[74] Stalk Him
Chelsea's POV
Certificate of Candidacy for Graduation...
Nakatulala lang ako sa papel na hawak ko. Finally, graduate na ako. Dapat masaya ako pero hindi ko magawang ngumiti kasi hanggang ngayon ay hindi pa rin maalis sa isip ko 'yong nakita ko nung nakaraan.
Tatlong araw na ang nakalipas nang ma-witness ko 'yon. Nailakad ko na lahat ang mga kakailanganin ko para sa Diploma at TOR ko pero hindi pa rin umuuwi si Wayne. Nagagawa niya namang magtext at tumawag at kung minsan ay nagkikita kami dito sa campus pero hindi pa siya umuuwi sa bahay. May kinalaman kaya yung babaeng nakita kong kasama niya dito?
Hindi maalis sa isip ko yung itsura nung babae. Maputi at matangkad, maganda at mahaba ang buhok na hindi ko alam kung natural na ang wave nito sa dulo. Sino ba namang babaeng hindi mabobother kapag nakita niya ang kanyang boyfriend na may kayakap na ibang babae?
Nabalik ako sa huwisyo nang biglang may umagaw ng hawak kong papel. Si Metch pala.
"Congrats! Graduate ka na!" Tumili siya at niyakap ako ng mahigpit at nagtatatalon sa saya.
Binitawan niya lang ako nang mapansin niyang hindi ako nagrespond.
"Uy... Ayos ka lang?"
I feigned a smile. Hindi ko magawang tumango.
"Dapat magsaya ka. Graduate ka na, o. Blowout naman dyan!" Binalik niya sa akin ang COC ko.
Nagsimula na akong maglakad paalis sa harap ng Internal Audit office. Kahit anong pilit ko sa sariling ngumiti ay hindi ko kaya.
"Wala ako sa mood," sabi ko.
"Bakit?"
Hindi na ako nakasagot sa tanong niya dahil ang sagot ko ay nasa harapan na namin. Nakangiti at pormang porma pa.
"Hi, Chels." Pinisil ni Wayne ang pisngi ko at pasimpleng tinignan ang hawak kong papel. "Wow, nakuha mo na pala ang COC mo. Congrats!"
Yayakap sana siya pero tinaas ko agad sa harap niya ang kamay ko. Bukod sa marami kasing tao sa paligid ay masama ang loob ko sa kanya. Narinig kong may marahang tumawa sa likod niya. Ngayon ko lang napansin na kasama niya pala si Jake.
"Kanina pa wala sa mood yan," bulong ni Metch kay Wayne na halatang pinaparinig sa akin kaya sinipat ko lang siya ng tingin.
"Bakit, Chels?" Wayne then asked worriedly.
Umiling lang ako.
"Bakit nga?"
"Wala nga," sagot ko. Ayokong umamin. Baka maiyak lang ako dito sa harap nila. "Na-process mo na ba lahat ng mga requirements mo?" pag-iiba ko ng usapan.
"Ngayon palang e—" Naputol ang sasabihin niya nang biglang tumunog ang kanyang phone. Kaunting tipa lang ay humarap na siya sa akin. "Chels, maiwan muna kita, ha? May aasikasuhin lang ako."
Akala ko ay sa Admin buiding ang punta niya pero mukhang palabas sa car park ang diretso niya. Tinapik niya pa si Jake at may kung anong binulong bago umalis. Tumaas tuloy ang isang kilay ko.
"Tara na, Chels. Ililibre mo pa ako," ani Metch pero hindi ko siya pinakinggan dahil nakadiretso lang ang tingin ko kay Jake na mukhang may alam sa mga nangyayari.
Ngumiti siya sa akin at kumaway. Mukhang aalis na.
"Saglit, Jake," pigil ko nang nakakailang hakbang na siya palayo.
Lumingon siya at ako naman ay naglakad palapit sa kanya. "Bakit, Chelsea?"
"Sigurado akong may alam ka..."
Kumunot ang noo siya sa sinabi ko. Sorry if it was an accusation. Ang lakas kasi ng gut feeling ko.
"Alam? Saan?" aniya.
Naramdaman ko ang presence ni Metch sa likod ko pero binalewala ko 'yon at matamang tinitigan si Jake.
"Kaibigan ka ni Wayne. Kung nagawa mong pagtakpan ang relasyon naming dalawa, magagawa mo ring pagtakpan ang kalokohan niya."
Saglit siyang natigilan pero mayamaya rin ay natawa siya.
"Chelsea, ano ba yan..." ani Metch sa likod ko na para bang pinipigilan ako.
Huminga ako ng malalim at mas lumapit pa sa kanya. "Sabihin mo nalang kasi, Jake. Promise, hindi kita ilalaglag kay Wayne."
"Teka." Umatras siya ng isang hakbang palayo sa akin. "Wala akong alam dyan, a. Kung may issue kayo, 'wag niyo akong idamay." Humalakhak siyat kumaway bago tuluyan nang umalis.
"JAKE!"
Kumapit sa braso ko si Metch para pigilan ako. Kunot noo niya akong hinarap na para bang clueless sa nangyayari. Lately, sinarili ko yung sama ng loob ko. Umaasa pa rin kasi ako na mali yung nakita ko... Na hindi si Wayne iyon.
"Ano bang nangyari?"
Bumuga ako sa hangin at natulala sa lupa. "Si Wayne, feeling ko, may ibang babae siya."
"What? Si Wayne?!"
Tumango ako. Naramdaman at nangyari na 'to sa akin noon. Kaya natatakot ako na baka maulit ulit.
"Parang hindi naman yata kapani paniwala yan."
Nag-angat ako ng tingin sa kanya. "Nakita ko siyang may kasamang babae nung Tuesday. Kitang kita ng mga mata ko. Yumakap pa sa kanya, Metch..."
"Tapos?"
"Alam mo yung kilos ni Wayne? Para siyang natatakot mahuli noong niyakap siya nung babae." I am sure of that. Nakita kong si Wayne ang unang kumalas sa yakap at naging anxious.
"Baka naman—"
Tumayo ako kaya naputol siya sa pagsasalita. "C'mon, ilang araw siyang wala. Ilang araw din siyang busy. Saan? E hindi niya pa napaprocess yung requirements niya for graduation. So, what makes him busy now then?"
Natahimik siya. Para bang unti unting nagsisink in sa isip niya ang mga sinabi ko, hanggang sa tumango siya't tinapik ako sa braso.
"Kung ako sa'yo, kausapin mo ang boyfriend mo..."
Sumimangot ako. "Bakit pa? Kapag tinanong ko ba siya ay aamin siya?"
"Kunsabagay..."
"Hi, Chelsea!" Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses. Si Sheen pala. "Hello, Metch!"
Tumango lang ako sa kanya. Tumaas tuloy ang dalawang kilay niya sa naging respond namin ni Metch.
"Mukhang seryoso ang pinag uusapan niyo, a."
Hindi ako sumagot. Pasimple akong umiling kay Metch bilang senyas na manahimik nalang. Tumango naman siya sa akin at humarap kay Sheen.
"Wala. Tuwang tuwa kasi si Chelsea. Graduate na kasi siya..."
"Wow! Congrats!" Nakipag-high five siya sa akin at ngumiti lang ako ng peke. "Pa'no, i-celebrate natin yan!"
"Naku, next time nalang. Gusto ko na kasing umuwi."
"Daya!" sabi ni Sheen. "I-celebrate na natin. 'Di ba, 'no, Metch?"
Umirap naman si Metch sa suhestyon ni Sheen. "Hayaan mo na. Next time nalang. Wala sa mood ang bestfriend ko..."
"Gaganda ang mood nyan kapag kasama si Wayne. Tara, nandun pa yata yun sa Legal Office. Isama natin."
Nagkatinginan tuloy kaming dalawa ni Metch. For sure, iisa lang ang tumatakbo sa isip naming dalawa. Bumaling ulit ako kay Sheen.
"Nasa legal office si Wayne?"
Tumango siya. "Oo, babatiin ko sana kaso hindi ako narinig."
Paanong nasa Legal Office iyon, e, dito siya lumabas sa gate papunta sa parking lot? Napalunok nalang ako at tinanguan si Metch.
"Saan?" tanong niya.
"Sa Legal Office."
Kasama ko sina Metch at Sheen papunta sa Legal Office. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko nang makarating kami sa tapat ng kwartong iyon. Ang bintana ay salamin kaya kitang kita ang nasa loob.
"Nandyan pa si Wayne sa loob," sabi ni Sheen pagkatapos sumilip. Mukhang nagtataka sa ikinikilos ko. "Silipin mo..."
I did what I was told. Sumilip ako sa loob at halos tumigil ang paghinga ko nang makitang katapat niya nakaupo ang babaeng nakita kong kasama niya last time. Nakasuot ng palda at Mickey Mouse shirt ito habang may nakapatong na Mickey Mouse bag sa kandungan niya.
Nataranta ako nang makitang tumayo na sila. Mukhang tapos na ang pakikipag usap sa Legal officer. Umatras ako at hinila ang dalawa palayo roon.
"Hindi nila tayo pwedeng makita!"
Nagtago kami sa likod ng haligi. Kanya kanya kaming silip sa paglabas ng dalawa mula sa Legal Office.
"Oh, my gosh. May kasama nga si Wayne," ani Metch. "And look at her outfit, bakit ganyan?"
"Metch, tigilan mo nga yan," saway naman ni Sheen sa kanya.
Humarap ako sa kanilang dal'wa nang nanginginig ang mga labi ko. "Siya nga yung babaeng nakita ko, Metch."
"What?!" She gawked in shock. Nabigla ako nang hilain niya kaming dalawa. "Sundan natin yung dalawa!"
"Metch, ano ba!" reklamo ni Sheen.
Ako naman ay nagpatangay lang sa kanila. Tama si Metch. Gusto ko rin silang sundan. Hanggang sa makarating kami sa parking lot ay nagbabangayan ang dalawa.
"Manahimik ka nalang kasi," saway ni Metch kay Sheen at saka kami huminto sa harap ng sasakyan niya. "Sasama ka ba sa amin o hindi?"
"Tsk! Osya, sakay na."
Sa backseat ako sumakay. Habang sinusundan namin ang kotse ni Wayne ay hindi ko maialis ang tingin ko du'n. Nakadagdag pa sa pagkabahala ko ang tinted na salamin nito. Hindi ko tuloy alam kung anong ginagawa nila du'n.
He pulled over infront of a restaurant. Napalunok ako nang mula sa malayo ay kitang kita ko na lumabas si Wayne at pinagbuksan ng pinto ang babae.
"Chels, ayos ka lang?" nag-aalalang tanong ni Metch sa 'kin ngunit hindi ako sumagot. Ngayon lang yata ako nakaramdam ng matinding selos sa tanangbuhay ko.
"Hanggang saan ba natin sila susundan?" iritadong tanong ni Sheen.
"Hanggang bahay!"
"Metch naman, parang—"
"Ayaw mo?!"
Kalahating oras din ang itinagal nila sa loob ng restaurant na iyon. Sa paglabas nila ay maagap ulit naming silang sinundan. It took twenty minutes before it stopped infront of an apartment unit in Fairview. Kitang kita ko kung paano ngumiti si Wayne sa babaeng iyon.
"Ano? Sugurin ba natin?"
"Metch!" saway ni Sheen. "That's not the right to do."
"Then tell us what's right..."
Nilingon ako ni Sheen. Nangingilid na ang mga luha ko. Sobrang bigat na ng pakiramdam ko. It's confirmed. Wayne has another girlfriend.
"Kausapin mo si Wayne nang masinsinan," sabi ni Sheen.
Dumungaw ako sa bintana. Mukhang paalis na si Wayne. Pumasok na rin sa loob ng bahay ang babae. Simula kailan pa kaya siya hinahatid sundo ni Wayne? Iniisip ko palang iyon ay parang gumuguho na ang mundo ko.
"Tingin mo magtatapat si Wayne? Kayong mga lalaki, kahit bistado na, hahanap at hahanap pa rin kayo ng paraan para mag-deny!"
"'Wag mo lahatin, Metch."
"Bakit? Bakit? Butthurt? Guilty?"
"Hindi. Kayo ngang mga babae, e, mapaghinala."
"Tamang hinala naman. C'mon, malakas ang sipa ng instincts ng babae."
"Hindi palagi. Ano kayo, forecaster?"
"STOP!" Pigil ko sa bangayan ng dalawa. Tuluyan nang bumagsak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Gulong gulo na ang utak ko sa nangyayari, idagdag pa ang palitan ng salita ng dalawa sa harapan ko.
Natataranta tuloy na inabutan ako ng tissue ni Metch na kinuha niya mula sa dashboard ng kotse.
"Aish," she groaned. "Sapakin mo nga si Wayne para kay Chelsea, Sheen!"
"Oo na— Chelsea!"
Hindi ko alam kung anong nagtulak sa akin para lumabas ng kotse at pumunta sa harap ng apartment unit ng babae. I need to confirm it.
"Chelsea, anong gagawin mo?" natatarantang tanong ni Sheen sa akin kasunod ni Metch. Hindi ko siya pinansin at sa halip ay pipindot na sana sa door bell nang pigilan niya ako. "Ayoko ng eskandalo, a."
"Ba't mo pinigilan? May back up naman siya," ani Metch at walang sabi sabing pinindot ng tatlong beses ang door bell.
Napaatras tuloy si Sheen sabay sabi ng, "Putek!"
"Go, Chelsea. Nandito lang ako..." cheer sa akin ni Metch pero sarado ang isip ko. I just need a confirmation.
Ilang saglit lang ay lumabas na ang babae. Nag init ang buong mukha ko sa tensyon nang makita siya sa malapitan. Same Mickey Mouse shirt, sa ngayon ay may suot na siyang Mickey Mouse ears head band. Maganda siya, weird lang kung manamit.
"Sino po sila?" tanong nito. Tanging gate nalang ang humaharang sa amin.
Hindi ako makasagot at natulala nalang sa kanya. Bigla nalang ako napanghinaan ng loob na marahil ay napansin ni Metch.
"Ikaw ang sino?!"
"Metch, ano ba..." pigil ni Sheen at hinila kaming dalawa. "Miss, pasensya na ha?" sabi niya sa babae.
"Bakit ka humihingi ng pasensya?" asik ni Metch. Napamura naman ng malutong si Sheen. "Sabunutan mo na, Chelsea. Mukhang nag iisa," bulong niya pa sa akin.
Para bang nawala ako sa sarili. Gulong gulo naman sa nangyayari ang babae. Nagkabuhol buhol sa utak ko ang nangyayari. Yung dahilan kung bakit kami nandito, yung mga oras na nakita kong kasama siya ni Wayne...
Hindi ko na namalayan na bigla nalang akong humagulhol sa harapan nila. Natigilan tuloy silang lahat sa pag iyak ko.
"Hala! Bakit ka po umiiyak?!" Natatarantang pumasok ang babae.
Si Metch naman ay panay ang punas sa mukha ko ng panyo niya. Si Sheen ay kanina pa napapahilamos sa kanyang mukha at 'di alam ang gagawin.
"Ate, ate! Tahan na!" Bumalik ang babae na may dalang baso ng tubig. "Kalma na..."
Kukunin sana ni Sheen ang tubig pero humirit si Metch. "'Wag mong kunin. Baka may lason."
"Wala po, a!"
Pinaypayan pa ako nung babae. Mas lalo tuloy akong naiiyak dahil sa pag-aalo nila sa akin. Hanggang sa may humintong kotse sa gilid namin. Halos matigil ang hininga ko nang makitang lumabas mula roon si Wayne.
"C-Chelsea?"
Nanlalaki ang mga mata niya habang nakatingin sa akin. Bumaba ang tingin ko sa hawak niyang paper bag na may tatak na E.H.U. Sheesh, taga-E.H.U rin ba ang babaeng ito?
"Anong ginagawa niyo dito?" tanong niya sa amin. Lalapit sana siya sa akin pero humarang si Metch.
"Ikaw dapat ang tanungin namin nyan. Anong ginagawa mo dito?" ani Metch.
Bumuntong hininga si Wayne at alanganing tumingin sa akin. Dun palang sa tingin na 'yon, parang nadurog na ang puso ko.
"Confirmed," bulong ni Metch kay Sheen na rinig ko naman. "Sapakin mo na, Sheen."
Nabigla ako sa bilis ng pangyayari. Humakbang palapit kay Wayne si Sheen at lumapat ang kamao nito sa pisngi ni Wayne. Sa mga sumunod na atake ay mabilis namang umilag si Wayne.
"Teka, dude! Ano 'to?! Bakit ganito?!" Panay ang ilag ni Wayne sa bawat pag atake ni Sheen. "Chelsea!"
"Sheen, sapakin mo pa!" panunudyo pa ni Metch.
Para akong naestatwa sa nasasaksihan ko. Gusto kong sumigaw pero hindi ko magawa dahil mas malakas ang paghuhumiyaw ng babae sa likod ko.
"WAAAAH! TAMA NA PO!!"
Hanggang sa natamaan na naman ng pangalawang suntok si Wayne. Napamura ng malutong si Wayne at ibinagsak sa semento ang dalang paper bag.
"Sheen! Ayaw kitang labanan pero shet ka, masakit 'yon!" sigaw ni Wayne at sinugod na rin si Sheen. Isang suntok lang sa pisngi ay bumulagta ito. Tila tuloy nahinto ang oras sa nangyaring iyon hanggang sa...
"SHEEN!" sigaw ni Metch at dinaluhan si Sheen na namimilipit sa semento. "Oh, my gosh! Anong ginawa mo kay Sheen!?"
Umirap lang si Wayne kay Metch at dumiretso ang tingin sa akin. Kung kanina ay parang nag aalab ang mga mata niya sa inis kay Sheen, ngayon naman ay puno ng pag-aalala iyon.
"Chelsea...—"
Nabigla ako nang mabilis na humandusay sa semento si Wayne. Metch hit his face with her flying kick! Nakalimutan kong Taekwondo trainee pala itong si Metch noong childhood years niya!!
"Bagay lang sayo yan. Sinaktan mo si Chelsea at si... SHEEN!"
Natatarantang lumuhod ako at isinandal ang kanyang ulo sa kandungan ko. Pakiramdam ko ay namutla ako nang makakita ng dugo sa kanyang mukha. "Wayne!! Oh, God. WAYNE!"
"WAAAH!!" tili ng babae at histerical na tumakbo sa kalsada. Unti unti tuloy nagsilabasan ang mga tao. "ANG KUYA KO! KUYA WAYNE!! KUYA WAYNE! Mga kapit bahay, tulong!! Tawagin niyo ang barangay!!"
T-teka. Ano raw?