"HOW ARE YOU AND Franco?" tanong ni Ate Ivine kay Aki.
"We're fine," aniya at ngumiti.
Nasa bahay siya ng mag-asawa dahil wala siyang schedules for the whole week at rest week nila iyon bago na naman sioa magiging busy.
Si Kuya Brace ay balik trabaho na kaya nakiusap ito na kung pwede ay samahan muna niya ang mag-ina nito hanggang sa makauwi ito.
"Alam ba niya na nandito ka?"
"Yeah. He said okay lang at para naman daw may kasama ka at si Bryce. Busy siya dahil may drama siyang tinitaping."
Ate Ivine sigh. "Busy ah. Si Brace ganoon din, pati nga mga kagrupo ko bihira na kung tumawag, sobrang busy."
"Well, its the life of an artist. Naninibago ka lang kasi nga nag break kayo ni limelight," aniya na ikinatawa nito.
"Oo nga. I miss it, but, I guess, kailangan dahil si Bryce muna ang aasikasuhin ko, at that's the reason why Brace is working hard," wika nito.
Aki nodded and smile in agreement. "Yeah, he is really a nice guy."
"SO, ITS TRUE? As in kayo na?" tanong ni Kiana Lee kay Franco.
"Shh, keep your voice down," aniya. Napalingon din ito sa likuran nila.
Natawa si Aaron. "Dapat pala tinanong ko na si Aki noong nagkasalubong kami sa KMS."
Mabuti na lang at abala ang iba nilang kasama sa set. Masyadong malakas ang boses ni Kiana. Dagdagan pa ni Aaron. Kasama niya ang mga ito sa cast ng drama kung saan gaganap siya bilang isang basketball player na nainlove sa role character ng bida na si Andrea Kim.
To make the long story short, love triangle ang takbo ng story. Kiana play the role of falling in love with his character but to no avail. Habang si Aaron ay kaibigan niya sa kwento.
"Kaibigan mo ako, bakit ngayon mo lang sinabi?" nakanguso nitong tanong.
Franco smile. "Sorry, kasi hindi pa ready si Aki eh. And we're keeping it smoothly."
"Nakakainis ka talaga, you could have said to me atleast," anito at ngumuso ulit.
"Si Franco pa. Hindi niya pa gagawin yun no," ani Aaron.
Napangiti na lang siya. Nang iwan siya nito ay sakto namang tumunog ang cellphone niya. It was a text message from Aki.
Hi. 👋
Hi, baby.
Taping?
Not yet. Resting.
Okay 😊.
Missed me? ☺
😒
😢
😏
😩
😔
Ayos naman pala kung ganitong usapan ah.
Haha.
Ano gawa mo?
Oh, playing with Bryce. She's so cute.
Napangiti siya nang magpadala ito ng litrato na karga ang anak ni Ivine at Brace.
Nice 😍
Isn't she cute?
Yeah. But I mean, u look awesome w/a baby on your arms.
Oh. 😊
"Franco, magtitaping na daw kayo in 10 minutes," wika ng staff.
"Okay, salamat," aniya at tumango.
Baby, I have 2 go. Taping na kmi. I'll call u later. I love u 😚
Ok. Love u 2 😍
😃
Itinabi na niya ang cellphone at saka sumama na sa mga kasama niya.
"FRANCO, WHAT NOW?" tanong ni Jude nang makapasok sila sa kwarto niya.
"Ano'ng what now?"
"Yung usapan natin. Ang tagal na nun ha. Its almost 7 months, dude. Aba'y baka hindi mo talaga kaya? Sabihin mo na para-"
"Hindi ko nakakalimutan yun, Jude. And please, kung yan lang ang sasabihin mo, iwan mo muna ako kasi pagod ako," aniya at ibinaon sa unan ang mukha.
He sigh. "Fine, just reminding you. Matulog ka na."
Napabuga rin siya ng hangin ng makalabas na ito. Nagulo na naman ang utak niya dahil sa pesteng pustahan na iyon na hindi niya alam kung bakit ang paano siya pumayag. Dahil diyan ay bumalik sa isipan niya ang usapan nila ni Jude.
"Dude, you can still back out," ani Jude sa kanya.
"Ano ba yan?" tanong ni Franco habang nakapikit.
"I want you to date Aki Jung. Game?"
Napamulat siya. "What?"
"Yeah, as part of my challenge sa yo. Haven't you forgotten that you did the same for me last 8 years ago to-"
"So kailangan gawin mo rin? That's not fair, Jude."
"This is not a revenge, dude. A challenge, just to know kung kaya mo nga. Alam ko na sikat siya gaya natin, but, if you can keep it a secret, then, great."
"Then?"
"Then, when you feel that she is already falling in love with you, make her cry."
Nakunot ang noo niya. "Are you insane? Kailangan ka pa natutong maging bida-kontrabida?"
"No, kasi hindi mo siya hihiwalayan, just make her cry, that's all."
"At sa tingin mo hindi siya magagalit at makipagbreak sa akin kung malaman niyang pustahan lahat?"
"That's the problem that you have to worry, kung magaling kang magtago, she won't know. Just nake her cry, that's all," anito.
"How?"
"Its up to you, bro. Diskarte lang yan."
Natahimik siya. Hindi niya alam kung ano ang isasagot.
"So? Are you taking the challenge?"
"Fine, I will do my best."
Now you're really in danger, man.
"NAKALUKOT NA NAMAN ang mukha mo," ani Welcy kay Aki.
Magkasama sila sa paborito nilang café. Dahil free sila sa buong isang linggo ay wala silang mga commitment. Nakadalaw na run ang mga ito kay Ate Ivine niong isang araw.
"Kasi hindi sumasagot si Franco. Kanina pa ako tumatawag," aniya. Sinubukan niya ulit pero wala pa rin.
"Baka busy lang," wika ni Welcy.
"Kahit anong busy nun nagagawa pa ring sumagot o tumawag eh."
"Urgh! This is frustrating! I give up," sabi niya at ibinaba na ang cellphone.
"Tatawag din yun kapag nakitang marami siyang missed calls from you."
"Hay nako, but anyway, how are you and JD?"
Hindi niya alam pero nakita niyang lumiwanag ang mukha nito nang banggitin niya si JD.
"We're fine," anito at ngumiti. Ngiting hindi masyadong masaya o malungkot. Ngiting eksakto lang.
"What do you mean by that?"
"We're okay, ayos lang."
Pinagtaasan niya ito ng kilay. "Nagkikita pa ba kayo?"
"Yeah, but not all the time."
"Are you two dating?" patuloy na tanong niya na ikinatawa nito.
"No, of course not. We didn't even talk about that."
"Eh ano ang dahilan kung bakit ka niya kinausap noon at kung bakit hinalikan ka niya?"
Tinakpan nito ang bibig niya at saka tumingin sa paligid. Konti lang naman ang mga tao at mabuti dahil hindi nadistract ang mga ito sa biglang pagtaas ng boses niya.
"Ang ingay mo!"
"Ano nga ang dahilan?" aniya matapos tapikin ang kamay nitong nasa bibig niya.
"Uhm, ano, ahh, k-kasi gusto niyang maging date niya ako sa reunion nila sa highschool."
"Oh, really? Wow, eh di headlines? Is he insane? Or baka pati ikaw? Alam niyo naman pareho na sa news ang bagsak niyo kinabukasan," sabi niya dito.
"We know. We won't go there together, and since its a masquerade ball, okay lang dahil may mask naman. He and his group will perform there kaya sa gilid lang talaga ako pupwesto."
"Well, good luck sa inyo," aniya.
Ngumiti ito. Nagkwentuhan pa sila bago umalis. Magbabonding sila sa kung saan dahil maaga pa naman. Dahil doon ay nakalimutan niya saglit si Franco.
ILANG BESES NG tinitingnan ni Franco ang cellphone niya habang panay ang ring niyon. Hindi niya alam kung pipindutin niya iyon.
Pang dalawangpo na ang tawag ni Aki sa kanya pero ni isa ay wala siyang sinagot. Hindi niya alam pero parang nasasaktan siya dahil sa tuwing nakikita niya ito ay naiisip niya ang pustahan nila ni Jude.
He was so stupid and so unreasonable, for saying yes to that stupid bet, or rather challenge. Challenge na matagal na nilang ginagawa ni Jude kung may nagugustuhan silang babae noon ng una.
Pero hindi niya alam kung bakit natatakot na siyang gawin iyon kay Aki. Mahal niya ito simula pa noon bago pa man siya naging sikat. He had love Aki to the point na hindi niya hahayaang masaktan ito.
"Kasi sana, kung niligawan mo siya noon, sinabi mo agad sa akin. Eh ayan, nagkakumplikado pa tuloy. Tinanong naman kita kung kaya mo oo naman ang sagot mo," wika ni Jude.
Silang dalawa lang ang naiwan sa dorm dahil may mga schedules sina Kuya Jan at Kuya Yam.
"I know, its my fault too."
"I'm sorry, Franco. I know how much you love her, kaya hindi na kita hahayaang gawin yun. We can just forget about that stupid bet, that challenge for making her cry. Para wala na lang masaktan. I've realise na hindi dapat pinaglalaruan o pinagpupustahan ang damdamin, kaya forget about the bet, okay?" mahaba nitong sabi sa kanya.
Napailing siya. "Ang labo mo talaga.'
"Binabawi ko na nga eh. Kasi ayokong mag away kayo nang dahil lang sa pinagpustahan natin siya."
"Okay. Salam-"
Naputol ang sasabihin nang marinig nilang may kung anong bumagsak sa labas. Nakita nilang bukas nang kaunti ang pinto.
"You didn't close the door?" tanong niya rito.
"No, I closed it. Wait, baka sina Kuya Jan yan," anito at tumayo.
Sinundan niya rin ito. Nang buksan nila ang pinto ay tumambad ang isang kahon ng cake. It was from Aki's favorite shop.
"Kanino galing to? Its-"
"Aki's."
"Huh?"
"Sh*t. Its Aki's. Gosh, its her, she heard us," aniya at saka tinakbo ang elevator. Nang dumating siya doon ay nakita niya ito na pinipindot ang mga buttons. Umiiyak ito habang ginagawa iyon.
Nilapitan niya ito. "Aki."
Nakumpirma nga niyang umiiyak ito dahil basa na ang nga pisngi nito. Tumakbo ito para bumaba sa hagdan pero mabilis niya itong niyakap mula sa likuran. Mabuti at walang tao dahil medyo gabi na.
"Let me go!" anito habang nanlaban sa kanyang lakas.
"Aki please, let me explain."
Nagawa rin nitong makawala sa kanya at saka tinulak siya. The next thing he knew, sinampal siya nito. Napatingin siya sa sahig dahil doon.
"H-how dare you! Niloko mo ko!"
"No, no, its not what you think-"
"Its not what I think?! Bakit, ano ba ang hindi ko pa alam? Ha!? Na pustahan lahat simula pa noon na ligawan ako? Para ano? Para malaman mo na kaya mo rin akong mauto gaya ng iba noon? Ha ganun ba?!" sumisigaw na wika nito.
Niyakap niya ito. Hinigpitan niya dahil nanlalaban ito. Hinahampas na nito ang dibdib niya pero wala siyang pakialam sa sakit. Niyakap niya ito hanggang sa tumigil na ito sa paghahampas.