Chapter Twenty Six: Attraction or Love? (Cain's Part)
Cain Ervin Castino
Nakatitig lang ako sa kisame ng aking kwarto at hindi makatulog. Siguro ilang oras na akong ganito. Naalala ko kasi yung nangyari noong mga nakaraang linggo.
Noong dumating ako sa kwarto ni Cassy noong maconfine siya, tahimik lang akong nakikinig sakanila at nakikiramdam sa paligid. Actually sa kanilang lahat ako ang pinakatahimik. I don't want to talk, nakakabakla tignan kapag madaldal ka. Si Kent din ay tahimik pero mas tahimik ako.
Ilang minuto matapos ang drama ni Jessy at Rence ay nanahimik sa loob ng kwarto niya. Tinitigan ko pa ang babaeng nakahimlay sa higaan at mahimbing na natutulog, to the point na para na siyang brain dead dahil isang linggo na at hindi parin siya nagigising. Kahit hindi man halata saakin, nag-aalala ako. Naantala ang pag-iisip ko nang sumigaw si Alon.
"OMG. Cain we have a mission today! I forgot to tell you. Sorry, Kent but we have to go now." Agad kaming umalis. Habang naglalalad kami ay biglang nagpop sa utak ko ang unang pagkikita namin ni Cassy.
Una ko siyang nakita noong naligaw siya sa garden at ako ang napagtripang tanungin kung nasaan ang girl's dormitory. Okay inaamin ko na naging pilosopo ako that time. Let me explain, mayroon akong tatlong rason.
First is badtrip ako, gusto kong mapag-isa habang nakikinig ng music at pinapakalma ang sarili. Ayokong makipag-usap dahil baka sila ang mabalingan ko ng galit.
Second is dahil sobrang fresh ng paligid tapos napakacalm pa ng kanta parang unti-unti na akong makakatulog. Kaso inistorbo niya ko kaya nabara ko siya. Ayoko kasing naaabala ang pagtulog ko.
Third is nakaramdam ako ng pagkahiya? You know, ang ganda kasi niya. Unang kita ko palang sakanya nagandahan na ako, magkaibang-magkaiba sila ni Cee. Kaya lang ewan ko ba sa sarili ko, yun ang naging defense mechanism ko kapag nakaharap ako sa taong tinatamaan ako ng hiya, kung anu-anong bastos ang lumabas sa bibig ko. Hay.
Tapos noong nasa forest of illusion kami, sobra talaga akong nag-alala sakanya nun noong nakita namin ang sobrang damage na nangyari. Nagtataka nga ako kung paano niya iyon nagawa, naghiwalay kami ni Kent para hanapin siya.
Pagkapasok na pagkapasok palang namin ni Kent ay nakaramdam ako ng tila isang enerhiyang humahatak saakin, hinayaan ko ang aking mga paa na dalhin ako sa kung saan man.
Hanggang sa dalhin ako ng paa ko sakanya, nakita ko siya noon nakahiga sa damuhan at parang inaatake siya ng isang itim na bagay. Napansin kong galing din siya sa kamay ni Cass, inaatake siya ng sarili niyang ability?
Lumapit ako sakanya at hinawakan ang kamay niya, napatigil ako nang biglang nawala na parang bula ang malakas na kapangyarihang kanina ko pa nararamdaman. Lumakas ang tibok ng puso ko, hindi kaya siya na?
"You need to seal a kiss to your master. You will serve as her servant, you will protect, the celestial guardian. And lastly as a knight, you will do everything, even if it risk your life just to protect her." Naalala ko ang sinabi nito.
"Ikaw ang magiging guardian niya, Cain. Once na maseal niyo sa isang halik maging isa na kayo." Paliwanag pa niya.
"Lahat ng mararamdaman niyang sakit at pagdurusa ay mararamdaman mo rin." Dagdag pa nito.
Kahit nagdadalawang isip ako, ay dahan-dahan kong inilapit ang mukha ko sa kanya. Tinitigan ko muna ang mukha niya bago ko marahan na idinampi ang labi ko sakanya.
Tila nawala sa pandinig ko ang huni ng mga kuliglig sa paligid ko at tanging ang pagliwanag ng katawan namin ang natunghayan ko. Inilayo ko ang mukha ko at pinagmasdan ang natutulog niyang mukha.
"Ngunit isang bagay lang Cain, siya ay magiging mahina pagdating sayo. Hindi ka matatablan ng kahit anong kapangyarihan na galing sakanya. " Ang huling impormasyong sinabi saakin ni Maestro.
Siya na nga ang matagal ko ng hinahanap. Si Cassy ang tanging taong may hawak sa pinakamalakas na kapangyarihan. Siya ang Celestial Guardian, na matagal ng pinag-aagawan at pinaghahanap nila. Balak ko sanang magstay pa doon at titigan lang ang mukha niya pero may narinig ako kaluskos.
Dali-dali akong umalis doon kahit ayaw ko pa. Alam ko namang si Kent yun eh pero... Aish, kailangan kong umalis na doon. Kahit gustong-gusto ko na ako ang magdala kay Cassy sa MedCen, hindi ko ginawa dahil kay Kent ipinagkatiwala ni Jessy si Cass.
Ilang araw din ang lumipas bago kami nagpunta kanina sa office ni Miss Kryz dahil nagpatawag ng meeting ito. Noong nasa transpo kami, napapagitnaan namin ni Kent si Cassy. At noong mga panahong din na iyon nanggigil nako kay Kent dahil hindi parin nagbabago ang ugali niya kahit may Amnesia siya.
Nabaling lang ang atensiyon ko kay Cassy ng sumigaw ito dahil sa takot, kaya hinawakan ko ang kamay niya. Masaya ako dahil nahawakan ko na rin ang kamay niya. After ng meeting, hindi na ako nakasabay sakanila dahil hinigit ako bigla ni Rebecca. Hindi ako mapakali noon, nasa building na kami at bumababa na sa hagdan ng napagdesisyunan kong umakyat muli.
Nakita ko sila, paatras ng paatras si Cassy habang patuloy sa pag-abante sa paglakad si Kent. Alam kong mahuhulog siya kaya dali-dali akong pumunta sa likod niya para masambot ko siya. Katulad ng dati nagpasalamat siya saakin pero dahil ako si Cain Castino, napagsalitaan ko nanaman siya ng hindi maganda.
Wala eh ganoon na ako eversince. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad kanina at hindi na sila pinansin, pero habang naglalakad patuloy kong minumura ang sarili ko dahil sa katangahan ko. Mabuti nalang kanina napagdesisyunan kong maglalakad lakad muna.
Sa kabutihang palad, nakita ko siya. Kausap niya si Faia, ang madaldal na fairy. Hindi ko pinapansin ang makulit na fairy na iyon dahil sobrang kulit at daldal nito. Palagi ko rin siyang binabara kaya ayun, lumayo saakin. Mabuti nalang, tsk.
Tumabi ako sakanya at namayani ang katahimikan, balak ko sanang sabihin sakanya ang tunay niyang katauhan pero hindi pa iyon ang tamang panahon. Inaya ko nalang siya, at inihatid sa dorm nila.
Noong dumating kami, pinigilan ko siyang pumasok muna. Kahit hindi ako ganung tao, nilakasan ko ang loob ko para humingi ng tawad sakanya. Hindi lang sa ginawa ko kundi noong mga nakaraang araw narin. Nagulat nalang ako sa sarili ko ng bigla ko siyang niyakap. Halos murahin ko ang sarili ko sa ginawa kong kapangahasan.
Wala eh, nagawa ko na kaya ipagpatuloy nalang. Noong bumitaw ako nakatulala lang siya, marahan ko siyang hinalikan sa noo. Kinuha ko rin ang pagkakataong iyon para magteleport. Oo hindi lang fire ang ability ko, taglay ko ang isang dark at forbidden magic.
Ako at si Miss Kryz lang ang nakakalaam sa ability ko. Sa totoo lang, hindi ko abilidad ang fire. May ibinigay si Ms. Kryz saakin na anklet na siyang nagtatago sa totoong magic ko at nagbigay ng pansamantalang kapangyarihan. Wala ring alam ang Saints dito kaya isa itong mahalagang lihim.
Nabalitaan ko nga pala kay Kent kanina na lumabas na ang magic ni Cassy, balak ko siyang itrain pagtapos ng mission.
At yung mission? Ramdam kong may hindi magandang mangyayari, pero bahala na. Poprotektahan ko si Cassy, anuman ang mangyari.
***
What do yah think? Sorry kung medyo natagalan tapos ganyan lang. Pero atleast mayroon akong nireveal. Actually marami ang nareveal kaya wag ng magtampo ❤
Kaway sa Team Cain! Typos and Grammatical Error. Salamat sa pagbabasa. Magvote and magcomment.