AKA BATAFURAI
Copyright © 2016 by AZULAN
All right reserved.
No part of this books may be reproduced, stored in a retrieval systems, or transmitted in any form or by any means, electronic, mechanical, photocopying, recording, or otherwise, without written permission of the Author.
___________________________________________________________
KANINA PA NAGAGALIT ang Ina ni Ashton dahil hindi daw siya nagrereply mula sa mga text nito. Busy kasi siya sa library. Malapit na ang finals nila sa chemistry at kahit na isang pointers ay wala pa siyang napapag aralan. Kamalas malasan pa eh sinubukan niya itong reply-an pero na lowbat siya. Automotive ang nakuha ni Michael na kurso, sa totoo niyan eh hindi niya yun gusto. Kaya lang wala siyang choice kundi kunin yun dahil puno na ng slot ang gusto niyang kurso na businesses administration. Ilang sandali pa ay dumating si Michael. Dramatiko ang pag pasok nito. Ang lahat ng mata ay nasa kanya ngayon, hindi naman dahil sa gwapo ito o sikat kundi dahil sa pagka wirdo nito. "Ito napo Miss Edith." Ibinaba ni Michael ang kanyang mga dalang libro sa lamesa ng liblarian. Makakapal yun. Lahat ay tungkol sa mga paranormal activities. Medyo wirdo nga si Michael. Sa katunayan niyan ay may kwento sa campus na may nakahuli daw dito ng ilang estudyante na nagriritwal ito sa may likod ng eskwelahan.
Ayon pa sa mga kwento ay maaring gumaganti daw si Michael sa College Professor nila na si Mr. Marquez na binigyan ito ng singko sa Physics. Pero hindi siya naniniwala dun. Actually ay yun nga ang mga gusto niyang topic. Ang mga paranormal cases. Katulad ng mga ghost, voodoo at iba pa.
"May sasabihin ka?" Biglang nagsalita si Michael sa may counter. Tumingin tingin si Ashton sa paligid. "Ako ba ang kausap mo?"
"Well oo, pwera nalang kung meron pa akong ibang nakikitang katabi mo..."
Umiling iling siya. "Wala."
"Well ano ngang sasabihin mo?"
"Ah eh, may load ka? pwedeng pa text." Pati ang babaeng liblarian ay napatingin sa kanya.
"Sure, ito cellphone ko." Si Michael na ang lumapit sa kanya.
"Salamat." Tinext kaagad niya ang kanyang Ina at sinabi niya na na lowbat siya. Ngayon napagtanto niya na okay naman pala si Michael at nothing unusual sa pagkatao nito. Well maliban sa cellphone niyang si Superman ang wall paper. "Ito na cellphone mo. Thank you." Siya naman ang lumapit ngayon.
Sinulyapan niya rin ang mga librong hiniram ni Michael ng malapitan. "Mahilig ka talagang magbasa ng libro no?"
"Huh? Hobby ko lang."
"Well magandang hobby yan." Sabi niya.
Kinuha na ang liblarian ang halos dose at makakapal na libro na hiniram ni Michael. "Ikaw anong ginagawa mo?"
"Ako?" Tinuro pa niya ang sarili. "Nag re-review."
Pinipirmahan ngayon ni Michael ang kanyang liblary card. Pag silip niya ay wirdo rin ang pagpirma nito sa pangalan. Initials ang nilagay niya pagkatapos ay binaboy nito iyon sa pamamagitan ng pabalik balik na ekis. "Oh ang ganda ng pirma mo ah. Napaka unique."
"Nginitian lang siya ni Michael. Inayos ang bag mula sa dumudulas nitong balikat at nagpaalam. Pagkaalis ay siya namang kausap sa kanya ng liblarian. "Hindi ko pala alam na close kayo ni Michael Santaiparan ah Ashton."
"Hindi naman MIss Edith. Naki text lang ako. Saka dun kaya ako nakilala, sa pagiging friendly ko sa lahat."
"Talaga lang ah." Medyo lumaki ang mga mata nito pagkatapos ay bumalik na ito sa kanyang ginagawa.
Nag iisang anak si Ashton nila Mrs. Janette at Roberto Niepes. Masasabing nakakaangat sila sa buhay na may sariling bahay at isang second hand na kotse. Nagtatrabaho kasi sa banko ang Ama niya at ang kanya namang Ina ay nagpatayo ng isang saloon na ito ang nag ma-manage.
Sunod sa luho si Ashton, bili dito bili duon palibhasay kaya naman nilang bumili ng mga mahahaling bagay ay na spoiled siya sa mura pa lamang niyang edad. Pero bigla na lamang nagbago ang lahat ng maaksidente ang kanilang padre de pamilya. Unti unti ay nagbago ang buhay nila. Natuto siyang magtipid. Nagkasakit din ang kanyang Ina na breast cancer at nalugi ang saloon nila. Ang dating maluho niyang buhay ay napalitan ng simpleng pamumuhay.
Mag aalas onse na ng gabi ng magising si Ashton sa pag vibrate ng kanyang cellphone. Gabi na pala at nakatulog siya. Kinuha niya kaagad ang kanyang cellphone at tinignan kung sino ang nag text. Ang Kanyang Ina pala. Pagbasa niya ang text nito ay pinapabili siya ng toyo na isang litro pag uwi daw niya pero alas dose pa ng tanghali iyon. Tinignan niya ang paligid. Bukas pa ang ilaw sa buong liblary pero wala ni kahit isang tao.
Teka teka nakatulog pala siya? Pero bakit hindi niya iyon maalala. Ang weird ng pakiramdam niya ngayon. Nagpunta siya sa may counter ng library para hanapin si Miss Edith pero wala rin ito duon. Nakabukas ang computer nito at naka type parin ang pangalan ng wirdong si Michael. Muli siyang bumalik sa kinauupun niya. Kinuha ang kanyang cellphone. Ang sunod pa niyang ipinag tataka ay fully charged ang cell niya na ayon sa kanyang memorya ay low bat na. Maarin ngang ngayon ay hindi na niya ito pwedeng mabuksan. "Anong nangyayari dito?"
Ilang sandali pa ay nakarinig siya ng ingay na nagmumula sa may labas. Tumayo siya sa kanyang kinauupuan. Nagpunta sa may bintana ng library upang silipin kung ano iyon, pero hindi paman siya duon tuluyang nakakasilip ay isang bagay ang bigla na lamang lumipad mula sa may ere. Basag ang glass window ng silid aklatan. Akala moy candy na nagka pira piraso ang mga butil ng salamin nito. Tumilapon ang isang upuan mula sa unang table habang inararo ang buong linya duon tungo sa may malaking aircon. Sino ang nagbato ng upuan? Wala siyang ideya.
Kumabog ng malakas ang dibdib ni Ashton. Napahawak siya duon. Kung anong takot ang namayani mula sa kanyang mga maliliit na ugat hanggang sa kanyang pag iisip. Ayaw niyang tumingin sa labas, baka kasi kung ano ang makita niya sa butas na ginawa ng lumipad na upuan. Pero kahit na anong gawin niyang pigil ay makulit parin siya, hindi siya mapakali. Dahan dahan niyang inikot ang kanyang ulo sa kanyang likuran ngunit pag silip niya ay wala naman siyang nakita kundi isang makapal na kadiliman. Sinusubukan niyang silipin kung meron siya duong maaninag pero bigo siya. Nagpunta ulit siya sa kanyang mga gamit at hinanap niya ang kanyang cellphone, Kinuha niya iyon at tinignan, ngunit wala parin iyong signal.
Tinaas niya ang kanyang kamay sa may ere. "Magka signal ka please..." Wika niya. Tumungtong pa siya sa may ibabaw ng lamesa pero habang nakaangat ang kanyang dalawang kamay ay nakarinig naman siya ng tila yapak ng paa. Mabigat ang pagtapak nito sa lupa. "Sino yun?" Bumaba siya sa may lamesa. Muli niyang sinilip ang butas, ginamit pa niya ang ilaw ng kanyang dalang cellphone para makita niya ang daan. Duon ay nasilayan niya ang isang babaeng paparating. Alam niyang wala ito sa tamang katinuan dahil sa lasung lasug ang damit nito na puros dugo. Ang nakakagimbal pa duon ay may tumutulo ring dugo mula sa labi nito.
Gusto niya sana iyong tawagin pero nabalutan kaagad siya ng takot, lalo na ng tumapak ang paa nito sa may marmol na sahig ng silid aklatan. Nakayapak ang paa nito na punong puno ng putik. "Mi-miss? Okay lang kayo?" Mahina at halatang nanginginig niyang banggit. Pero patuloy lamang sa paglapit sa kanya ang babae.
Tila tinubuan na siya ng ugat sa kanyang magkabilang paa upang hindi na siya makaalis sa kanyang pwesto. Bumibigat iyon. Sa isip niya ay gusto na niyang tumakbo ng matulin pero tila may nagsasabi na huwag niya iyong gawin.
Sa paglapit ng babae ay duon niya mas lalong naaninag ang pisikal na itsura nito. Kulay itim ang buo nitong mata at tila nag u-usal ito ng isang mahinang panalangin, napalunok siya. Hanggang sa bigla na lamang itong tumigil. Pinagmasdan lamang niya ito habang tila nakatingin ito sa kawalan. Mas lalo siyang kinabahan. Alam niya kasing hindi ito normal, may kakaiba dito.
Bumuka ng bahagya ang kanyang labi, gusto niya itong tanungin ngunit wala duong lumalabas na kahit na anong salita. Di numero ang kanyang kilos ngayon. Pinapakiramdaman kung ano ang gagawin ng babaeng ito sa harapan niya. Tila tumigil ng oras. Ang tangi lamang gumagalaw ay ang kamay ng malaking orasan na nasa gitna ng silid aklatan.
Hanggang sa walang anu anoy. Bigla na lamang itong sumugod sa harapan niya. Para itong baliw, nag sisigaw ito at paglapit at dinambahan siya nito! Pareho silang natumba sa may sahig. Para itong aso na gusto siyang kagatin sa leeg. Hayok na hayok ito, mas lalo pang nakakairita ang malansang amoy na umaagos na dugo mula labi nito, tumutulo yun sa pisngi niya. "Lumayo ka sakin! Aswang ka!"
Hinawakan niya ang magkabilang bisig nito upang kahit papano ay may pwersa parin siya upang mailayo ito, pero malakas ang babae. May punto pa nga na muntikan na siyang makagat nito, pero buti nalang ay nakagawa siya kaagad ng paraan. Gamit ang tuhod ay tinuhod niya ito kasabay ng pag taas niya sa magkabila nitong bisig. Nakawala siya mula sa pag atake nito. Pagtayo ay saka siya dali daling nagpunta ng malaking butas. Pero kamalas malasan ay nadulas siya sa malapot na dugong nasa sahig. Tumama ang braso niya sa isang matulis na bubug. Napasigaw siya. Kahit na masakit ang braso ay pinilit niyang tumayo upang makalabas na ng silid aklatan. Pero kahit na anong gawin niyang pagtayo ay dumudulas parin ang kanyang katawan pabalik. "Peste!"
Naramdaman niyang bumangon ulit ang babae kaya naman ay mas binilisan niya ang pag kilos. Gamit ang paa ay inilayo niya ang kanyang katawan patagilid kung saan palayo sa madulas na dugo. Pinangkalang niya ang kanyang paa sa dulo ng isang lamesa at duon siya kumuha ng lakas upang mahila siya nito papunta duon. Maayos naman ang plano niya. Nakarating siya sa bandang wala ng dugo na dahilan ng kanyang pagkadulas ngunit pagtayo niya ay saka naman siya ulit dinambahan ng babae. Sa likod siya nito dinamba. Ashton was so helpless. Pakiramdam niya ay mamatay na siya sa puntong iyon. Una kasi ay hindi na niya kaya pang tumayo, pangalawa kung may kakayahan man siyang tumayo ay hindi rin niya magawa dahil dinadamba siya sa likod ng babae. Pinikit na lamang niya ang kanyang mga mata sa puntong yun. Muli niyang narinig ang pagbuka ng duguan nitong labi at papalapit ng papalapit upang kainin siya. Pero isang putok ng baril ang kanyang narinig. Sapul sa ulo ang babae. Sumabog sa likuran niya ang utak nito. Para iyong jell ace na strawberry flavor.
"Okay kalang?" Isang lalaki ang lumapit sa kanya at agad siyang tinulungan. Tinanggal mula sa kanyang likod ang wasak na ulo ng babae at ang katawan nito sabay pinatihaya siya. Liwanag kaagad ng ilaw ang nakita niya pagkatihaya niya kaya naman ay hindi niya agad nakita ang tisura nito.
"Sino ka?" halata parin ang malalim niyang paghinga dahil sa pagod.
"Hindi mo naba ako natatandaan huh?"
Sa hindi inaasahan ay mas lalong nanghina ang mga vital signs niya. Siguro'y dala iyon ng gutom at takot. Hanggang sa hindi na niya nakayanan. Unti-unti ay naririnig niyang kinakausap parin siya ng lalaki pero unti unti rin iyong humihina. Hanggang sa isang punto ay bigla na lamang siyang nawalan ng malay.