Katherine's POV
Habang nakasakay sa isang tricycle, kaba ang nasa aking puso. Ngayong araw kasi ang unang pasok ko sa Ateneo, which is my school now. Sana naman kahit hindi ko sila kauri, maging maganda ang araw ko ngayon at magkakaroon ako ng mga bagong kaibigan. Sana hindi maging bad trip ang day ko. Hoping so. (Sighs)
Anong nangyari? Nasiraan ata kami!
"Kuya? Anong nangyayari?" tanong ko kay Manong Drayber.
"Naubusan tayo ng Gas" sagot niya.
Patay! Baka malate ako nito. Maglalakad nalang ako, total malapit na naman eh. Isang kilometro na ang layo. Sanay na akong maglakad.
"Sige po, kuya. Maglalakad nalang po ako. Eto po oh, bayad ko. " sabi ko sabay bigay ng pera sa kaniya bilang pambayad.
Bumaba ako sa tricycle. Naglakad nalang ako dala-dala ang aking bag. Narating ko ang Buena Magazine Inc. Habang naglalakad ako sa harap ng kumpanyang iyon ay may biglang dumaan na puting kotse at di sinadya, natalsikan ako ng maruming tubig galing sa kanal at putik.
Ang malas ko ngayon. Nasiraan pa ako ng sinasakyan tapos natalsikan pa ako? Malas talaga. (Sighs)
Napansin kong huminto ang kotse pero hindi ko ito pinansin, pinunasan ko nalang ang narumihan kong damit gamit ang mga kamay ko subalit wala naman akong dalang panyo.
Habang nagpupunas ako, may isang magandang dilag ang lumapit sa akin at parang kaedad ko lang. Parang kilala ko siya. Pamilyar ko ang kaniyang mukha, pero hindi ko alam kung saan siya nakita.
"Sorry huh. Sorry talaga sa nangyayari. Hindi ko sinasadya", patawad niya sa akin.
"Okay lang. Aksidente naman ang nangyari eh", sabi ko.
"Sorry talaga ha. Heto, gamitin mo ang panyo ko", sabi niya.
"Huwag na. Ayos lang ako. Sige, baka marumihan pa 'yan", sabi ko.
"Hindi, okay lang sa akin. Besides, tulong ko yan sayo. Kaya tanggapin mo na", sabi niya.
Wala naman akomg magagawa so tinggap ko nalang ang alok niya sa akin. At ngayon, pinunasan ko na ang narumihan kong damit gamit ang PANYO at hindi kamay.
Sa totoo nga, wala namang siyang kasalanan sa nangyari, aksidente naman yun eh. Pero, nagagalak ako sa concern niya sa akin.
Napatingin ako sa relo niya at bigla kong naalala na ang oras ay tumatakbo pala.
"Anong oras na? " tanong ko.
"7:30 na", sagot niya.
Naku! Baka ma-late ako nito. Kailangan kong magmamadali.
"Ah, sige. Mauna na ako baka ma-late pa ako sa pupuntahan ko. Salamat pala sa panyo", sabi ko.
"Ahh... saan ka ba pupunta? Hatid na kita",alok niya.
"Di na kailangan. Huwag nalang sabagay malapit na naman eh. " sabi ko.
"Sigurado ka?" tanong niya.
"Oo. Sige paalam", sabi ko.
Nagmamadali akong umalis. Sana makaabot pa ako. Sana hindi ako mahuli sa unang araw ng klase ko. Sana.
(Sighs)
Julia's POV
Sana okay lang siya.
"Manong, tayo na po", sabi ko.
Agad akong sumakay sa kotse, 7:30 na baka malate ako sa paaralan. At habang nakasakay ako sa kotse, naalala ko ang babaeng natalsikan ng putik sa harap ng kumpanya namin. Talagang nag-alala ako sa kaniya. Ewan ko ba? Parang may koneskyon kaming dalawa sa isa't isa. Parang, pamilyar siya sa akin. Sino nga ba siya?
Drake's POV
"Drake, gising ka na!" sabi ng yaya ko.
Kahit natutulog ako, naririnig ko ang boses niya. Para siyang alarm clock dahil sa ingay ng boses niya tuwing umaga para gisingin ako.
Simula noong bata pa ako, si Yaya na ang nag alaga sa akin. Simula noong namatay si Mom, wala na ring paki alam ang Dad ko.
Gising na ako pero nakahiga pa rin ako, sarap matulog. Pinilit akong ipabangon ng yaya ko pero gusto kong humiga. Hanggang pumasok si Dad sa room ko, at nakita niya akong nakahiga pa sa kama.
"Drake, ano ba? Bangon na diyan. 7:30 na dapat nakaayos ka na baka malate ka pa. Nakakahiya sa pinag mamay arian nating school. Anak ka pa naman kita. Sana huwag mo akong ipahiya, isipin mo naman ang kapakanan natin", sumbat niya akin.
Lumabas siya sa aking kwarto at bumangon na rin ako.
Kailan pa siya naging ama sa akin? Pangalan lang niya ang importante sa kaniya. Kahit siya pa ang may ari ng school ko, wlaa akong paki alam sa kaniya.
Nagsimula akong mag ayos para pumunta na sa Ateneo kung saan ang may ari ang "daddy ko". Nakakaaasar.
Katherine's POV
Sa haba ng aking nilakad, nakarating na ako sa wakas sa labas ng gate ng Ateneo. Pagtingin ko sa relo ko, it's already 8:30 at tiyak nagsisimula na ang klase. Pambihira. Late na ako.
Papasok na sana ako sa gate ng paaralan nang bigla akong hinarangan ng school guard.
"Bawal pumasok ang mga tindera dito!", sabi niya.
Tama ba ang narinig ko? Tinawag niya akong tindera? Aba, how dare he is? Hindi ba niya alam na mag aaral ako dito? Napasimangot ako dahil sa kanyang sinabi.
"Aba, kuya Nagkakamali po kayo hindi po ako tindera. Isa akong scholar student dito. At isa pa, hindi mo ba alam na Valedictorian ako sa Mataas na Paaralan ng Tondo?" tanong ko.
"Talaga? So, nasaan ang I.D mo?" hamon niya.
I.D? Hah. Nagpapatawa ba siya? Mayroon ako noon, teka lang nandito lang yun sa bag eh...
Hinanap ko ang I.D ko sa bag. Pero, wala? Patay, nakalimutan ko pala sa bahay. Paano ito? Hindi ako makakapasok?
"Ahh. Kuya, pasensya na po ha eh kasi nakalimutan ko kasi yung I.D ko sa bahay namin eh." , sabi ko.
"Naku, sorry Miss pero No I.D, no Entry", sabi niya.
"Pero, kuya. sige na po. Papasukin niyo nalang ako. Maawa po kayo sa akin. Please", paki usap ko.
"Hindi!" sumbat niya sa akin.
Naku! Anong gagawin ko? Malas talaga oh... Alam ko na!
"Kuya? Gutom ba kayo? Gusto niyo po ba nito?" sabay hablot ng isang biko galing sa bag ko. Natulala siya at nakatingin sa biko na parang gustong kumain nito. Hmm? Good Idea.
Tinangka noyang kunin ang biko pero inilayo ko ito sa kaniya.
"Sa'yo na ito pero sa isanng kondisyon, papasukin mo ako", sabi ko.
"Sige na. Deal", sabi niya.
Ibinigay ko ang biko sa kaniya at pinabayaan niya akong pumasok sa gate ng paaralan. Ang galing ko talagang dumiskarte.Pero, mukhang kailangan ko ng magmadali. Nagsimula na ata ang klase. Patay!
Nang marating ko na ang pintuan ng room namin ay nakita kong nasimula na talaga sila. Nakuha ko ang atensyon nila. Nakatingin sila sa akin pati ang guro namin. Nakakahiya at awkward naman nito. Hindi ko alam ang gagawin. Siguradong patay talaga ako nito.
"Sorry po, Ma'am. Late na po ba ako?", tanong ko.
"Don't worry, kakasimula pa namin" sagot niya.
(Sighs) Salamat naman! Nakaabot ako. Buti nga, mukhang mabait ang proffesor namin.
"What happened to you? You're so dirty. Ba't ang rumi ng suot mo?" tanong ng isang maarteng babaeng mag aaral.
"Oo nga. Anong nangyari sa'yo?" tanong ng guro.
"Natalsikan po kasi ako ng putik eh", sagot ko.
"Eew... Tama ba ang narinig ko? Putik?", reaksyon ng maarteng kaklase ko.
"Yuck. Nakakadiri ka naman. Okay lang snaa kung hindi cheap ang damit mo. Hindi ka nababagay dito!" sabi naman ng kasama niya.
"TAMA!", nag second the motion naman itong isa.
Pinagtawanan ako ng buong klasw. Nakakahiya! Talagang napahiya ako sa harap pa naman ng klase.
"Shut up!" utos ng guro. "Okay, maupo ka na", dagdag niya sa akin.
Habang naghahanap ako ng upuan sa gitna ng klase, napansin kong walang gustong makatabi ako. Sa mukha palang nila, makikita na. Totoo nga ang "Action speaks louder than Words".
Mukhang wala akong maging kaibigan dito. Ang sasama ng mga ugali porket mayayaman. Mayayaman nga sila pero mata pobre naman.
Pero, sa lahat sa kanila may isang babae ang nag offer sa akin ng upuan. Nakilala ko siya, at siya yung babae sa van na nakapatalsik ng putik dito sa akin. Buti pa siya, mabait di tulad ng iba, hindi. Akala mo kung sino.
Hindi ko nalang sila pinansin, bahala sila sa buhay nila basta ako? mukhang may nakita akong kakaibiganin.
Umupo ako sa tabi niya. Mabait talaga siya at may malasakit.
"Sorry talaga ha" patawad niya.
"Ba't ka naman humingi ng tawad? Wala ka namang kasalanan eh" sabi ko.
"Hindi, ibig kong sabihin. Sorry, dahil ang van namin ang dahilan kung bakit ka nila pinagtawanan at pinandirihan" sabi niya.
"Naku, ayos lang yun. Sanay naman ako eh." sabi ko.
"Sorry talaga. By the way, ako pala si Julia." sabi niya.
"Ako si Katherine, Kath nalang ang itawag mo sa akin" sabi ko.
"So, friends?" inalok niya ang kamay niya sa akin.
Ngumiti ako sa kaniya. "Friends." ibinigay ko ang kamay ko rin.
Nag shake hands kami. Sa wakas may bago na akong kaibigan.
Akala ko, ako lang ang nalate may sumunod pa.
Sa pagkakita ko sa kaniya, nanlaki ag aking mga mata. Siya? Ang demonyong yun ay maging kaklase ko?
"By the way class, he is the son of the owner of this constitution" sabi ng guro namin.
What? Anak siya ng may-ari ng paaralang ito?
"Drake?" narinig kong sabi ni Julia.
"Kilala mo siya?" tanong ko.
She smiles and nod her head.
Maraming nakatanaw na mga babae sa kaniya habang naghahanap siya ng upuan.
Tiningnan niya ako. Wait! Ako ba ang tinitignan niya? Imposible naman.
Tumitingin-tingin ako sa paligid at nakita ko si Julia nakangiti sa kaniya. Now I know, si Julia pala.
Umupo siya sa likod namin. Kinabahan ako sa mangyayari, sana naman walang malas na idudulot sa akin ng demonyong ito.
"Okay class, please introduce yourself and the reason why you want to proceed in business and mangement", sabi ng teacher.
"Start with Monica until the end", dagdag niya.
"Hi everybody, I'm Monica Reyes. I am the daughter of the owner of Reyes Salon. And I know na balang araw ay ako na ang magpapatakbo ng Salon namin " sabi ni Monica, yung mean girl na nagpahiya sa akin.
So, Monica pala ang pangalan niya.
"Hi, I'm Trexie Gonzalez and I am the daughter of Mr. Fernando Gonzalez, the Executive officer ng Gonzalez Shipping Lines. Obviously kung bakit nag proceed ako ng Business and Management" sabi ni Trixie, one of the mean girls.
"Hello, I am Trina Dominggo, kaisa isang anak na babae ng may ari ng Kingdom of Toys Corp. Well, obviously ako rin naman ang mag mamanage ng kumpanya namin" sabi ni Trina, kasamahan nila Monica.
So, the mean girls are Monica, Trexie, and Trina.
Nag patuloy ang pag iintroduce. At sa aking pakikinig mas lalo akong nahihiya at kinakabahan. Akalain mo, mayayaman ang lahat ng nandoon, ako lang ang hindi. (Sighs)
Nang matapos na ang lahat at, ako, si Julia at ang demonyong lalaking nasa likod namin nalang ang natitira, ay biglang kinabahan ako kasi nakatingin na sila sa amin. Oh my G.
"Hi, I am Julia, Julia Buenaventura. I came from States and graduated as valedictorian there. The reason, why I want to proceed Business and Management is it is my passion to manage anything especially helping my father to manage our family business" sabi niya.
"Sounds interesting Julia, so, who is your father and what is the family business of your family?" tanong ng guro.
"My father is Mr. Roman Buenaventura, the owner and CEO of Buena Magazine Inc. which is our company and our business." sabi ni Julia.
Anak siya ng may ari ng Buena Magazine Inc.? Amazing. Hindi ako makapaniwala.
"Oh, Julia you are the unica iha of Mr. Roman pala. Hindi ko akalain, anak ka ng may ari sa pinakasikat na kumpanya dito sa Pilipinas." sabi ng guro namin.
"Actually, I'm not the unica iha of Mr. Roman. I have a fraternal twin pero wala na siya." sabi ni Julia.
May kakambal pala siya at masaklap pa doon ay patay na.
"Oh sorry. Nabalitaan nga sakin yan noon. Sorry." patawad ng proffesor namin.
Umupo si Julia pero napansin kong naging malungkot ang mukha niya. Bakit kaya?
Naku, ako na pala ang susunod. Nahihiya ako. Ako lang ang hindi mayaman dito pero naalala ko ang palaging sinasabi ng mga magulang ko, I need to be myself and I don't need to pretend.
Hindi ko ikinahiya na sasabihin sa kanila ang lahat ng pagkatao ko.
"Magandang araw sa inyong lahat, ako si Katherine..." naputol ang pagkasabi ko nang biglang nag react si Monica.
"Can you speak in English. We can't understand what are you saying about?" sabi ni Monica.
"Naku, friend. He didn't know how to speak in English. Kaya intindihin nalang natin" sabi ni Trina.
Ang OA naman nila. Sabi nila di daw sila nakakaintindi pero nakakapagsalita ng Tagalog.
"Good Day everybody. I am Katherine Manansala, daughter of Susing and Berto Manansala. We have a business, it is a Biko Express Business, nagtitinda ako ng biko sa kalye. Sumisigaw tuwing umaga para lang makabenta at may makain sa pang araw araw naming buhay. I proceed this course kasi alam kung lalaki rin ang negosyo namin so that I can help my mother to manage. To be honest, I am poor but I am hard working in terms of work. Hindi ko ikinakahiya ang lahat ng ito kahit hindi kami mayaman. We all know na ang pagiging mayaman ay wala sa pera kundi sa pagmamahalan at pagtutulungan ng isang pamilya. My life reflects who am I. Once again, this is me. Katherine Manansala from Tondo, Manila", sabi ko sa kanilang lahat.
"Impressive! Bilib ako sa tapang mo. I know that someday, you will be successful in life. Nakatadhana kang maging mayaman." sabi ng teacher ko.
Naging masaya ako sa nasabi ko. Hindi ko akalain na lumabas ang tapang ko para masabi 'yun. Pati si Julia, napahanga din.
Sumunod na mag introduce ay ang lalaking nasa likod ko, para namang wala siyang ganang mag introduce pero tumayo siya.
"Ako si Drake Smith. I have no idea kung bakit ito ang kurso ko." sabi niya.
Umupo lamang siya na parang walang nangyari.
Drake pala ang pangalan niya. Cool. Ang apelyido pang amerikan. Pero, para siyang... ewan ko ba.
Tumunog ang bell at ibig sabihin nito ay break time na namin. Napansin ko ring umalis na si Drake.
Sumunod si Julia sa kaniya, ewan ko ba kung bakit.
Julia's POV
Break time na! Nakita ko ring lumabas si Drake sa classroom kaya sinundan ko siya. Iniwan ko muna si Katherine para kausapin sana si Drake.
Tinawag ko siya pero hindi niya ako narinig. Nagsuot kasi siya ng headset kaya di niya ko marinig.
Sundan ko sana siya pero hindi ko na siya naabutan.
Nakasunod si Katherine sa akin.
"Bakit mo siya sinundan?" tanong niya.
"kaibigan ko siya." sagot ko.
"Talaga? Kaibigan mo 'yun? Kaibigan mo 'yung demonyong yun?" sabi niya.
Demonyo? Ba't niya naman tinawag na demonyo si Drake?
"Demonyo? Sinong demonyo?" tanong ni Monica.
"Monica?" tanong ko.
"Yes, this is me, Julia. By the way, simula ngayon you are part of our group. Huwag kang sasama sa mga mahirap" sabi niya.
Group? Sa kanila? No way. Ayaw ko. Mas pipiliin ko pang mamatay kaysa sasali sa grupo nila. So mean.
"Excuse me, Monica. You can't owe me. You are not my boss. At kahit kailan, I don't want to be part of your group. Mga ipis lang ang pwede sa grupo mo", sabi ko.
"Ibig sabihin, mas pipiliin mo ang mahirap na 'yan kaysa sa mga kauri mong mayaman?" sabi ni Trina.
"Mayaman nga ako pero hindi katulad ninyo" sabi ko.
"Pagsisihan mo ang pinili mo Julia, nagkamali ka sa pagpili. Well, you're out of the group." sabi ni Trixie.
"Out? Hindi nga ako sumali sa inyo di ba. Paano ako ma out?" sabi ko.
Nakita ko sa mga mukha nila na naiinis na sa akin.
"Whatever we don't need you" sabi ni Monica.
"Me too" sabi ko. Tinaasan ko siya ng kilay. Nagpataasan kami ng kilay. Kitang kita sa mukha niya na naaasar.
"Come on girls. Baka mahawa pa tayo" sabi ni Monica. Umalis sila at lumayo sa amin. Buti nga sa kanila.
"Grabe ha. Pero, salamat pala sa pagpili mo sa akin" sabi ni Kath.
"Its okay. Ayaw ko naman sa kanila eh... Let's go, kain na tayo. Libri ko" alok ko.
Pumunta kami sa Canteen...
Natapos ang araw namin ni Katehrine ng masaya, kahit hindi ko pa nakakausap si Drake.
Sinundo ako ni Dad sa paaralan. Actually, bati na kami at bumabawi naman siya sa akin.
Pumunta kami sa resto at doon na naghapunan. Nice to meet a good new friend like Katherine.