Freaky Thoughts

By writerfreak13

3.5K 233 61

Lahat ng hindi masabi, dito ipapahayag. Nawa'y makarating ang nais ipahiwatig. Tapunan ng feelings by the one... More

Foreword
Marry Me
Before I let you go
It was when . . . .
Maybe
Handa ka ba?
At the Bar
Just A Regular Day
Revenge
In Vino Veritas
Pag-ibig
Alaala
Crybaby
Hindi Ba
Chickenjoy
Isa pa, Isa pang Chickenjoy
Chances
Mamahalin Kita
Kapag Nakita Mo Na Siya
Weekends
Confrontation
Waiting in Vain
Home
Soft Hours
After Shift
Sleep
Ice Cream
Opposites
A Letter From Me To You
Missing You
Photobooth
Quality Time
Gift Giving
Acts of Service
The Interview
Words of Affirmation
What if I told you that I've fallen?
Bida ang Saya
Physical Touch Part 1
Physical Touch Part 2
Attachment
Found You

Sundae

962 65 24
By writerfreak13

Idinip ko ang fries sa sundae at kinain.

Hmm sarap! Panalo!

"Ah excuse me? What did you just do?"

Shet! Si crush!

Luminga linga ako. Ako ba ang kinakausap niya?

"Ako?" turo ko sa aking sarili

Tumango ito at napangiti.

Good heavens! She's really gorgeous!

"You dipped the fries in your sundae?"

Napatango nalang ako.

"How was it?"

"I-it's g-great."

"Really?" she beamed "Can I try?"

"O-of c-course."

Kinuha niya ang mga gamit at ang inorder niyang burger. Pumunta siya sa side ko kaya wala akong nagawa kundi ang umusog.

Excitement was visible on her beautiful face as she ate my fries.

"Oh my! Ang sarap!" humarap siya sakin "Thank you!" ngumiti na naman siya.

My breath hitched.

Can she stop smiling like that? My heart races everytime she does.'


And that's when reality became better than my dreams.

One year and a half passed. I still can believe that a beautiful, talented, rich, smart and very popular girl like her will love me the way I did for her.

After that sundae incident we instantly became friends. She is much fun to be with unlike me, I'm the boring one. Listening is where I'm good at. She always do the talking when we're together.

In our 3months of being friends, I almost had a heart attack when she asked me something that I have been hiding from her since I met her.

"Do you like me?"

Feeling ko, tumigil ang mundo at sana lamunin na ako ng lupa ngayon din.

Feeling ko nadrain lahat ng dugo and any minute mahihimatay ako.

Pero mas nagulat ako ng gawaran niya ako ng isang halik sa pisngi.

"I like you too but I want you to court me first."

Gusto kong malaman kung pano niya nalaman na gusto ko siya.

She giggled "It's so obvious." she said

Hindi ko alam ang dapat kong maramdaman noon. Matuwa kasi may chance ako and she like me too! O ang matakot dahil hindi ako marunong manligaw.

I just did what my instincts told me to. I made her feel special. Hindi naman kasi ako mayaman. Gusto ko man bilhan siya ng mamahaling regalo, hindi kaya ng budget ko. Binawi ko nalang sa effort. Yung galing sa puso ko.

Another 3months passed and she finally said YES! We're officially together! It was the best day. I was happiest girl on earth.

And just last month, we celebrated our first year of being together. Everything is going smoothly but it's not always a happy ending right?

Iilang kaibigan lang ang may alam ng relasyon namin. I am proudly out though I still look like a girl. Siya, hindi and I understand that. Hindi naman kasi madali yun. Naiissue na nga kami but we never confirmed anything.

Akala ko kapag mahal niyo ang isa't-isa, okay na. Yun naman ang mahalaga diba? Pero hindi pa pala sapat yun.

She's very popular in our school. I am a nobody. She's in the top section while me on the lowest. She's rich and I'm just average.

Insecurities.

Naramdaman niyo na ba yung feeling na hindi mo deserve ang isang bagay?

"Why do you need to be insecure? Mahal ka na o! Ang swerte mo nga kasi mahal ka ng taong mahal mo." that what is I always say.

Pero sobrang iba pala kapag ikaw na mismo ang nasa sitwasyon. Mahirap. Sobra.

"What did I do deserve you?"

Nakaupo siya sa lap ko. Each leg is on my side.

"Well, you made me happy."

Napangiti ako sa turan niya.

"Thank you for loving me."

She kissed the tip of my nose "What's not to love?"

That moment, nalusaw ang insecurities ko. She loves me. Pinanghawakan ko yun.

'Hate is not the opposite of love. It's fear 'cause it can kill all
the possibilities of love'

She is the girl that every girl wanted to become and every boy they wanted to have.

She's almost perfect.

And that's what I'm afraid of.

"Bagay sila no? Perfect couple!" sigaw ng isang babae na mukhang kinikilig.

Nagtilian naman ang mga kasama niya.

Hindi ako tsismosa. Nacurious lang talaga ako.

I tried to listen to what they
are talking about.

"Oo nga no! Si Sasha maganda, mabait, talented at single. Ganun din naman si Jet, bakit kaya hindi pa nagiging sila?"

Hinanap ko ang mga taong pinaguusapan nila. Baka naman same name lang diba?

And there they were, sitting on a bench. They are talking and by the looks of it they are having fun.

Feeling ko tinakasan ako ng lakas. Hindi ako makagalaw ni mag-iwas ng tingin hindi ko magawa.

They really look good together.

Ang saya saya nila.

I wonder if I made her happy like that?

Hey! Don't over think 'kay? They're just friends! You're the one she loves.

How would you know that? Eh ako, ikaw!

"Ano ka ba? Huli ka na talaga sa balita! Nagpaalam si Jet noong nakaraang buwan na manligaw!"

She did not tell me that.

" . . . Pero hindi pumayag si Sasha."

Told you! Have faith on her and her love for you.

"Bakit daw?"

"Eh hindi ko na alam ang tungkol
dun."

"Ano ba yan! Kukuha ka nalang ng impormasyon, kulang kulang pa!"



Lately, pansin ko na madalas silang magkasama ni Jet.

At hindi ko maiwasan ang magselos lalo na ang mainggit.

Dahil sa naiissue nga kami, we need to distant ourselves from each other.

Ang hirap huminga tuwing nakikita ko silang magkasama at nagtatawanan.

"How was your day?" I asked.

"Okay lang, masaya."

Ngumiti ako ng pilit.

"Pero alam mo kung ano ang mas masaya?"

"Ano?"

"Eto!!" binigyan niya ako isang mahigpit na yakap.

I put my chin on her shoulder as I respond to her hug.

Ang sarap ng yakap niya . . . . pero ndi katulad ng dati, hindi nito nagawang maalis ang pangamba ko.

"Alice! Lunch tayo?" aya ni Sasha

Napangiti ako, ngayon lang ulit kami magkakasabay kumain. Medyo busy na kasi kami dahil graduation na next month.

Nabura iyon ng maalala ko na paubos na pala ang budget ko.

"S-sash kas--------"

"Sasha! Kumain ka na? Sabay ka na sakin?" - Jet

"Sabay na k-----"

"S-sige S-sasha mauna na ako. M-may kailangan pa pala akong gawin." hindi ko magawang tumingin sa mga mata niya.

Pinilit kong maihakbang ang aking paa. Nanghihina ako.

"Tara na?" - Jet

"Okay . . "

Ipinikit ko ang aking mata. Trying to stop my tears to fall.

Ang sakit.

Kung pwede ko lang siya na hilahin palayo sa taong yun, ginawa ko na. Ang hirap.

He has everything.

I have nothing.

Since that day, dumalas ang pagtatalo namin.

"We're just friends!" she yelled.

"Para sayo, oo pero sa kanya, hindi! Halata namang may gusto sayo yun eh!"

"Exactly! Siya lang, hindi ako kasi ikaw ang mahal ko!"

"Eh bakit palagi kayong magkasama?!"

"Sinasamahan niya lang ako kasi yung taong gusto kong makasama, wala sa tabi ko."

"Alam mo naman yung sitwasyon diba? We need to distance ourselves to each other. Pinoprotektahan lang kita!"

"But I need you . . ." her voice cracked.

Hinawakan ko ang pisngi niya at pinaglapat ang mga noo namin.

"God knows how much I want to be with you but I can't risk what we have. I don't want to lose you. Ayokong dumating sa point na kelangan mong mamili. Sobrang mahal kita na kahit hindi kita makasama ay okay lang dahil ayokong mas masaktan ka. Please understand." I kissed her forehead.

I don't know how it happened but we started to drift apart. No more late night talks. No more morning texts. Nothing.

It frustrates me that I am still inlove with her but I don't know about her.

I wanted to ask but at the same time, I am afraid to know the truth.

Nakakapagod mag-isip sa mga bagay na hindi mo alam ang sagot.

Mahal niya pa ako?

Kami pa ba?

Sumuko na ba siya?

Wala na akong alam.

"Anong nangyari satin?" she asked me

"Hindi ko alam."

"Mahal mo pa ba ako?" she stared at me

"Oo." I softly whispered.

"Pero pagod ka na diba?"

"I'm sorry."

"I understand. Ang tanong ko lang, san napunta yung pangako mo na maghihintay ka? na kaya natin basta magkasama tayo?"

All I could do is bow my head. Hindi ko alam ang sagot dahil hindi naman yun ang problema.

Ako. Unti unti akong nilalamon ng selos at insecurities. Natakot na dumating ang araw na marealize niya na hindi naman talaga ako mahal niya at iwanan na lang ako.

Hindi ko kakayanin.

I raised my head when I did not hear anything from her.

And all I could see is her walking away from me. Out of my life.

From that moment, I know I just did the biggest regret of my life.

I gave her up.

For the nth time, I lost but this time, I was the one to blame.

Ever since that day, it was hell for me. Without her is nothing.

Everything was pointless.

Seeing her smiling and laughing is bitter sweet.

I was glad not to see her sad because that would just kill me inside but it still pains me when she is happy, felt like I was nothing to her because she easliy moved on.

Graduation day came and I didn't feel excited nor sad. I felt numb. Para na nga daw akong zombie sabi ng friends ko.

The ceremony started and it all became until the valedictorian's speech.

Nakakaproud na makita siyang nagsasalita sa entabladong yun. Kung pwede lang ipagsigawan na 'mahal ko yan!' wala na siguro akong boses dahil araw araw kong isisigaw.

But we both know that I can't do it not infront of all this people and of course her family.

I can't ruin that perfect smile. I just can't.

Natapos ang speech niya ng hindi man niya ako tinapunan ng tingin. Kahit ata sa gawi ko hindi siya tumingin.

Pero okay lang, kasalanan ko naman eh. I need to endure it.

Konting kembot pa at natapos na ang program. Iyakan doon, iyakan dito.

Ako? Hinahanap ko siya na kahit sa huling pagkakataon makita ko siya at malay natin magkaroon ako ng lakas ng loob para kausapin siya.

I heard that her whole family will be leaving the country after her graduation.

Hindi ko alam kung bakit at kung hanggang kelan sila dun.

'Kaya mo yan! Batiin mo lang tapos bahala ka na! Ang mahalaga makausap mo siya diba?'

Humugot ako ng isang malalim na hininga.

Kaya ko 'to!

Nagsimula akong maglakad at hanapin siya sa gitna ng mga nagkakagulong estudyanteng 'to.

When I did see her, a smile crept in my face and my heart beat race.

Hahakbang na sana ako ng bigla siyang yakapin ni Jet. Kitang kita ko kung paano nagliwanag ang mukha niya at hindi maikakaila ang sayang nararamdaman niya.

Ang kakarapot na lakas ng loob na naipon ko ay biglang naglaho kasabay ng pagpatak ng mainit na likido mula sa mata ko.

Tumalikod ako para hindi makita kung gaano kalaking katangahan ang iwanan siya.



4 years later . . . . .

"Oy pre san ka pupunta? maglunch na muna tayo." aya ng kaibigan ko si Grace.

Sa apat na taong nakalipas nakapagipon ako ng pera at nakapagpatayo ng isang bar. Business partner kami ng dalawa sa mga college friend ko.

"Sa labas na ako kakain, nagcrave ako sa fries eh."

"Nagugutom ka ba talaga o namimiss mo siya?" si Karen

Ngumiti lang ako. Alam na nila yun.

"Sige sige basta bilisan mo ha? Wag ka ng magsenti pa dun."

"Oo naman babalik din agad ako."

Konting balita lang ang naririnig ko mula sa kanya. Ang alam ko she took up masteral's of some course.

Tinry ko din magmove on sa kanya pero ang hirap. Lalo na kapag naiisip mo yung mga what ifs. In short, pinapaasa ko lang ang sarili ko.

Kaya heto ako, stucked. Ndi makaalis. Mahal ko pa rin siya at hanggang ngayon hindi ko maiwasan na sisihin pa rin ang sarili ko.

Naging selfish ako, mahina at duwag. Kung tutuusin mas matapang pa siya dahil pinili niya na maging kami kahit na pwede iyong ikasira ng lahat lahat sa kanya.

If only I can turn back time, babaguhin ko ang desisyon ko. Pero wala na. Nawala na siya.

Paglabas ko ng bar ay bumungad sakin ang Hotshot Studios kung saan lumabas ang dalawang babae. Yung isa kilala ko si Ms. Leigh, siya ang photographer doon. Ndi ako pamilyar doon sa isa baka one of her flavor of the week or of the day base sa kilos nila ngayon akala mo magjowa kung mag-away.

"Wala talagang forever no?" may kung sino ang nagsalita sa tabi ko.

Isang babae. Mukhang bitter sa mundo.

"May forever no." kahit naman broken hearted ako, naniniwala pa rin ako doon.

Humarap siya sakin na nakataas ang kilay "Really? bakit? natagpuan mo na ba ang forever mo?"

"Oo kaso pinakawalan ko."

"Edi wala talagang forever!"

"Kung ang basehan mo ng forever ay ang haba ng pagsasama niyo eh wala talagang forever dahil lahat ay mawawala pagdating ng panahon. Pero kung ang forever ay isang klase ng pag-ibig kung saan gaano man katagal ang lumipas na panahon, may mawala man sa inyong dalawa ay nding ndi magbabago ang pagmamahal niyo sa isat-isa. Tingin ko yun ang tunay na forever. Parang true love lang yan eh, kukonti lang ang nakakakita dahil matatapang lang ang may kakayanan na hintayin sila."

"At isa ka sa matatapang na yun?"

Umiling ako "Duwag ako, siya yung matapang. Ikaw ba?"

"Hindi ko alam basta kapag nangyari na sakin saka ako maniniwala."

Ngumiti ako "Sabi mo eh. Sige mauna na ako." paalam ko.

Nagpagpasyahan kong dumiretso na sa mall since mainit ngayon at masarap tumambay doon.

Naglalakad ako ng mapansin ko ang pagtawid ng sabay sabay ng mga tao sa pedestrian lane. May nagkakabanggan pa dahil sa pagmamadali nila. Yung iba naman wala pakialam kung may masaktan sila basta makarating lang sa dapat nilang puntahan.

Mabuti nalang at malapit lang sa bar namin ang mall.

Pinili ko sa Mcdo. Mas masarap doon ang fries.

"Excuse me!!!!" sigaw ng isang lalaki. Lumingon ako at nakita ang ito na may hawak na isang babae at tumatakbo papunta sa direksyon ko.

Umiwas ako bago pa man nila ako mabangga. Kasunod nila ang mga lima pa siguro na puro babae na iniwasan ko din.

Grabe! Anong tingin nila sa mall? isang malaking playground?! tsk tsk mga kabataan talaga ngayon oh.

Dumiretso na ako sa Mcdo dahil nagugutom na talaga ako. Umorder ako ng isang fries at sundae.

I took the couch seat para komportable saka kokonti lang din naman ang tao dito ngayon.

I did my usual eating habits.

"Masarap?" isang batang lalaki ang biglang sumulpot dito sa tabi ko.

"Um oo."

"Talaga? Sige yan na rin ang oorderin ko." excited siyang umalis sa pagkakaupo pero bigla siya nadapa.

Agad akong lumapit at tinulungan siya "Okay ka lang? Kaya pa?"

"Opo!" todo ngiti pa parang ndi nasaktan ah.

"Sige basta ingat okay? tapos wag tatakbo."

Tumango tango naman ang bata saka umalis.

Tumayo ako.

"O ayan na yung order mo! Hindi ka nagsasawa sa fries at sundae? Aba eh yan nalang lagi ang kinakain mo pag andito tayo." sermon ng babae sa kasama sa kabilang table.

Nakatalikod ang kasama niya sakin.

Babalik na sana ako sa upuan ng magsalita ito.

"Can't help it. It's my favorite."

That . . . voice.

Unconsciuosly, my feet slowly move towards them. My heart pounding hard inside my chest.

Dug. Dug. Dug.

"Yan ba talaga ang paborito mo o yung taong naalala mo dahil diyan?" a teasing smile is playing on the woman's lips.

Pagkatapos ng ilang taon, eto na siya sa harap ko.

"S-Sasha." I uttered.

She looked up and I saw her smile faded.

"A-Alice."

Sht. It's really her.

We were just staring at each other when the woman she's with spoke.

"Alice Caballero?"

I gazed at her "H-ha?" how did she know my name?

Lumapit ito sakin "Sabi ko na ikaw yun eh. Hi! I'm Sarah, younger sister niya. I know you kasi naikwento ka na samin ni Ate and WE KNOW EVERYTHING."

"H-Ha?"

She chuckled.

"Sarah." Her sister warned her.

"Anyways, I think it's my time to go because you two, need to talk."

"Sarah you can't j----"

"Sssh Ate." she looked at her sister like they are talking by the eyes.

Humarap ito sakin "It was nice meeting you." inilahad niya ang kamay at tinanggap ko ito pero bahagya niya akong hinila papunta sa kanya "Make her happy again. I trust you but still good luck." she whispered "Bye Ate!"

Iniwan niya kami talaga. Nalito naman ako sa sinabi niya. Make her happy? bakit malungkot ba siya?

A few seconds passed until I spoke.

"C-can I s-si-----"

"O-of course!"

"b-beside y-you?"

"Ow! U-um s-sure." she said in a low voice I can barely hear.

"So your parents, they know everything?"

"Yes."

"W-what was t-their reaction?"

"Shocked of course."

"W-were they mad? You shouldn't have told them. W-wala na rin naman t-tayo."

"Suprisingly, they took it lightly. Okay lang naman daw as long as I'm happy. I can't lie for too long to my family. Besides, it was too obvious according to them."

"I'm sorry."

"For what?"

"For all the pain I've caused you. Mabuti nalang Jet was there no? Kamusta na nga pala kayo?"

Masakit but at least I can save the friendship right?

"We're okay."

"Where is he?"

"Back in London."

Ang alam ko nasa U.S. sila so LDR?

"Long distance? Mahirap yun ah buti nakakayanan niyo."

She didn't respond so I looked at her.

Nakakunot ang noo nito.

"You think Jet and I are together?"

Dug. Dug. Dug.

"Err h-hindi ba?"

"No."

"Ha? W-why? You're p-perfect together." napayuko ako.

Hindi ako iiyak.

"I can't. I'm inlove with someone."

Ow.

"H-He's lucky."

"I'm inlove with someone who broke up with me 4 years ago."

4 years ago?Sin-----

Tumingin ako sa kanya. Nakatitig siya sakin.

"I wonder if she still loves me. What do you think?" she added.

"S-she never stop loving you."

I stared at her.

Ghaaad. I missed her so much.

"Good." she smiled.

She took one fries and dipped it in on the catsup then ice cream.

"Say aaah?"

I really love this girl.

I took half of it and she ate the rest.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Yay first ever! hahaha

Continue Reading

You'll Also Like

28.8K 734 32
Hospital. Sleep. Racing. That's where Sebastian Jesian's life runs. All his life, he's been a devoted doctor, pouring his knowledge and strength into...
111K 7.7K 19
Kenny Rae B. Sinclair is a fourth-year college student. Pretty handsome but aloof and prefers to be alone. She has only two friends at school and has...
681K 22.2K 66
WAG MUNA BASAHIN, KUNG IMPATIENT KA. Emz
20.5K 899 26
Why me Attorney?