Samantala sina jansen at andrew ay nakarating na din sa sementeryo. Nagalay sila ng bulaklak at nagsindi ng kandila.
" Hello mama, kamusta po kayo dyan. Pagod na po ba kayo kahihiga hehehe. Mama birthday ko ngayon." (Jansen)
Si jasper at jannah ay nasa gilid ng dalawa at nakikinig.
" Ma eto po si daniel kasama ko na din sya sa wakas sa mismong kaarawan nya. Ma sana kasama ka pa rin namin ngayon ang saya siguro."(andrew)
" Mama may ikukuwento po pala ako sa inyo...."
Nang gumaralgal at humikbi ang boses ni jansen ay hinawakan sya ni jannah sa braso at inilagay ang baba sa balikat na tila niyayakap sya na nagsasabing ok lang.
" Mama....nakita ko na po yung nang abuso sa inyo. Wala man pong makapagsabi na sya ang ama ko kundi ang larawang iyon. Ay marami nagsasabi na magkahawig kami. Mama....hindi nya po ako tanggap..."
Tuluyan ng umiyak si jansen.
" Pero ok lang po. Hindi naman po sya kawalan maski hindi man nya ako kilalanin dahil may isang pamilya ang totoo at lubos na nagmamahal sa akin at kay kuya andrew."
" Ma, mamaya po pala selebrasyon sa bahay nina jansen. Punta po kayo ha."
" Me ganun kapatid! My god nakakatakot iyon baka magtakbuhan ang mga bisita kung makita nila ang multo ng mama mo!" ( Jannah)
Agad itong kinutusan ni jasper.
" Hehehe biro lang ate. Baka lang naman kung puwede."
Nagkatawanan ang apat at tahimik na nag alay ng dasal at nagpasyang umuwi.
------------------------------------------------------
Samantala si gener at jonas ay di tumitigil sa kahahanap kay andrew at jansen. Nauna nilang pinuntahan ang simbahan sa inaakalang magsisimba ang mga ito. Pero hindi nila nakita ang dalawa. Hindi nila ay doon naunang pumunta ang dalawa bago sa sementeryo na hindi rin nila alam na pupunta doon. Ang ginawa ng dalawa ay tumambay sa isang kanto na hindi mapapansin ng mga tao o ng mga taga mansyon. Pero nakikita nila ang mga taong pumapasok at labas doon.
" Puta naman tay kanina pa tayo ikot ng ikot, hindi natin makita ang dalawang iyon. Kating kati na akong masapak ang andrew na iyon!"
" Manahimik ka! Hindi nakakatulong ang kadaldalan mo dyan! Nagiisip ako kung paano natin dudukutin ang dalawang yun!"
" Mukhang engrande ang handaan dyan tay ah! Madaming trabahador ng farm ang dumarating at mga anak nila."
" Mga trabahador daw at mga bata ang imbitado kaya ganyan!"
------------------------------------------------------
Sa mansyon ay agad nilapitan ni alfred ang isang bagay na nakita nya. Nanginginig ang kamay at kinakabahan ay unti unti nya itong dinampot at umupo sa kama. Pinihit ang susian ng music box at tuluyan na itong tumunog kasabay ng pagpatak ng luha ni alfred nang makitang pamilyar ito sa kanya. At kung sino ang binigyan niya nito.
Bigla namang pumasok si minerva at angela. Na kitang kita ng dalawa ang pagpunas ni alfred ng mga luha nya.
" Hon bakit?"
Umiling lang ito sa asawa.
" Kuya anong nangyayari sayo, namiss mo ba itong kuwarto mo kaya ka senti ka dyan?"
Nakita ni minerva ang hawak ni alfred.
" Kanino ito minerva?"
" Sa palagay ko kay andrew yan. Nakita ko kasi dati na bitbit nya yan noong dito na sya nag stay sa kuwarto ng malamang magkapatid sila ni jaja."
Umiling ng umiling si alfred na tila naguguluhan sa mga nangyayari at di makapaniwala.
" Sa akin ito minerva. Ako ang may ari nito at bumili. Mahigit labinlimang taon na ang nakakaraan."
"Panong magiging sayo yan hon?"
" Binili ko yan noon bilang regalo sa isang babaeng nililigawan ko, 1rst monthsarry namin."
" Sinong babae yun kuya?"
Napabuntunghininga si allfred bago nagsalita....
" Si Olivia..."
" Olivia Serrano ba kuya?"
Tumango naman ito na tuluyang ikinagulat ni minerva.
" My God! Ikaw nga kuya, naalala ko na ikaw yung nagkuwento sakin ng pangalang iyan na gf mo na nabuntis mo noon."
Tumango ulit si alfred. Si minerva naman ay natutop ang kanyang bibig at napapaiyak. Nakikinig naman si angela. Alam naman kasi nya ang bagay na iyon na naikuwento ng asawa nya.
" Kuya.......! Si Olivia Serrano ang mama ni andrew at jansen!"
Nabigla si alfred sa narinig
" Sigurado ka ba na sya si olivia na tinutukoy ko?!"
" Sandali maghahanap ako ng pagkakakilanlan ng mama nila."
Nakita ni minerva ang isang photo album sa drawer at agad ipinakita ang larawan na olivia kasama si andrew ng ito ay binyagan. Nabigla si alfred sa nakita at pumatak ang luha. Agad namang tumabi ng upo ang asawa nito.
" Siya nga ito minerva, sya si olivia."
" My God hon! Anak mo si andrew!"
Natigilan si alfred sa narinig.
" Hindi ako nakakasiguro na anak ko nga sya."
" Kuya hanggang ngayon ba naman itatatwa mo yan! Wala mang iniwang pagkakakilanlan si olivia kay andrew para makilala ka nya pero...my god kuya! Iniwan nya ang isang bagay na galing sayo para ikaw na mismo ang makatuklas kung nasaan ang anak mo!"
" katulad ng sinabi ko pano tayo makakasiguro na sya nga!"
" Walang patutunguhan ang usapang ito kuya dahil ang tigas pa rin ng ulo mo kasing tigas ng damdamin mo sa anak mo! Sasabihin ko ito kay mama, ate at kuya para mamaya magkalinawan na maguusap usap tayo bago magtanghalian darating sila."
Agad lumabas si minerva ng kuwarto at tinawagan si melany at manuel.
Samantalang si senyora isabelle naman ay kararating lang at nasa baba.
" Mama, kailangan nating magusap usap ngayon na mismo. Tinawagan ko na si ate at kuya. Parating na daw sila."
Pababa naman ng hagdan si alfred at ang asawa nito
" Tungkol saan ba minerva?"
" Tungkol kay kuya at sa kanyang nakaraan!" Sabay tingin ng matalim kay alfred na ikinayuko naman nito."
" Ok sige sa opisina ko na lang, hintayin ko kayo sa taas."
Sina andrew naman ay malapit na din makarating sa mansyon.
Sa labas ng mansyon ay makikitang magkasabay ba dumating si melany at manuel at agad pumasok sa loob at nagtanong kay minerva.
" Sa taas na lang tayo kuya, ate sa opisina ni mama. Sumunod ka kuya alfred!"
Kahit napipilitan ay kusang sumunod si alfred. May takot sya sa maaring kahinatnan ng paguusap na ito na maaring ikabago ulit ng buhay nya. Para bang bumabalik ang nakaraan mga pangamba at takot sa kanyang dibdib.
" Mama nandito na po kami."
Agad pumasok ang tatlo at umupo sa sofa ng opisina kasunod si alfred at asawa nito.
" Minerva, umpisahan mo na kung para saan ang paguusapan natin."
" Tungkol kay kuya at sa anak nya!"
Natigilan naman ang ibang kapatid nya.
" Ano?!!"
" Tungkol sa anak nya mama."
" Anong alam mo sa anak nya minerva?" ( Manuel )
" Naalala nyo kuya yung nabuntis noon ni kuya alfred?"
" Ummm oo. Matagal na yun at wala na rin naman tayong balita. Maging itong si alfred hindi rin naman nya nahanap ito noon."
" Hindi nya talaga ito mahahanap kuya dahil matagal na itong patay!"
Nagulat naman si alfred samantalang nagaabang ang iba sa mga rebelasyon ni minerva.
Ipinakita ni minerva ang music box sa ina.
" Yan po ang naging dahilan para magkadugtong dugtong muli ang nakaraan ni kuya at ang ngayon."
" Anong ibig sabihin nito alfred?!"
" Ma.....yan po yung regalo ko dati sa babaeng nabuntis ko noon sa unang buwan naming magkasintahan"
" Ano naman ang kuneksyon nito sa ngayon kay alfred minerva?"
" Dahil ang anak nya ngayon ang nag mamayari nyan! Na pilit pa rin nyang di matanggap!"
" Ano?!!"
Ikinuwento ni minerva ang lahat na kanyang nalaman.
" My God mama! Si Olivia Serrano ang mama ni andrew! Nalaman ko ang pangalan nito ng dumalaw kami sa puntod nya. Sa kuwento ni andrew tungkol sa mama nya ay di maitatangging magkadugtong lahat sa nakaraan ni alfred!"
Samantala nakarating na sa mansyon at agad pumasok sa loob. Nang mapansing walang tao ay umakyat sila sa taas. Naulinigan nilang may mga naguusap at nagtatalo sa opisina ng lola nila. Dahan dahan silang lumapit at nakinig.
" Totoo ba na Olivia Serrano ang pangalan noong babaeng nabuntis mo noon!"
Nabigla si andrew at jansen sa narinig na pangalan ng mama nila.
" Opo mama..."
" Sa ngayon alfred malinaw na ikaw nga ang ama ni andrew!"
(Melany)
" Susmaryosep! Kung ganun matagal na pala nating natagpuan ang isa ko pang apo..."
" Hindi ko alam mama.."
" Anong hindi mo alam, kuya grabe ka! Hindi mo alam kung anong pinagdaanang paghihirap ng batang yun mula ng abandonahin mo silang mag ina!"
" Hindi ko nga alam ko ako nga talaga ang ama nya! Bakit nag pa dna na ba kami para mapatunayan yan! Wala di ba!"
Lumapit ang mama nito at sinampal si alfred.
" Wala kang kuwentang ama! Kung wala ka man lang maramdamang lukso ng dugo kay andrew! Puwes kami meron! Hindi kailangan ng dna pa para malaman yun alfred. Dito mismo mararamdaman yun sa puso!"
Sa nangyari ay tuluyan ng bumigay ang emosyon ng ina at tuluyang humagulgul. Agad namang nilapitan ito ni melany at pinakalma.
" kung hindi mo matatanggap na anak si andrew, hindi ka na rin makakaakyat pa sa mansyong ito alfred. Kalimutan mo nang may ina ka!"
Samantalang ang apat naman ay gulat na gulat sa mga narinig na rebelasyon. Wala namang tigil ang pagpatak ng luha ni andrew na nakakuyom ang mga palad at tiim bagang. Hawak naman sya sa braso ni jansen habang hinihimas sa likod ni jannah.
" Kung iyan ang gusto mo mama wala na akong magagawa."
Humakbang ito at binuksan ang pinto na ikinagulat nito at ng lahat ng nasa loob. Kitang kita niya ang mga luhang pumapatak sa mata ni andrew nakatingin ng matalim sa kanya.
" ANDREW!"
" Hindi ka sigurado na anak mo ako?!!...pero siguradong sigurado ka nang binuntis mo ang mama ko!....kakaiba ka rin noh...para kang hindi lalaki wala kang paninindigan! Hindi mo alam ang pinagdaanan ni mama matapos mo syang abandonahin at hindi mo rin alam ang pinagdaanan ko sa loob ng labinlimang taon!"
Akmang lalapit senyora isabelle para lapitan si andrew pero pinigilan ito ni minerva.
" Hayaan mo sila mama! Hayaan mong ipamukha ni andrew sa ama nya ang mga kasalanang nagawa nito!"
" Kung hindi ka sigurado na anak mo ako......puwes ako?....siguradong sigurado ako na hindi kita ama! At sigurado ako na hindi kita matatanggap!"
Nabigla si alfred sa mga katagang binitawan ni andrew. Na tila punyal na tumarak sa kanyang puso.
Pagkasabi nun kay alfred ay agad tumakbo pababa ng hagdan si andrew na agad sinundan ni jansen na umiiyak na rin.
Tulala naman at di nakagalaw si alfred at lumabas na si manuel.
" Jasper sundan mo sila at baka kung ano pa ang mangyari."
" Opo tito."
Agad din itong tumakbo pababa.
" Pag may nangyari sa apo ko alfred hinding hindi kita mapapatawad!"
Yuko ulong hindi nakasagot si alfred at bumaba ng hagdan.
------------------------------------------------------