Disclosure [HFLIJ Book 2]

By cornelia_rei

28.1K 1.1K 338

Kahit anong tago mo sa sikreto, lalabas at lalabas pa rin ang katotohanan, at hindi mo ito matatakasan. Minsa... More

Prologue
Chapter 1: Revelation
Chapter 2: Memoir
Chapter 3: His Awaited Night
Chapter 4: First Mission
Chapter 5: First Day
Chapter 6: Offer + Curiosity
Chapter 7: The Girl + Fake Date
Chapter 8: Urgent Mission?
Chapter 9: Sweet and Spicy
Chapter 10: Kidnapped
Chapter 11: Bullying
Chapter 12: Own Ways
Chapter 13: Bonding Time?
Chapter 14: Akayuki
Chapter 15.2 : Untitled 2
Chapter 16: Keaton
Chapter 17: Mission Fail-ed
Chapter 18: Slump
Chapter 19: Hallucination
Chapter 20: Third Party?
Chapter 21: Bad
Chapter 22: Coincidence?
Chapter 23: Misfortune(s)
Chapter 24: Dauntless
Chapter 25: Her Promise
Chapter 26: Torture
Chapter 27: For the First Time [Fast Forward]
Chapter 28: Signs [Kenzie]
Chapter 29: Relationship Over?
Chapter 29: His Reason Feat. BTS
Chapter 30: Devastated
Chapter 31: Agony
Chapter 32: Tears of What?
Chapter 33: She's Back
Chapter 34: Perks of Being An Agent
Chapter 35: Clifford Kim
Chapter 36: Crazy Guys
Chapter 37: Lights Off
Chapter 38: Face to Face
Chapter 39: Renegade
Chapter 40: At Death's Door
Chapter 41: Euphoria
Chapter 42: Quid Pro Quo
Chapter 43: Melancholy
Chapter 44: Sudden Assault
Chapter 45: Inhumane
Chapter 46: Eudaimonia
Chapter 47: Au Revoir
Chapter 48: Rotation
Chapter 49: Repetition
Chapter 50: From Bad to Worse
Chapter 51: Horrendous Day
Chapter 52: Let Him Go?
Chapter 53: Déjà vu?
Chapter 54: Daytime Darkness
Chapter 55: Battlefield
Chapter 56: Bulletproof
Chapter 57: Treacherous?
Chapter 58: Boiling Point
Chapter 59: Blood Eagle, One Last Kiss?
Epilogue
Special Chapter 1
Special Chapter 2

Chapter 15.1 : Untitled

352 17 8
By cornelia_rei

Hyacinth's POV

"Ang dami mong tanong pero sasagutin ko lahat. 2 AM na ako dumating at ayaw kitang gisingin. Nandoon si Therese at magkaparehas kami ng Mission kaya naglaban kami. Nahiwa ng dagger niya ang braso ko at may lason ito pero naalis na pero may side-effect. Natalo ko siya at nabaril ko siya sa balikat. Hindi nga ako natulog kasi gusto kong magreview sa Finals mamaya para hindi ako bumagsak"sagot ko.


"Mukhang alam ko na yung tinutukoy mong side-effect"nilapitan niya ako at hinawakan niya ang noo ko.


"Iinuman ko yan ng gamot, maligo ka muna habang magluluto ako ng almusal pa-"


"Ako na ang magluluto ng almusal at ng babaunin nating lunch. Magpahinga ka na at may lagnat ka"paguputol niya sa akin.


"May 2 subject pa akong hindi narereview"sagot ko.


"May mamaya pa maligo ka na lang o magpahinga"sabi niya.


Naligo na lang ako ng parang kidlat at saktong 5:30 AM tapos na akong magbihis kaya ipinagpatuloy ko ang pagrereview kahit na sumasakit ang ulo ko. Weakest subject ko pa naman ang College Algebra at ito na lang ang subject na hindi ko pa narereview. Maya-maya, tinawag na ako ni Wallace para kumain ng almusal. Wala akong gana kumain pero pinilit ko ang sarili ko na kumain.


"Wag ka na lang kayang pumasok. May mangyari pa sayong hindi maganda sa school"sabi ni Wallace.


"Papasok ako, mag-iingat naman ako eh"sagot ko at binilisan ang pagkain para magmukhang masigla sa harap niya.


Pagkatapos kumain ay hinintay ko siya sa loob ng kotse niya kasi maliligo pa siya. 6AM na pala

..........

"Hya nandito na tayo sa school"nagising ako nang may tumapik sa pisngi ko.


Tumingin ako sa bintana ng kotse at nasa Parking Lot na pala kami ng Ashworth University. Nakatulog pala ako kanina, tapos umuulan na ngayon kaya pala napakalamig.


"Sorry"sagot ko at nang maglakad kami, bahagyang umikot ang paningin ko pero nawala naman.


"Okay lang"sabi niya at hinatid niya ako sa room ko.


"See you later, mag-iingat ka at magtext ka lang kung gusto mong iuwi kita. Kailangan mo itong suotin"sabi ni Wallace at sinuotan ako ng black jacket na pagmamay-ari niya. Nagpasalamat ako sa kanya, hindi na ako masyadong nilalamig.


Halata namang binabantayan talaga ako ni Lauren. Pagkapasok ko sa room, pinagtitinginan ako ng lahat. Ngayon lang ba sila nakakita ng Zombie? Nakita konamang pumasok si Keaton.


"May sakit ka, dahil ba yan sa pagpupuyat para sa Finals ngayon? Ang init mo"hinawakan niya ang noo ko.Tinatamad akong magsalita at tumango lang ako.


"Kailangan mong sumama sa akin habang wala pa ang Prof mo"hinawakan niya ang kanang kamay ko ay hinatak ako.


"Saan tayo pupunta?"malamya kong tanong.


"Clinic"nakarating agad kami sa Clinic at may tinapal sa noo ko ang Nurse na nandoon. Parang Kool Fever ata yung sa commercial sa TV na nilalagay sa noon g mga taong may lagnat, uminom na din pala ako ng gamot kanina.


"Kahit naman mag-ooffer ako sayo na magtake ka na lang ng Special Exam pagkagaling mo tatanggihan mo ako. Matigas ang ulo mo eh"sabi ni Keaton at may inabot sa aking paper bag.


"Makakatulong sayo ang mga pagkaing binili ko"sabi niya.


Imbes na maglakad kami pabalik sa room ko, nagtaka ako nang buhatin niya ako. Pinagtitinginan tuloy kami ng mgatao kahit sa room at nandoon na si Kenzie. Kaklase ko nga pala siya.Tinignan niya ako pero naalis din ang tingin niya nang makita siya ni Keaton.


"Good luck sa Finals Hya"sabi ni Keaton bago umalis.


"Salamat"sagot ko at ningitian niya ako

.............

Kumain ako ng maraming chocolate habang uminom ng kape kanina mabuti at nakasurvive ako kaninang umaga kahit na hindi ako makapagconcentrate nang maayos. Si Wallace ang sumundo sa akin sa tapat ng room at wala akong ganang mananghalian. Kinuha pa niya ang bag ko at siya ang nagbitbit.Mabuti na lang at hindi sumulpot ngayong tanghali si Keaton. Busy ata.


"Kumain ka na kahit kaunti lang"malungkot na sabi ni Wallace. Nakasandal ako sa balikat niya kasi inaantok ako.


"Ang sama naman ng timing ng lagnat mo Hya"sabi ni Yeisha, oo nga.


"Kumain ka na dali kung ayaw mong kainin ka ni lover boy"sabi ni Harrence na nabatukan ni Wallace.


"Pasalamat ka at wala dito si Levi kundi nasigawan ka na naman"sagot ni Wallace.


"Kaya nga buti na lang wala si Hamster na nakalunok ng megaph-"


"ANONG WALA! NGAYON NANDITO NA AKO BALIW! NAKALUNOK PALA NG MEGAPHONE AH AYAN LUNUKIN MO YANG STICK-O NA SINALAMPAK KO SA BIBIG MO! TANGHALING TAPAT PINAPAINIT MO ULO KO MAGREVIEW KA NA LANG BAKA BUMAGSAK KA PA!"sumulpot si Levi na sumigaw pa sa tainga ni Harrence.


"Kailangan ko na bang magpabili ng Hearing Aid? Nabingi na ako eh at nagreview kaya ako. Matalino yata ang mga gwapong katulad ko"pagmamalaki ni Harrence at kinaladkad siya palayo ni Levi.


"I-rereview ka namin ni Yeisha akala mo ah"sabi ni Levi at umalis na silang tatlo.Ayokong makitang malungkot si Wallace kaya pinilit ko na lang kumain.


"Alam ko naman na pinipilit mo lang kumain. Magpalakas ka at ako ang bahala sayo. Magkikita naman tayo mamaya sa Finals ng College Algebra"sabi niya at pinapanood niya akong kumain.


Nang maubos ko ang pagkain, pinilit ko si Wallace na wag akong ihatid sa room ko para sa next subject. Nagpalusot akong may gagawin pa ako sa Canteen kasama ang iba kong kaklase. Nagreview ako saglit at uminom ng maraming kape para makasurvive ulit ako sa panghapon na Finals.Habang naglalakad ako, sumakit ang kaliwang braso ko na may hiwa dahil may humawak dito. Hinahatak ako ni Kenzie pero wala akong lakas para pumalag.


"Bitawan mo ako"mahina kong sabi ngunit parang wala siyang narinig.


Dinala niya ako sa Restricted Room ng University.


"Nakakainis talaga si Kuya, hindi ako makalapit sayo pero habang wala pa siya, sasamantalahin ko na ang pagkakataon"binitawan na niya ang kaliwang braso ko at niyakap niya ako nang mahigpit.


Tinapakan ko ang paa niya pero binabalewala niya lang ito. Pasalamat ka may sakit ako kung hindi nabugbog na kita.


"Namiss talaga kita, ang boses mo, lalo na ang amoy mo Hyacinth"nakakakilabot ang kabaliwan niya.Isiniksik niya ang ulo niya sa leeg ko habang yakap-yakap pa rin ako at dumampi ang labi niya sa leeg ko.


"Umalis ka na! Bitaw"hinahampas ko na siya sa dibdib niya pero tinitiis niya.


Kumukulo na ang dugo ko sa kanya nakakainis pero wala akong magawa! Hinahampas ko siya ng hinahampas pero tinitiis niya.Narinig ko ang tunog ng pagbukas ng pintuan at may nag-alis kay Kenzie at sinapak siya.


"Abala ako ngayon pero binabantayan ko pa rin si Hya. Hindi mo pa rin talaga narerealize ang dapat mong ma-realize. Get out of here now!"maotoridad na sigaw ni Keaton.


Napasalampak lang ako sa sahig ngayon, nakatunganga dahil nanghihina ako nang dahil sa lagnat. Halata ang galit sa mukha ni Kenzie at umalis na siya dito.


"It's obvious that you're not ok"sabi niya at umupo sa tabi ko.Tinanggal niya ang patch na nakadikit sa noo ko. Pinalitan niya ito ng bago at idinikit niya ito sa noo ko.


"Uminom ka na ba ng gamot?"tanong niya.


Binigyan ko siya ng tango at binuhat niya ako palabas. Papunta sa room ko para sa sunod kong subject.


"Sanay ka talagang magtiis, pero magbubunga din ang lahat ng pagtitiis mo"sabi niya pagkapasok sa room.


"Salamat sa lahat"sagot ko.


"See you later"sabi niya at umalis na.Medyo mahirap yung Finals ngayon, kumpara sa Prelims at Midterms namin last week.


Medyo natagalan ako sa pagsagot at minsan nakakaidlip ako sa kalagitnaan ng exam. Kinakabahan na ako sa College Algebra, pero ito na ang last subject kaya maakasurvive din ako. Naglalakad na ako papunta sa room na iyon at nakita ko kaagad si Wallace na nakaupo sa kanan ko. Nagsimula na kaming mag-exam at napasimangot ako dahil napakahirap nito. Sinagutan ko muna yung mga alam ko.


Wallace's POV

May isa't-kalahating oras kami para sagutan ang Finals sa College Algebra. Habang nagsasagot ako, pinapakiramdaman ko si Hya na halatang nahihirapan. Makaraan ang 45 minutes, natapos ko na ang exam at mabilis na sinilip ang test paper ni Hya nang hindi nahuhuli ng Professor namin.Kaunti pa lang ang nasasagutan niya at nakaidlip siya. Namumutla pa rin siya at alam kong ito ang weakest subject niya. Napagpasiyahan kong isulat nang mabilis ang lahat ng sagot ko sa isang papel na malinis. Wala akong pakialam kung magpapakopya ako. Siya lang naman ang pakokopyahin ko at ayokong nahihirapan siya. 30 minutes left.


Habang nakatingin sa labas ang Professor namin, inihagis ko sa kamay niya ang papel na sinulatan ko ng mga sagot ko. Sinugurado ko ring walang nakakitang estudyante para hindi siya mapahamak. Nagising siya at lumingon sa akin na nagtataka. Ibinuklat niya ang papel at nag-aalangang tumingin sa akin. Halatang nakokonsensiya siya, you shouldn't be.


Ibinalik niya ang tingin niya sa papel niya at isinulat na ang mga sagot na ibinigay ko. Natapos na niya ang exam at saktong natapos na rin ang oras. Pagkalabas namin, hindi niya ako tinitignan sa mata na bahagya kong ikinalungkot. Something's bothering her.


"Magbabanyo lang ako saglit"sabi niya at tinanguan ko lang siya at nagpasiya akong hintayin siya dito.


Lumipas ang 10 minuto pero wala pa rin siya kaya napagpasiyahan ko siyang sundan sa banyo. Nagulantang ako sa nakikita ko ngayon.


"Kung gusto mo nga siya, patunayan mo!"galit na sigaw ni Therese.

"Siguro naman maniniwala ka na dito sa gagawin ko sa kanya"parang paralisado si Hya at unti-unting inilapit ni Keaton ang mukha niya kay Hya hanggang sa magkadikit ang labi nila. Shit!

.

.

.

.


Continue Reading

You'll Also Like

6.6K 937 49
Two hearts cross each others path, they fell in love, created memories together and was indeed happy with each other's embrace but all of those unfor...
432K 16.9K 45
He is a jerk, a brat, and a headache. He is Aidan Josh Guirero Zamora.
71.8K 2K 48
A boy accidentally sends a message to the wrong girl who has the same name of his ex Ano nang mangyayari sa katangahan niya? 2017| Third story publi...
2K 123 46
What's more important, a promise you made with someone in the past or the one who you love in the present?