Author's note: Hi, it's been a while since I updated a chapter in this story. I'm so sorry for the long wait guys. Kung meron pa nga ba talagang nagbabasa nito haha. I guess wala na so bubuhayin ko na siya. Ito kasi ang first story ko pero mas nauna ko pang nacomplete yung CTSTG. Kung tao lang to nagtatampo na siyang saakin talaga at baka itinakwil pa ako. Huhu. Yun lang. Enjoy reading. :)
***
Months have passed. Nerd and I are still together. Five months na kami ngayon. At tinanggap na rin siya ni ate Sabine kahit pa alam kong napilitan lang siyang gawin iyon. Who wouldn't like that Nerd, really? I just don't really understand my sister.
At isa pa. Si Nerd ang dahilan kung bakit ako matino na ngayon. Dad and Mom got proud of me when our adviser chose me as one of the top snatchers in our class. Yes, I'm already one of them. Kasama ko na roon sina Abby at Kim na hanggang ngayon ay di parin umaalis sa pagiging pwesto nila bilang Second at Third. I'm on fifth place anyways. Galing ko hindi ba?
Anyway, kasalukuyan akong nagbabasa para sa magiging midterm exam namin next week. Yes next week pa, but it's not bad to review in advance right? Nagpapataasan kasi kami ng score nina Kim at Abby. I just don't want to lose.
"Babe."
Napangiti ako nang marinig ang boses ni Keith sa likuran ko. He gave me a quick kiss on my left cheek before I turned to him.
"Saan ka galing?" nakapout kong sabi. "Hindi na kasi kita nakakasama palagi."
Napabuntong hininga lang siya. Oo tama ang sinabi ko, hindi ko na siya madalas nakakasama dahil na rin siguro sa binigay sakaniyang tungkulin rito sa school. He's now the SSG president. At syempre di birong trabaho iyon dahil buong school ang pamumunuan mo pero kasi... nakakamiss lang siya.
"I know. I missed you." he said as he gave me a peck on my lips.
My cheeks turned red as I looked around. Mabuti nalang at walang masyadong tao rito sa library. Isang malanding hokage talaga ang taong ito.
To think na Nerd siya ha?
Ngumisi siya dahil sa reaksiyon ko. "Limang buwan na tayo nahihiya ka parin."
"Malamang!" napalakas ang boses ko kaya napatutop ako sa bibig ko.
Napatawa siya ng mahina dahil roon. "My girlfriend is really cute." he said and pinched my nose.
Tinampal ko ang kamay niya. "Matagal na. Aba nerd, ngayon mo lang alam?"
"Matagal ko ng alam." umangat ang gilid ng labi niya.
Pucha. Kinikilig nanaman ako. Eh sapakin ko kaya 'tong taong to? Sarap magmura eh talaga.
Pagkatapos kong makuntento sa nirereview ko ay niyaya na niya akong umalis. Umoo na ako dahil sabi niya babawi daw siya sa mga araw na hindi niya ako nakakasama palagi. Syempre gusto ko iyon! Magpapatumpik-tumpik pa ba ako?!
We went on his house.
Hindi lang isang beses akong nakapunta rito kung hindi apat na beses na. Yes. You heard me right. Nakilala ko na rin sina Tita Catherine at Tito Exel na parents niya and they're friendly. Sobra pa nga ang kaba ko nung una niya akong pinakilala sa mga ito pero dahil malapit ang mga parents namin, naging madali na saakin ang pakisamahan sila. And there, I met Kenneth, his brother. Nag-kavibes kami agad ng lalaking iyon dahil parehas kami ng ugali. Bulakbol. He's the black sheep of their family. Parang ako lang, pero dahil nagbago na ako. Hindi na ako ganoon. Gray sheep na lang. Mwehehe.
Napatingin ako sa buong bahay nila pagkapasok namin. Their house is very nice actually. Hindi man kasing laki ng sa mansiyon namin, magara naman ang pagkakadisenyo ng sakanila. Pulos salamin ang nakikita mo sa bawat pader.
"Wait here. I'll just change." paalam saakin ni Keith.
Tumango lang ako at dumiretsiyo sa kitchen counter. Umupo ako sa high stool at tiningnan ang mga cake na nakalapag roon. Sa tingin ko ay home baked cakes ang mga ito. May ube cake, chocolate cake, mocha cake.
Nakakatakam.
Nilingon ko ang dinaanan ni Keith kanina. Sana makabalik na siya kaagad para matanong ko kung pwede akong kumain nito.
Kapal ng mukha ko diba?
"Hoy panget!"
Nilingon ko si Kenneth na siyang kakapasok lang ng kitchen area habang nakangisi. Napangisi rin ako. "Panget!"
Lumapit siya saakin at nakipag-fist bump saakin bago umupo sa stool na katabi ko. Pinagmasdan niya ang mga cake na nasa harapan namin. Ako naman ay pumalumbaba habang pinagmamasdan ito.
"Langya! Kakain ako!" aniya at tumayo na para kumuha ata ng platito.
"Oy!" pigil ko sakaniya. "Hintayin muna natin kapatid mo!"
He hissed. Pakamot kamot ng ulo siyang bumalik sa pwesto niya. "Asan ba yung Nerd na yun?"
Napahalakhak ako. Saakin niya nakuha ang pen name na yun ni Keith.
"Nasa kwarto nagbibihis."
Napatango lang siya.
"Nasaan sina Tita at Tito?" tanong ko habang inililibot ang tingin sa buong bahay, as if makikita ko ngayon sina Tita Catherine.
"Nasa Santorini. Nagbabakasyon dahil sa anniversary nila. Babalik din sila mamayang madaling araw."
Nagkatinginan kaming dalawa, maya-maya pa'y napatango-tango kami habang nanlalaki ang nga matang nakangiti.
"SOSYAAL!" sabay naming sabi. Naghalakhakan kami at nag-appear.
Kasundo ko talaga 'tong taong ito. Una palang nung first time kong nagpunta rito, siya talaga ang una kong naka-close. May isa pang kapatid si Nerd, actually. Si ate Kristen. I just met her through Skype dahil nasa states siya para doon mag-aral. Agad kong naalala si kuya Sandrex ko dahil sakaniya dahil saaming magkakapatid si kuya ang pinadala sa ibang bansa para doon mag-aral. Same as ate Kristen.
Maya-maya pa'y bumalik na si Nerd suot ang white V-neck shirt niya at simpleng maong shorts. Napangiti ako habang pinagmamasdan siyang seryosong naglalakad sa kabilang panig ng kitchen counter at inaayos ang mga cake na nakalapag doon. He's really handsome as ever!
"Hoy, kailan mo balak ipakain saamin yan?" tanong ni Kenneth rito.
"My girl first." simple niyang sabi saka tumalikod para kumuha ng plato.
Mayabang kong nginitian si Kenneth kahit pa kinilig nanaman ako sa sinabi ni Keith. Urgh.
"Ikaw na." irap niya saakin at binalingan si Keith. "Kuhanan mo din ako ng plato oy!"
"Mamaya ka na."
Napatawa ako.
"Tss! Kita mo 'to. Iaabot na nga lang ang plato saakin di pa gawin." naiiling na sabi ni Kenneth pero tumayo parin at naglakad sa kuhanan ng plato.
Si Keith naman ang tumabi saakin dala-dala ang isang platitong hawak niya.
"Anong gusto mong unang kainin?"
"Ikaw." I smirked.
Nanlalaki ang mga mata niyang tiningnan ako dahil sa sinabi ko. "What?"
"Ikaw... ikaw bahala. Lahat naman kasi yan kakainin ko." Gusto kong matawa. Ang malanding isip ko!
Napatango lang siya at yumuko para maghiwa ng ube cake. Nakita ko si Kenneth na nakangisi habang naiiling. Napatawa ako.
"Huwag gayahin si Sabrina." aniya. "Malandi si Sabrina."
Agad akong tinanggal ang tsinelas ko at binato sakaniya. Humalakhak lang siya.
"Gago." I mouthed, binelatan niya lang ako.
Maya-maya pa'y inusog na ni Keith ang platitong may laman na slice ng ube cake malapit saakin. Agad kong kinuha ang tinidor na nakapatong dito para maghati ng pirasong kasya sa bibig ko.
"Ikaw gumawa nito?" tanong ko.
Ngumiti siya habang nakatitig saakin at tumango. Ngumiti ako ng matamis bago isubo ang cake.
Nanlaki ang mata ko pagkatapos kong tikman. "Ang saraaap!" I said as my eyes twinkled. "Di biro Nerd. Masarap!" kako. Kumuha ulit ako ng panibago sa plato.
Tumawa siya. "Pag sinabi kong hindi ako ang nag bake niyan baka hindi mo sabihin yan."
Umiling-iling ako habang nakanguso. "Hindi ah! Masarap talaga! At tsaka.." sumubo ulit ako. "..kung hindi ikaw ang gumawa panigurado hindi ako masasarapan." ngisi ko.
Pinisil niya ang ilong ko. "Sabi na eh."
"Happy Birthday!" I exclaimed.
Nanlaki ang mata niya at natigilan sa sinabi ko. Napatigil din ako. Eh? May mali ba akong nasabi?
Nilingon niya si Kenneth na kasalukuyang kumakain na ng cake. "You told her?" aniya rito.
Kenneth looked at him innocently. "No."
"Yung totoo?"
"I didn't told her anything about that, man, I swear."
"But how did she know?"
"I don't know."
Nanlaki ang mga mata ko nang marealize ko ang daloy ng usapan nila. Ibig sabihin..
"Nerd." ipinaharap ko ang mukha niya saakin. "Birthday mo talaga?!"
"Hindi... mo alam?"
Umiling ako. "Joke lang yon! Pero di ko alam na birthday mo talaga." I said in disbelief. "Oh my god! Birthday mo! Bakit hindi mo sinabi kaagad?! Ni hindi ko alam!"
Nag-hi-hysterical na ako!
"Ni wala akong gift sayo! Ni hindi man lang kita napaghandaan! Ni hindi ko alam gagawin ngayon! Tangina!" hindi ko na napigilang magmura at wala akong pakielam. "Anong gusto mong gift?! Anoo?! Tell me!"
Tumawa si Kenneth. "Hala, nagwala na."
"Tss. Babe." hinawakan ni Keith ang magkabilang braso ko. "Chill, it's okay."
"No! It's not okay! We need to celebrate your birthday! Hindi pwedeng hindi! First time 'to! Birthday mo."
Tumawa siya at kinulong sa kaniyang kamay ang mukha ko. "I said it's okay. Kahit na nasira ang plano ko."
"Plano mo?"
Tumango siya. May kung anong inilabas siya sa kaniyang bulsa at ipinakita saakin. Nanlaki ang mata ko nang makitang dalawang tickets ng concert iyon sa isang kilalang banda sa Pilipinas.
Napatingin ako sakaniya habang nakaawang ang bibig. He's still staring at me with a suave smile on his face, waiting for my reaction.
"Are we going to..."
"Yes."
"Pakshet!" Napatutop ako sa sariling bibig nang tiningnan niya ako ng masama dahil sa sinabi ko. "I mean.. Pancakes! Pancakes!"
Natawa si Kenneth habang si Keith naman ay natatawa habang umiiling. I just smiled awkwardly.
Pero hindi pwedeng wala akong gift. Makikita ni Nerd!
***
"Anong gift ko?" kako habang kinakamot ang ulo.
Wala akong maisip na gift para kay Nerd. Pero gusto ko talaga siyang regaluhan. Ano 'to? Girlfriend niya ako pero wala man lang akong karega-regalo?! Aba hindi pwede yon!
"T-shirt. Regaluhan mo ng T-shirt." suggest ni Abby habang pinipinturahan ang mga kuko niya sa paa ng kyuteks.
Napailing ako. "Hindi. Ayoko. Hindi masyadong special yon!"
"Hmmm. Necklace kaya?" Kim suggested.
Napaisip ako. Maya-maya'y napaismid ako. "Hindi yon mahilig sa ganon."
"Special ba kamo?"
Napasulyap ako kay Abby at napatango.
"Marami akong alam."
My eyes twinkled. "Uy, talaga? Ano? Ano?"
Ngumisi siya at nagsimula ng magbilang sa mga daliri niya. "Lomi special, Goto special, Pancit bihon special, mami special-aray!" daing niya nang batuhin ko siya ng unan. Napahalakhak siya ng malakas pagkatapos.
Langyang babae talaga ito!
"Pakshet ka kamo." irap ko sakaniya. "Seryoso nga kasi!"
"Urur! Seryoso ako!"
"Wag ka na nga." napangiwi ako.
Natatawang napailing siya. Binalingan ko nalang si Kim. At least mas matinong kausap ang babaeng ito kaysa sa baliw na si Abby.
"Kim."
She pouted as she looked at me. "Alam mo naman kasing wala kaming alam sa mga ganyan, Sab. Ikaw palang ang nagkakaboyfriend saatin."
I groaned. Isinubsob ko ang sariling mukha sa unan na katabi ko. What should I give to him?! Hindi pwedeng wala!
"Pero..." humarap siya saakin. "I can give you tips, para makaisip ka."
I sighed. "Ano?"
"First. Dapat alamin mo ang mga hilig niya."
Napaisip ako at napangiti. Alam ko naman na ang hilig ng lalaking iyon kaya madali na iyon.
"Second, syempre dapat buong puso ang nakaalalay roon. Yung tipong pag natanggap niya iyon, ramdam kaagad niya ang pagmamahal mo." napangiwi ako. Ang corny naman.
"At third. Make the gift, very rare. Yung walang katulad. Yung tipong kapag makikita niya iyon ay ikaw kaagad ang maaalala niya."
Lalo akong napangiti. Maaasahan talaga ang kakornihan ni Kim kahit minsan.
Yea, I know now what to do.