ERYL'S POV
OSAKA, JAPAN
One week na akong bored dito sa bahay, wala akong magawa, wala akong makausap at wala akong kasama kundi yung mga house maid naming na puro naman Japanese ang alam na salita. Lahat kasi sila may kanya kanyang lakad, pati si Kuya Earl na wala namang alam sa kumpanya, may pinupuntahan, ewan kung saan nagpupupunta yun, basta parating ako na lang yung naiiwan dito. Dapat talaga hindi ako sumama dito, edi sana kasama ko si Rex ngayon, nag gagala kung saan saan, mabuti nalang may skype kaya kahit paano nagkakausap kami, miss na miss ko na yung mokong na yun. kung bakit pa kasi ako sinama ni LOLO dito, wala naman pala akong gagawin. Paranoid lang talaga tong lolo ko, alam naman nyang kaya kong ipag tanggol yung sarili ko if ever na may manggulo sa Pilipinas.
DING....DONG... DING....DONG.... DING.....DONG....
AMP! Sino yun? Ginawang keypad yung doorbell namin. Kung maka pindot wagas.
''SANDALI LANG!!!!!!'' asan ba mga tao dito sa bahay namin? Sa dami nang mga kasambahay dito kahit isa wala akong makita.
''HI!!'' nagulat ako nang pag bukas ko nang gate si Natalie yung nasa labas.
''HELLO! Anong ginagawa mo dito? Wala si Kuya Martin ngayon'' sagot ko sa kanya,.
''Ah hindi si Martin yung sadya ko, ikaw talaga, actually sya yung nag papunta sakin dito, kasama nya ngayon yung Dad ko, pinaki usapan nya akong sumama dito sa Japan, tsaka ditto muna mag stay sa inyo,ok lang ba sayo?'' Tanong nya, ngayon ko lang napansin na may dala syang maleta.
''Ah, ok sige... sige... pasok ka'' binuksan ko yung gate at pinapasok sya, tinulungan ko syang buhatin yung mga maleta nya.
Pagpasok naming sa bahay,pinalagay ko sa maid yung mga gamit nya sa guess room, dinala ko naman sya sa Kitchen,
''Anong gusto mong miryenda?'' tanong ko sa kanya
''Wag na, kakatapos lang naming kumain ni Dad kasama yung Kuya mo'' sagot nya
Naglabas na lang ako nang dalawang baso, tsaka nagsalin nang juice, tapos nag punta kami sa sala para mag usap.
''Pasensya kana sa doorbell ko ha, yun kasi yung sabi nang Kuya mo,mantika ka daw kasi matulog''
Natawa na lang ako, kahit kelan talaga yung mga kapatid ko may pagka sira ulo, si Earl, ayaw na ayaw nun na nag papadrive ako sa iba, kaya kung mapapansin nyo parating si BUTLER JOSH o sya yung driver ko, mantika daw kasi ako matulog, nirarape na daw ako, wala pa rin akong alam, tapos si Martin naman eto,, magkaron ka nga naman nang mga kapatid na ganito, ewan ko lang.
''Teka, bakit ka nga pala pinapunta dito ni Kuya?" – Ako
''Sabi kasi nya, bored ka na daw, eh next week pa yung uwi nyo kaya pinaki usapan nya si Dad na kung pwede ako sumama, para may kasama ka.''- Natalie
''Pasensya kana Natalie hah, naistorbo ka pa nang Kuya ko, pero kung may importante kang gagawin sa Pilipinas, kakausapin ko si Kuya na pauwiin ka na'' – Ako
'' NO, it's ok, tsaka gusto ko talagang makasama ka, wala to kung ikukumpara sa mga naitulong nyo sa pamilya naming,wala to kung ikukumpara sa naitulong mo sa akin, tsaka pwedeng NAT nalang yung tawag mo sakin, masyado kasing formal yung NATALIE''
''Ok, so Ryl nalang din yung itawag mo sa akin, tsaka yung ginawa ko, wala yun, ginawa ko lang yung tama, una sa lahat hindi dapat madamay yung pamilya nyo dahil lang sa nasaktan ako,pangalawa hindi naman tama na magpakasal ka for the benefits of your company,tsaka isa pa,pareho lang naman tayong nag mahal nang iisang lalaki, sa magka ibang paraan nga lang''
''OO nga,pero salamat pa din, teka, kamusta ka na nga pala? Kayo ni Rex? – NAT
''Ganun pa din, walang pinag bago, kung ano kami noon, ganun pa din kami ngayon'' –AKO
''You mean hindi pa kayo? Pero bakit? We thought na kaya mo sya pinili kasi mahal mo sya, and mahal ka din naman nya di ba, hindi ka naman nya ipaglalaban kay Jam if he doesn't love you, so what happened? – NAT
''Paano magiging formal yung relationship naming kung ayaw nyang manligaw, sa totoo lang isa sya sa mga reason kung bakit ako sumama dito sa Japan, gusto ko munang lumayo sa kanya para maka sigurado sya sa nararamdaman nya, pakiramdam ko kasi wala naman talaga syang balak gawin formal yung relationship naming, it's been 1 month simula nung nag ka closure yung sa amin ni Jam, dapat by this time, nanliligaw na sya, kaso wala eh, kaya inisip ko baka nag bago na isip nya,'' - AKO
'' Baka naman kasi may hinihintay syang mangyari bago ka nya ligawan, matagal ko na ding kilala si Rex, and he's the type of person na hindi gagawa nang isang bagay na hindi sya sigurado, so hindi nya kakalabanin si Jam kung hindi sya siguradong mahal ka nya.'' – NAT
''I don't know, I don't really know what to think, bahala na pag balik sa Pilipinas, si Jam kamusta? Kamusta kayo? – AKO
''Wala namang ''kami'', matagal nang tapos yun, simula nung inaamin nya saking mahal ka nya, kaya nga after nung FD, desidido na akong umalis at palayain sya, kaso tama ka, ngayon nya kailangan nang dadamay sa kanya, ngayon nya kailangan nang masasandalan, after nung FD halos nag mumukmuk lang sya sa kwarto nya, parati akong dumadalaw pero ayaw nya akong harapin, parating si Kuya Zy yung nakaka usap ko, pero nitong mga nakaraang lingo mukhang ok na sya, sana lang nga maging ok na sya''
Halos tumagal nang 2 hours yung usapan namin, yung ano anu lang na topic namin, basta may mapag usapan, Masarap din naman pala syang kausap, mabait din naman pala sya, dati akala ko sya yung tipo nang babaeng ready to fight lagi, yung anytime handang makipag bugbugan, pero nag kamali ako, at mukhang magkakasundo kami at magiging magkaibigan, sana lang si Jam at Rex magka ayos na rin, naguguilty kasi ako na dahil sakin masisira yung ilang taong pinagsamahan nila, at panigurado pati yung iba magagalit, dahil sakin mabubuwag yung solido nilang barkada.
Pag katapos naming mag usap, inayos naming yung mga gamit nya, habang nag aayos hindi na naman kami maubusan nang topic, madaldal pala sya, halos magkasing daldal sila ni Ericka, mabati nalang sanay na ko sa ingay ni Ericka kaya nasasakyan ko yung mga kwento nya, dahil kung nagkataon, ay naku lalayasan ko talaga sya. Nagulat ako nang bigla nya akong niyakap at umiyak.
''Thank you Eryl, Kung hindi dahil sayo wala ako dito, malamang miserable na yung buhay ko, Sana pwede tayong maging mag kaibigan, sana kalimutan na natin yung mga hindi magandang nangyari,''
''Were already friends, if I don't consider you as a friend, I won't let you in, in our house''
''I hope we can be more than that, matagal ko nang pangarap magkaroon nang kapatid, nang Best Friend, nang instant diary, I hope we can be like that''
Bigla akong naawa sa kanya, bigla ko ding narealized na ang swerte ko, dahil kahit na praning yung mga kuya ko, atleast ako may kuya, may instant karamay, alam ko na no matter what happened may sasalo sakin, samantalang sya walang kapatid, workaholic pa masyado yung Dad nya, her Mom, I don't know, I can't imagine life without my family, sobrang lungkot siguro nun, at yun yung nararamdaman nya ngayon.
''Ok, sige from now on were sisters,, from now on hindi kana nag iisa, dahil tatlo na tayo nila Ericka, remember were the EMPIRE'S EMPRESSES'' -Ako
''Thank you Eryl,,, hulog ka talaga nang langit sakin,Hindi ko alam kung paano kita pasasalamatan sa lahat nang ginawa mo sakin''-Nat
''Just be Happy'' –Ako
Halong humigpit yung pag kakayakap nya sa akin, natigil lang yung pag uusap naming nang biglang pumasok nang kwarto si Kuya Earl, naabutan nyang magkayap kami ni Nat,
''HEY! WHOSE THAT?" sigaw nya, pareho silang nagulat ni Natalie nang makita nila yung isa't isa.
''What are you doing here, sino nag papasok sayo dito?''
''At anong ginagawa mo sa kapatid ko? ''
''MOM!!!!! CALL THE POLICE!!!!''
Sunod sunod na sabi ni Kuya sabay hila sakin palapit sa kanya, umiral na naman yang ka praningan nito.
''KUYA CHILL RELAX OK!! Nag ka ayos na kami, and si Kuya Martin yung nag papunta sa kanya dito, we already talk, and were ok,'' paliwanag ko kay Kuya,
''Sayo OO,pero sakin hindi pa,,,,'' hindi na nya natapos yung sasabihin nya dahil biglang dumating si MOM,
''Ano ba yun Earl Aaron, bakit kung makasigaw ka parang may sunog na naman, dapat sayo ipalit sa wang wang nang bumbero eh!'' sabi ni Mom, pareho naman kaming natawa ni Natalie,
''Look Mom, she's here!'' Sabi nya sabay turo kay Natalie, para syang batang nag susumbong nang kaaway.
''So what if she's here? Martin already told us na pinapunta nya dito si Natalie para samahan si Eryl? Tsaka kung makasigaw ka para kang nakakita nang multo, eh ka ganda gandang babae nyang nasa harapan mo, at isa pa MAFIA kana nagtatawag ka pa nang pulis? Anong klaseng utak yan Earl Aaron ha'' sagot naman ni Mon,lalo naman kaming natawa ni Natalie,
''But Mom,,,'' hihirit pa sana si Kuya,
''If you got problem with that, talk to your brother'' sabi nya kay Kuya
''And you, two young ladies, baba na at kakain na tayo'' pagkasabi nun lumabas na sya nang kwarto kasunod si Kuya na humihirit pa din, parati naman syang tablado kay Mom.
''Ang saya nang Family nyo noh?'' Bulong ni Natalie
''Ganyan talaga sila eversince,, parang may mga sapi, yang Kuya ko, ganya lang yan, pero sa aming lahat yan ang pinaka takot kay Mom,'' sagot ko.
''How I wish ganyan din sa bahay namin kahit magulo masaya,'' -Natalie
Hindi na ako nakasagot dahil tinawag na kami ni Kuya,
''PRINCESS, KAKAIN NAH!!! BUMABA NA KAYO!!!"'
''See? I told you,,, ok na sya..'' Nagkatawanan nalang kami habang pababa nang hagdan
Finally nag ka ayos din kami ni Natalie, kamusta kaya yung mga naiwan sa Pilipinas, alam kaya nilang andito si Natalie, sana naman maging ok na rin si Jam at Rexel, I hope Friendship will win against any rivalry.
REX'S POV
It's been almost 1 month simula nung natapos yung FOUNDATION DAY, halos lahat back to normal na. Hanggang ngayon balitang balita pa rin yung pag pili ni Eryl sakin over Jam, pero hindi ko tinatake as advantage yun, mas gusto ko pa ring daanin sa panliligaw yung magiging relasyon namin, ayokong dahil lang sa showdown kaya naging kami. Ang kaso lang kahit nag ka closure na sina Jam at Eryl, hindi ko pa din magawang ligawan si Eryl,simula din kasi nung natapos yung FD, hindi na pumasok si Jam, sabi ni Zy, ok naman daw sya ,nagmumukmuk lang sa kwarto, hayaan na lang daw muna mag palipas nang sama nang loob, halos araw araw naman daw dinadalaw ni Natalie, pero sa totoo lang naaawa ako sa kanya, alam ko talagang nasaktan sya nang sobra, at kahit pa sabihing karibal ko sya, andun pa rin yung katotohanan na bago kami naging magkaribal, magkaibigan kami, at hindi lang basta kaibigan halos magkapatid na yung turing naming sa isa't isa. At yun yung totoong dahilan kung bakit hindi ko magawang manligaw nang maayos kay Eryl.
''Tol, kamusta kayo ni Eryl?" tanong ni Brent, 1 month na rin syang nanliligaw ka Ericka,mukha namang may pag asa sya kasi halos parati na silang magkasama at hindi na sila masyadong nag aaway , mabuti pa sya naka panligaw na,
''Ayos naman, ganun pa din'' sagot ko
''Anong ganun pa din? Ibig sabihin hindi mo pa nililigawan?'' – BRENT
''Oo, ewan ko tol, akala ko dati kapag nagka closure sila ni Jam magkakalakas na ako nang loob na ligawan sya nang pormal,pero hanggang ngayon hindi ko magawa'' –AKO
''Bakit ayaw mo na sa kanya?" – BRENT
''Hindi yun,alam mo namang mahal na ko si Eryl di ba?, kaso hindi ko kayang sikmurain na ako magiging masaya, tapos si Jam ayun nag mumukmuk sa bahay nila, naguguilty ako tol, kahit naman kasalanan nya kung bakit nangyari sa kanya yan, si JAM pa rin sya '' -Ako
''Wow ha, nasasabi mo yan ngayon, samantalang nung mga nakaraang buwan halos makipagpatayan ka sa kanya para kay Eryl,anong balak mo?'' -Brent
''Hihintayin ko munang maging ok sya, kapag ok na sya saka ko liligawan si Eryl''-Ako
''GOODLUCK talaga sayo Rex, bilisan mo lang, baka dahil dyan sa kabagalan mo maunahan ka na naman nang iba,'' pagkasabi nun lumabas na sya nang HQ, magsugsundo yun kay Ericka, bigla kasing dumami yung umaaligid kay Ericka mula nung nakita syang mag perform nung FD. Kahit ako nagulat nung nakita ko sya, ang ganda nya pala kapag walang salamin at kapag inayusan.
Maunahan nang iba? Oo nga pala, simula nung natapos yung FD, bukod kay Ericka, marami na ding nagka gusto kay Eryl, lalo na nung nakita nila kung gaano sya kagaling mag drums, at kung gaano kaganda yung boses nya, pero subukan lang nila, kung si Jam nga hindi ko inatrasan sila pa. And speaking of Eryl, 1 week na silang wala ngayon, nasa Japan sila nang family nya, may importante daw silang aasikasuhin, sobrang miss ko na nga sya eh, mabuti na lang may skype kaya gabi gabi nagkakausap kami, minsan tumatawag din sya or minsan naman ako yung tumatawag, hindi ko pa alam kung kailan balik nila, pero sana bumalik na sila agad, hindi na yata ako tatagal nang isang linggong hindi kami nagkikita.
''Tol tara na! '' Sabi ni Third, hawak nya yung susi nang kotse nya, ganun din si Brix, si Ivan naman cellphone ang hawak,
''Saan tayo pupunta?" May lakad ba kami? Bakit hindi ko yata alam.
'Puntahan natin si Jam sa kanila'' –BRIX
''Amp, bakit burol na ba?" – IVAN
''Gago! Kung ikaw kaya pag burulan namin'' Nagulat kaming lahat nang biglang pumasok si Jam,
''TOL! BUHAY KANA ULIT!!!!"' – sabi ni Brix sabay yakap sa kanya, ganun din yung ginawa ni Third at Ivan.
''Gago! Kelan ba ako namatay,'' sabi nya kay Ivan,
''Ikaw, hindi mo man lang ba ako I wewelcome, ako pa rin naman ang leader dito di ba?'' Sabi nya sakin, napangiti na lang ako, mukhang ok na sya, mukha bumalik na sya sa dati.
"OO TOL, Walang pwedeng pumalit sayo, ikaw lang ang boss namin, wala nang iba'' sagot ko sabay yakap sa kanya,
''SORRY TOL!" Sabi ko sa kanya pagkatapos ko syang yakapin,,
''Kalimutan mo na yun, tanggap ko na lahat, wala eh! Ganun talaga,,,baka talagang hindi sya para sakin, ,tanggap ko na yun basta wag mo na lang sasaktan, '' – JAM
''Wag sasaktan eh hindi pa nga sila!" sabat Ivan
''What? Isang buwan na nga akong nawala, hindi mo pa rin napasagot? Ano ba naman yan REXEL, bat ang bagal mo,''
''Paano nya mapapasagot eh hindi naman nya nililigawan?" si Ivan ulit, Ang sarap talagang I stapler nang bibig nito.
Tumingin naman si Jam sakin, Nagets ko na yung gusto nyang itanong
''Gusto ko kasi munang magka usap tayo bago ko ituloy yung panliligaw kay Eryl,'' sagot ko sa kanya,
''Ayos na ako tol, wag na akong intindihin, tsaka napag isip isip ko na napaka babaw na dahilan kung masisira yung ilang taon nating pinagsamahan nang dahil lang sa isang babaeng pareho nating minahal, yun nga lang sa mag kaibang paraan.'' –Jam
''Salamat tol, alam ko namang hindi ito yung sisira sa barkada natin eh, balak ko na nga sanang puntahan ka bukas para kausapin'' – Ako
''Oh tama na yan, baka magka iyakan pa kayong dalawa, ang sagwa tingnan, tara na!" sabi ni Third sabay akbay sa kanilang dalawa.
''San pa tayo pupunta anditao na si Jam'' –IVAN
''Kaya nga, dahil andito na si Jam, tara na sa EMPIRE! Tawagan mo na si Brent'' – THIRD
''Bakit nasaan si Brent?" tanong ni Jam
''Andun binabakuran si Ericka, alam mo na naman yung pinsan ko, may pagka seloso pala'' – Brix
''Sayang! Balak ko pa namang ligawan sana si Ericka'' ngingiti ngiting sabi JAM
''ANO? TIGILAN MOKO JAM HA! MAY NATALIE KA NA! BAKA GUSTO MONG TAYONG DALAWA NAMAN ANG MAG AWAY! MINSAN NA NGA LANG AKO MAG LOVE LIFE AAGAWIN MO PA'' – Brent
Nakabalik na pala sya at kanina pa nakikinig sa amin.
''Joke lang tol, Masaya akong nag ka love life kana, atleast mawawala yung pagdududa naming bakla ka, tsaka tutulungan pa naman kitang mag propose sa kanya kung aagawin ko din lang pala" – JAM
Tumawa na lang kaming lahat, matagal na nya kasing hinala na bakla si Brent kaya daw walang love life, sabi pa nga nya, may gusto daw si Brent kay Ivan kaya parating silang dalawa ang magkasama.
''Teka, asan nga pala si Nat?" – Ivan
''Nasa Japan, umalis kahapon, may business trip daw sila nang daddy nya''
Pag kasabi nun, nagkatinginan kaming lima, nagtaka naman si Jam
''Rex, di ba nasa Japan din sila Eryl, one week? na?" Brix
''OO, hindi pa nga ako tinatawagan mula kahapon eh'' sagot ko
''Hala, baka nag sabunutan na sila sa Japan'' sabi ni Ivan
''Alam mo ikaw Ivan, malapit ko nang lagyan nang dack tape yang bibig mo puro ko kalokohan eh, teka nga '' sabi ni Third sabay kuha nang dack tape sa cabinet.
''Bakit, possible naman yun ah, malay nyo nagkita sila sa Japan, tapos nag away, tapos nagsabunutan, or nag sampalan'' sabat pa ulit ni Ivan sabay takbo palabas, may dala na kasing tape si Third,
''Hihirit ka pa talaga ha''-Third
Hindi naman ako nag aalala na ganun yung mangyari, alam kong hindi yun gagawin ni Eryl ko, pero bakit nga kaya hindi sya nag paparamdam.
''Teka dib a malapit na yung birthday mo Third?" –Jam
''OO nga, next next week na yun.''-Brent
''Next week na ba?"-Third
''OO, next week na, so anong plano?" –Ako
''Kahit ano, basta ang importante buo na ulit tayo." –Third
''Ang drama mo tol, mabuti pa iinom nalang natin yan.''-Jam
''Kanina ko pa nga kayo niyayaya ang babagal nyo'' –Third
Lumabas kami nang HQ at nag punta sa EP, habang nasa daan iniisip ko pa din si Eryl, sana sa party ni Third andito na sya.