Chapter Three
"Almost fifty books in just six months, Elena, are you fucking kidding me?"
Panay na ang mura ni Sofia sa akin. Sinabi ko sa kanyang may ginagawa na naman akong bago, and I'm halfway my plot. Twenty-five more chapters, and I can already achieve my fifty chapters quota.
Sumimsim ako sa order kong Iced Latte. Kinuha ko yung maliit na baso ng liquid sweetener at inilagay yun sa mapait na kape. Pinaghalo ko ito at uminom muli. There, tastes better.
Panay ang buklat niya sa mga librong nasa harap ko ngayon. Bibili raw siya ng tatlo. But since she's my bestfriend, bibili siya ng tatlo pero bibigyan ko siya ng dalawang libreng libro. So she can bring home five books.
"Grabe! Hard bound pa! Leche talaga." Sabi niya habang hinihimas-himas ang covers ng mga libro. One thousand sarado lang ang binigay ko sa kanyang presyo para sa mga libro. I published these myself. Kikita ako ng three thousand galing sa kanya nang walang kahati.
Pinag-isipan ko kung saan ko pwedeng gastusin yun. Hindi ko ito gagawing savings. Gagastusin ko ito ng todo-todo. Gastos ng normal na tao. Not who I am now, but who I was back then.
"Sofi, labas tayo." Sabi ko.
"Hmm? Nasa labas naman tayo."Nalilito niyang tanong.
Napairap ako. "No. I mean, hindi rito sa Hyatt. Labas tayo. SM Aura, Mall of Asia, Robinsons. I don't give a fuck. I want to splurge."
Lito parin ang ekspresyon na pinakita niya sa akin. Hindi niya makuha ang ibig kong ipahiwatig sa meaning ng "labas". I know exactly why.
"Wow. I never thought that the queen would want to be a princess?" Sabi niya.
Umiling ako. "I am no queen."
Tatayo na sana kami para makaalis na. I am so thrilled na makalabas sa casino na ito, pero naudlot nang tumawag si Mikael.
"What." Walang gana kong sabat.
Humalakhak naman siya sa kabilang linya. "Chill, baby. Let's eat out. Bring your friend."
Luminga-linga ako. Paano niya nalamang kasama ko si Sofia? And why do I need to bring her? It's either I or Sofia will be the third-wheeler.
"Why?" Mataray kong tanong.
Sinabihan ko si Sofia na aalis kami. Kinuha ko ang bag ko at niligpit na ang mga libro ko.
"I want you to meet someone. Remember your bargain?" Tumango ako kahit na hindi niya naman makikita. "I got you somebody really good. And bring your friend, because if I have to lose you, then I'll need a replacement."
Umirap ako at hindi na sumagot. Binabaan ko na siya agad at tumungo kami papunta sa parking lot. Pinahiram lang ni Mikael sa akin 'tong itim na Fortuner niya. Pinaharurot ko agad yun patungo sa Resorts World.
"Te, kasama talaga ako?"
Kanina pa tanong ng tanong si Sofia sa akin. At kanina pa rin ako naiirita. First of all, dahil gusto daw'ng i-date ni Mikael si Sofia. Second of all, nakakainis na si Sofia ngayon.
Hindi ko na siya nilingon dahil baka ano pang magawa ko sa kanya. She's my bestfriend here, but I don't like her for Mikael. Maybe I am a little bit attached to Mikael. Kaya naman ay ayaw kong malaman na may ka-date siyang iba. May nararamdaman akong pangit na pakiramdam. Ewan ko ba.
Irap ako ng irap hanggang sa nakarating na kami sa meeting place namin. Nakita kong nakaupo si Mikael sa loob ng The Red Crab restaurant, at may kaharap siyang isang lalaki. Parehas silang naka-tuxedo. Pero unlike Mikael, yung lalaki ay nagyoyosi.
Someone good for me? Lalaking nagyoyosi? Are you kidding me right now, Mikael?
Sira ang mukha ko nang nakarating kami sa table. Mabilis pala ang mga yapak ko kaya't medyo nahuli nang dating si Sofia. Una ay ako muna ang binalingan ni Mikael. Pero nung dumating siya ay nawala sa akin ang paningin niya at lumiwanag ang kanyang ekspresyon.
Tumayo silang dalawa ni Mikael. He and yung kasama niyang nagyoyosi. Pinaupo ako ni Mikael sa isang vacant chair, at si Sofia naman ay pinaupo niya rin sa isa pa, in a gentleman way.
I crossed my arms nung nakaupo na kaming apat. Hindi ako makangiti o makatingin sa kanilang tatlo. They got acquainted, habang ako nama'y halos kulang nalang ay tahiin ko ang mga labi ko sa pagkadiin.
"Mikael, right?" Tanong ni Sofia.
Tumango naman si Mikael. Tila kumikislap pa ang mata na isang 'to! "Yes. You are?"
"Sofia." Ngiti ni Sofia.
Mas nairita pa ako nang naglahad si Sofia ng kamay at inabot ito ni Mikael. Umirap ako mentally. Shit. I know na walang kasalanan si Sofia. Dapat kay Mikael ako naiirita dahil he's flirting with my bestfriend while kami pa..at least for four days. Four fucking days, still. Hindi ba pwedeng maghintay nalang siya na matapos ang apat na araw? Plus, siya pa naman ang humingi ng huling hirit. At ngayon, he will look for a replacement, at someone close to me pa talaga, at sa harap ko pa?
Napatingin ako sa lalaking nasa kabilang side ko. Ididudukdok niya ngayon ang ulo ng kanyang sigarilyo sa ash tray. Pinapatay niya ito. Sumulyap siya sa akin at tumingin ako sa malayo.
Damn, he's handsome. I don't know pero medyo Chinese yata siya at may isa pang halo ng foreign blood. May pagka-Pinoy din ata itong isang ito dahil medyo nahaluan ng kayumanggi ang makinis niyang balat. O talagang ganito lang talaga kainit sa Pilipinas kaya't nasunog ang balat niya?
Suminghap ako at isinandal ang likod sa upuan. This suddenly got so boring. I want to get out. Iiwan ko na lang kaya si Sofia rito. Tutal, ang saya-saya niya sa pag-uusap nila ni Mikael ngayon. Fine, have him. I don't care. I'll look for another.
"Baby," sabi ko kay Mikael. Nagulat si Mikael sa tinawag ko sa kanya. Pati rin si Sofia ay nagulat. She is clueless na kami ni Mikael, until four days. And I can't blame her. Hindi ko na lang siya pinansin. "Restroom lang ako." Sabi ko sa kanya sabay tayo.
"Uh..naiihi ka? Samahan na kita."
Umiling agad ako. No. Way. Hindi pwedeng may sumama sa akin ngayon. This restroom thing is just an alibi. Ang totoo kong gagawin ay umalis sa impyernong ito.
"No, baby. It's okay. Entertain my bestfriend. Excuse me." No, die entertaining her. I hate you so fucking much right now.
Hindi ko na nilingon pati ang kaibigan niya. Ramdam kong nakatitig ito sa akin pero hindi ko na pinansin. I just want to get out and escape.
Bumaba ako at mabilis na pumunta sa sasakyan. Umalis agad ako, at dumiretso na sa suite ni Mikael. Bago palang nag alas sais pero gusto ko nang matulog. Pumasok ako at sumalampak na sa malambot na kama. Naghubad ako, kaya't panty at bra nalang ang saplot ko. Pinaandar ko ang malamig na aircon, dumiretso sa kama, at ibinalot ang makapal na comforter sa katawan ko.
This is heaven.
Nakagising ako nang may naramdamang tumabi sa akin. Hindi ko na kailangang tingnan kung sino ito. Alam kong si Mikael na yun.
Ano kayang ginawa niya? Ano kayang ginawa niya nung nalaman niyang umalis ako nang walang paalam? Paano yung kaibigan niyang hindi ko lang man nakilala? Tapos si Sofia?
Ibinaba ko ang kumot at nadatnan kong nakatingin lang si Mikael sa akin ngayon. Hindi siya ngumiti o kung ano. Nagkatitigan lang kami.
Nung una, kumalabog pa ang dibdib ko. Na pra bang sinasabi ko sa sarili kong he's good for me and he likes me. And maybe I like him too dahil sa inasta ko kanina. Alam kong selos ang lumason sa katawan ko kanina. Selos na pati ang sarili kong bestfriend ay hindi ko na nangitian. And suddenly, I regret what I just did. Sana hindi nalang ako umalis. Mas maganda siguro ang magiging ekspresyon sa mukha ni Mikael ngayon.
Habang tinitingnan ko si Mikael, ang magaganda niyang mga matang hindi ko inaasahang mapapatingin sa akin, ilong niyang kay tangos at noon ko pang pinapangarap, at mga labi niyang halos araw-araw kong tinitikman, I realized.. Maybe I think I like him because he's too perfect. He's the kind of guy that I dreamt for. He's the kind of guy that I'll be selfish for. He's not flawed or whatsoever and I liked the impossibility of it. I liked the impossibility of him, but I don't like him.
"Baby, why'd you leave?" Tanong niya. Ibinalot niya ang malaki niyang braso sa akin at hinila ako palapit sa kanya.
Wala akong gustong sabihin. Kaya't hinalikan ko na lang siya nang matagal. Three more days pero parang ayaw ko na talaga. Aalis na ako bukas, and I don't care if he'll be broken because of it. I already did it with eighteen other guys. What's so special about him na kailangan ko pa siyang gawing exception, diba? He's just like them. He's nothing.
"I'm sorry, baby." Bulong ko. At nakatulog na ako sa kanyang mga bisig.
🌹