[ Para sa'yo dahil naka relate ka.Maraming salamat! ]
Jd's POV
Good news! Kambal ang anak ko! At parehong Junior pa! Wala kayo sa lolo ko! Hahaha .. Nakauwi na kami sa Hotel at ngayon nga ay nakaupo na.
"Hungry." napatingin ako kay Asha ng sabihin nya yun. It's five in the afternoon. Medyo kinabahan ako pero kaya pa yan! Pag sinabi nyang hungry dapat pakainin.
"What do you want Babe?" tumagilid ako ng upo at humarap sa kanya. Lihim na nananalangin na sana po wag mahirap ang gustuhin nya.
"Hmm .." hinimas nya ang tummy nya. At bawat paghimas nya ay lihim ko din na kinakausap ang dalawang nilalang sa tyan nya. Babies bati tayo diba? Please wag pahirapan ang Daddy. Bubuin ko pa ang internal organs nyo mamaya, wag nyo kong pagudin at baka mawalan ako ng lakas.
"Gusto kong bagoong." huh! Akala nyo ah! Meron ako nyan! Nung nakaraan pa ako bumili dahil ayon sa pagre-research ko number one na hinihingi ng mga nagdadalang tao ang bagoong at wag kakalimutan ang isang pinaka importanteng bagay..
"Tapos gusto kong maasim .." grabe Jd! Ang galing mo talaga! Kaya mahal na mahal ko sarili ko eh.
"Alam ko na yan Babe! Leave it all to me.." sabay smirk at talikod.
Kinuha ko yung bagoong sa pinakalikod ng ref kung saan di madaling makita. Nilabas ko at naglagay sa platito.
"Here's your bagoong Babe .." nilapag ko sa harap nya yung bagoong. "Sandali lang yung mangga." tumalikod ako para halukayin sa malaki kong taguan ang maasim na mangga. Akala nyo ha! Prepared ata ito!
"Huh? Anong mangga?" naestatwa ako at kinabahan, tila ata sumablay ako sa pagkakataong ito. Easy Jd, wag kang kabahan, chillax lang.
"Eh ano pala?" tanong ko sa kanya ng humarap ako.
"Gusto ko ng Apple." napaisip ako, apple at bagoong? Shet! Ito na yata yung sinasabi sa article na nabasa ko, nag iiba daw ang taste buds ng mga buntis at pinag mi-mix ang dalawang magkaibang pagkain. Napalunok ako at napahawak sa table.
"Apple?" nagningning naman yung mata ko ng masilayan ang tumataginting na apple sa lamesa. Nasa akin ang alas.
"Yup. Apple." ulit nya at nag open ng tv.
"Ok. Apple." in-extend ko ang kamay ko at handa ng abutin yung apple nang ..
"Uhm .. i want green apple ah, not red." and boom. Nayakap ko ng di oras ang lamesa, napasubsob ako, parang bula na naglaho ang confidence ko! Palpak ang preparations!
Napatayo ako at lumapit sa sala kung saan nakasabit yung jacket ko. Sisimulan ko ng mag treasure hunt ng green apple. Baka mapalabas ng agad ang mga anak ko at sila ang maghanap ng green apple na yan! Tss ..
"I'm going, babalik ako agad! Wag mong ubusin yang bagoong." bilin ko pa dahil iniunti unti nya ng papakin ang bagoong.
Lumabas na ako at naglakad pero hindi ako dumiretso sa elevator, sa unit ni Ivan ako pumunta. Syempre partners kami eh! Kumatok ako at wala pang ilang minuto ay lumabas na sya, naka shirt at naka short sya. Walang sabi sabing hinila ko sya palabas.
"Teka Sir! Di ako papalag alam ko yan! Wag mo naman akong molestyahin!" huminto ako at sinapok sya.
"Kapal ng mukha mo, ikaw momolestyahin ko?!" sigaw ko sa kanya.
"Easy lang Sir. Puso mo." babatukan ko sana ulit kaso .. "Tara na Sir. Alam kong gwapo ako, wag kang masyadong halata." lumakad na sya.
Lintik talaga itong lalaki na ito! Ang sarap upakan.
Nakarating kami sa market at napakaraming green apple kaming nakita pero ang problema ..
"How much is this?" tanong ko hawak ang green apple.
"Nan-ni no?"
Nagkatinginan kami ni Ivan at nagtanungan. "Ano daw?" bulong namin sa isa't isa.
"Nan-ni no?" ulit ng matandang lalaki.
Napatingin ako kay Ivan. "Sir!Alam ko na! Para kanino daw? Sabihin nyo para sa asawa nyo!Dali!" Utos ni Ivan.
Tatanungin ko talaga sana kaso ..
" Dono yō ni ōku no ringo?" bigla akong napaharap kay Ivan at binatukan sya.
"Sir!"
"Langya ka! Di naman marunong magtalog yan, paano mo maiintindihan, G*go ka!"
"Oo nga no?" sagot nya na kumakamot ng ulo. Luko lukong Ivan to, ipapahamak pa ako.
Napatingin ako sa mga green apples . Hanggang tingin na lang ba? Baka naman abutin kami ng syam syam dito, at maabutan na naman ako ng flying tsinelas, or worst baka mag level up at maging flying shoes na!
"Sir I have a great idea!" tiningnan ko si Ivan ng masama. "Penge pera!" unconciously ay inabot ko sa kanya yung mga yen na meron ako.
He made a gesture pointing the apples then he gave the three yen .. Naglagay naman ng tatlong apple yung matanda sa plastik. Kaya kinuha ko ang pera at ibinigay ulit sa matanda. Nagdagdag din naman yung matanda ng mga apple kaya lumalabas na isang yen ang isang apple.
" Mata kite itadaki arigatōgozaimasu." hindi man namin maintindihan ang salita nya ay ngumiti na lang kami.
"Sir pigilan mo ko, baka minumura na tayo nyan!"
"Di kita pipigilan, mag isa ka dyan.!" lumakad na ko palayo. Time is Gold.
Ayoko nang magtagal pa dahil baka makatikim ako ng kung anong surpresa.
"Sir wala ba jang tip?" ungot ni Ivan sakin.
"Pagbalik ng Pilipinas." tinanguan ko sya.
Sumama si Ivan hanggang sa unit namin, wala daw syang magawa sa unit nya. Maganda yun ng may masangga ako sa bawat bato ni Asha, just in case lang naman.
"Sir, sa tingin ko kelangan mo ng shield?" ngumiti ako sa kanya at nag smirk.
"Kaya nga kasama kita eh." natatawang sabi ko at inakbayan sya.
Dahan dahan kong binuksan yung pinto. "Oh silipin mo."
Kamot ang ulo na sumilip sya at naglakad sa loob. "Sir clear!" sumenyas sya at pumasok na din ako.
"Saan si Asha?" tanong ko sa kanya dahil nasa sala na kami ay wala pa ding Asha na lumitaw.
"Babe .." tawag ko.
"Hala Sir baka nilayasan ka na?" alam kong tinatakot lang ako ni Ivan, pero sa totoo lang kinabahan talaga ako.
"Asha Babe!" tumalikod ako at naglakad papuntang kwarto. Binuksan ko yung pinto at nakita ko si Asha. "Babe." nakahinga ako ng maluwag. Nakatayo sya at bagong ligo, nakatapis pa lang ng tuwalya.
"Ma'am-" bago pa makasilip si Ivan ay tinabig ko na ang mukha niya. Ayaw kong may makakita sa sexy na katawan ng Babe ko. Sexy nga kasi!
"Asan yung Apple?" napangiti ako at pinakita sa kanya ang plastic ng apples na binili ko. And i love how her eyes twinkling like a stars. Bago pa nya makuha sakin ang apples ay nilayo ko na sa kanya. "Hep. Magbihis ka muna." lumabas ako at hinanda yung apples nya. Sa tingin ko pa lang sa mga apples ay maaasim talaga sila. Napapaisip nga ako kung paano sila magfifit sa bagoong eh. Well bahala na, kung anong gusto nilang tatlo gagawin ko na lang.
"Yay! They're look delicious!" halatang excited si Asha habang kinukuha yung isang hiwa ng apple at dinip sa bagoong. "Hmm .." medyo napapapikit sya sa asim ng apple. "Yummy!" sabi nya ng malunok yung unang kagat nya.
Pati ako napapalunok sa bawat dip, kagat, at lunok ni Asha. I'm thinking what does it tastes.
"Jd you wanna try?" inumang nya sakin yung isang hiwa. Napa 'huh' na lang ako at agad tinapik si Ivan na nasa tabi ko. "Ivan.."
"Sir, aalis nako, mag i-skype pa kami ng mga anak ko." tumayo sya at tuloy tuloy na lumabas. Walangyang Ivan to! Nang iwan sa ere!
Napatingin ako kay Asha at napakamot. Tiningnan nya ko na para bang pinag aaralan yung bawat galaw ko. Napalunok ako.
"Uhm Babe .. ahh no thanks. Baka kulang pa sa'yo?" nag aalangan ako dahil baka ma offend sya.
"Ok." nagkibit balikat sya. Hay salamat naman wala syang tantrums ngayon.
Pumunta ako ng kusina at hinandaan sya ng pineapple juice. Nilapag ko yun sa mesa nya.
"Maliligo lang ako ah?" tinanguan lang nya ako bilang sagot, busy sya sa pagkain nya. Selos ako.
Nung naliligo na ako, naramdamankong pumasok si Asha at tila nagtu-toothbrush, medyo may naisip ako, medyo lang naman. Binilisan ko ang pagligo at nagtapis. Lumabas ako at nakita ko sya.
"Hi Babe!" i kiss her cheeks. She just look at me and smile.
"Nabusog ka ba?" pinatong ko yung ulo ko sa balikat nya at niyakap sya sa bewang. Wag kayo magulo i-score muna ko ngayong gabi. She nod at me. I start kissing her shoulder, pinilit kong malaglag yung strap ng damit nya gamit ang labi ko. Then i gently bit it. Totoo yung sinabi ko kanina, kailangan mabuo yung babies namin.
Iwas na lang kayo sa sandata ni Daddy ah? Kinausap ko ang mga anak ko, baka kasi mabigla sila eh. Gabi pa naman na, malamang natutulog na yung mga yun, tss, masamang matulog pagkatapos kumain, nakamamatay!
Sino may sabi? Yung classmate ko sa Calculus, pagkatapos namin magbreak at babalik na sa group study. Lagi nya yan sinasabi at talagang naniniwala ako dahil nung minsan natulog ako sa group study at nakuha yung class card ko, pinakita ko kay Daddy, he almost die. Hehe bagsak kasi eh!
So mabalik tayo, nakatingin na naman si Asha sakin. Yung kakaiba na parang laging may gustong sabihin.
"Jd can we talk?" eto napo. Sabi na eh. May sasabihin sya. Lumayo ako sa kanya, I run my fingers to my hair and sigh. Parang nararamdaman ko yung gusto nyang sabihin.
Lumakad ako palabas ng cr at nagtuloy sa cabinet. Hangga't maari ayokong ma open yung topic na yun. Yun yung pinaka kinakatakutan kong topic. I get my loose shirt and my boxer. Una kong sinuot yung boxer ko.
"Jd please ." pakiusap nya.
Again, I ignore her. Sinuot ko naman yung shirt ko at inayos yung kama namin.
"Jd .." hinawakan nya yung kamay ko para pigilan sa ginagawa ko.
Napabuntong hininga ako at humarap sa kanya. "Ok. You still wanted to give our baby?" malumanay ang pagkakatanong ko. Gusto kong makontrol ang emosyon ko.
Napatingin sya sa ibang direksyon. Takot syang makita ko ang tunay nyang nararamdaman.
"Akala ko ba gusto mong pag usapan 'to? Bakit di ka sumagot?" lumingon sya sa akin at napalunok.
"Yes. Pero Jd mas madali na ngayon dahil kambal nam-"
"Stop." i command her. Sarado ang isip ko ngayon. At wala kong ibang tatanggapin na idea, kundi ang ideyang dalawa ang anak ko, dalawa. So dalawa ang palalakihin ko, bubuhayin, pag aaralin at mamahalin. Dalawa sila, hindi isa. "walang magbabago sa desisyon ko. No matter what. Walang ibibigay." madiin ang pagkakasabi ko sa huling salitang pinakawalan ko. And I meant it.
"Jd .." mabilis kong binaling ang mukha ko sa ibang direksyon dahil nakita ko ang pagbagsak ng luha ni Asha. Ang luha nya ang kahinaan ko. She supress her sob by putting her hands on her mouth. Pero kahit anong pigil nya ay dinig pa rin ng tenga ko ang sakit sa bawat hagulgol nya.
Lumapit ako sa kanya at niyakap sya. "Babe di ka ba nagsasawa sa setup natin? Mag aaway, iiyak tapos ok na. Then the same thing goes. Tama na Babe. Nakakasawa na." pinunasan ko yung luha nyang bumabagsak sa mga mata nya. "Tama na ok?" pakiusap ko. Nahihirapan ako sa tuwing nagmamakaawa si Asha na pumayag na ako. Nahihirapan akong magmatigas at wag pansinin ang bawat pagluha at bawat pagsusumamo nya.
Hinaplos ko ang likod nya at pilit syang pinatahan.
"Asha kahit wag mo ng isipin ang sarili mo, kahit ako wag mo na rin isipin, pero please, isipin mo ang mga anak natin. Yung magiging buhay nila kapag tinuloy mo ang gusto mo. Isipin mo yung dalawang anghel na walang kamalay malay sa nangyayari dito sa labas. Inosente sila. Kaya please, let's stop." pakiusap ko sa kanya. Lahat na ng bagay ginagawa ko na. Sana maintindihan nya na ako.
Nang maramdaman kong kumalma na sya ay nahiga na kami sa kama. I hug her and whisper.
"I love you. Goodnight." then i kiss her forehead.
Asha's POV
As usual nagising ako na wala na sa tabi ko si Jd. Pero may naririnig akong ingay galing sa labas ng kwarto so sumilip ako.
"Ivan ikaw muna gumawa bilis! "
"Bakit Sir ako ba yung buntis?"
"Hindi. Pero ikaw ang inuutusan ko. Gayahin mo yang nasa tv para maituro ko ng maayos kay Asha." tinuro ni Jd yung tv kung saan may buntis na nag e-exercise.
"O kaya nga Sir, kayo magtuturo diba? Kayo dapat ang gumawa." pagmamatigas pa din ni Ivan, naka upo sya sa isang malaking bouncing ball. Parehas sila nj Jd na naka outfit pang exercise.
"Sino masusunod , yung boss o yung employee?" nanakot na naman si Jd.
"Sir ganito kasi yan, mag stretching muna like this tapos galaw galaw muna yung mga kalmanan para di mabigla .." nagshake ng kamay at paa si Ivan habang pinapanuod sya ni Jd.
"Oh tapos?" boss na boss talaga magsalita tong si Jd.
"Sir magkano bonus nito?" tanong ni Ivan habang nag iikot ng bewang.
"Sige gagawin ko ng 100k yung salary mo."
"Yun oh .." pero napakunot bigla yung noo ni Ivan at huminto sya. "Teka Sir diba, 100k din yung sabi nyo nung nag search for a jelly tayo, nasaan ang pagtaas dun? Kayo ah, dinudugas nyo ako." bahagyang tinampal ni Ivan yung braso ni Jd.
"Aray ah! Makatulak wagas!"
"Grabe, parang hinawakan lang kung maka aray. Sensitive mo ah!" inulit ni Ivan yung pagtapik kay Jd this time mas malakas na.
"Uupakan na kita!" natatawang lumayo si Ivan, dahil baka totohanin ni Jd yung banta nya.
"O sir mabalik tayo sa sweldo ko, ano na?
"One 'o five k."
"Sir, tiniis ko ang mawalay sa asawa't mga anak ko ng apat na bwan tapos 5k lang!"
"Lul. Anong tiniis? Oy may Katrina at Sarah ka kaya!" natatawa ako ng napakamot na lang si Ivan sa ulo nya, halatang guilty eh.
"Lah. Hindi kasama yun Sir! Make it one twenty!" nagdemand na si Ivan.
"Still one 'o five. Nag iipon ako, kambal anak ako."
"Bakit Sir ako ba nakabuntis kay Ma'am Asha at apektado ang salary increase ko?" natawa ako sa pangangatwiran ni Ivan.
"One 'o five ." pang aasar ni Jd.
"All around? Partner in crime, shield, taga bantay at translator, taga tikim pa, tapos five k lang?" ewan ko pero natatawang sinuntok ni Jd si Ivan.
"G*gu. Anong translator? Palpak na translator!" tawa sila ng tawa. "Ok. one hundred ten. Last price. Deal or no deal?"
"Sige na nga. One hundred ten k."
"Gagawin ko ng salary deducted yung pamasahe at hotel accomodation mo ah."
"Tungunung yan Sir! Tinaasan mo pa sahod ko!" natawa na rin ako sa kalokohan nilang dalawa.
"Eh ang lakas mo kayang lumamon!"
"Oh ma'am Asha. Gising ka na pala." si Ivan ang unang nakapansin sakin at nginitian ako. Lumapit sakin si Jd and kiss me in my cheeks.
"Morning Babe." tumungo sya at hinalikan yung tummy ko. "Goodmorning Babies. "
"Ahhh how sweet!" malanding sabi ni Ivan.
"Leche ka Ivan, wag kang gumanyan baka marinig ka ng mga anak ko. That so Gay!"
"Unang una Sir, di ako ang gumawa nyan," he point my tummy. "Kaya kung bakla man yan ikaw ang dapat-" nahinto sya nang pagharap kay Jd ay masama ang tingin sa kanya. "Sabi ko nga tatahimik na ako." tumalikod sya samin. Ako ay natatawa lang.
"Babe, mag e-exercise tayo. Pero before yan, maligo at kumain ka muna, ok?"
Kaya pala ganito ang set up, napapatango na lang ako at sinamahan nya ako sa pagpasok sa kwarto. Tumuloy sya sa banyo at hinanda yung paliguan ko, sinigurado nyang nasa tamang init yung tubig, kinuha ko naman yung towel ko at lumakad papasok sa shower room.
"Ako na maghahanda ng damit mo." sabi nya bago ako tinalikuran.
Napapangiti na lang ako habang naliligo, ano bang kabutihan ang nagawa ko at binigyan ako ng isang taong magmamahal at mag aalaga sakin ng ganito? Napaka swerte ko talaga.
After kong maligo ay nagbihis na ako, bago sa paningin ko yung mga damit na nasa ibabaw ng kama, gray sando, fitness bra, tapos leggings. Pero sinuot ko pa din yun, napaka comfy nya sa katawan, pero kapansin pansin ang katabaan ko. Why i'm so ugly? Nakakainis, tumaba na nga ako tapos pumangit pa, yung braso at legs ko mukha ng pata ng baboy. Nakaka insecure tuloy sa ibang girls na nakikita ko. Tapos nahihiya din ako sa pag itim ng ibang part ng katawan ko, lalo na yung leeg at armpit, lalo akong nalungkot when I see my chubby cheeks. Ugly me.
"Hey. Ang aga aga, nakasimangot ka. Wooh ang sexy naman ng Babe ko." nakangiti pa si Jd na tumingin sakin.
"Liar." naupo ako sa kama at nag pout. "I know, nagsisinungaling ka lang."
"Sino sinungaling? Papatayin ko! Asan asan?"
"Hmp. I'm ugly." di ko sya pinansin. I know, pinapatawa nya lang ako.
"Ok fine. Ano ngayon kung nag iiba na yung physical characteristic mo? Normal lang yan, pero I'm sure, babalik ka din sa dati, pero alam mo, ayaw na kitang bumalik sa dati, kasi, marami lang akong makakaagaw sa'yo. Mabuti na yung ganto. Atleast akin ka lang." tumungo sya at sinimulan akong suotan ng sapatos.
Lumabas kami at ang nagyo-yoga na si Ivan ang nakita namin, seryoso syang nakapikit.
"O start na." tinapik na sya ni Jd sa braso. Agad naman syang tumayo at nag lakad para i-on yung tv.
"O stretching muna .." pumwesto si Jd sa likod ko pagkasabi ni Ivan nun.
Ginaya ko yung babae sa tv na nagsquat then tatayo, gagawin daw yun for one minute. So ginawa ko sya, pero habang ginagawa ko yun ay nasa likod si Jd hawak yung bewang ko.
"Hoy!" binato sya ni Ivan ng bouncing ball. "Di kasama ang chansing!"
"G*go inaalayan ko lang, baka mahulog." katwiran ni Jd.
"Tanga! Di yan, lumayo ka nga!"
"Sigurado ka ah?!" lumayo si Jd at pinanuod ako. Natatawa akong tiningnan silang dalawa.
Next naman na ginawa ay yung pag stretch ng kamay, tinataas yun at nagbe-bent sa side. Medyo nabo-bored na ako.
"Sir di na pwede yung abs exercise kay Ma'am Asha kasi going four monthhs na. So mag yo-yoga na tayo."
Pinatay ni Ivan yung tv at pinaupo ako dun sa nilatag nya na sapin, "Mas maganda Sir, samahan nyo si Ma'am para di awkward." naupo din sa tabi ko si Jd. Parehas kaming naka indian seat. "Close your eyes." nagpikit ako ng mata. "And relax." nakapatong sa tuhod ko yung mga kamay ko. "Breath in and breath out." nakaka relax talaga yung ganito.
Pero maya maya nakarinig ako ng tawa, i open my eyes and see Ivan and Jd, nagkukulitan silang dalawa. Si Jd ay nakapikit pa, pero si Ivan ay kinikiliti yung ilong ni Jd gamit ang binilot na papel, pati sa tenga ay kinikiliti nya din kaya napapatawa ng mahina si Jd. Pati rin si Ivan ay halatang pinipigilan yung tawa. Nung napagalaw ang balikat ni Jd sa kiliti ay natawa na ako ng tuluyan ang cute nya kasi eh!
"Tang'n* tigilan mo yan." tawa ng tawa si Jd. Pati ako ay di mapigilan tumawa hanggang sa tumayo na si Jd at hinabol si Ivan. Pinabayaan ko na lang sila.Nakita ko yung bouncing ball medyo na excite ako kaya nilapitan ko
Dahan dahan akong naupo at pinag bounce yung bola, wow ang sarap! I continue bouncing the ball, medyo lumalakas na din ang pag bounce ko, kaya ayun, nagkamali ako ng bounce at na out of balance, ready na akong matumba pero naagapan ni Jd yung pagbagsak ko at nasalo nya ako.
"Sh*t!" narinig kong sigaw nya at nang nilingon ko sya. Naka pikit ka sya at halatang tensyonado.
Tinulungan kami ni Ivan tumayo. Napatungo ako sabay sabing "Sorry." naramdaman ko ang pagtapik ni Ivan sa balikat ko habang si Jd ay nakatingin sakin.
"Linisin mo na yun." utos nya kay Ivan, napatingin ako sa kanya at halatang kinabahan sya. Tiningnan nya ako at niyakap. "God Asha! Kinabahan ako nung nakita kitang na-out of balance. Please don't do that again. Aatakihin ako sa puso." mahinang sabi nya. Napayakap na lang ako sa kanya at tumango.
Pagkatapos naming kumain ng agahan ay nagpaalam na si Ivan.
"Sir una na ako, iko-confirm ko pa yung plane ticket na pina reserve nyo." napalingon ako kay Ivan. Uuwi na kami?
"Ok sige. Itawag mo agad sakin kung anong araw para makapag sched ako ng check up para kay Asha kung pwede na syang mag byahe."
"Sige Sir ako ng bahala. Sige Ma'am Asha." kumaway pa sakin si Ivan at nginitian ko lang.
Lumingon ako kay Jd na hawak ang business papers at cellphone nya. I wanna ask him sana kung uuwi na kami pero naalala ko yung sinabi nya na, we're not going back to the Philippines.
"Babe, may kakausapin lang ako ah?" paalam ni Jd at pumasok sa kwarto namin.
Hindi ko alam kung dapat bang hayaan ko na lang si Jd sa pagpapasya ng buhay ko or dapat ko pa din sundin ang plano ko. B'coz Jd is more determined than me.
Natuon ang pansin ko sa tv ng may Pilipinong magsalita, nailipat ko pala sa Filipino Channel.
It's a documentary Show where they tackles the life of a Filipino na nasa Seoul, Korea. May isabg Pilipino na ang trabaho ay mag uwi ng mga sanggol sa Pilipinas, dahil sa Korea hindi kinikilala ang mga Pilipinong sanggol, Baby Cargo ang tawag dun. Inuuwi nya ang mga sanggol na wala pang isang buwan at ibinibigay sa mga kaanak nung mga magulang na nagpadala. Sinasalubong naman sa Philippine Airport ng mga kaanak yung bata at saka nila kukunin. Masakit man para sa mga magulang na malayo sa anak nila ay kinakaya pa din nila.
Baby Cargo. It caught my attention.
---
Salamat sa mga nagbabasa :))
May official Imaginary character na sila Asha at Jd. Krystal Jung and Suho of XO. Plus Yoona for Ella. See the side -->
Every friday na ang Updates. Busy na kasi ako. Yung mga dedic, don't worry naka lista kayo. Yun lang. Thanks.Godbless.
-chin