"Bakit ang taba mo?" Narinig kong sabi niya.
Nandito siya sa bahay namin ngayon. Bumibisita NA NAMAN. Nah, nambwibwisit is the right term.
Tumigil ako sa paggamit sa cellphone ko at tinignan siya na komportableng nakahiga sa sofa. Hindi siya nakatingin sa'kin kaya naman malaya ko siyang natitigan.
Bakit ka ganyan? Past time mo na ang asarin ako. Ako naman ito, nagpapa-asar.
Tinitigan ko lang siya. Nawala ang lahat ng pagtataray na sasabihin ko nang makita ko ang maamo niyang mukha. Hindi mo aakalaing mapang-asar siya. Pero dahil dun, mas nagustuhan ko siya.
"Oy taba, hindi ako ice cream." Napakurap ako sa sinabi niya.
Mabilis kong iniba ang direksiyon ng paningin ko.
"Bakit nakakabwiset ka?" sabi ko bago ko tinuloy ang paggamit ng cellphone ko.
Tinawanan niya lang ako doon. Pinigilan kong mapangiti. His laughter has always been like music to my ears.
"Ang tagal namang bumaba ng ate mo."
Oo nga pala. Hindi nga pala ako yung 'binibisita' mo. Yung ate ko.
Basketball player si Keisler noong may summer liga sa amin. Madalas siyang tilian ng mga girls sa crowd. Hindi ako isa sa mga nagtitilian pero aaminin ko, isa ako sa mga humahanga sa kanya.
Tanda ko pa nung una siyang nagpunta sa bahay namin. Tapos na yung summer liga n'un. Bumilis yung tibok ng puso ko nang makita siya sa may pintuan ng bahay namin. Gusto kong mapangiti dahil ang lapit niya. Pero napatitig na lang ako sa gwapo niyang mukha.
"Asan ate mo?" yan yung unang sinabi niya sa'kin.
Dapat matuwa ako kasi narinig ko yung boses niya. Pero pakiramdam ko.. may kumukurot sa loob ng dibdib ko.
Ate ko pala ang hinahanap niya.
Simula n'un halos araw-araw ko na siyang nakikita sa bahay. Araw-araw niyang binibisita si ate Eloisa. Ano? May sakit? May sakit? Pabisi-bisita pang nalalaman. I sounded bitter, I know.
I know hindi tama pero, nagseselos ako.
"Oy taba! You're idling." Bigla niya akong tinabihan sa kinauupuan ko. Nagulat ako kaya muntik ko nang mabitawan yung cellphone ko.
"Ano ba?!" Medyo sigaw ko. Natetense ako sa tuwing lalapit siya sa'kin kaya madalas tumataas yung boses ko. Defense mechanism ko na rin yun para hindi siya makahalata sa'kin.
"Bakit ba ang taray mo sa'kin?" Nagpout siya.
Bwiset. Ang gwapo niya talaga. Natatameme ako. Umuurong dila ko kapag gantong pagkakataon.
"Hindi ako mataray."
Pag gantong matino siyang kausap, umaalis na agad ako dahil lalo lang lumalala yung pagkaabnormal ng tibok ng puso ko.
Tumayo na'ko at nagsimulang maglakad nang hawakan niya ako sa braso. Always gives me the chills.
"Oh san ka na naman pupunta? Lagi mo na lang akong wino-walk-outan. Nakakahurt ka na talaga."
Muntik na'kong mapangiti sa itsura niya. Para siyang bata pero ang cute-cute niya pa rin. I felt the urge to pinch his cheeks.
Eh kasii pag hindi pa'ko umalis ngayon, baka lalo pa'kong mainlove sa'yo. Ayoko.. Baka masaktan lang ako. Alam ko namang..
Si ate Eloisa ang gusto mo.
"Tatawagin ko na si ate Eloisa baka naiinip ka na." Hinatak ko yung braso ko at nagmadaling umakyat papuntang kwarto ni Ate.
"Uy Sarah! Sandali lang!"
Hindi ko siya pinansin. Ang bilis pa rin ng tibok ng puso ko ng makarating ako sa harap ng kwarto ni ate Eloisa.
Lumabas na si ate bago pa ako makakatok.
"Oh Sarah, may kailangan ka?"
"Wala. Tatawagin lang kita. Ang tagal mo kasi. Inip na inip na yata yung panget na bisita mo." Kahit sa ate ko, ayokong magpahalata.
Tinawanan niya ako. "Ikaw ah. Bakit ba asar na asar ka kay Keisler. Alam mo he's nice naman lalo na pag nakasama mo na siya."
Yeah right. I like him already.
"Whatever. Sige na, bumaba ka na dun."
Pupunta na'ko sa kwarto ko nang bigla niya akong higitin. Ah NO. Kinakaladkad niya ako. PABABA NG HAGDAN.
"Aray naman! Ano ba Eloisa?!" Nalilimutan kong mag-ate pag naiinis ako sa kanya.
"Know what, makihang-out ka na lang sa'min kesa sa internet ka nakikipagsocialize buong maghapon." sabi niya nang makababa kami ng hagdan
"Finally, natapos ka din. Inuugat na'ko dito eh."
"Sorry naman. Matagal ako magpaganda eh."
Nagtawanan sila doon. Sige sila nang masaya. Nakakaasar. Bakit kasi hinila-hila pa'ko dito.
Aalis na ulit sana ako nang pigilan ako ni ate.
"Hephep. Sasama ka sa'min di'ba?"
"What? Ayo--"
Bigla akong inakbayan ni Keisler. Kundi ko lang napigilan ang sarili ko, napatili na'ko sa sobrang kaba at kilig. Natataranta na naman ako.
"Talaga taba?! Sasama ka sa'min? Wuuu, first time 'to!!" sabi niya. Parang tuwang-tuwa siya. Pakiramdam ko ang pula pula na ng mukha ko.
Naglakad na siya at napasunod na lang ako dahil nakaakbay pa rin siya sa'kin. Masyado akong aware sa braso niya kaya naman hindi ako makapag-sip ng matino.
"Ah. w-wait.. s-sandali lang." Ano ba yan. Ba't ba'ko nauutal?!
"Wag ka na mag-ayos. Ayos na yang suot mo. Bagay nga sa'yo eh. Para kang bata!"
Sinamaan ko siya ng tingin. Nginitian niya ako. That smile..
Naman Keisler. Wag kang ganyan.. maawa ka sa puso ko.
"Ang liit mo kasi! HAHAHAHA!"
Tumawa siya ng tumawa. Sabi na nga ba. Hilig niya talagang mang-asar. Pero mabuti na lang din.
Inalis ko na yung pagkakaakbay niya sa'kin. "Ewan ko sa'yong baliw ka!"
Bumalik na'ko sa loob ng bahay habang tumatawa pa rin siya doon. Hindi ko namamalayan, nakangiti na pala ako habang naglalakad.
Ano ba yan! Kinikilig na naman ako. Kahit inaasar niya ako nangingibabaw pa rin talaga yung sweet little things na ginagawa niya sa'kin.
ALAM NIYO YUNG FEELING? INAKBAYAN NIYA AKO!! Lalo akong napangiti.
Pero nang maalala ko yun.. agad na nawala yung ngiti ko.
Naalala ko yung rason kung bakit hindi ako tumuloy sa pagsama sa kanila. Hindi naman ako umalis kasi naasar ako kay Keisler. Sanay na ako sa kanya. Minsan nga, lihim akong natutuwa dahil tuwing mang-aasar siya, saka niya lang ako mapapansin.
Hindi ako sumama kasi baka masaktan lang ako. Hindi naman ako masokista para panoorin sila ni ate Eloisa na 'nagkikirihan'. I don't mean the word. Yun lang ang tawag namin ni ate sa mga 'sweet couple'. Lokohan lang namin.
Maisip ko pa lang na couple sila, parang maiiyak na'ko. Normal lang naman na hindi ako gusto ng taong gusto ko.
Ang mas masakit lang eh yung..
Ate ko pa yung gusto niya.
At parang torture pa sa'kin na araw-araw ko silang nakikita. Araw-araw kong nakikita kung gaano sila... kasweet.
Bakit ka ganyan? Ang bait-bait mo kapag si Ate Eloisa ang kausap.
Bakit ka ganyan? Pag ako ang kausap mo, palagi ka lang nang-aasar.
Paano kaya kung kami yung unang naging close? Magiging katulad kaya kami ng sakanila ni Ate?
Paano kaya kung nasundan pa yung unang beses mo'kong kausapin?
"Ayan tuloy, second quarter na. Ikaw kasi ang tagal mo!" Sinesermunan ko si ate ng biglang may tumama sa ulo ko.
"Oh my God Sarah! Ok ka lang?!" bulalas ni ate Eloisa.
Aray.. ang sakit. Napahimas na lang ako sa parte ng ulo ko na natamaan. Ang lakas ng impact nung bola.
"Miss! Miss! Ayos ka lang ba?!" napalingon ako sa nagsalita.
Natulala ako. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Kahit pawisan, ang gwapo niya at nasa harapan ko siya!! Nasa harapan ko si Keisler Trinidad!!
"May masakit ba sa'yo?"
Para akong kinilabutan nang hawakan niya yung kamay ko ng kanang kamay niya at hinaplos naman ng kaliwang kamay niya ang parte ng ulo ko na natamaan.
"A-ah. O-okay lang ako." Finally, I managed to utter those words kahit parang sasabog na yung dibdib ko sa sobrang ... ewan, hindi ko maipaliwanag.
"Sigurado ka?" Mahahalata yung pag-aalala sa boses at mga mata niya. Masyado akong overwhlemed para magsalita kaya napatango na lang ako.
"Trinidad! Sub sub sub!" Biglang tawag sa kanya.
"Sige miss ah!" Binitawan na niya ako.
Tumakbo na siya palayo pero bago pa siya makapunta sa loob ng court, lumingon siya sa akin at sumigaw "Miss mag-iingat ka ha!"
Si Keisler Trinidad.. Kinausap niya ako at sinabihan pang mag-ingat. Tell me, nasa langit na ba ako?
Wag naman sana. Gusto ko pang makita si Keisler. Gusto ko pa ulit marinig ang mga boses niya. Gusto ko pa siyang makausap.. gaya kanina.
Hindi lang halata pero.... sobrang saya ko!
"Wala dito si Ate Eloisa. Nasa mall. Text mo na lang."
Nandito na naman si Keisler. This time kasama niya yung barkada niya. Bale apat sila. Paminsan-minsan, kasama niya talaga sila sa pambubulabog sa bahay namin.
"Ba't ko naman siya itetext?"
If I know, siya na naman ang ipinunta mo dito. Bitter na kung bitter.
"Ewan ko. Baka lang gusto niyo sumama sa kanya or what."
"Di mo man lang ba kami papasukin?" sabi ni Michael.
Bago pa ako makatutol, nagsipasukan na sila. Ano na naman bang gagawin nila dito eh sabing wala dito yung hinahanap nila.
Umupo sila sa sofa. Madalas sila rito kaya sanay na sila rito. Harmless naman sila kaya di ako nag-alala na ako lang ang taong bahay ngayon.
"Bahala kayo diyan. Hintayin niyo siya if you want. manood kayo, maglaro or anything basta wag kayong masyadong magulo." sabi ko at saka tumalikod.
"Sarah wait!" tawag ni Michael sa'kin
"Bakit?"
"Since wala si Eloisa, baka naman pwedeng ikaw muna maka-jamming namin."
"Oo nga naman." sang-ayon ng dalawa
"See? Ang tagal ko nang este namin pala. Ang tagal na naming gustong makajamming ka. Lagi ka namang nasa kwarto mo."
May iniiwasan kasi ako.
Napatingin ako kay Keisler. Bumilis na naman ang tibok ng puso ko ng magtama ang mga paningin namin. Bigla niya akong nginitian, napaiwas ako ng tingin.
"Ok sige wait lang."
Isa lang naman ang dahilan kung bakit pumayag ako. Baka sakali. Baka lang naman... kahit papano.. maging close kami ni Keisler.
Pagbalik ko, may mga dala akong snacks and dvds. Sinalang ko yung mystery-thriller-horror movie sa player and then umupo ako sa sofa katapat ni Michael. Madaldal kasi siya kaya komportable ako sa kanya.
"Alam mo Sarah, ewan ko dito sa tatlo pero ako.. ikaw naman talaga yung binibisita ko eh." sabi ni Michael.
"Weh?" nginitian ko lang siya.
"Oy ikaw Michael! Wag mong binobola si taba. Pag yan naniwala.."
Sinamaan ko siya ng tingin pero tinawanan niya lang ako. Lihim akong napangiti. Ang gaan sa pakiramdam nung tawa niya.
Sa totoo lang, hindi ako makapagconcentrate sa panonood. Bukod sa lihim na pagsulyap sulyap ko kay Keisler eh kakwentuhan ko din si Michael. Sobrang daldal niya pero may sense naman kaya napapakwento din ako.
Maya-maya nagjoke si Michael. Natawa ako, napatawa din siya. Napalakas yata yung tawa namin kasi napa- 'shh' sila.
Tumigil kami sa pagtawa pero natatawa pa rin talaga kami kaya hirap na hirap kami magpigil ng tawa.
"Will you both stop giggling?! Nakakadistract na kayo."
Doon ako napatigil. Ngayon ko lang siyang nakitang ganito. Nagalit siya.. Nagalit sa'kin si Keisler.
"Ang tagal naman ni Eloisa. Nababagot na talaga ako." bigla niyang sabi.
May kung anong kumirot sa dibdib ko. Biglang nag-init ang gilid ng mga mata ko.
Si ate Eloisa pa rin talaga yung hinahanap niya. Asa pa kasi ako.
Pakiramdam ko, anytime tutulo na mga luha ko kaya nagsabi ako na pupuntang banyo.
Imbes na sa banyo, sa dining area ako nagtungo.
Nagsimulang pumatak ang mga luha ko. Naiinis ako. Pakiramdam ko ang OA ko pero.. di ko mapigilang umiyak. Parang pinamukha niya sakin na wala akong panaman sa company ng ate ko.
Bakit ka ba ganyan? Madaldal ka naman pag si Ate ang kausap.
Bakit ka ba ganyan? Kung kelan may pagkakataong magkausap tayo, saka ka tahimik.
Ni hindi mo nga ako inaasar kanina.
Gan'un ka ba kabored pag wala si ate?
Pero bakit ganun? Sa tuwing tatawagin niya akong 'taba', kinikilig pa rin ako kahit hindi naman talaga ako mataba. Natutuwa ako kasi kahit papano, may endearment siya para sa'kin.
Natutuwa ako kahit na walang panama yun.. sa endearment nila ni ate na 'IDOL.'
Bakit ba ganito? Mahal pa rin kita kahit malinaw na malinaw na.. si ate Eloisa ang mahal mo.
Naghilamos ako para maibsan ang pamumula ng mukha ko. Palabas na'ko ng dining area ng biglang mamatay ang ilaw.
Ang dilim. Sobrang madilim. Wala akong makita. Nagsimula na namang mamuo ang mga luha ko. Ayoko ng ganito. Takot ako sa dilim.
Pinilit kong gumalaw kahit nanginginig na'ko sa takot.
Asan na ba sila?! Tuluyan na'kong napaiyak nang may biglang yumakap sa'kin. I feel secured in his arms. Umiyak lang ako ng umiyak doon.
Saka ko lang naalalang itanong kung sino ang kayakap ko nang kumalma na'ko. Gustong-gusto kong banggitin ang pangalan ni Keisler pero isipin ko pa lang naiiyak na naman ako. Ibang pangalan ang lumabas sa mga bibig ko.
"Michael?" Hindi siya nagsalita pero naramdaman ko ang pagbuntong hininga niya.
Aalis na siya sa pagkakayakap ng pigilan ko siya.
"Please Michael. Stay for a while. I'm scared." How I wish I was telling this to Keisler.
I felt him sigh again. "I'm not Michael."
Kilala ko yung boses na yun! Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Nataranta ako kaya bigla akong humiwalay sa yakap niya.
Pero.. niyakap niya ulit ako. Mahigpit pero maingat.
Keisler.. why are you doing this..
"Please Sarah. Stay for a while. I'm scared also."
A tear escaped from my eyes. Hindi ko na naman mapigilang umiyak.
Bakit ka ba ganyan Keisler? Lalo lang akong nasasaktan sa ginagawa mo. Lalo lang akong nahuhulog sa'yo.
I hugged him back. It was an impulse. Kahit ngayon lang, please.. I want to feel him.
"Are you crying?"
Hindi ako sumagot.
I felt him sigh again.
"Bakit ka ba ganyan? Hindi ko na alam ang gagawin ko sa'yo Sarah." There was a hint of desperation in his voice.
"B-bakit?"
"Parang napakahirap sa'yo na kausapin ako. Iimik ka, paisa-isang salita. Pahirapan pa."
Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi ko alam.. Hindi ko alam na ganto yung iniisip niya. Akala ko..
"Pero Keisler.."
"Shh.." I felt his finger against my lips. "Just listen for now. Ngayon ko kailangan nyang katahimikan mo." He chuckled and something tickled my heart.
"Ang tagal ko tong hinintay.. yung makausap ka. Makakwentuhan, makatawanan. Parang yung.. yung kayo.. ni Michael kanina. Sorry nga pala, nasigawan ko kayo. Naiinis kasi ako eh."
He paused then he sighed again.
"Bakit ka ganyan? Iniimikan mo lang ako sa tuwing aasarin kita. Dun lang paminsan minsan napapahaba yung sinasabi mo sa'kin. Asar na asar ka sakin pero ako naman, tuwang tuwa kasi kinakausap mo'ko. At saka .. ang ganda ganda mo talaga kapag namumula ka."
Ang saya-saya ko sa mga naririnig ko. Totoo ba 'to? God, I can't believe this. Sa sobrang saya ko napahigpit yung yakap ko sa kanya. Gahd, naiiyak na naman ako.
"Oh oh. Umiiyak ka na naman. Mamaya dumating ate mo, sabihin pa nun pinapaiyak kita."
Bigla akong may naalala sa sinabi niya.
"Um.. Keisler.. si Ate.. may gusto ka ba sa kanya?"
Tumawa siya ng marahan. "Ano ba sa tingin mo? Syempre wala.. pero minsan gusto kong pagselosin ka eh kaso wala naman sa'yo. Wala, dedma lang ang kagwapuhan ko."
Napatawa ako sa sinabi niya at nahampas yung likod niya.
"Aray. Oh bakit?"
"Ikaw kasi eh! Bakit ka ganyan?"
"Anong bakit ako ganito?"
"Nakakaasar ka!"
"Sorry na. Desperado lang na makausap ka."
"Aamin ka lang kelangan mo pa akong pagselosin ng sobra sa ate ko. Ang sakit nun ah."
Bigla siyang napahiwalay sa pagkakayakap at hinawakan ako sa tigkabilang kamay.
"What do you mean?"
"Nagseselos ako sa inyo.. ni ate. Lagi mo siyang kausap samantalang ako.. lagi mo lang inaasar. Pero bakit ganun, mahal pa din kita!"
Niyakap niya ako ulit. Mahigpit na mahigpit.
"I'm sorry if I made you feel like that. God, I can't believe I'm hearing this right now. You made me so happy. I love you Sarah!"
"I love you too. Matagal na." Mahina kong sabi.
Umalis siya sa pagkakayakap at hinawakan ako sa tigkabilang pisngi. Lalong bumilis ang tibok ng puso ng maramdaman ko ang hininga niya sa mukha ko.
Napapikit na lang ako ng maramdamang lumapat ang labi niya sa mga labi ko nang biglang..
"My God! You two! Anong ginagawa niyo dito sa dilim?!"
Pagmulat ng mata ko. Maliwanag ko nang nakikita si... ate Eloisa?!
Naman! Bakit ka ganyan? Wrong timing!
The End. xx
~~
Sooo, congratulations to me? ;) Haha jk. This is my.. what? Umm, first one shot story here on wattpad. Pero parang first serious composition ko na rin.
Feel free to criticize my loves! I need those for my improvement. Kahit wag na kayo magvote, comments na lang! Thanks xx