pero...
Nagulat akong binack hug nya ko. At nakasuksok ang mukha nya sa leeg ko.
Dug.dug.dug.dug
Ano ba itong nararamdaman ko?
Bigla nalang may kumikiliti sa aking tyan.
Isang Darren Espanto ay gagawin sakin 'to?
"Please kai. I will explain everything. Ayoko na mawala nalang bigla ang friendship natin." sabi nya.
Umupo nalang ako ulit sa bench at ganon din sya ay naupo din sa tabi ko.
Magang maga na siguro ang mata ko. :(
Hindi ako nakatingin sakanya. Nakatingin lang ako sa puno.
"Pagbibigyan kita mag explain pero hindi ibig sabihin non ay maibabalik na ang friendship natin." sabi ko.
Huminga sya ng malalim.
"Kai. Simula nangyari yung incident doon sa rooftop. Oo nung una, hindi ako naniwala sayo. Narealize ko nalang na may dahilan siguro kung bakit mo yun nagawa. Sa mga nasabi ko sayo noon. i'm sorry alam kong nasaktan ka sa mga sinabi ko." -darren
Naalala ko na naman yun! ;(
"... Tsaka noong matapos ang incident na yun, hindi na kita nakitang pumapasok sa school at hanggang sa malaman kong nasa Canada kana pala. Magsosorry dapat ako nun. Pero hindi mo man lang sinabi na aalis kana. At nagtampo ako sayo non. Kaya sa 3 years, nagpakabusy ako at hindi ko na magawang magparamdam sayo kahit sa txt at mga social accounts mo. Nahiya na ko nun. Kahit gustong gusto kita imessage pero hindi ko magawa dahil sa mga sinabi ko sayo. Kaya inunfollow din kita sa IG para hindi ko makita mga post mo. Lalo kasi kitang namimiss. Kaya nagulat din akong inunfollow mo din ako. Pero hindi ko akalain na magkikita tayo sa canada. Nagulat ako dahil nag iba ang itsura mo at isa pa hindi na ikaw ang kyline ang mahinhin na nakilala ko. Nagsusungit ka na. Kaya tinry ko magpa kabadboy muna para maisip mo din na hindi lang ikaw ang nagbago. pero hindi naman talaga ako nagbago ng ugali. Ganun din pa naman ako. Tsaka pagpapanggap lang yun..."
Tahimik lang akong nakikinig.
Ang haba naman ng kwento nya. Tsk.
".. Tapos yung about sa video kanina, ako ang gumawa nung una. Pero yung huli, wala akong alam don. Dahil si Twittle lang naman ang nagtapos ng video na yun.. sabi nya kasi may idadagdag sya. Sorry kai. Sana mapatawad mo ko.." sincere na sabi nya.
"Pero paano yon? Magkakalat na yun sa social media. Sirang sira na ko. " sabi ko.
"Hayaan mong ako magpaliwanag sa kanila ang nangyari. Dahil nasabi na rin sakin ni Andrea ang dahilan." sabi ni Darren.
"Sige. Uuwi na ako." sabi ko at tatayo na sana pero bigla nya akong hinawakan sa kamay at pinigilan.
"Bakit? May sasabihin kapa ba?" sabi ko sakanya.
"Kai..." huminga sya ng malalim.
Dug.dug.dug.dug
"May sasabihin pa ko." sabi nya.
"Ano naman iyon?" tanong ko.
"May bracelet kabang nawawala noon?" tanong nya.
Iniisip ko kung meron nga ba.
Teka meron nga kaso sobrang tagal na nun. Yun ang gift saken ni mama na may nakasulat na letter 'K'. Kulay green.
Tsaka bakit naitanong naman nya?
"Meron. Noong audition ko. Kaso sobrang tagal na yun." sabi ko.
Ngumiti naman sya. At may idinukot sa bulsa nya.
"Eto ba yun?" tanong nya.
Teka??? Paanong??
"Paano napunta sayo yan?" tanong ko.
Tinignan ko ang bracelet na yun at mukhang bago pa rin. Akin nga iyon. Alam na alam ko kasi ang itsura non.
"Hindi mo ba naalala nung nawala 'to?" sabi niya.
Inisip ko kung paano nawala iyon.
Tama!! Sya yung nakabunggo ko noon.
"Nung nakabunggo mo ko, napansin kong may nalaglag sa paanan ko. Kaya pinulot ko yun at hahabulin pa sana kita. Kaso late na ako sa guesting ko. Kaya naisip kong ibibigay ko nalang pag nagkita tayo." paliwanag nya.
Tumango nalang ako.
"Eh bakit hindi mo nalang ibinigay sakin noon pa. Lagi tayong magkasama dati ah." -ako
"Naisip ko kasi na sa tamang panahon ko nalang ibigay sayo. siguro eto na yung right time." -Darren
Ngumiti naman akong iniabot nya yung bracelet ko. Isinuot nya na din sakin.
"So ibig sabihin, ok na tayo??" ngiting sabi nya.
"Hmmm.. sino nagsabi sayo?" tanong ko.
"Teka akala ko ba ok na tayo tsaka naibigay ko naman bracelet mo eh." sabi nyang nakapout.
"Oo na. Teka may ibibigay din ako sayo." sabi ko.
Tinignan ko sa mini bag ko yung maliit na box.
Biglang nagbago isip ko.
"Ay wag nalang pala. Nakakahiya!" -ako
"Wag kana mahiya. Ano ba yon?" -Darren
Kinuha ko nalang ang maliit na box na may lamang kwintas na Dog Tag na naibili ko sa Canada.
"Pasalubong ko yan galing canada. Sana magustuhan mo. Kahit cheap para sayo yan." sabi ko at inabot sakanya iyon.
"Kahit gaano pa kacheap yan kung galing din naman sayo. Special pa rin sakin yan. Nga pala thanks naappreciate ko." ngiting sabi nya. At binuksan iyon at isinuot nya.
"Bagay pala sayo." ngiting sabi ko.
"Salamat talaga kai." sabi niya at niyakap nya ko.
Niyakap ko din sya pabalik.
Friendly hug lang naman. Wag kayong ano!
"Sobrang namiss kita kai." bulong nya sakin habang nakayakap pa rin.
*sniff
Infairness ang bango nya!
Lumayo ako sakanya.
"Ang bakla mo naman!!" sigaw ko sakanya.
"Excuse me! I'm not Gay! Patunayan ko pa eh!" sabi nya.
At biglang uminit ang pisngi ko. Paano kasi kung ano na naman pumapasok sa isip ko.
"Paano kung sabihin ko sayo na gusto kita?" mabilis na sabi nya?
Huh??
"Ano sabi mo?" tanong ko.
"Ang sabi ko, gusto kita!" nilakasan nya pa talaga.
"Gusto kitang pisilin sa pisngi!" sabay kurot nya sa dalawa kong pisngi.
Wahhhhh!!!!
"Ano ba darren! Ang shaket!" sabi ko kasi ang lakas ng pisil nya sa pisngi ko.
"Ang cute mo nga eh!" -Darren
"Ganun pala ha!!" sabi ko sabay kurot din sa pisngi nya.
Kala nya huh. Hahahaha
Tawa lang kami ng tawa habang nagkukurutan sa pisngi.
"Uyyyy! Ano yan?? PDA kayo masyado!" sulpot ni besti sa harapan namin.
Kasama din si Nathan at Glenn.
Kaya tumigil kami. At humarap sakanila.
Tinignan ako ni besti ng *anong-meron-look*
"Si kyline nagdadrama kaya ayan, magang maga ang mata." sabi ni Darren.
Tumawa sila ng makita ang maga kong mata.
"Hahahahahaha" tawa nilang lahat.
"Ay ganon? Sige tawanan nyo lang ako. Uuwi na ko." sabi ko.
"Cool lang kyline. Hahaha nakakatuwa naman yang mukha mo. Ang cute kahit magang maga mata mo. " -nathan
"Buti nalang talaga at nakita namin kayo dito! Kanina pa kita hinahanap besti. Hindi ko naman alam na kasama mo pala si Darren. Anyare sainyo?" ngising sabi ni besti.
Nagtinginan lang kami ni Darren.
"Kyrren is Back! " sabi ni nathan.
"REALLY??? omayghaddd!!" sigaw ni besti at nagtatalon pa.
"OA lang?" sabi ko kay besti.
"Guys. Uwi na ko huh. Hinahanap na kasi ako ni mommy." sabi ni Glenn.
Ang weird ni Glenn. Bakit kaya?
"Sige. Ingat ka bro!" sabi ni nathan sakanya.
"Congrats nga pala sainyo. Ingat ka glenn" -ako
"Glenn, punta ka sa bahay mamaya ahh! May kainan!" sigaw ni besti sakanya.
tumango nalang si glenn at umalis na.
"Kayo din punta kayo. Ikaw din darren huh." sabi ni besti.
"Eh pano naman ako?" tanong ni nathan.
"Malamang pumunta ka din! Ang drama mo!" -besti
Tumawa nalang kami.
"Sabay sabay nalang kaya tayo pumunta ngayon?" sabi ko sakanila.
"Ano maglalakad lang tayo?" -besti
"Kung gusto nyo pahatid nalang tayo sa driver ko." suggest ni Darren.
"Sige!! go ako jan!!" -besti
"Hindi man lang nahiya!" -nathan
Hinampas ni besti si Nathan sa braso.
Kaya bumalik kami ng school dahil andoon sa parking lot ang sasakyan ni Darren.
Noong pumasok kami ng school, nakita namin na kakaunti nalang ang estudyante at mga nanay dahil yung iba ay nakauwi na.
.
.
.
.
Pagdating sa bahay nila besti, ay naupo muna kami sa sala nila.
Malaki din ang bahay nila. Rich kid din kaya si besti. Tapos may pool sila sa likod ng bahay nila.
Medyo maliit lang.
"Wait muna kayo jan ah! Magvivideoke tayo!" -besti
Tumango nalang kami at nagpaalam si besti.
"Hello po tita!" bati ko sa mama ni besti na naghahain ng pagkain sa amin.
"Wag kayong mahiya ah. Welcome na welcome kayo dito." sabi ni tita.
"Thank you po tita." sabi ko nalang.
"Matagal pa yun si andrea ha. Kasi mamaya pa naman talaga ang kainan, napaaga lang kayo. Nood muna kayo ng T.V" sabi ng mama ni besti.
Binuksan ni Tita iyon. At tahimik lang kaming nanonood.
"Ahm tita, pwede po ba pumunta sa may garden nyo? Papahangin lang po ako." paalam ko kay Tita.
"Sure. " -Tita
"Samahan na kita. Ikaw nathan sama ka?" sabi ni Darren.
"Kayo nalang, hintayin ko nalang si Glenn at Andrea dito." sabi nya habang tinitignan ang Photo Album ni besti.
Hindi ko na sila pinansin at dumiretso nalang ako sa may pool nila at garden.
"Bakit kung nasaan ako, andun ka rin?" tanong ko kay darren.
At naupo ako sa pool at binabad ang paa ko.
"Syempre gusto ko lang bawiin ang mga oras na hindi tayo magkasama. Susulitin ko lang." -Darren
Nakigaya na din sya sakin at tumabi.
"Ang weird." sabi ko nalang.
"Paano mo nasabing weird?" tanong nya.
"Ang weird lang naman ng mga kinikilos mo." sabi ko.
"Ganun talaga kai. Magbestfriend tayo diba?" -Darren
"Uhmm. Oo naman." ngiting sabi ko.
"Kai... may tatanong ako." -Darren
"Ano yun?" -ako
"Anong irereact mo kung malaman mo na may crush ako sayo?" -Darren
O__o
Nagblush ako. Kasi parang nagcoconfess ata sya saken. Hindi sa pagiging assuming o baka pinagtitripan lang ako neto.
Tumahimik lang ako at kunyareng hindi narinig ang tanong nya. Nakatingin lang ako sa pool.
"Siguro alam ko na ang sagot. Kikiligin ka! Kasi nagbablush ka oh!" sabi niya.
Bigla akong napatingin sakanya.
"Tigilan mo ko Darren ha! Baka ilaglag kita jan sa pool. Wag mo kong pinagtitripan." sabi ko sakanya.
"Seryoso kai.. May Crush ako sayo." seryosong sabi nya.
Dug.dug.dug.dug
Dinaan ko nalang sa biro ang sinabi nya.
"Wag ako Darren! Iba nalang." natatawang sabi ko.
"Seryoso nga kai. Aminin mo may crush ka din kaya saken." -Darren
Hah??? Saan nya naman napulot yun? Teka? Nahahalata nya ba?
"Sino naman nagsabi sayo?" tanong ko.
"Syempre yung besti mo. Mukhang nagsasabi naman sya ng totoo." -darren
"Sige aaminin ko Crush kita. As In PAGHANGA lang. Kasi magaling kang kumanta." palusot na sabi ko.
Baka kung ano pa isipin nya.
Tumango tango lang sya.
"So ganun lang pala yun." mukhang nadissapoint sya sa sinabi ko.
Tumango din ako. Ang awkward naman neto. Totoo kayang may Crush sya saken?
"Naniniwala kaba sa Destiny?" tanong nya sakin.
Dati hindi ako naniniwala pero ngayon naniniwala na ko.
"Oo. Bakit mo naitanong?" -ako
"Ako din naniniwala. Kasi Destiny tayo." ngiting sabi nya.
"So anong connect non?" -ako
"Kahit sa tinagal tagal na panahon ay hindi tayo nagkita, pinagtatagpo pa rin tayo. Imagine, ikaw ang childhood friend ko at after 3 years na hindi tayo nagkita. Eto pa rin, nagkaayos na tayo." -Darren
"Eh ikaw naniniwala kaba sa Forgive but don't Forget?" seryosong tanong ko sakanya.
"Oo." sabi nya.
"So alam mo naman siguro ang ibig kong sabihin." sabi ko sakanya.
"I'm sorry kai." sabi nya.
Naalala ko na naman yung ginawa nila sakin.
"Ano kaba! Ok na. Bata pa tayo nun! Kalimutan mo na. Past is past." -ako
"So sinabi mong hindi na pala tayo bata. Pwede nang?" ngising sabi nya.
"Pwedeng ng ano?" curious na sabi ko.
Hindi ko sya gets. -.-
"Nevermind. Ask ko lang, ano ang ideal guy mo?" tanong nya.
Seriously, ang weird ng mga tanong nya. Kinikilabutan ako!
"hmm. Mabait, may takot sa Diyos at may respeto. Eh ikaw ano ba ideal girl mo?" sabi ko.
Bakit ba ganito mga topic namen? si Darren kasi!
"Wala na akong hahanapin kasi anjan na sya malapit sa kin." sabi nya sabay smirk.
Ako ba tinutukoy neto. Trip na naman nya ko.
Pero sa deep inside, kinikilig talaga ako.
"Ahhhh." sabi ko nalang.
"Childhood friend/Bestfriend/Girlfriend, sa tingin mo ano mas maganda don?" tanong nya.
"Ewan ko sayo!" sabay tinapik ko sya sa braso.
Ganun talaga gawain ng mga babae. Hinahampas sa braso ang lalaki.
"Ah alam ko na! Mas magandang pakinggan ang Girlfriend. Para kahit papano eh di na nila masabing bakla ako." natatawang sabi nya.
Tumawa nalang din ako.
"Tama ka jan!" sabi ko.
Biglang nanlaki mata nya sa sinabi ko.
"hahaha. So gusto mo palang Girlfriend. Now I know. Soon." natatawang sabi nya.
Tinaasan ko lang sya ng kilay.
"Seryoso Darren, gusto mo na magkaGirlfriend. Ang bata mo pa para sa ganon!" sabi ko sakanya.
"Eh ikaw na ang nagsabi na hindi na tayo bata. Kaya pwede na yun. Tutal dalaga at binata na din tayo. Wala namang masama don." sabi nya sakin.
"Haysssss! Ang gulo mo!" -ako
Ngumiti lang sya at tinitigan ako.
Parang kinakabisado nya ang mukha ko.
Tinignan ko din sya. So magtititigan lang kami dito?
"Ang ganda mo kyline." sabi nya.
Umiwas na ako ng tingin sakanya.
"Gusto mo din ba sabihin ko sayo na gwapo ka?" sabi ko na pang asar.
"Kahit hindi mo na sabihin, kasi obvious naman!" sabi niya.
"Whoa!! Grabe nililipad na ko ng hangin!" sabi ko with hand gesture pa.
Tapos bumalik nalang ulit ang tingin ko sa pool.
Bale nakasideview na ko sakanya. Pero nakikita ko in pheriperal view ko na nakatingin pa din sya sakin.
*tsup
O________O
wahhhhhhh! Lagot ka saken Darren ka!!!!
Napahawak ako sa pisngi ko. Tapos si Darren biglang pumasok sa loob nila besti.
Kainis naman!!!!!
Pano kasi. Kiniss nya ko sa cheeks.
Kaya eto, nag iinit na mukha ko sa mga pinaggagawa nya!
Hindi na naman ako makatulog neto mamayang gabi!
Ano ba kasi pumapasok sa isip non at nagagawa nya ang bagay na yun?
Arghhhh!!!!!!!
------------
A/N
Thank you guys for reading! Next is Epilouge na po. :) Sana po ay nagustuhan nyo. labyu!
KYRREN FTW!!
-tin