EDDIE
Nasa isip ko nanaman si ms. world, ewan ko ba lagi nalang siyang pumapasok sa isip ko.. hindi manlang kumakatok. haha! Ang kulit nun e. Nung una ko siyang nakilala, kinakausap nya yung mundo. haha! Sabog nga siya nun e, basa. Buti may jacket sya nun, naawa naman ako nun. pero mukhang matatag sya nun. haha! Kaya nagpasya ako ihatid nalang siya. Nakakatawa sya e! Siguro iniisip nya swerte sya na nandun ako? Haha! Ako nga swerte kasi nandun ako. Pinapunta ako ni wacky dun e, pinakuha nya yung letseng notebook nya sa science. Naggroup study kasi kami nun. Tapos ayun, parang naging extra special buhay ko nung makilala ko si ms. world. Lagi ko nalang siya inasar, pero syempre kailangan hindi ako laging lumapit, baka madaming mainggit sa kanya. Katulad nung nagsungit si wacky, may topak e. Buti nalang nakabawi siya kagabi kay ms. world slash sabog.
~Last night
hinanap ko agad yung facebook ni ms. world. Hirap hanapin ah! *TING* kuya nya nga pala si kambing! haha si aries. Sinearch ko sa friends ni aries, ung pangalan na eve. May lumabas naman agad..
Evergreen Fuyii Heartfilia
Naks naman! ganda ng name niya..pang prinsesa. kaso lagi siyang sabog e. >.< Haha! Hindi ko pa sya nakikitang maayos pero sobrang nagagandahan nako. pano pa kaya pag maayos? haha! chineck ko yung profile kung sya nga, letse sya ba to? Puro picture ng anime tapos ni isang picture ng muka nya, wala. puro private pa yung profile pic nya! haha! hays. Wala din siyang mga status o kahit anong post, masyadong pamysterious to si ms. world e! haha. Nagrequest ako sa kanya, tagal naman iaccept. baka hindi online? Nagstatus ako.
Sana iaccept mo request ko.
56 likes• 78 comments• share
haha! mamaya-maya. Inaccept na nga nya! Yeees! Chinat ko sya agad.
Eddie: Helllloooooo ms. world! Sa wakas inaccept mo na din! Ganda ng name mo ah! Evergreen♡ Namiss kita kanina eh! Haha!
•Sent just now, seen 5:56 pm
awtsu sineen lang ako. Machat nga ule!
Eddie: Oy seen! Famous to oh! Bat wala ka nga palang maayos na picture sa fb mo? haha! Puro nakaprivate pa, pfft. Artista ka?
•Sent 1 minute ago, seen 6:02 pm
nagtytype na sya! haha! yown! kailangan pang asarin to e! biglang may kumatok sa kwarto ko, syempre inexit ko muna chat namin ni ms. world, baka sabihin nangseseen ako! haha.
"Sino yan?" sabi ko.
"Ijo, may bisita ka. Si Sir Joaquin." sabi ni yaya. Binuksan ko naman pinto ko at nginitian ko si yaya, tinuturing kong second mother yan e! haha. mabait kasi. Lagi kasi wala dito sila mama at papa. bumaba na ako at nakita ko nga yung baby koo♡ haha biro lng. ano meron? Munshunga sya haha!
"Oii, Wacky! Ano ginagawa mo dito?"
Tanong ko. Tumingin naman siya ng masama, sabi ko nga pwede ka pumunta lagi dito e! >.< May regla ba sya? Haha!
"Trip lang, walang magawa sa bahay e." Sabi niya. ahhh! Eh saktong nagugutom na daw sya, ayaw naman namin magpaluto. Nagdesisyon sya bumili nalang sa 7-11..
"Bili nalang ako ng pagkain sa 7-11." Sabi niya. umokey naman ako.. sabi ko sapat na sakin, ang siopao! Umakyat nako nung nakalabas si wacky. kachat ko pa si ms. world e! Pagkapasok ko sa kwarto, binuksan ko agad chat namen ni ms.world.
Evergreen: Shatap! Lakang pake.
•Sent 15 minutes ago
nakuu! baka sabihen snob ako!
Eddie: Haha bat ang cute mo?
•Sent Just now
Di na yata sya online? huhu. Nagantay ako wala pa den!!!
Eddie: oyy! reply naman dyan oh!
•Sent just now
-___- wala pa den haha! antay ako ulit.. wala padin!!!! >.<
Eddie: hoyy!! luhh!! di namamansin si ms. world!! oyy babae!!
eveeeee pangoo!
sus yoko na nga. haha joke!
•Sent 21 minutes ago
oo na. hindi paren sya namamansen haha! san na kaya yun??
Saktong may kumatok sa pinto ko.
"Bakit po ya?" sabi ko, si yaya siguro yan.
"Buksan mo na nga to, ginagawa mo pakong yaya, lintek." Napatawa naman ako! haha si wacky pala to. Pinapasok ko sya agad. Nakangiti naman sya. Anyare?
"Tama ka nga Ed, Nakakatawa talaga yun si ms. world." Sabi niya. NAKITAAA NIYA SI MS. WORLD KANINAAAA? Ang daya!!!! kaya pala d nagrereply!!
"Nakita mo?!" Sigaw ko. haha
"Wag ka nga sumigaw! At oo, napansin ko na madame na nagagalit dun sa babaeng nasa harap ng pila dun sa 7-11.. Pumunta ako sa harap, si ms. world pala yun, ayun ako na nagbayad. Tapos nung labas ko, hinabol nya ako.." sabi niya. alam ko hindi lang yun nangyari!! nakangiti sya e!! huhu!
"Tapos?! ano paaa?" sabi ko. haha
"Binigay niya sakin yung hotdog nya, hahahahaha!!" Tumawa sya ng malakas. yung tipong minsan lang namin marinig. Wala pang babae ang nakapagpatawa sa kanya ng ganyan, mama lang nya kaya magpatawa dyan. napangiti naman ako kay wacky. miss na namin na ganyan siya.. simula kasi nung..
"Oh, siopao mo." kumakain na pala sya. kinakain nya yung hotdog. hay nako.
Kinuha ko yung siopao tas chinat ko uli si ms. world. kaya pala di nagrereply, tsskkk.
Eddie: Nagkita pala kayo ni joaquin ah!
•Sent just now
Teka, cr nga muna ako, lintek e. haha!
"Cr muna ko wacky boy" sabi ko at nilapag siopao ko sa kama. pagkalabas ko, nasa tapat na ng laptop ko si wacky. Hala baka nabasa nya mga message ko kay ms. world haha! Lumapit ako agad, nagreply pala si ms. world.
Eve: Hoy mokong, pano mo nalaman?
haha! nagreply si wacky, gamit acc. ko.
Eddie: Si Joaquin to, nasa bahay niya ako. Nagcr muna siya.
Hahah! sinabe talaga amputik.
nagreply agad si ms. world.
Eve: Hehe sige.
PFFT pabebe! hahaha! Di kaya..?
Eddie: I'm back, ms. world! namiss mo bako? Selos ako sa date nyo ni joaquin ah!
Binatukan naman ako ni wacky. Mukhang interesado si wacky boy dito ah. Usually kasi nilalayasan nalang niya kami kapag bored na bored na sya.
Eve: Para kang shunga.
haha!
Eddie: Natatawa daw sayo si joaquin! Buti pa siya binigyan mo ng hotdog mo! hahahah!
Hinampas naman ako ni wacky. aba nakakailang bugbog na to ah! Haha.
Eve: Hehe pasabi ulit thank you. Manonood muna ako ng anime, eddie na feeling close.
Napangisi naman si wacky boy. Mahilig pala talaga to sa anime e nuh? Feeling close bako? uy swerte kaya nya! haha
Eddie: Haha thank you din daw, at Ed nalang itawag mo sakin ;)
Ramdam ko naman na may black aura na si wacky.
"Kanina mo pa sinasabi na nagthathankyou ako, kahit hindi naman!" binatukan nanaman niya ako huhu!
Worllld, tulooongg!
××××
hahaha. Ang boring ng lesson buset, buti nalang may pinagawa samin na special activity. Lalaki sa babae. ayaw ko maging partner yung mga adik saken haha, lalo na si michelle. Napili ko nlang na partner si touka, isa sa mga nerd dito. top 1 dito sa room. haha. nung magkalapit na kami, mukhang wala lang siyang pake. abaa! swerte kaya nya! daming nagkakarandapa saken nuh! kunyare lang yan haha. dameng tumitig sa kanya ng masama, go lang girls! Si wacky partner nya si, mika. yung babaeng patay na patay sa kanya last year pa. si peter naman, si kelly; yung ex nya haha! si louie naman si jade, ex din nya. tsk tsk. Mga kups. buti pako, wala pang ex! haha d ako nagsyosyota, fling fling lang.
Nagtanong nako kay touka.
"Full name?"
"Touka Mae Tecson." astig ng name ah.
"Age?"
"16"
"Hobby?"
"Reading any kind of book." bookworm.
"Crush?" haha!
"Wala." boom. sus haha
"Girlish or boyish?" Di ko na napigilan haha! parang tibo to e.
"Human." Aba pilosopo! sinulat ko nga haha! yan na ok na yan.
Activity of Touka and Eddie
Touka's information,
Full name: Touka Mae Tecson
Age: 16 years old
Hobby: Reading any kind of book
Crush: Si Wala
Girlish or boyish: Human
Napatawa naman ako nung lumaki mga mata nya syempre, tinignan siya nung teacher.. pupunitin mo pa ah! hahah!
Tinanong naman na niya ako.
"Full name?"
"Eddie John Francisco." Pogi ko. haha
"Age?"
"17"
"Hobby?" haha!!
"being handsome." ^^
"Do you agree that you look hideous?" ayyy grabe na siyuh. pano ako maiinlove sa ganyan ha?
"No, cause i know you like me." napatawa naman ako. ang sama ng tingin nya.
"Okay pass your papers!" Sigaw ni ms. liana.
Pero syempre tinignan ko muna kung ano pinagsusulat ni touka.
Eddie's information
Full name: Eddie John Francisco
Age: 17 years old
Hobby: Being ugly
Does he agree that he looks hideous: Absolutely
watttt the??!! Sakto naman kinuha na ni ms. liana yung papel namen. NOOO! Sira na ang aking gwapong imahe! Lintek yan. hahah.
"I will choose the best one and make the other section read it." Sabi ni ms. liana.
wag naman sana yung samin!!! baka sa section nila ms. world! swerte naman ako dahil kayla Lance at Janine yung napili. Nung lumabas na si ms. liana, lumaba din ako. Eh sa gusto kong magcr e! Pagkalabas ko, may lumipad na papel sa harap ko. ano to?
"Ha? Ano to?" kausap ko sarili ko haha!
nagulat naman ako nung tumakbo siya papunta saken... biglang ang bilis ng tibok ng puso ko..
"Wag mo pupulitin yan, Eddie!" Sigaw nya naman. Dahil sa pagkakatakbo nya saken, nawala ako sa sarili.. kaya ayun medyo nadulas ako at naging dahilan para mahulog sya sakin..Nakapatong siya sakin.