KANDYCE
Speaking of Maid Café. Saan na nga ba ulit yun? tanong ko sa isipan ko nang mapagtanto ko na hindi ko pala alam kung paano pupunta roon. Kanina pa ako nakalabas sa college building namin at may fifteen minutes pa bago mag-ala una at bago magsimula ang duty ko. May sinunod din naman akong mapa papunta sa Maid Café. Ang problema nga lang hindi yata ako marunong magbasa ng mapa dahil hindi ko na alam kung saan ako napadpad. Nasa likurang bahagi ako ng isang ewan-kung-anong-gusali at walang katao-tao rito. Oo, walang tao rito kasama na rin ako. Dahil diyosa ako hindi tao. Charot! Tanda lang ito na malapit na talaga akong masiraan ng bait.
Tinititigan ko lang yung hawak kong mapa at binabali-baligtad ito. See? Ni hindi ko alam kung saan ang harap at likod ng mapang hawak ko. Mahirap tanggapin pero wala rin yata akong sense of direction. Pero kung may ipapalusot man ako yun ay sadyang napakalawak lang talaga nitong university kaya madali rin akong maligaw. Bumuntong-hininga na lang ako. WAAAH! Bakit ba palaging nangyayari sa akin ito?! (T^T) Napasandal ako sa pader ng gusali at napadausdos hanggang sa nakaupo na lang ako sa lupa. Niyakap ko yung mga tuhod ko at napatingin sa mga paa ko. Oh, kita niyo na! Pati ba naman yung isang sapatos ko nawawala. Pinambato ko kasi sa bakulaw na yun. Hindi ko naman pinagsisisihan yung ginawa kong yun pero yung isang medyas ko kasi marumi na. Ang swerte naman ng araw ko. Pisti!
"Arf! Arf!"
Ang sabi ko peste na naging pisti, hindi aso! Maluwag na nga yata talaga ang tornilyo ng utak ko. Wala kasing proper maintainance. Kung anu-ano na tuloy ang naririnig ko. Sabi nila isa raw ito sa mga sign na nasisiraan na ng bait ang isang tao. Ang tanong: nasisiraan pa ba ng bait ang taong matagal nang baliw?
"Arf! Arf! Arf!" mas lumakas yung kahol hanggang sa maya-maya ay may tuta na sa harapan ko na nakatingin sa akin. Good news: hindi pa ako tuluyang nasiraan ng bait!
The puppy was a beautiful breed with a thick coat that came in a multitude of colors and markings. Pero ang main colors ng tutang ito ay gray at white. The puppy's multi-colored eyes and striking facial mask only added to its appeal. I was immediately drawn to this puppy because of its wolf-like looks. Sa kabilang banda, halata namang naghahanap ng kalaro yung tuta lalo na at nakasulyap lang ito sa akin habang nakalabas ang dila at iwinawagayway yung buntot nito. The puppy leapt from side to side as if daring me to touch him. "Arf! Arf!"
Napangiti ako at hinawakan yung tuta. Ginulo ko yung balahibo nito. Dinila-dilaan naman nito yung kamay ko at nahiga sa lupa. Natawa ako. Ang playful talaga ng mga aso. Agad kong nakalimutan ang ano mang pinoproblema ko kanina lang.
"Good afternoon, Kandyce."
Tumingala ako sa bumati sa akin. Itinigil ko ang pakikipaglaro sa tuta nang tumambad sa harapan ko ang maamong mukha ng isang matangkad na binata. He had light blond hair and light blue eyes. He shyly smiled at me which I immediately found totally adorable.
Tumayo ako at ngumiti. Nakahihiya naman daw kasi yung posisyon ko. "Good afternoon din!" (^_^)
"Uhm...naaalala mo pa ba ako?" (>///<)7
Tanong niya at napakamot pa sa batok niya. Ano kayang ibig niyang sabihin na naaalala? Nag-meet na ba kami somewhere? May memory gap na ata ako. Pero pamilyar siya sa akin. Sinulyapan ko yung white lapel niya. Isang golden rod ang nakalagay roon. Ibig sabihin, isa siyang nobility. Pinilit kong halungkatin yung alaala ko simula nang dumating ako rito sa university habang nakatitig sa kanya. Hmmm... (==__==)
---*LIGHTBULB!*---
"Ah! Ikaw yung in-assign ni professor Burns na partner ko, 'di ba?"
"Oo, ako nga. Enver Creviston pala," sabi niya at inilahad ang isang kamay niya sa akin. Sa isa pang kamay niya ay napansin kong may bitbit siyang paper bag. "Nice to officially meet you, Kandyce Robles."
Napangiti ako. Yung ngiti talaga. Pwede ko bang iuwi itong isang 'to? Ang cute kasi niya eh. Baby-faced siya pero boyish tingnan. Parang ang sarap niyang yakap-yakapin at halik-halikan sa mamula-mula niyang mga pisngi. Pero siyempre wala akong balak gawin yun sa kanya. Baka mamaya masampahan pa ako ng sexual harassment.
Inabot ko na lang yung kamay niya at pormal na nakipagkamay sa kanya. "Me, too."
"Pasensiya na at ngayon lang kita nalapitan," wika niya nang magbitiw ang mga kamay namin. "Ako dapat yung nagga-guide sa'yo sa everyday life mo o nagtuturo sa'yo sa mga dapat mong matutunan pero hindi ko nagagawa yung responsibilities ko bilang partner mo."
Ang bait naman ng nilalang na ito. "Sus! Wala yun!" I said with a wave of a hand as if dismissing something. "Nakakasurvive pa naman ako rito kahit papaano."
"Grrr! Arf! Arf!" singit na lamang nung tuta.
Napatingin si Enver sa tuta na kasalukuyang patuloy sa paglalaro. At sa dinami-rami ng pwedeng paglaruan ng tutang ito ay yung medyas ko pa ang napagtripan niyang ngatngatin. Agad akong namula habang sinusubukang ikubli yung paa kong walang suot na sapatos.
"Mak-Mak! Sit!" suway ni Enver sa tuta. Agad namang tumigil si Mak-Mak at sinunod ang utos ng amo niya.
"Bakit Mak-Mak, hindi En-En?" biro ko para lang pagtakpan yung pagkapahiya ko.
Nakatingin lang sa akin si Enver. Hindi ko mabasa yung ekspresyon niya kaya umiwas na lang ako ng sulyap. Pakshet, basag! Baka iniisip niya ang corny ko! (>///<)
Subalit maya-maya ay bigla na lang siyang humagalpak ng tawa. Ang gandang pakinggan ng tawa niya. Nakakahawa. Gusto ko rin sanang makitawa pero hindi ko alam kung ano ang tinatawanan niya. Alam ko naman kasing hindi nakatatawa yung joke ko. Ngumiti na lang ako. Nakaka-enjoy din naman yung view eh. Hehehe.
"Pasensiya na," paumanhin ni Enver nang unti-unti siyang kumalma. "Ang gaan lang kasi ng pakiramdam ko sa'yo. Siguro naaalala ko lang kasi sa'yo yung kaibigan ko."
"Bakit naman?" At saka sinong kaibigan yung tinutukoy niya?
Nagkibit-balikat siya at sinalubong ang mga sulyap ko sa kanya. Ngayong nakatingin ulit siya sa akin, napagtanto kong amusement at fondness yung nasa ekspresyon niya. "You are both cheerful, charming and endearing."
I blushed. Siyempre nagpigil na rin ako ng ngiti kahit na kinilig ako sa sinabi niya. Sa lahat kasi ng mga pang-iinsultong narinig ko so far simula ng dumating ako rito sa university, si Enver pa lang ang pumuri sa akin ng ganito. Nakakataba kaya sa puso. :"3
"Ano ulit?" pa-inosenteng tanong ko. Paraan ko lang 'to para marinig ko ulit yung sinabi niya kanina.
Napakurap-kurap siya habang nakatingin sa akin. He looked like he just realized what he had just mentioned. Sa pagkakataong ito, siya naman ang nag-blush. Umiwas siya ng tingin at napakamot na lang sa batok niya. Sa tingin ko, hindi siya aware sa ginagawa niyang 'yan. At 'yan mismo ang nagpapadagdag sa cuteness niya. Pwede bang gawing legal ang pangingidnap kahit ngayon lang? Promise, once ko lang gagawin.
"Joke lang," I chuckled. Baka mamaya maging hobby ko na ang pagtripan si Enver nito. "Narinig ko yung sinabi mo kanina. Na-flatter lang ako kaya ko pinapaulit. So, bakit Mak-Mak ang pinangalan mo sa tuta?"
Enver smiled gently as he looked at the puppy thoughtfully. "I named him after her."
Her? Babae yung kaibigan niya? Akala ko kanina si Clive yung tinutukoy niya. Sa pagkakaalala ko kasi sa kwento ni Angelique kanina, dati silang magkaibigan ni Clive. Pero kung sabagay, paano naman magiging Mak-Mak yung pangalan ng kumag na yun?
Tumango na lang ako at tiningnan din yung tuta. Mak-Mak, on the other hand, was wagging his tail energetically while looking up at us. "I see. For sure napakahalaga ng kaibigan mong yun para sa'yo. Ang swerte naman niya."
"Arf! Arf!" tahol ni Mak-Mak.
Ngumiti ako. "Oh, kita mo. Pati si Mak-Mak agree sa sinabi ko."
Enver suddenly whipped his head toward me. He was blushing. Again. Masama 'to. Mas lalo ko pa siyang gustong pagtripan. Bakit ba kasi ang bilis niyang mamula?
"Alam mo bang nakukyutan ako sa'yo kapag ganyan ang ekspresyon mo?" I teased. Well, napaka inosente kasi ng itsura niya. Katulad ngayon. Mas lalo pa tuloy siyang namula dahil sa sinabi ko. Agad siyang umiwas ng tingin at iniabot sa akin yung paper bag na bitbit niya. Tinitigan ko ito saglit.
"Uhm, bakit 'to?" (?_?)
Hindi pa rin siya tumitingin sa akin. "P-para sa'yo. May sapatos ka diyan. May mga textbook ka na rin diyan na pwede mong basahin. May ilang notes din akong in-outline diyan."
"Ahy, w-wow. Ang effort," saad ko. Hindi ko inaasahan 'to. "Thank you, Enver!" nakangiting saad ko nang makabawi ako mula sa pagkasorpresa ko at kinuha mula sa kanya yung paper bag. "Pero bakit may sapatos dito?"
Hindi naman sa ayaw o hindi ko kailangan yung sapatos pero nakapagtataka lang kasi dahil ngayon lang naman niya ako nakita na nawawalan ng isang sapatos.
"Nakita kita kaninang umaga," paliwanag niya. Sa pagkakataong ito, tumingin na siya sa akin. Napaka expressive ng light blue eyes niya. Halatang naririto yung sincerity ng mga sinasabi niya. "Kaya naisipan kong bilhan ka kanina ng sapatos kasi baka kailanganin mo."
"G-ganun ba? Thank you ulit," sa pagkakataong ito ako na yung nahihiya sa kanya. Ang bait at ang thoughtful niya. Feeling ko parang hindi tuloy sapat yung simpleng thank you lang. "Uh, Enver. Alam mo ba pala kung saan yung Maid Café? Medyo naliligaw kasi ako eh."
The corners of his mouth quirked up. "Malapit lang yun dito. Samahan na lang kita papunta doon."
I smiled back. "Sure!" (^_^)
Bago kami dumeretso sa Maid Café ay sinuot ko na muna yung sapatos habang nakikipaglaro naman si Enver kay Mak-Mak. Kulay black yung sapatos at may maliit itong ribbon sa harapan. Simple ang itsura pero cute. Pagkasuot ko sa sapatos ay saktong-sakto ito at bagay pang tingnan sa paa ko dahilan upang mamangha ako. "Buti alam mo yung size ng paa ko."
Ilang segundo ang nagdaan bago siya sumagot. "Pareho kayo ng height," pabulong lang niya itong sinabi pero narinig ko ito. May gusto kaya siya roon sa sinasabi niyang kaibigan niya? Parang may something kasi sa ekspresyon niya at sa mga mata niya kapag tungkol na sa kaibigan niyang yun ang pinag-uusapan eh. Tsk. Sayang. May balak pa man din sana akong mag-apply bilang girlfriend niya. Charot lang!
"Magkano bili mo rito sa sapatos? Babayaran na lang kita kapag nagka-sahod na ako," saad ko sa kanya nang maayos ko na yung gamit ko.
"Hindi na kailangan. Libre ko na 'yan," wika niya. Magsasalita pa sana ako pero nag-aya na siya, "tara na."
Oh, well. Ang sabi nga nila huwag daw tumanggi sa grasya. Kaswal na ang naging pag-uusap namin ni Enver habang naglalakad kami papunta sa Maid Café. Karamihan sa pinag-usapan namin ay tungkol kay Mak-Mak na kasalukuyang patakbo-takbo sa kung saan-saan. Maya-maya ay pupunta ito sa mga kakahuyan at pagkalipas ng ilang segundo ay muli itong magpapakita sa harapan namin na para bang naghihintay. Kapag malapit na kami sa kanya ay bigla ulit siyang tatakbo papunta sa kakahuyan. Nalaman ko na Siberian Husky pala ang tawag sa breed ni Mak-Mak. At saka pwede rin pa lang mag-alaga ng hayop dito sa university. May sariling barn ang mga hayop dito kung saan sila nananatili at pwede rin silang bisitahin ng amo nila rito ano mang oras.
"Saan dito yung barn?" tanong ko kay Enver habang naglalakad sa tabi niya.
"Gusto mo bang pumunta roon?"
"Siyempre naman!"
Napangiti siya. "Sige, ipapasyal kita roon kapag may bakante tayong oras."
"Sure!" abot-tengang pagpayag ko. Mahilig din kasi akong mamasyal kaya medyo na-excite ako.
"Arf! Arf!" kahol na lamang ni Mak-Mak nang magpakita siya ulit sa harapan namin.
"Nandito na tayo," saad naman ni Enver. Dito ko na napansin ang isang sign board sa harapan namin kung saan may nalakagay na Maid Café. Ilang metro ang layo mula sa sign board na ito ay matatagpuan na ang mismong Café. Hindi kalakihan yung Café pero kaaya-aya itong tingnan. Puro pastel colors lang kasi ang pintura nito. Pastel yellow, pastel blue, pastel green, pastel orange at iba pang pastel colors na pinaghalo-halo.
Nakangiti akong humarap sa kasama ko. "Thank you very much, Enver!" (^_^)
"Wala yun," wika niya.
"Maraming-maraming salamat din dito!" saad ko at itinaas yung bitbit kong paper bag.
"Walang ano man, Kandyce. Partner kita kaya dapat lang na tinutulungan kita," sabi niya. "Sige punta na ako. May klase pa kasi ako."
"Ah, okay sige. Ingat!"
Nang magsimula na siyang maglakad paalis ay tumalikod na rin ako para dumeretso sa Maid Café.
"Uhm... Kandyce?" hindi pa ako nakakahakbang nang marinig ko ulit ang boses ni Enver. Mas mabilis pa ako sa alas kwatrong lumingon sa kanya.
"Yes?" (*u*)
"Tawagin mo lang ako kung kailangan mo ng tulong. Nakahanda ako para tulungan ka sa kahit na anong bagay bilang partner mo." (^_^)
"Oo naman! Promise, tatawagin kita. See ya!" \(^_^)
*****