Kazumi's POV.
"Kyle?!" Anong ginagawa niya dito?
"Oh? Hi Kazumi!" Sabi ni Kyle saakin.
"Mag kakilala kayo?" Tanong saamin ni Gia.
"Oo/Yes." Sabay na sabi namin ni Kyle.
"So anong ginagawa mo dito Kyle?"
"Uhm.. Nandito ako kasi dito ako nakatira."
"Okay?"
"Wait wait Kazumi bakit mo kilala si Kuya?" Tanong ni Gia.
"Huh? Kuya?"
"Oo kapatid ko siya." Sabay turo niya kay Kyle.
"So ibig sabihin mag pinsan kayo ni Lucas?" Tanong ko.
"Hindi. Bakit?"
"Akala ko? Explain mo daw Kyle." Sabi ko kay Kyle kaya tumingin naman siya saakin.
"Di kami mag pinsan ni Lucas. Mag best friend lang kami. Sa totoo nyan pinsan niya si Ella."
"Pero bakit?"
"Ewan ko dun."
"Ok."
Georgia's POV.
Nakikinig lang ako sakanila. At pag katapos magusap ni Kazumi. Nagsalita naman ako.
"Ihhh. Kuya naman bat di mo sinabi saakin na magkakilala kayo ni Kazumi?" Nag mamaktol kong sabi.
"Eh sa di ka naman nag tanong."
"Ihh. Kahit na!"
"Oh sige sorry lil sis ah. HAHAHA."
"Langya ka Kuya! Huhuhu. Namiss kita!!" Sabi ko sabay yakap sakanya. Di ko kasi siya nakita kahapon kasi maaga akong natulog tapos dinistorbo nga lang ang pagtulog ko.
"Haha. Namiss din kita. By the way magkaklase tayo!"
"Wehh?! Seryoso?"
"Ay hindi mukhang nagbibiro ba ako?" Seyoso niyang sabi.
"Ikaw naman kuya! Hehe joke lang. Sabay na tayo bukas ah. Yehey!"
"Sige ba. Wag kang mag pa late ah kundi patay ka."
"Sige! Sige taas na kami!" Paalam ko sakanya at tumakbo na kaming tatlo papuntang kwarto ko.
"Akala ko di mo na kami naalala." Natatawang sabi ni Kazumi.
"Hahaha. Makakalimutan ko ba ang mga best friends ko nang dahil alng kay Kuya. Hahaha."
"Di mo naman sinabi saamin na may kapatid ka pala." Sabi naman ni Zami.
"Eh di naman kayo nag tanong eh."
"Mana ka talaga sa kapatid mo. HAHAHA." Natatawang sabi ni Kazumi.
"Huh?"
"Yan din kaya ang linya nya kanina HAHAHA."
"Ano pala ang ginagawa natin dito?" Tanong ni Kazumi.
"Gagawa assignments." Sabi ko.
"Eh. Wala naman tayong assignments ah." Sabi ni Kazumi.
"Meron kaya!" Sabi naman ni Zami.
"Huh? Anong subject?"
"Sa science."
"Weh?"
"Oo meron sa science. Natutulog ka kaya nun kaya di mo alam na may assignment." Sabat ko naman sa usapan nila.
"Halah! Di ako nakacopy ng notes. Pacopy ba." Sabi ni Kazumi kaya binigay ko naman ang notes ko sakanya.
"Sige magsimula na tayo." Sabi ko at nag simula na rin kami.
-
*knock knock knock*
Ayyst sino naman kaya ito? Binuksan ko na ang pinto at nakitang nakatayo sa harap ng pinto ang pangit na mukha ng Kuya ko.
"Anong kailangan mo?" Sabi ko. Parang walang respeto noh? Pero ui may respeto kaya ako sa tandang 'to.
"Kain na sa baba. Baka guton na yang dalawa mong kasama." Sabi niya.
"Ay sila lang talaga inalala mo?"
"Oo HAHAHAHAHA. Sige na bumaba na kayo."
"OO NA!" Inis na sabi ko at padabog na isinara ang pintuan.
"Oh bakit ka Gia?"
"Ahh. Wala naman. Baba daw muna tayo sabi ni Kuya.
"Okie/Okey." Sabay na sabi nina Zami at Zumi. Sheet nakakahilo naman ang mga pangalan nila. At dahil walang second name si Kazami at si Kazumi naman ay meron; Nica na lang ang itatawag ko kay Kazumi. Oo tama Nica.
*
*burrppp*
Ooops napalakas ang pag buburp ko hehehe.
"Excuse me." Sabi ko.
Pagkatapos naming lahat kumain ay nagsalita naman si Kazumi.. errr.. Nica.
"Tara taas na tayo para matapos na rin natin yung assignment."
"Sige sige." Tapos tumaas naman kami.
*
"Haaaayyy salamat tapos na rin tayo." Sabi ni Kazumi habang nag unat unat. Tapos tinignan naman niya yung relo niya.
"8:47 na pala. Hayyst sige uuwi na kami Georgi." Sabi ni Nica habang nililigpit niya ang mga gamit niya. Nililigpit din ni Zami ang mga gamit niya kaya tinulungan ko na silang dalawa.
"Sige sige." At nung natapos na kami sa pag liligpit tumayo na kami.
"Una na kami ah." Sabi niya habang naglalakad na papuntang pintuan.
"Hatid ko na kayo sa labas."
"Okay."
Bumaba na kami at dumeretso na sila sa kotse ni Nica.
"Ingat kayo!" Sigaw ko.
"Oo ba! Good night!" Sigaw ni Nica.
"Good Night!" Pasigaw na sabi ni Zami.
"Good Nightyyy!" Sigaw ko naman.
*
Kazumi's POV.
Hayy salamat naman at may kaibigan at kapatid akong classmate. Kasi naman kung di dahil sakanila sana wala na akong notes at assignment. Sabi pa nga nila saakin kanina na over 70 points daw yun at 10% sa grade. Haynako bat ba ako nakatulog? Di naman ako ganito dati ah? Ayyst. Matulog na nga lang ako. Nakapikit na ang mga mata ko nang may narinig akong ingay galing sa bintana. Ano kaya yun? Pinabayaan ko na lang ng narinig ko nanaman yung ingay at may kasabay pang 'psst' nako multo ba yun? Lagot! O_O <--- ganyan mukha ko ngayon.
"Psst." Ayun nanaman.
"Kazumi..." Halah? Paano niya nalaman ang name ko?
"Waaaahhhh multo multo multo!" Sigaw ko habang nakapikit.
~Why'd you have to go and make things so complicated?~
Halah? Ring tone ko yun ah? May tumatawag? Sino naman kaya? Gabi na ah? Pinalo ko noo ko. At kinausap ang sarili.
"Ring tone mo nga yun Kazumi! Malamang may tumatawag! Malamang di mo alam ang tumatawag tignan mo kaya diba? At malamang gabi na madilim na nga diba? Takte ka! Are you crazy?!" Sabi ko sa sarili ko habang sinasabunot ang buhok.
~ Why'd you have to go and make things so complicated?~
Ayan nanaman kaya tinignan ko naman na kung sino yung tumatawag.
"Tumatawag si Lucas?!" Sigaw ko sa sarili.
*Booogsh*
Ay! Nahulog pa ako. Langya -.-
Ang sakit ah.
Sinagot ko naman ang tawag.
"Hello?"
"Kazumi!"
"Oh? Bakit?"
"Lumapit ka sa bintana at tingnan mo kung anong meron!" Huh?
"Ba--"
*toot toot*
Ay binabaan ako? Bastusan lang beh? And because I don't have any choice at di naman ako makatulog. Wala akong magawa eh. Lumapit nga ako sa bintana at nalalag lag ang panga ko. Hehe joke lang uy!
"Lucas?!" Ngaumiti naman siya. Gwapo niya ihh.
"Bat ka nandyan?! Gabi na ah?!"
"May sasabihin lang ako!"
"Ah sige sige. Wait lang ah. Mababa lang ako!" Sigaw ko at agad agad namang bumaba.
Binuksan ko yung pintuan at lumabas na.
"Bakit ka nandito?"
"Ayaw ko nang magpaligoy ligoy pa." Huh? Ano daw? Wala akong naintindihan eh.
"Huh? Ano sabi mo?"
"Pwede bang manligaw?" Seryoso niyang sabi.
------------------------------
Ano ba yan? Lumalove life na ang bida natin hahaha. Ano kaya sagot ni Kazumi? Hahaha alam kong masyadong obvious. Haha.
©black_dollette📝
-J