Dahil matagal din akong hindi nakapag-update dalawa ang iuupdate ko ngayon haha. Ang pangarap ko lang naman ay maraming kabataan ang matuto sa akin at umunlad ang kanilang kaalaman lalo na't sa panahon ngayon haha. Sana dumami yung readers ko at followers! At mga kaibigan na rin. Meron akong 98 followers at kung sino man ang maging 100 follower ko ay sa kanya ko idededicate ang isa sa chapter dito. Sana maging kaibigan ko kayong lahat.
Pakiplay po yung song diyan sa gilid entitled LIGAYA, sana magustuhan niyo.
------------------------->
Kean's POV
Tinanghali ako ng gising ngayon masyado kasi akong napuyat kagabi sa paggawa ng structure ng mga house nakakapagod ang hirap pala talagang maging Architect biruin mo madalas silang walang tulog at pagod pa. Pero kapag nakatapos ka naman ay sulit dahil hindi ka mamomroblema sa paghahanap ng trabaho.
Tumayo ako sa aking kama at nag-inat-inat. Sa hindi sinasadyang insidente sa pagtaas ko ng kamay ay nabunggo ko ang kalendaryo sa aking gilid kaya nalaglag ito.
Yumuko ako at dinampot ito at nagulat ako ng makita ko kung anong date ngayon. It was our 2nd monthsary at wala akong kamalay-malay na ngayon na pala iyon. Si Krissa kaya? Naalala kaya niya na monthsary namin ngayon? Sayang hindi ako prepare para sa mahalagang araw na ito. Ano bang ireregalo ko sa kanya?
Hindi ko alam kung ano ang ireregalo sa kanya at wala na akong time para makabili pa ngayon. Late na rin ako at hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong gawin. Natataranta na ako, ginawa ko na ang dapat kong gawin at dumiretso sa University. Bahala na mamaya.
Pagkarating ko sa classroom ay nadatnan ko si Jiro na may dalang gitara at mukhang may haharanahin yata. Wait, harana ba sabi ko? Ano kaya kung haranahin ko na lang siya tiyak na magugustuhan niya iyon at isa pa hindi nga pala siya mahilig sa mga material na bagay.
Buo na ang desisyon ko, haharanahin/kakantahan ko siya mamaya. Sigurado akong magugulat at matutuwa siya sa gagawin ko.
Nilapag ko ang gamit ko sa aking upuan at nilapitan ko si Jiro para hiramin mamaya yung gitara.
"Pare, pwede ko bang mahiram yung hawak mong gitara? Sosorpresahin ko lang yung Mahal ko, sige na." Sabi ko.
"Sige pare, basta isauli mo sa amin mamaya after class ah? Magpapraktis pa kasi ako eh." Sabi niya.
"Ok, bakit ka naman magpapraktis? Para saan? O para kanino? Umamin ka nga Jiro, may nililigawan ka na ba?" Tanong ko na medyo nag-iisip.
"Huwag mo ng alamin, ako na bahala doon haha. Oo nga pala, tapos ka na doon sa pinapagawa sa atin?" Tanong niya at inilapag ang gitara sa side niya.
"Oo tapos ko na, grabe ang hirap inabot ako ng siyam-siyam sa kauulit kapag namamali ako." Sabi ko.
"Buti natapos mo, ako nga eh kaninang umaga ko lang natapos---"
Hindi niya natapos ang sasabihin niya dahil dumating na yung prof namin. Kaya bumalik na kami sa kanya-kanyang upuan. Ang akala ko kanina late na ako eh buti na lang at 30 minutes siyang late haha. Save ako dun.
Pagkatapos ng class namin ay hiniram ko kaagad kay Jiro yung gitara at hinanap si Krissa dahil 3 hours break kami ngayon wala kasi yung Prof namin absent daw kaya free kaming gumala haha.
Pinagtanungan ko si Shana kung nasaan si Krissa kaso hindi niya raw alam. Siguro raw nandoon yun sa tahimik na lugar.
Kaya ang una kong pinuntahan ay yung library kaso wala roon eh nasaan kaya iyon? Baka naman nasa tabi-tabi lang kaya hinanap ko sa kung saan at in the end natagpuan ko siya na nakaupo sa may bench at nakaheadset talaga nga naman na Music Lover siya.
Wait, You and Me ng Lifehouse ba yung kinakanta niya? Ano kaya kung ito na lang din yung kantahin ko? Ok, ito na lang.
Unti-unti akong naglakad papalapit sa kanya at kumanta habang naggigitara. Natuwa naman siya at nagduet pa kami ah haha.
Natatawa ako sa kanya dahil unti-unti kong nilalapit yung mukha ko sa kanya ay pumikit siya. Akala niya siguro eh sa lips ko siya hahalikan kaso sa pisnge lang muna dahil nirerespeto ko siya kahit na girlfriend ko siya but still babae pa rin siya kaya I need to respect her.
Nakalimutan niya rin palang monthsary namin at inamin niya iyon sa akin. Ok lang naman sa akin, atleast masaya kami.
Pagkatapos namin sa moment na iyon ay dumiretso kami sa KFC para maglunch. Ang dami niyang kinain parang gutom na gutom. Hindi ba siya pinakain sa kanila ng isang linggo? Haha.
Natawa ako sa kanya dahil pinapapak niya yung gravy ng KFC. Paborito daw niya kasing gulay ay patatas at lasang patatas daw yung gravy kaya ayun ang kanyang nilantakan.
Pagkatapos naming kumain ay nagpatagtag muna kami ng kinain. Umarkila kami ng bike na 10 pesos per hour. Para kaming mga bata na naglalaro sa katanghaliang tapat. Nagkakarerahan pa kami, expert pala siya sa pagbabike. Naka-30 minutes lang kami dahil malapit na yung next class niya. Pero 10 pesos pa rin ang binayad namin dahil mabait naman si manong eh.
Dumiretso ako sa classroom namin after ng bonding moment/celebration namin ni Krissa. We still have 1 hour left kaya naman nakipagkwentuhan ako sa bestfriend ko na si Jiro.
"Pare, sino ba kasi yung babaeng liligawan mo? Si Shana ba?" Tanong ko habang nilalaro ang gitara niya.
"Oo pare eh, kaso kinakabahan ako eh. First time ko lang gagawin ito sa buong buhay ko." Sabi niya habang nakatingin sa malayo.
"Oh ayun naman pala eh, bakit ka kakabahan? Mahal ka rin ni Shana! Syempre naghihintay lang yung tao, kaso hindi ko masasabi kung papayag ba siyang magpaligaw sayo dahil alam mo namang Study ang mas priority niya diba?" Sabi ko.
"Ayun nga eh, ayokong mareject. Pero I'm willing to wait." Sabi niya.
"Pero huwag kang mawawalan ng pag-asang suyuin siya dahil alam mo namang may chance ka." Sabi ko
"Kaya ko ito, alam mo bang magkakaroon ng dedication booth bukas?" Sabi niya.
"Dedication booth? Saan naman?"
"Sa may Valencia Hall, ibig sabihin lahat ng sasabihin mo ay maririnig ng buong University. You can sing, basta! Kaya bukas, asahan mong nandito ako." Sabi niya.
"Ok, I'll support you! Malay mo pati ako ay pumasok din diyan." Sabi ko at nagtawanan naman kaming dalawa.
Tila napasarap ang kwentuhan namin at hindi namin namalayang time na pala kaya bumalik na kami sa aming tamang upuan.
Ano kaya kung i-try ko rin? Wala namang masama diba? Excited na ko for tomorrow!
♠♠♠♠♠♠
Elmo's Note:
Hindi ko alam kung kailan ang next update baka sa Friday try ko.
With0ut GOD our week w0uld be:
SINday
M0URNday
TEARSday
WASTEday
THIRSTday
FIGHTday
SHATTERday
7 days with0ut GOD makes ONE WEAK...