lalaki sa desk ko at seryoso akong binalingan.

Alam kong ang nangyayaring pagbubulungan ay dahil sa akin, hindi ko man ilibot ang tingin. Swerte ako sa paningin ng mga kaklase ko dahil kinakausap ako ng lalaking nasa harapan ko ngayon. Iyon ang alam nila. But they were wrong, I was not lucky at all.

"Napag-usapan na natin 'to, 'di ba?" Kumunot ang noo ng lalaki.

Iginala ko ang tingin at nagtama ang mga mata namin ng best friend kong si Hera. She shook her head and mouthed, "Don't make a scene!"

"Gosh, ang hot talaga ni Reid!" Reena said, a classmate who was sitting behind me. Isa siya sa mga babaeng patay na patay sa lalaking nasa harapan ko ngayon.

"Deretso ng uwi mamaya. Mabuti nang nagkakaintindihan tayo." Umalis siya sa pagkakaupo sa desk ko at naglakad patungo sa pintuan.

Pinanood ko siya at kinagat ang aking ibabang labi.

He was the guy who could get a lot of attention, especially from girls. A guy who could get everything he wanted. At isa na ako roon. Isa ako sa mga nakuha niya.

Umupo ako nang napansing ako na lang ang nakatayo. Tahimik ang lahat pero ang atensyon nila ay nanatiling nasa akin.

Dumating ang sunod naming professor, tanda na pwede na akong huminga nang maluwag.

"'Di na siya pumasok," pansin ni Hera.

Sabay kaming lumabas ng room. Hindi ko inintindi ang sinabi niya.

"Ikaw naman kasi! Lapit ka nang lapit kay Aki. Pinagbawalan ka na, ah?"

Nilingon ko siya. "Pwede bang manahimik ka na lang? Hindi ka nakatutulong."

"Bakit? Sa tingin mo ba may magandang maidudulot 'yang balak mong pakikipagkita sa Akiro na 'yon?" Tumigil siya sa paglalakad at kinuha sa bulsa ang panali ng buhok.

Huminto rin ako. "Ilang buwan siyang nawala, Hera. Pitong buwan! Kaya nga nagbago ang buhay ko—" Hindi ko na tinapos ang sasabihin dahil sa mabilis na pagsakit ng lalamunan ko. Suminghap ako at nagpatuloy sa paglalakad, nagmamadaling umalis doon.

"Hoy! Saan ka pupunta?" malakas niyang tawag sa akin.

Tumakbo ako hanggang sa nakarating ako sa likod ng isang building. Nadatnan ko si Akiro na nakasandal sa malaking puno. Agad siyang napaderetso ng tayo nang nakita ako.

Pinagmasdan ko ang mukha niya. Ang laging ayos niyang buhok, ang malinis na pananamit, at ang lakas ng dating na dalawang taon kong kinabaliwan.

"Allison, nabasa ko ang text mo—"

Niyakap ko siya bago pa niya matapos ang sasabihin. I texted him to meet me here. Isinubsob ko ang mukha sa dibdib niya.

"Hey, ayos ka lang?" nag-aalala niyang tanong.

Humiwalay ako at tinitigan ang mukha niya.

Aki was a good guy. A good boyfriend. A good friend. Hindi ko magawang tuluyang magalit dahil sa pang-iiwan niya sa akin. Ang tagal niya sa Canada. Pitong buwan. Pitong buwan na hindi nagparamdam at hindi ko akalaing sa higit kalahating taon niyang pagkawala ay maraming magbabago sa akin.

"Bumalik ka pa?" Tumingala ako para piitin ang luha.

Hinigit niya ako palapit sa kanya muli at hinaplos ang pisngi ko. "You've just missed me that much."

"Bakit ang tagal mo? Bakit 'di ka man lang nagpaalam sa akin? Iyak ako nang iyak no'ng umalis ka! Inis na inis ako sa 'yo!" Tuluyan nang bumagsak ang mga luha ko.

Humikbi ako. Pinunasan niya ang magkabila kong pisngi.

"My family needed me there, Allison," he explained. "Now, stop crying. Pumapangit ka 'pag umiiyak."

Hinampas ko siya sa balikat.

"Joke lang! Ikaw kaya ang pinakamagandang babae sa paningin ko." Hinawakan niya ang magkabila kong balikat.

"Bola! Baka naman kaya ka ganyan, e dahil nambabae ka ro'n?"

Nalukot ang noo niya. "Bakit ko naman gagawin 'yon?"

"Malay mo, 'di ba?" Ngumuso ako at umirap.

Pumasada ang mga mata niya sa mukha ko hanggang sa narating nito ang mga labi ko na nagpatahimik sa akin.

Hindi na ako nagulat nang hapitin niya ang baywang ko at halikan ako. Kusang pumulupot ang mga kamay ko sa batok niya at sinuklian ang halik niya.

Humihingal kaming pareho nang naghiwalay ang mga labi namin.

"I'd better get going, I still have a class." Pinakawalan niya ako. "I'll call you for a dinner date, okay?"

"Okay," sagot ko.

Tumalikod siya at iniwan ako. Sumandal ako sa puno at hinawakan ang ibabang labi ko.

"You're already married, but you're still kissing other guys."

Napaderetso ako ng tayo pagkarinig sa malamig na boses na iyon. Iginala ko ang aking tingin.

Lumabas si Reid mula sa likod ng isa pang malaking puno, nakasuksok ang mga kamay sa bulsa ng kanyang pantalon. Sinalubong ako ng seryoso niyang mukha.

"R-reid..."

"I went here to take a break. It's been a rough day, 'cause I saw my wife staring at Akiro Navarro. And now..." Umiling siya at marahang naglakad palapit sa akin. "...and now another scene I accidentally watched, really?" he said sarcastically.

Aatras sana ako nang mabilis niyang nahablot ang kanang braso ko.

"Hindi ba't sinabi ko sa 'yo kagabi na hindi ka makipagkikita sa kanya? But what was that?" Kumunot ang noo niya at mas lalong humigpit ang hawak sa akin. "Ano 'yon, Allison Mae Ferreira Marquez?!"

Bumilis ang pagtaas-baba ng dibdib ko.

"Damn!" Madilim ang mga mata niyang tumingin sa mga labi ko at hinablot ako sa baywang. "Damn you, girl! Stop being a cheater!"

"R-reid..." Napapikit ako kasabay ng pagtulo ng luha ko.

Lagi na lang ganito. Lagi na lang akong natatalo ng takot kapag siya na ang kaharap ko. Siya lang naman ang taong naging dahilan ng nakababaliw na pagbabago sa buhay ko. Siya lang naman ang dahilan kung bakit napunta ako sa sitwasyong hindi ko kailanman naisip na ngayon ay kasasadlakan ko. Siya lang naman ang... asawa ko.

Noong umalis si Akiro pitong buwan na ang nakararaan, at isang buwan lang ang nakalipas pagkatapos noon ay dumating si Reid sa buhay ko. Masakit, mahirap, nakasasabog ng utak. He suddenly came into my life like a thief stealing me from my family and Akiro. I did not know his reasons. Tinakot niya ako noong araw na iyon na kapag hindi ako magpapakasal sa kanya ay papatayin niya ang mga magulang ko.

Masakit kasi wala akong choice kundi ang pumayag sa lintik na kasal na gusto niya. Mahirap dahil hindi ko siya mahal. Ang sabi nila, dapat ay magpapakasal ka lang sa isang tao kapag mahal mo ito, kapag sigurado kang habang buhay ay iyong tao na iyon na ang gusto mong makasama. Hindi ko alam kung malas lang talaga ako dahil ikinasal ako sa isang tulad niya. Ikinasal ako sa taong hindi ko mahal at ang taong mahal ko ay walang kaalam-alam tungkol sa dinaranas ko.

Galit ako sa kanya dahil hindi ko siya maintindihan. Sino ba siya at bigla na lang niya akong ginustong pakasalan? Sino siya para angkinin ako? Hindi ko siya kilala kaya hindi ko mapigilan ang laging itanong sa sarili kung bakit ako!

Naramdaman ko ang pag-atras niya at napamulat ako. Walang kahit anong emosyon ang mababasa sa mukha niya.

"Reid... why are you doing this?"

Pero hindi niya ako sinagot at bigla na lang akong tinalikuran. My tears streamed down uncontrollably as I watched him leave.

Continue Reading

You'll Also Like

43.6K 703 23
PERFECT ONE.. sabi nga nila walang perfect sa buhay ng tao.. pero..para sa akin..perfect na ang magkaroon ng asawa at mga anak.. ...
18.3K 624 49
Tandaan! HINDI PO ITO TOTOO. Gawa-gawa lamang. Walang mabigat na basehan. Umaasang magkatotoo lamang (ikakamamatay ko talaga kapag totoo silang dalaw...
1M 37.9K 50
Despite being worlds apart and rivals in academics, bratty Dior can't help falling for their family's gardener and driver, Migo. But when her parents...
12M 168K 58
After being hurt in her previous relationship, Kei Marie Gonzales vows never to fall in love again. But when she meets the stubborn Drake Cortezano...