Tweet me your reactions with the hashtag: LWMC @dondonxcale
Chapter 32
Happy
"Let's go to, Rossel," bulong niya sa akin at kumalas na siya sa yakap.
Tumango lang ako sa kanya. Patalikod na kami ng sabay na sumigaw ang mga kaibigan namin.
"Mabuhay ang bagong kasal!"
Napatawa lang kami sa kanila. Circe wrapped his arms around my waist and I did it, also. Lumapit naman sila sa amin at sabay ding humarap sa hinaharap naming direksyon.
"Tanaw niyo na ba?" rinig kong sigaw ni Lexxa.
Natatawa kaming rumesponde. "Ang ano?"
"Ang maligayang kasalan!" sabay ng pag-spread ng arms niya. Lumapit naman sa akin si Clyde.
"Oh, Part?" ani ko.
"Uh... Part, pwede ba tayong mag-usap?" tanong niya. "Sure." agad na sang-ayon ko. Tinignan ko naman si Circe. "Mag-uusap lang kami, ah? Mag-uusap lang," I pinched his nose. "I love you..." I mouthed at him at tumalikod na sabay higit kay Clyde.
Malayo-layo na kami sa kanila ng mag-salita si Clyde.
"Alam mo... ang swerte 'noong lalaki na 'yon," sabi niya. "Siya 'yung minamahal mo..."
Umupo kami sa isang bench doon at tinignan ko siya. "Go straight to the point," sabi ko.
"Eh..." kinamot niya ang ulo niya at umiwas ng tingin. Agad din naman niyang binalik ang tingin sakin. "Wag ka agad mag-react, okay? 'Wag mo akong pangunahan at 'wag mo akong sisingitan habang nagsasalita ako... understood?"
Tumango lang ako.
"Whoo," hinga niya. "Okay... I love you, Part. Not only in a bestfriend way but more than that..." umiwas siya ng tingin. "Masakit kasi friendzone lang ako. Hindi mo ako napapansin... I mean, hindi mo napapansin ang pagmamahal ko sa na higit pa sa kaibigan... pero, okay lang 'yon. Wala naman akong panama kay Circe, eh. Mahal na mahal na mahal na mahal mo siya. Mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal ka naman niya. Diba? Saan ako sisingit? Sa 'na'? Hahaha. Pero, alam mo, Part... narealize ko lang din na hindi naman mo naman ako mapapansin kaya magmo-move on na lang ako..." tinignan niya ako. "And nakilala ko si Lexxa ng lubos. Hindi lang sa pangalan at reputation niya kundi bilang isang Filexxa Pettingson. Bilang isang bayolente at amasona... I like her because she is her..." bigla namang namula si Clyde.
"Hala ka, Clyde!" natatawa kong tinuro siya. "Did you just blushed!? HAHAHAHA!"
Umiwas na talaga siya ng tingin. "Eury naman, eh!" reklamo niya. Tumatawa lang ako sa kanya ng biglang may tumawag sa akin.
"EURYDICE EIRENE! ANG PINAKAMAMAHAL KONG GIRLFRIEND!"
Napatingin naman ako sa field. Doon nakatayo ang isang Circe at may hawak na karatola na may sulat na 'I love you'.
I smiled.
Hindi lang siya honest sa words, he's honest by his actions. He's just very showy to me that's why I fall for him even more.
"Look how he loves you," sabi ni Clyde na nakatingin lang din kay Circe na nagwa-wave na ng kanyang kamay ngayon.
"Yeah... I love him, too." sagot ko naman sa sabi niya. "Do you love her, already?" tanong ko sa kanya at tinignan niya. Nakatingin lang siya ngayon kay Lexxa na may hawak din nakaratola na may 'Eurydice'.
Ngumiti naman siya. "I still don't. I like her palang. Gusto ko palang siya... hindi ko pa alam kung mahal ko na siya," then he giggled. "Ngayon ko lang nalaman na corny palang ma-in... like? Haha," pinunit niya 'yong dahon na napulot niya sa sahig.
"Ako din..." napatingin siya sa akin. "Ganyan din ako noon. Hindi ko pa alam kung mahal ko na ba siya o ano... pero, doon mo lang naman malalaman kung sigurado na ang puso... 'yung wala nang bahid na 'ano ba talaga' o 'sure na ba' sa puso mo..." I patted his shoulders. "Keep it up."
He just smiled. Tumingin siya sa field. "Uh-oh, nandito na pala ang pinakamamahal mo 'ring si Circe..." turo niya doon sa binatang gwapo na papunta dito sa direksyon namin.
"Babe..." sabi nito.
Napatawa naman ako. "Babe ka diyan?" tanong ko.
Nag-isip naman siya. "Ayaw mo?" tanong niya din. Umiling ako. "Eh 'yong una nating tawagan... 'yong 'mahal', ayaw mo din?"
"Ayaw ko din..." sabi ko sa kanya.
"Eh 'di, asawa na kita..." sabi niya sabay tawa ng kaunti. "Anong asawa?" tanong ko.
"Eh, sabi mo, ayaw mo na sa 'babe' at 'mahal', so, Wifey nalang. Diba?" tinaas-baba niya pa ang kilay niya. Ang cute.
"Hmmm... I'll think about it..." tinignan ko siya. "Hubby," tapos tumawa ako.
"Kung gagawin niyo lang din akong audience dito sa paghaharutan niyo, mabuti na lang na umalis nalang ako dito," sabi ni Clyde at tumayo siya. "Huwag mong sasabihin sa iba 'yong pinag-usapan natin, ah? Bye," tapos lumakad na siya palayo. Tumingin naman ako kay Circe na nakatingin sa akin ng seryoso.
"Ano 'yong pinag-usapan niyo?" seryoso niyang tanong.
"Wala..." tumawa ako.
"Sabihin mo," umupo siya sa tabi ko.
"Secret nga, diba? May secret ba na sinasabi?" sabi ko naman.
"Baka naman... pinagpapalit mo na ako?" tapos lumungkot ang mukha niya.
"Hoy. Haha. Ang arte mo talaga. Ba't ang feeler mo diyan? Ikaw na nga ang nag-sabi, asawa mo na ako. Diba, Hubby?" tapos tumawa ako ng kaunti. I'm starting to like the callsign 'Hubby' and 'Wifey'. Parang mag-asawa na talaga kami.
"Yiee," tukso niya tapos sinundot ako sa tagiliran. Nagkataon namang nakikiliti ako diyan, kaya napapitlag ako. "Hey! Enebe-HAHA! TIGIL! HAHAHA!"
Tumigil naman siya at yakap-yakap na niya ako ngayon. "I love you very much..." bulong niya.
"I love you, too." at doon ko lang narealize na... "Hey, uh... Circe-or, Hubby, rather, nasaan ba si Rossel? Can I talk to her?"
"Hmmm, tatawagin ko lang..." kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at tumayo. "Dito ka lang, okay? Pupuntahan ko lang siya." tapos lumakad na siya pabalik sa field kung saan naroon pa ang aming mga kaibigan kasama si Rossel na nakatingin lang sa nagtatawanan sila Lexxa.
I should badly have to say sorry to her.
For all the painful words I told her. For the shouts and... for my mistake. For taking a malice. Hindi ko din kasi muna tinanong kung ano ang dahilan... kung ano ang totoo... umiral agad ang selos at galit ko sa nakita ko.
I have to say sorry sa sinabi kong 'bitch' at 'malandi' sa kanya.
Ugh! Nakakafrustrate talaga! Baka hindi na ako mahalin ng Hubby ko dahil sinaktan ko ang kapatid niya.
"Hey," bungad sa akin ni Circe na kasama na niya ngayon si Rossel na nakayuko. Nahihiya akong tumayo sa harap nilang dalawa.
Tumingin muna ako kay Rossel na nakayuko parin ngayon... at nagsalita na rin ako. "Rossel! Sorry talaga! Sorry dahil pinaghinalaan kita! Sorry kung marami akong sinabing masasakit na salita sayo. Sorry kung nasaktan kita... nasigawan kita... sorry talaga," naiiyak na ako. Yumuko na din ako.
Narinig ko namang tumawa si Rossel ng mahina. Inangat ko ang tingin ko at... nakangiti na siya sa akin ngayon.
"Alam niyo po..." lumapit sa akin si Rossel at yinakap ako. "Naiintindihan ko naman. Sorry din kasi hindi kaagad ako nagpakilala sayo... eh, doon ko lang din naman nalaman na magkapatid pala kami ni Kuya. Kaya... naiintindihan kita kung bakit ka agad nagalit noong nakita mo kami ni Kuya... that's love, eh. Emotions are the royals, heart and mind are the elites. Kaya, okay lang..."
"Talaga?"
"Uhuh."
"Walang halong kaplastikan?" naiiyak ko paring tanong.
Tumango ulit siya and smiled sweetly. "Wag ka na pong umiyak..." sabi niya.
Pinunasan ko ang luha ko. "I'm just... so sorry. Promise, hindi na mauulit." I raised my hand to prove them that I'm sincere.
"Okay lang po talaga..." sabi niya. Yinakap ko ulit siya.
"Sorry..." ulit ko.
Kumalas na kami sa isa't-isa ng may maramdaman kaming presensiya sa tabi.
"Mrs. Fiester..." sambit ko.
"Hi," ngiti naman ni Mrs. Fiester. "Kukunin ko na sana si Rossel... if okay lang?" natatawang tanong ni Mrs. Fiester.
"Lola," banggit ni Rossel. "Kuya, Ate, alis na po kami. Kela Lola na kasi ako titira at dito na talaga ako mag-aaral. Sige po, bye..." kumaway muna siya at umalis na sila ni Mrs. Fiester.
Nakatingin lang ako sa magkasabay na naglalakad habang nag-uusap na sina Mrs. Fiester at Rossel. Bigla namang may yumakap sa likod ko.
"I'm very happy," bulong niya tapos hinalikan niya ang leeg ko.
"Me too..." I leaned on his shoulder. Para na talaga kaming mag-asawa sa posisyon namin.
"I love you very much, Wifey..."
"I love you too, Hubby..."
We faced each other. Agad ko siyang hinalikan.
Now, we're happy. :)
***