His Gangster Girl [STBP by L...

By charamelwrites

9.9M 169K 11.1K

Meet Janine Park, the leader of the strongest girl gang in the Gangster World. But somehow, someone wanted th... More

HGG [1]
HGG [2]
HGG [3]
HGG [4]
HGG [5]
HGG [6]
HGG [7]
HGG [8]
HGG [9]
HGG [10]
HGG [11]
HGG [12]
HGG [13]
HGG [14]
HGG [15]
HGG [16]
HGG [17]
HGG [18]
HGG [19]
HGG [20]
S.C [1]
HGG [22]
HGG [23]
HGG [24]
HGG [24.5]
HGG [25]
HGG [26]
HGG [27]
S.C [2]
S.C [2.5]
HGG [29]
HGG [30]
HGG [31]
HGG [32]
HGG [33]
HGG [34]
HGG [35]
HGG [36]
HGG [37]
HGG [38]
HGG [39]
HGG [40]
HGG [41]
HGG [42]
HGG [44]
HGG [45]
HGG [46]
HGG [47]
HGG [48]
HGG [49]
HGG [50]
S.C [3]
HGG [52]
HGG [53] The last chapter
Epilogue
S.C [4]
S.C [5]
S.C [6]
S.C. [7]
S.C [8]
Author's Note
Book 2 is up!
VERY IMPORTANT Author's Note
Author's Note [Please read. Please!]
A/N pa more

HGG [43]

126K 2.3K 120
By charamelwrites

Chapter 43

<HALLOWEEN PARTY>

Janine's POV

"B-bes... ayaw ko na... back-out na ako" nanginginig na sabi ko.

Napatawa na lang si bes sa akin. "What's the matter First? Afraid of ghosts?" nang-aasar na sabi niya.

Napahawak na lang ako ng mahigpit sa kanya nang may dumaan na isang white lady sa harapan ko.

Habang nakapikit ay parang nakakita ako ng white light kaya't napadilat ako. "Lindsey!!" inis na sigaw ko.

Nag-peace sign muna siya bago tuluyang makaalis.

Napabuntong-hininga na lang ako. Baket ba kasi ako takot sa mga walangyang KABABALAGHAN na to???

Kasalanan ko bang nakakita na ako ng totoong multo? At ayaw na ayaw ko ng mangyari yon.

"Yeowang, give your best scary face naman" nakangising sabi ni King habang may camerang nakatapat na naman sa mukha ko.

Pero imbwes nakakatakot na mukha ang pinakita ko ay natatakot.

Narinig ko ang pagtatawanan nila dahil daw sa "epic" face na ipinakita ko. Pero hindi ko sila magawang tignan.

Napansin ata nila ang pakatahimik ko. "Bes? Anyare?"

"M-may nakita akong...b-batang babae na nakadungaw.. s-sa bintana kanina"

At yan ang dahil kung bakit natakot ako bigla. Ramdam na ramdam ko ang pagtaas ng balahibo ko nang magtama ang tingin namin ng batang babae.

Halata namang multo siya dahil nagmimistulang kumikislap ang buo niyang katawan. Pero hindi iyon ang kinatakot ko.

Nakita ko ring wala siyang mata!! 

"What are you saying Yeowang?" nagtatakang tanong ni King.

"Bes! Imposible naman yun, eh bawal namang pumasok dito sa eskwelahan ang mga hindi 4th year highschool. Tsaka hindi sila nagpapapasok ng mga batang pagala-gala. Tingin ko, gutom ka. Lika na nga"

Nagpahila na lang ako kay bes nang kaladkarin niya ako. Muli akong sumulyap sa bintana at nakahinga ng maluwag nang makita kong walang batang nasilip doon.

Baka nga gutom lang ako.

***

Maya-maya ay haunted house tour na. OHMYGOD.

"Hindi! Hindi ako sasama dyan! Hindi nga sabe!! WAAAAAAH!! Ayoko!! Tulungan niyo ko!! Rape!! Rape!!!" di mapigilang-sigaw ko. Alam niyo na naman siguro kung ano yung binabalak gawin sa akin ng mga tinuturing kong KAIBIGAN noh?

"Tulungan mo ko Riza pleeeeaaaassseeee!!" pagmamakaawa ko sa kanya dahil nakatayo lang siya sa gilid habang natatawang pinapanood ako.

"Nge? Ang KJ mo naman First! Anyare dun sa malakas na QUEEN?" nakangiting sabi nito.

"Wag niyo nga akong asarin! Kasalanan ko bang may third eye ako? Ni hindi ko na nga alam kung sino ang totoong multo o nakacostume lang eh!!" pag-iinarte ko.

"Wag ng makulit, Jan. Nandyan naman si King oh? Diba King?" sabi ni Ruth.

Napatingin naman ako kay King na mistulang nakatingin sa itaas.

"King! Hui!"

Naagaw agad nila bes ang pansin ni King. "Alagaan mo tong Queen mo. Matatakutin pa naman. Let's go na!!"

Nauna na silang maglakad habang ako ay may pinaplano para makatakas.

"You won't be going anywhere Yeowang"

Maluha-luhang napatingin ako kay King. Please..gumana sana ang paawa epek ko.

"Please.. W-wang. Ayaw ko talaga"

Napansin ko naman ang pagbabago ng itsura niya. YES!!!

Bigla siyang lumapit sa akin at pinisil ang pisngi ko! "Nice try, Yeowang. You're too cute but that won't work" nakangising sabi niya sa akin at pagkatapos ay hinila na ako papunta sa entrance ng haunted house.

Hindi na ako nakapalag pa dahil sa lakas niya. At isa pa, nagdadalawang-isip akong maiwan dito. Walang tao eh.

Pagpasok na pagpasok pa lang namen ay nakahawak na ako ng mahigpit kay King habang nakapikit. Naramdaman ko bigla ang pagtama ng malamig na hangin sa mukha ko.

"K-king.."

"Shh.. don't worry Yeowang. I'm here. Just..hold onto me" bulong ni King. Medyo gumaan naman ang pakiramdam ko pagkatapos nun.

"Nandyan na si nanay.. si tatay.." kanta ng isang matinis na boses na nanggaling kuno sa isang bata.

Napadilat ako ng mata dahil curiosity kills! Nangilabot ang buo kong katawan nang nakita kong sumusunod pala sa amin ang kaninang bata.

"WAAAAAAAAAAH!!!" Hindi ko na mapigilan pang tumakbo upang makalayo sa multong iyon. Ayoko na! Ayoko na!!

**

Author's POV

"Yeowang? Where are you??" nag-aalalang tanong ni King. Nang tumakbo kasi si Janine ay hindi na ito nakita ni Keifer dahil sa iba siya nakatingin.

"Yeowang? Yeowang!!!" inis na na sigaw ni King. Naiinis siya dahil hindi niya nabantayan ng mabuti ang mahal niya na mistulang takot sa multo.

Napatingin siya sa paligid upang makita ang dahilan ng pagtakbo ni Janine. Kaso wala siyang makita. Puro mga kabaong na may lumalabas na 'zombie' ang nakikita niya ngayon.

"Yeowang!" patuloy sa paghahanap si King.

Punta naman tayo kay Janine.

"K-king.." maluha-luhang saad ni Janine. Takot na takot na siya dahil nawawala siya. Hindi niya alam kung nasaan siya dahil takbo lang siya ng takbo kanina.

Madilim ang paligid kaya't hindi siya makakita. Nangangapa lang siya at naghahanap ng daan palabas.

"Psst.."

Bakas sa mukha ni Janine ang pagkatakot.

"Psst.."

"Wag Janine..Wag kang lumingon.. Wala kang naririnig... magpatuloy ka lang sa paghanap" pagkumbinsi ni Janine sa sarili.

Ngunit alam niya sa sarili niya na totoo yun. Totoong may sumisitsit sa kanya at kung sino o ano man yun ay ayaw niya itong makita.

"Psst...Janine.."

Kinakabahan na ng sobra-sobra si Janine. Habang nagtataka ito kung bakit alam nito ang pangalan niya.

Nagsimula ng maglakad ng mabilis si Janine at kasabay nun ang mga naririnig niyang yapak na kasunod ng kanya. " Putakte! Sino ba to?? Bat niya ako sinusundan. Huhuhu.. King ko..asan ka na??"

Mas lalo pang binilisan ni Janine ang kanyang lakad nang narinig niya na naman ang pangalan niya.

Hanggang sa di niya alam na tumatakbo na pala siya.

"WAAAAAAH!! TULONG!! TULONG!!" sigaw niya.

Takbo lang siya ng takbo. Magkahalong kaba at takot ang nararamdaman niya ngayon dahil ni ilaw man lang ay wala siyang makita.

"Tumigil ka!" sigaw ng boses na nakasunod sa kanya. Kinilabutan siya ng mapagtantong boses ito ng isang babae.

***

Janine's POV

"Janine ano ba! Si Ciara to!"

Unti-unting bumagal ang pagtakbo ko hanggang sa tuluyan na akong tumigil. Dahan-dahan akong lumingon at tumumbad sa akin ang mukha ng isang  white lady.

"WAAAAAAAAAAAAAA----" Natigil ang pagsigaw ko nang biglang takpan ng white lady ang bibig ko.

"Ay ano ba yan. Why you so makulit, Jan? It's Ciara!"

Tinitigan ko siya sa mata at nalaman ko ngang si Ciara yun. Ciara wears contact lens kasi. Naks, conyo na ako ngayon.

"C-ciara.. ikaw pala.." Nahalata ata niya na nawawala ako kanina pa kaya siya na ang nag-lead sa akin palabas ng haunted house. Sobrang nakahinga ako ng maluwag pagkalabas ko doon.

"Bakit ka nakabihis ng ganyan?" nakataas-kilay kong tanong sa kanya.

"Wae? Gusto kong sumali sa Halloween Party niyo noh! Nakakainggit kaya. So nagsuot ako ng disguise para papasukin ako" nakangiti niyang sabi.

"Asus. Yun lang pala. Gusto mo bang magparty-party sa loob?"

"O sige! Tara!"

Nagtungo na kami ni Ciara sa gym kung saan nandoon ang party. Pagpasok ay may malakas na kanta na tumugtugtog at marami na ang nagsisisayawan.

Nakisama na rin kami ni Ciara.

Doon ko napansin ang batang babaeng nakadungaw na naman sa bintana. Something that was really frightening about her was her smile...

Napako ako sa kinatatayuan ko habang pinagmamasdan siya.

"Janine.. What's wrong?" tanong ni Ciara. Ngunit dinedma ko lang siya. Sinundan niya naman ang tingin ko at nakita rin ang batang nakadungaw sa bintana.

"N-nakikita mo ba a-ang multong yon, Ciara?" natatakot na tanong ko. Sobrang nagtaka ako ng humalakhak siya ng malakas.

Aba! Pinagtatawanan ata ako ng babaeng to ah??

"She's not a ghost, Janine! She's part of the crew na nananakot sa haunted house! That's a disguise! Halika, ipapakilala kita sa kanya" nakangiting sabi ni Ciara.

Hinila nga niya ako palabas dahil ayaw ko talagang pumunta sa labas.

Paglabas namin ay nagtaka si Ciara kung baket wala na yung batang babae.

"I think umalis na siya. Hay.. ano ba yan. Balik na nga tayo sa loob" sabi naman ni Ciara. Bago makabalik sa loob ay naramdaman ko ang malamig na simoy ng hangin. Nagmamadali tuloy akong pumasok sa loob.

Si Ciara ay sumayaw lang naman ng sumayaw and I can't help but dance with her too.

I admit, I was really having fun with her! Sobrang saya niyang kasama. I felt really comfortable around her at kahit na akala ko ay mahinhin siya ay she got this wild side na minsan niya lang maipakita.

But sometimes.. laging sumasagi sa isipan ko kung ano ang pakay niya dito. Kung bakit parang lagi niya akong sinusundan.

Isa't kalahating oras na ang nakakaraan at napagod na kami ni Ciara sa kakasayaw.

Nakita kong nagbukas ang pintuan sa gym at pagkalingon ko ay nakita ko si King na nakakunot ang noo. Hala! Si King nga pala! Shems, naiwanan ko pala siya sa loob ng haunted house... lagot!

"Ciara? San ka pupunta? Halika! Ipapakilala kita sa boyfriend ko! Ay wait... kami na ba?"

"I'm sorry Jan.. may pupuntahan pa kasi ako. Next time na lang?"

Napansin kong nagtama na ang mga mata namen ni King at papunta na siya sa akin.

"Sure ka? Ayaw mo bang makilala ang b--"

"Next Janine. Next time, bye!" sabi niya at nagmamadaling tumakbo papaalis.

"Yeowang!" Bigla akong sinalubong ni King ng isang mahigpit na yakap. Lumakas ang kabog ng dibdib ko dahil sa ginawa niya. Damn this boy.. See what he makes me do?

"I thought I've lost you" bulong nito sa tainga ko. Ramdam ko ang paghinga niya at at ang paghigpit pa ng yakap niya. Oh ow.. I really worried this guy.

"Sorry for worrying you.. Naui Wang.." sabi at tsaka niya tinanggal ang pagkakayakap niya sa akin.

"How did you end up here?" seryosong tanong niya.

"W-well.. nahanap ko kasi ang daan ko palabas at nagpunta ako dito dahil takot na akong bumalik sa loob.." palusot ko but looks like he bought it.

"Thank god you're ok.."

"Hey Wang.... t-tayo na ba?"

Napatingin naman siya sa akin habang may nakakalokong ngiti sa labi. "Why? Are we not in a relationship yet? We both love each other, right?"

Oh.. kami na pala. Loko kasi tong si King. Malay ko bang kami na??

T-teka... KAMI NA?!

**

A/N:

Sorry sa lame and late update. Sabaw ang utak ko ngayon. Napagod ako kanina, dumalo pa kasi ako sa GSP meeting eh. Pagpasensyahan niyo na ^___^v

Bawi na lang next time. BTW, na-add niyo na ba ang characters ko sa fb?? Kung hindi pa, i-add niyo na, NOW NA! Hahaha!

Kung sino po ang gustong mag-operate ng iba pang fb characters, mag-comment lang! Marami pang vacant ;D Lalo na yung sa mga boys.

ENJOY READING! :)

Continue Reading

You'll Also Like

3M 17K 11
✔ REVISED VERSION [COMPLETED] ✔ AVAILABLE ON GOODNOVEL She's a nerd who dreamed of being just an ordinary girl but turns out to be a princess? Howeve...
36.3M 208K 22
Cassandra Park is a ruthless and a brutal Gangster. She kills anyone who gets in her way. She kills with violence. And she's back with vengeance. XOX...
895K 4.1K 10
**Note from the Author:** This story was written a few years ago, so it may contain a number of grammatical and typographical errors. Please bear w...
570K 20K 28
EMPIRE HIGH Book II "He died. I died. They'll die."-Empress Fuschia M. Morrigan Death is always upon her. Hunting and Dragging her there. She's used...