Di Nya Kasi Alam

By JustAPlainJane

1.9K 52 31

*Disclaimer: Ang story po na ito ay inspired ng FPJ's Ang Probinsyano. Inadapt ko ho ang characters dahil sob... More

Meet the Cast
Si Glenda
Si Cardo Mahlabs
Full Support
Tropa Forever
Hayblad Glenda
Maling Diskarte
When Konsensya Strikes
Face Palm Moment
Banana Cueng Walang Tamis
Friend In Need

Lovestruck Cardo

98 1 2
By JustAPlainJane

Glen's POV

6PM

"Okay, class dismissed. Wag nyong kalilimutan yung homework nyo ha?" Paalam ko sa klase ko. Pero di pa ako tapos magsalita ay nagsisitayuan na at nagsasabit na ng bag ang mga estudyante ko para umuwi. Napabuntong hininga na lang ako. Kailangan talaga mahaba ang pasensya dito sa magiging future job ko.

Wala mang isang minuto akong nagdismiss at nawala na ang mga estudyante ko sa harapan ko. Mabilis kong niligpit ang gamit ko. Matatapos na sana ako ng biglang may...

"Pssssst..."

Lumingon-lingon ako. Wala namang tao.

"Psssssssssssstttt...."

Nanlamig ang buong katawan ko. Di yata at totoo ang bali-balita dito sa kwarto kung saan ako nagkaklase ng gabi.

"Psssssssssssttttttttt...."

Natatakot na talaga ako. Kaya dali-dali kong binitbit ang mga gamit ko at kumaripas ng takbo nang biglang may humawak sa balikat ko. Sumigaw ako ng napakalakas ng hindi nililingon kung ano (o sino) ang nasa likod ko kasabay nun nahulog lahat ng gamit na hawak ko.

Naramdaman ko nalang na biglang may yumakap sakin. Mangiyak-ngiyak na ko sa sobrang takot. At nararamdaman ko na medyo bumibilis ang paghinga ko.

"Kalma na, Glen. Ako lang to, si Cardo."

Inangat ko ang ulo ko at naaninag ko ang mukha nitong hinayupak kong kaibigan.

"Hayup ka, Cardo! Talaga bang wala kang magawa sa buhay mo?" Itinulak ko siya ng malakas at pinulot ang mga gamit na nahulog ko sa semento.

Natawa naman ito at tinulungan ako magpulot. "Wag kang magmura dito, Ma'am Corpuz. Baka marinig ka ng mga estudyante."

"Akina nga yan." At marahas kong hinablot ang mga gamit na pinulot ni Cardo.

"Uy! Naks, Glen. Bagay pala talaga sa'yo yung nakauniporme." Komento ni Cardo. "Tignan mo, nakaheels ka pa. At nakalugay pa ang buhok mo." Hinawi niya ang konting hibla ng buhok ng tumatabing sa mukha ko. "Maganda ka pala talaga, Glenda."

Tinapik ko ang noo niya. "Landi mo! Tigilan mo ko a? Wag mo lalong painitin ang ulo ko. Sinasabi ko sayo!" Mabuti nalang medyo sanay na ako sa mga ganyang banatan ni Cardo kaya wala na itong dating sa akin. "Isang beses mo pang ulitin ito, Pards. Tatamaan ka sa akin."

"Ms. Corpuz."

Napalingon kami ni Cardo sa tumawag sakin. Si Sir Billy.

"Ikaw ba yung sumigaw kanina? What happened?" Tanong niya habang papalapit sa amin.

Napakamot ako sa batok. "Ako nga ho, sir. Pasensya na ho. Ito ho kasing kaibigan ko, tinakot ako."

Tinignan ni Sir Billy si Cardo. "Gabi na. Hindi magandang nananakot dito sa parteng ito ng eskwelahan. Papano kung biglang tumakbo si Ms. Corpuz at aksidenteng nahulog sa hagdan? Next time, ilugar mo ang practical jokes mo."

Gustong sumagot ni Cardo pero pinanlakihan ko siya ng mata. Kilala ko ang tingin ni Cardo. Walang pinipili ito.

"Ah, sir. Pasensya na ho. Mauna na ho kaming umuwi." Yun lang at hinatak ko na si Cardo palayo baka kung ano pa ang isagot nito, mapahamak pa siya.

"Sige, Miss Corpuz. Ingat ka sa pag-uwi."

"Ang yabang nun a? Sino ba yun?" Naiiritang komento ni Cardo habang naglalakad kami palabas ng eskwelahan.

"Si Sir Guzman yun. Billy Guzman. Filipino teacher dito."

"Filipino teacher pero wagas mag-English? Aba, wag nya ko ine-English-English at uupakan ko talaga yun. Wag nyang sabihing teacher siya, hindi niya ako estudyante. Wag nya kong aastahan ng ganun." Nanggigigil na sabi pa ni Cardo.

"E syempre, baka naistorbo yung tao. Baka may ginagawa. Kaya tayo nasita. Kasalanan mo naman kasi!" Sisi ko sa kanya.

"Ang KJ naman niya! Kaya pala mukha siyang matandang binata!" Binuntutan pa nito ng tawa.

"Sus. Insecure ka lang. Palibhasa mas matangkad at mas gwapo sayo." Komento ko para inisin lalo si Cardo.

"Ano, Pards?" Pagbibingi-bingihan nya.

"Gusto mo ba talagang ulitin ko na MAS MATANGKAD at MAS GWAPO sayo si Sir Billy? Ulitin ko ba?" Pangiinis ko sa kanya.

Tumawa ito ng nakakaloko. "Baka naman, Pards. Ilang beses ko ng sinabi sayo na yung niliit ko, nabawi ko naman sa PINAKAGWAPO kong mukha."

Nagmakeface ako. "Ediwaw sayo. FGLG ka kasi."

"Anong FGLG?"

"Feeling Gwapo, Looking Gago." Sagot ko sabay takbo. Mabilis naman akong inabutan ni Cardo at binatukan ng mahina.

Cardo's POV

Naasar talaga ako dun sa Guzman na yun kanina. Ang yabang ng dating. Gusto ko sanang bigwasan e. Sa basa ko mukhang type niya si Glen. Papansin talaga.

Nilabas ko ang cellphone ko at sinearch ito sa Facebook.

BILLY GUZMAN.

1 mutual friend: Glen Corpuz

Filipino Teacher at San Agustin Academy
Born on May 26, 1989

Binrowse ko ang timeline nito.

"Sus. Ang pangit naman nito, kumpara sakin. Bulag talaga yung si Pards. Medyo mukha lang kagalang-galang pero mas gwapo pa rin ako dito no?" Kausap ko sa sarili ko.

Icoclose ko na sana ang profile niya ng maagaw ng isang litrato ang atensyon ko.

Family outing -- with Carmen Guzman and 3 others.

Ang ganda ng babae na kasama niya sa litrato. Mukhang anghel. Dali-dali kong binisita ang pinuntahan ang profile na Carmen Guzman.

BOOOOOOM!

Para akong nakarating sa langit sa mala-anghel na nga mukhang sumalubong sa akin.

Grabe! Ang ganda niya talaga. Ang ganda ng kutis, ang ganda pa ng ngiti.

Talagang nabusog ang mga mata ko sa katitingin. Mukhang nakilala ko na ang babaeng makakapagpatino sa akin.

Patuloy pa rin ako sa pagbabrowse hanggang sa makita ko ang isang group picture.

Carmen Guzman
The Road To Becoming Teachers ---- with Glen Corpuz and 12 others

Aba! At kilala pala ni Glen itong magandang binibining ito. Hanep. Mukhang kaklase ni Glen si Carmen pero bakit kaya ni minsan di ko pa to nakita? Sigurado akong kung nakita ko na to, di ko na to tatantanan.

Dali-dali nyang tinext si Glen.

To: Pards

Pards, kilala mo si Carmen Guzman?

From: Pards

Oo, bakit? Kapatid ni Sir Billy.

To: Pards

Pards. Nakita ko na ang forever ko. 😍

From: Pards

Ulol! Wag ako. Ilang beses mo ng sinabi yan!

To: Pards

Totoo na to this time!

From: Pards

Wala kang maloloko dito. Matutulog na ko!

Mukhang tadhanang makilala ko itong si Carmen Guzman. Una, nakilala ko si Bayaw ngayong araw. Bukas, magkikita kami. Sa ayaw niya at sa hindi.

Bago matulog ay sinulyapan ko muli ang litrato niya. Love at first sight. Ang ganda niya talaga. Ito na. This time, ito na talaga.

Feel free to comment.
Happy reading. :)

Continue Reading

You'll Also Like

64K 4.4K 32
Read at your Own Risk.
108M 2.3M 100
Now published under Pop Fiction, an imprint of Summit Books. P195, Taglish Part 1 Theirs is a story that started all wrong. Naglayas si Gail sa bahay...
43.3K 1.9K 34
female readeeeer! mostly maloi...
1K 71 25
Colet Vergara, a 24-year-old trying to escape her past, finds her way to Canada to start a new life. Everything goes well until she meets Maloi Tamur...