I Thought You're Just Nobody

By AlexIsCupid

4K 116 10

Posible bang mainlove ka sa isang babaeng akala mo NOBODY lang? Posible bang maging isang malaking parte ng b... More

Chapter 1: The Beginning
Chapter 2: Classmates
Chapter 3: Bestfriend
Chapter 4: Groupings
Chapter 5: Bonding
Chapter 6: Evil Monster
Chapter 7: #Team Olrayt!
Chapter 8: Labnat/Lovenat
Chapter 9: Confessions
Chapter 10: Dare
Chapter 11: Dream Date
Chapter 12: The reason behind..
Chapter 13: Treat you right
Chapter 14: Weird?
Chapter 15: Realization
Chapter 16: Sharleen Abigaile Fernandez
Chapter 17: It's too late
Chapter 18: Rainy Evening
Chapter 19: Friends to Strangers
Chapter 20: Manhid
Chapter 21: New Friend?
CHAPTER 22: Baby Nathan 'Nate' Collins
Chapter 23: Family?
Chapter 24: Give and Take
Chapter 25: What You Mean To Me
Chapter 26: Track&Field Outing
Chapter 27: Cloud Isaac Price
Chapter 29: Meet Sirius Collins-Quintana
Chapter 30: Professor Jea Sy
Chapter 31: Camping
Chapter 32: Jamming
Chapter 33: Nothing's Gonna Stop Us Now
Chapter 34: YOU and ME
Chapter 35: Partners In School
Chapter 36: Before the Party
Chapter 37: The Search
Chapter 38: Soulmate
Chapter 39: Maxine's move
Chapter 40: Cloud's Chance?
Chapter 41: Mahal mo ba ako?
Chapter 42: Monster Spade
Chapter 43: Miss Bandaid
Chapter 44: Field Trip
Chapter 45: Spin the bottle
Chapter 46: Still
Chapter 47: More than this
Chapter 47.5: More than this
CHAPTER 48: BOYS AREN'T ALLOWED
Chapter 49: I miss you too
Chapter 50: Quarrel
Chapter 51: Missing
Chapter 52: Evil's Plan
Chapter 53: Traitors
Chapter 54: Escape
Chapter 55: The Promise
Chapter 56: Broken
Chapter 57: Mission Failed
Chapter 58: Sino ka ba?
Chapter 59: Couple?
Chapter 60: Superhero
Chapter 61: Breakfast in bed
Chapter 62: Mr. Stranger
Chapter 63: Pag titiis
Chapter 64: Pag tyatyaga
Author's Note
Chapter 65: Namimiss ko sya
Chapter 66: Bakit mo ko iniwan?
Chapter 67: Ang Pagbabalik
Chapter 68: First Picture
Chapter 69: Surrender
Chapter 70: Pagpaparaya
Chapter 71: Night with You
CHAPTER 72: Girlfriend
CHAPTER 73: 2nd Day
CHAPTER 74: SURPRISE
CHAPTER 75: PDA
CHAPTER 76: RUBIKS CUBE
CHAPTER 77: 2 DAYS
Chapter 78: Happy Birthday Sharleen
Chapter 79: Giant Teddy Bear

Chapter 28: Patama

38 1 0
By AlexIsCupid

DRAKE's POV

Matapos ang nakakagimbal na eksena sa aming outing nung nakaraan, salamat naman at nakauwi kaming ligtas.

Hays. Pero, kawawa talaga Si Ethan e. Kaya pala una pa lang hindi na maganda yung pagkakilala ko sa ugly monkey na yun! Kase karibal sya ng kaibigan ko. Tsk!

"Hoy! Ang aga mo ah." Bungad ng kakarating lang na Si Melody. Nandito pala ako sa room, konti pa lang na estudyante ang nandito Kaya tahimik pa. Wala pa ang barkada, kase Nag inom sila kagabe.

"Hindi ako pinatulog ng bespren mo! Sobrang ingay nya. Pati ni Jaims. Tsk." Sabi ko.

Paano ba naman kase.. madaling araw na Wala pa ding balak magsitulog! Ako tuloy yung problemado.

"Oo nga pala? Bakit nandito ka?! Di ka naman namin classmate ah?" Tanong ko.

"Sabi kase ni Spade, dito muna ako. Makisit in Wala kasi kaming first subject." Paliwanag nya.

"Eh, nasan sina Ethan, Jaims, Nicole at Spade??" Tanong ko.

"Sinamahan ni Nicole dun sa canteen, nagkakape." Sabi nya.

Maya maya, dumating na sina Sharleen at Maxine.

"Hi sainyo." Bati ni Melody sakanila.

"Oh, Melody. Bakit nandito ka?" Tanong ni Maxine nang makaupo sila.

"Makikisit in." Nakangiting sagot ni Melody.

Tapos pumasok na sina Nicole, Jaims at Spade.

"Nasan Si Ethan?" Tanong ni Melody.

"Susunod daw sya." Sagot ni Spade.

Nag pasukan na yung ibang classmate namin, madami dami na kaming nasa room, wala pa din Si Ethan. At mag start na first subj namin Wala pa sya. Tsktsk.

"Goodmorning class." Bati samin ng isang napakagandang dyosa este.. babae.

"Alam kong nagtataka kayo, kung Bakit hindi Si maam Jonah ang nakita nyo. Mag papakilala muna ako. I'm Jea Sy. J.E.A. It's not Jeya, It's Jaye. Okay? Uh, substitute professor ako dahil May mga inaasikaso Si maam Jonah personally. I guess ako na yung makakasama nyo for the whole sem." Paliwanag nung bagong prof namin.

"Maam, ang ganda nyo po."

"Maam, May boyfriend na ba kayo?"

"Mukha kayong dyosa maam."

Ilan sa mga kaklase kong babaero.

"Hahaha. Thankyou." Nakangiting sagot ni Maam.

"Mag start na tayo ng lesson. Yung mga huling naituro sainyo ni maam Jonah pwede nyo bang ishare sakin?" Tanong nya.

At biglang bumukas yung pinto.

Si Ethan. Tsktsk. Late sya. Medyo Mukhang istrikta pa naman Kahit na maganda yung bagong prof.

"Ohw? Late. Tsktsk." Nakatingin sakanya Si maam. At nang makita din sya ni Ethan, nanlaki nalang bigla ang mga mata nito. Hahaha. Baka nagandahan siguro.

Pero, parang iba yung itsura nya? Bigla kasing kumunot yung noo nya. Ano kayang nasa isip nya ngayon?

Nilapitan nya yung prof.

May sinabi ata sya Pero Walang nakarinig Kahit isa.

"Maupo kana. Nagsisimula na Akong magturo. Next time ayoko ng malelate ka." Sabi nung prof habang naglalakad palapit samin Si Ethan.

Nang makaupo sya. Parang ang lalim ng iniisip nya.

"Okay guys.. blah blah blah." Hindi ko na inintindi yung prof kase Si Ethan ang pinapakinggan ko.

"Bakit nandito sya? Anong ginagawa nya dito?"

"Sinabi ko naman na Wala na syang mapapala."

"Ano bang problema nya!?"

At kung Ano Ano pang sinasabi nya na hindi ko maintindihan.

"Di ba, Mr. Collins?" Nabalik naman kami pareho sa Earth ni Ethan nang tawagin sya ni Maam Jea.

"Ano?" Naguguluhang Tanong ni Ethan.

"Ang sabi ko.. Wag nang hanapin yung Wala na. Kase kahit kailan hindi na sila babalik pa. Tama ako Di ba Mr. Collins?" Nakangiting Tanong ni Maam Jea.

Tinitigan lang sya ni Ethan nang nakakunot yung noo.

"Mr. Collins, inaantay nila ang sagot mo?" Sabi ni Maam.  Napansin kong nakatingin lahat kay Ethan.

"O-opo M-maam." parang hirap na hirap banggitin ni Ethan ang mga salitang iyon. Ano ba talagang nangyayare dito?

Para kasing masyadong mataas ang tensyon sa pagitan nilang dalawa??

.

.

Matapos mag lesson, Nag paquiz Si maam Jea.

"Now, pass your papers." Sabi ni Maam.

Nagpasahan na nang papel ang mga kaklase namin. Sina Spade at Jaims nagpasa na din.

Nang tumayo na ako para mag pasa..

"Drake sabay mo na yung sakin." Sabay abot sakin ng papel ni Ethan. Kinuha ko at napansin kong dumaan sa likod ni Ethan sina Maxine at Sharleen.

"Yan tayo eh. Hilig umasa." Pag paparinig ni Maxine kay Ethan.

Hindi na yun pinansin ni Ethan Kaya hindi ko nalang din pinansin. Nag pasa nalang ako ng papel.



"Mr. Collins, Mukhang tinatamad ka ah? Pati Pag pasa ng papel, sa iba mo pa pinagawa. Dahil dyan, dalhin mo itong mga gamit ko.. sa faculty. Goodbye class." Sabi ni Maam Jea. Tumayo na Si Ethan at dinala na nga yung mga gamit ni Maam Jea.

ETHAN ZAC's POV

Magkasabay kaming Nag lalakad ni Jea sa corridor habang bitbit ko yung gamit nya.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko.

"Nagtuturo." Sagot nya.

"Jeya, kung tungkol pa din to sa nakara--" natigilan ako ng magsalita sya.

"Wag mo nang banggitin pa ang tapos na. Hindi na yun mababalik pa! Ikaw lalaki ka, nandito ako kase nga professor na ako ngayon!" Sabi nya.

Nakatayo kami ngayon sa labas ng faculty.

Kinuha nya yung gamit nya sakin saka hinawakan ang kanang kamay ko.

"Ethan Zac Collins.. mag ingat ka.. sakin. Hindi na ako katulad ng dati." Sabi nya.

"Excuse me, maam." Bigla naman syang napabitaw.

"Yes?" Tanong nya kina Sharleen at Maxine.

"Eto napo yung attendance ng klase namin." Sabay abot sakanya ng papel.

"Okay, sige. Intayin nyo ako dito." Sabi ni maam saka pumasok ng faculty.

Tinignan ko Si Sharleen. Nakakalungkot isipin na yung dating malapit sayo halos hindi na kayo mag kakilala ngayon.

"Cr lang muna ako bes." Paalam nya kay Max Sabay punta sa malapit na cr.

Sumandal ako sa pader. At inisip lahat ng masasayang alaala kasama sya. Ang sakit isipin na hindi na yun mauulit pa.

"Bago ka mag mukmok at mag drama dyan dahil binabalewala ka nya, isipin mo nga muna kung mahalaga ka ba talaga." Pasungit na sabi ni Maxine.

Tinitigan ko sya. Kanina nya pa ako tinitira. Mukhang galit sya sakin.

"Ano?" Tanong nya.

Imbis na sagutin ko sya, tumalikod nalang ako at Nag lakad pabalik ng room. Babae padin sya. Hindi ko sya dapat patulan.

.

.

DRAKE's POV

Nang matapos ang pangalawa naming klase, narinig ko ang pagkekwentuhan nina Max at Shar sa iba naming kaklase.

"Boy! Ligawan mo na kase Si Mika. Pinapatagal mo pa e." Sabi ni Choon. Classmate naming boyish.

"Ayoko nga kase." Sabi naman ni Marco.

"Uy! Max at Shar. Alam nyo ba, Nag paparamdam na sakin Si Ralf. Hihihi!" Sabi ni Liza.

"Sigurado ka ba talagang gusto ka nya?" Tanong ni Maxine.

"Uhh? Siguro naman?" Naguluhan ding iniisip ni Liza.

"Tsktsk. The more motibo.." panimula ni Maxine.

"The more Pag asa!" Dagdag ni Sharleen. Nag ngitian sila.

"The more you asa.." Maxine.

"The more you NGANGA! Hahaha." Sabay na sabi nila at Nag apir pa.

"Kaya mag ingat ka, Liza. Baka friendly at nagiging nice lang talaga sya sayo. Baka masyado ka lang nadadala, Kaya madali kang nafofall." Payo ni Sharleen kay Liza na rinig na rinig naming mag babarkada, especially Ethan. Malamang sinadya talaga nila iparinig yun.

Kanina pa nila pinaparinggan Si Ethan. Alam kong nasasaktan na tong lalaking to, Kaya tahimik to e.

"Oh ikaw, Katy? Bakit ka malungkot? Anong problema mo?" Tanong ni Maxine.

"Hindi nya na ako pinapansin. T___T Parang hindi kami mag kakilala." Sabi ni Katy na maluha luha na.

"Life is weird, Katy. You can go from being friends, to being more than friends, to being practically strangers again." Sabi ni Maxine na Mas malakas kesa sa normal na pakikipag usap sa katabing kaklase. Haays. -______-

"Sabi nya nung una Gusto nya din ako. Tapos ilang araw lang hindi na Nag paparamdam." Malungkot na pagkekwento ni Katy.

"Uuhh, hayaan mo nalang. Baka naguluhan lang sya." Payo ni Sharleen. Hindi ko alam bakit parang lagi nalang natatamaan Si Ethan kahit hindi naman para sakanya yung mga sinasabi nila.

.

.

Matapos ang morning classes namin. Nag labasan na agad yung mga kaklase namin hanggang sa pakonte ng pakonte, hanggang sa kami kami nalang naiwan.

"Tara na bestie." Aya ni Maxine, matapos maayos yung gamit nya.

Sabay naman silang Nag lakad palabas ng room ng mahulog yung ballpen ni Sharleen.

Agad namang pinulot ni Ethan yun.

"Sharleen!" Sabi nya saka nya hinabol at bago makalabas ng room, naabutan nya na ito.

"Yung ballpen mo nahulog. Oh." Iniaabot ni Ethan sakanya yung ballpen Pero tinitigan nya lang ito saka tinignan Si Ethan at umalis na.

"Seenzoned bro!" Sabi ni Jaims sabay tap sa shoulder ni Ethan.

Agad naman tumakbo Si Ethan, Kaya hinabol namin sya.

"Teka nga!" Rinig naming sigaw nya. Nang maabutan namin sya, magkaharap na ulit sila ni Sharleen.

"Ano bang kailangan mo?!" Naiinis na Tanong ni Sharleen. Alam kong nahihiya na sya sa eskandalong ginagawa ni Ethan, dahil nakatingin na yung ibang mga estudyante sakanila.

"Palagi mo na lang ba akong iiwasan?!" Malakas na Tanong ni Ethan habang nakukumpas kumpas nya yung ballpen sa pagitan nilang dalawa tuwing magsasalita sya.

"Ayy, break na yan!" Sabi nung isang nanunuod.

"Mag silayas nga kayo!" Sigaw ng naiinis na Si Spade.

Agad namang nag silayas yung mga nanunuod.

"Ano bang pakialam mo?!" Sharleen.

"Kasi nasasaktan ako!" Sigaw ni Ethan, Pero saktuhan lang habang nakumpas pa din nya yung ballpen.

Natigilan naman ng ilang segundo Si Sharleen.  Nang makabawi sya.

"Ang kulit mo kasi! Sinabi ko nang kaibigan lang ang tingin ko sayo! Kaya kung ayaw mong masaktan.. wag kang Nag eexpect sakin!" Madiin nyang paliwanag.


"Pero, pwede pa yung mabago kung bibigyan mo ko ng chance!" Sagot naman ni Ethan. Pilit nya pa ding nilalaban ang pagmamahal nya, Kahit na hinihiya na sya saming mga kaibigan at ibang schoolmates na nakakakita samin.

Kulang nalang yata mag makaawa sya kay Sharleen para lang mapansin sya. Hays. Naawa na talaga ako sa kaibigan ko.



"Malabong maging tayo, Zac. Yun ang malinaw. Kaya tigilan mo na yan." Nakayukong sabi ni Sharleen.

Natigilan naman Si Ethan. Para syang nabato sa kinatatayuan nya. Hawak yung ballpen na nakahaya sa harapan ni Sharleen.

Bago umalis Si Sharleen, hinablot nito yung ballpen saka na nag madaling bumaba.

Nang makabawi naman Si Ethan.


"Tsktsk. Seenzoned na nga. Friendzoned pa!" Pang aasar ni Maxine na iiling iling pa.

"Masasapak na talaga kita!" Sigaw ni Spade na susugurin na sana Si Maxine, buti na lang nahawakan namin sya Agad ni Jaims.

Sabay takbo naman Agad ni Maxine.

"Bitawan nyo ko! Kahit babae yun, papatulan ko talaga yon e!" Nag pupumiglas pa din sya.

Parepareho naman kaming Nag aalala kay Ethan e. Sa magkakaibang paraan nga lang namin nagagawa.

Si Spade ang may pinaka mataas na puntos na pag aalala, dahil sa lagi nyang pinag tatanggol Si Ethan kay Maxine at sa ibang tao.

Si Jaims naman, Nag aalala din naman yun. Tahimik lang. Medyo paasar Pero dinadamayan nya, alam talaga ni Ethan na hindi sya iiwan ni Jaims.

At ako naman, tahimik lang talaga. Medyo 50/50. At sa tingin ko, Mas matutulungan ko sya sa paraan na to. 50% nakakausap ko sya, at yung 50% na kalahati naman ay para makausap ko Si Sharleen. Kailangan pagkatiwalaan ako ni Sharleen para sabihin nya sakin lahat. Katulad nung ginawa ko nung nakaraan.

May iba iba kaming istilo para maging maayos Si Ethan. Yun lang ang tanging magagawa namin e.

Nandito na nga pala kaming gym nila Melody, Spade, Jaims at Nicole. Nag cr kasi si Ethan, inaantay namin.



Nang makita namin sa di kalayuan si Maxine.

"Nag palit sya ng damit?" Tanong ni Melody.

Nag lakad na sya papunta sa direksyon namin. At klaro na sa mga mata namin..

"Ang ganda ng nakasulat sa damit nya ah." Puna ni Jaims.

"Basahin mo nga Drake!" Utos sakin ni Melody.

"The best way to avoid disappointment is to not expect anything from anyone." Pag sunod ko.

"Ano nanaman kayang gustong palabasin ng isang to?!" Nang gagalaiti nanaman na pahayag ni Spade.

"Pang aasar nanaman. Ts." Kumento ni Jaims.

.

.

ETHAN ZAC's POV

Matapos kong mag hilamos sa cr. Agad naman akong lumabas at tinungo ang hagdan pababa. Nang May narinig ako..

"Mahal Salamat ah? Kita ulit tayo later..." Isang pamilyar na pamilyar na boses ang naririnig ko at habang naglalakad ako papunta sa lugar na kinaroroonan ng babaeng nag sasalita..

"Tapos hanap ka pala ni mama pakita ka sakanya Lagot ka de joke lang. Haha.."

Pakiramdam ko tinutusok ng paisa isa yung puso ko ng karayom..

At nang mag kaharap kaming dalawa sa hagdanan. Nagka titigan kami..

Yung ngiti sa mga labi nya biglang nawala..

"Huh? Oo, sige.. b-bye. L-loveyoutoo." Medyo nauutal nyang sagot.

Nang mga sandali na marinig ko yun Agad Akong naglakad pababa ng hagdan. Kunwari Wala akong narinig o nakita.

Kunwari Wala lang. Kunwari okay lang ako.

Tunakbo lang ako ng tumakbo hanggang sa narating ko na pala yung likod ng school.

Yung mga katagang Gusto kong marinig mula sakanya. Masakit pala, kapag ikaw ang kaharap nya Pero sa ibang tao nya naman sinabi.

Naupo na lang ako dun..

Tulala.. Wala sa sarili.. walang pakialam kung May mga masasamang tao sa paligid..

.

.

DRAKE's POV

Nag lalakad ako sa corridor kasi hinahanap ko si Ethan. Kanina pa sya nawawala matapos nyang mag paalam na mag cr lang sya. Nag aalala na ang buong barkada sakanya. At saktong pag akyat ko ng corridor ay nakita ko Si Ethan papunta sa direksyon ko..

Pe-pero.. ibang E-Ethan ata ang nakikita ko..

Nakakatakot ang itsura nya ngayon. Lahat ng makakasalubong nya lumalayo sakanya, walang balak na banggain sya sa paglalakad. Walang may balak na humarang.

"B-bro?" Nauutal kong tawag sakanya. Mukha kasi talaga syang makakapatay ng tao sa itsura ng mukha nya ngayon.

Nanlilisik yung mata nya na sobrang nakakatakot talaga!

Agad naman Akong pumasok sa room, para ibalita sakanila.

Nang makapasok ako sa room.

"Guys! Si Ethan! Mukhang Wala sya sa sarili nya!" Natataranta kong sabi.

"Hahaha. Buti lang yun sakanya." Kumento ni Sharleen.

"Jaims, Spade maging alerto kayo. Kasi hindi ko pa tu nakita sa buong buhay ko!" Sabi ko.

"Ahh, Si Ethan." Turo ni Jaims sa kakapasok lang sa room ni Ethan.

"Mu-mukha syang d-demonyo." Nautal na sabi ni Maxine. Halatang bago din sa paningin nya ang nakikita.

"S-si Kuya ba talaga yan??" Natatakot na Tanong ni Nicole.



Dirediretso lang sya. Nang May dalawang estudyanteng siga na nakaharang sa daanan nya.

Nabangga sya nung isang lalaki.
Sobrang sama ng tingin sakanya ni Ethan.


"Ano?!" Inangasan sya nung lalaki.

"Sh*t! Spade, pigilan nyo sya please. Wag nyong hayaan na magsuntukan sila." Utos ni Melody na halatang alalang alala.

"Hindi kita kaklase, bakit nandito ka?" Seryosong Tanong ni Ethan.

"Bakit ikaw ba ang nagmamay ari ng room nato?" Tanong nung lalaki.


"Kung oo, Gusto kitang hamunin. At kung sinong mananalo sakanya tong room na to." Dagdag pa nung siga.


"Hoy! Kayong tatlo, sumunod kayo sakin! Gusto nyo pa lang mag suntukan ha, dali. Sali ako!" Sabi ni Spade saka hinatak yung tatlo palabas.

"Hays! Jaims! Drake! Sundan nyo!" Utos ni Melody.

Pero, tinignan lang namin sya ni Jaims.

"Ano?! Tsk. Kung hindi nyo yun aawatin, May dalawang estudyanteng mawawala sa landas ng paaralan na ito." Paliwanag ni Melody.

"B-bakit naging ganun Si Kuya Ate Melody??" Tanong ni Nicole.

"May isang pangyayare siguro kanina na sobrang nasaktan sya o ikinagalit nya." Paliwanag ni Melody.

"Kapag ba nagiging ganyan sya, nananakit sya ng babae?" Tanong ni Maxine na mukhang May takot na.

"Hindi pa nagawa yun ni Ethan. Pero, muntikan nya nang magawa noon." Sagot ni Melody.

Parang May naalala ako? Ah!

"Si Mean ba ang tinutukoy mo Melody?" Tanong ko.

"Oo, Drake. Naalala mo yun? Nung araw na Nag lalaro sila, tinamaan Si Ethan sa binti ng sinipa ni Mean yung upuan." Pag papaalala ni Melody.

"Hindi ko yun maalala. Ang naalala ko lang, takot na takot Si Mean nun kay Ethan. Kinwento nya kasi sakin na hinabol sya neto nang nanlilisik ang mga mata, mukha nga daw syang papatayin e." Kwento ko.

"Ganun? Bata pa lang, ganyan na Si kuya. Kaya ayoko syang nagagalit eh. Normal na galit pa nga lang takot na ko e." Kumento ni Nicole.


"Eh? Paano sya mapapatigil o maipapabalik sa normal?" Tanong ni Sharleen.

"Hindi ko talaga alam Shar eh. Tuwing mag kasama kasi kami nyan, kapag malapit na syang mapuno at ramdam ko na yung itim na aura nya, Agad ko nang iniiba yung usapan e. Para hindi na tumuloy. Alam nyo, Sobrang tagal na din ng huli syang magkaganyan. Dun pa sa unang babae nyang minahal. Pero, hindi sya dun nagalit. Sa kaklase naming May masamang balak sa babaeng mahal nya." Sagot ni Melody.

.

.

SPADE's POV

Matapos nyang makipag bugbugan dun sa dalawang unggoy, pinakalma ko na muna Si Ethan. Hinayaan kong makipag sapakan sya nang mailabas yung sakit at sama ng loob na nararamdaman nya.

Nakita ko kasing tumutulo yung luha nya habang pinagbubugbog yung dalawa. Kaya pinaubaya ko na.

Pero, inawat ko din sya nung hindi na makagalaw sa sakit ng katawan yung mga unggoy.

Ang hirap nyang awatin. Buti nalang tumalab yung magic word. Nakakacurious ba? Eto yun oh.

FLASHBACK

"Ethan, tama na!" Sabi ko habang inaawat sya.

Kaso, walang talab sakanya at tuloy pa din sa Pag alpas sakin at pinag susuntok pa din yung unggoy.

"Mapapatay mo na yan!" Dagdag ko pa baka sakaling matauhan ang loko. Pero Wala pa din. -_____-

Tsk! Isa na lang talaga!

Hinawakan ko sya sa magkabilang balikat saka iniharap sakin nang buong lakas ko.

Kumunot naman yung noo nya.



"Hindi matutuwa si Nicole kapag nalaman nyang tinuluyan mo yang dalawang unggoy na yan." Seryosong sabi ko sakanya.

Nakita kong natauhan sya sa sinabi ko.

"Pati Si Nate. Si Kuya Drew.. lalo na Si Tito." Dagdag ko. Nakita ko naman na pakonte konte nang nag babago yung mata ni Ethan.

"Spade.." binanggit nya yung pangalan ko. Pero bigla syang lumuhod, nakayuko at nakatukod yung dalawang kamay sa semento sa harapan nya.

Hinayaan ko lang sya dahil iyak sya nang iyak. Nasasaktan ako para sa kaibigan kong to. Sobra syang pinapahirapan ng Taong Mahal nya.



END OF FLASHBACK

Ngayon, alam nyo na ah.

Nandito kami ngayon sa canteen, para uminom ng iced tea para kumalma na ng tuluyan tong Si Ethan.

"Spade.. bakit ba.. hindi nya ako magustuhan? Pinaramdam ko naman sakanyang Mahal ko sya ah?" Tanong nya habang nakatitig dun sa baso ng iced tea na pina iikot ikot nya yung yelo.

"Napakamanhid kasi nung babaeng napili mo." Sagot ko. Mukha namang okay yung Sagot ko. Hindi na masyadong masakit yun kesa sa sabihin kong..


"Hindi manhid ang bestie ko! Ayaw lang talaga nya dyan sa kaibigan mo!" Pag sabat naman nung napakaepal na babae. -_____-

"Bwiset ka talaga e!" Napatayo ako sa upuan ko.

"Mas bwiset ka! Wag mo na paasahin Si Ethan sa Wala. Kaya Mas lalong nagmumukhang tanga e! Kayo din May kasalanan! Pag moveonin nyo na yan!" Sabi nya sakin.


"Tapos Ano?! Ikaw naman aasa na mahalin ka nya!? Hahaha! Sorry ka. Manhid sya sayo at hindi ka talaga nya Gusto." Sabi ko saka naupo.

Nabato ng ilang segundo yung epal bago naisipan umalis. Hahaha. Naiganti ko nanaman Si Ethan. Sa wakas!

"Sana hinayan mo na lang." Sabi ni Ethan.


"Kung hindi ako Si Peter Spade, makikinig ako sayo. Pero, ako Si Peter Spade Kaya malas mo." Sinabi ko nalang saka uminom nung iced tea.


Maya maya, umakyat kami sa room namin.

"Uwian na?" Tanong ko kina Drake. Kasi palabas na yung mga classmate namin.

"Oo, Kaya tara na." Aya ni Melody.

"Teka, Anong ginagawa ni Sharleen?" Tanong ni Ethan nang makitang busy Si Sharleen sa Pag sulat??

"Pinag check sya nang papers ni Sir Devin." Sagot ni Jaims.


"Sige na. Mauna na kayo. Dito na muna ako." Sabi ni Ethan saka nag kalkal sa bag nya.

Nang makakuha ng ballpen, lumapit sya kay Sharleen.


"Tulungan na kita. Para makauwi kana." Panimula nya.

Kung siguro ibang babae yan, matutuwa silang tulungan ng isang tulad ni Ethan. Pero, dahil Si Sharleen ang kausap ni Ethan..

"Kaya ko na to mag isa." Seryosong sagot nya habang Nag checheck. Ni hindi man lang nilingon Si Ethan.

"Kahit na sampu lang, para lang mapabilis." Pag pilit ni Ethan.

"Hindi ko nga kailangan ng tulong mo!" Medyo nataas na boses ni Sharleen.

"Wag kasing ipilit ang sarili sa taong ayaw sayo. Pinag mumukha ka na ngang tanga. Pinapatunayan mo pa." Eto nanaman yung epal na babae! -_____-

"Ethan, tara na!" Pasigaw kong sabi para matauhan sya.

Agad naman syang sumama samin.

"Napakasama pala ni Ate Maxine! Naiinis ako sakanya!" Sabi ni Nicole.

"Isa syang bruhang pakialamera!" Sabat naman ni Melody.

"Sarap sabunutan. Hays." Melody again.

"Wag girls. Kung Gusto nyong makatulong, makipag friends lang kayo sakanila." Bigla naman kaming napalingon lahat kay Drake.

"Anong sinasabi mo?!" Tanong ko.

"Kailangan kong makausap Si Sharleen. Para malaman natin kung ano ba talagang kasalanan ni Ethan bakit Kailangan nilang patamaan ng paulit ulit." Paliwanag ni Drake.

"Eh bakit pati kami?" Tanong ni Melody.

"Kase, Kailangan nyong gumawa ng paraan para mailayo Si Maxine kay Sharleen para makapag usap kami ng maayos." Sagot ni Drake.

"Sang ayon ako." Sabi ko. Tama Si Drake.

"Ako din." Pag sang ayon din ni Jaims.

"Nandyan ka lang pala, Ethan Zac. Pwede ka bang sumama muna saakin at May dapat tayong Pag usapan." Sabi ni Maam Jea.

"Sige." Sabi ni Ethan saka sinabayan na yung prof na maglakad sa corridor. Sumenyas naman itong sundan namin sya.

"Kayo nalang Spade at Jaims! May plano pa kaming tatlo eh." Sabi samin ni Melody saka kami tinulak.

Nang hindi pansin na sumusunod kami sakanila. Narinig kong nag salita Si Ethan.

"Ano ba talagang binabalak mo?" Tanong nya.

"Closure my dear." Sabi ni Maam. Anong ibig nyang sabihin??

Nang pumasok Si Maam Jea sa faculty.

"Jaims, Spade. Pagkalipas ng sampung minuto kumatok kayo, sabihin mo uuwi na tayo. Okay?" Sabi ni Ethan saka sinara yung pinto.

Sampung minuto?

Nang makalagpas ang sampung minuto.

*toktoktok

Agad naman bumukas yung pinto.


"Boys, what Are you doing here?" tanong ni Maam.

"Ahh, uuwi na po kase kami ni Ethan." Sabi ni Jaims.

"Oo nga. Maam, sa susunod mo nalang sakin ipagawa yun." Sabi ni Ethan. May iba dito, sigurado ako.


"Okay. See you later, Mr. Collins." Sabi ni Maam Jea saka isinara yung pinto.

"Anong see you later?? May date kayo??" Tanong ni Jaims.


"Mukhang May kakaiba sainyo ah. Pwede bang mag Paliwanag ka samin Ethan?" Sabi ko.

"Magpapaliwanag ako. Pero, sa susunod na lang. Tara na! Nasan sila Nicole?" Tanong ni Ethan.

"Nasa canteen daw, kasama sina Sharleen. Ginagawa daw nila yung plano nila." Paliwanag ni Jaims habang binabasa yata yung text nila Nicole.


Agad naman kaming pumunta sa canteen. Nakita namin sila agad, Mukhang nagagawa nila ng maayos yung plano nila.

Nang maupo kami sa table na inuupuan nila. Agad namang tumayo si Sharleen. Nag paalam kina Drake na uuwe na.

Nang makatalikod na sila nung babaeng epal.

"Sharleen! Can we talk?" Yung walang sawang mapahiya na Si Ethan, kinausap nanaman Si Sharleen.

"No." Agad na Sagot ni Sharleen.

"Kahit limang minuto lang. Sige na, may sasabihin lang ako." Pag mamakaawa ng kaibigan namin.

"Wala akong oras.. kasi Wala naman akong pake sa sasabihin mo." Pagkasabi ni Sharleen nun, umalis na sya Agad.

Tumakbo naman palayo si Ethan. At nakita kong hinabol sya nung epal na babae. Susundan ko sana kaso pinigilan ako ni Drake.

.

.

MAXINE's POV

Nang sabihin yun ni bestie, nagulat ako. Yun ata yung pinakamasakit sa lahat ng patama namin sakanya. Mukhang napuno na talaga Si bestie sa kakulitan ni Ethan.

Hinabol ko Si Ethan nung tumakbo sya. Naawa ako sakanya. Matapos akong kausapin nila Nicole, Melody at Drake. Akala ko galit sila sakin. Pero, hindi. Ang sabi lang nila, sana makita kong sobrang nasasaktan Si Ethan at kung Mahal ko daw talaga sya, magsosorry ako sakanya. Kung Gusto ko daw talagang magustuhan nya, Wag kong hayaan na magalit sya sakin.

Nakita ko Si Ethan na nakaupo sa sahig, sa corridor. Nakasandal sa pader at nakatingin sa kawalan.

Umupo ako sa tabi nya. Hindi nya yata ako napansin Kaya tinawag ko na sya.

"Zac." Natauhan naman ata sya.

"Sorry sa lahat ng nasabi ko kanina. Sa pang aasar at patama ko sayo. Sana mapatawad mo ko sa nagawa ko." Sabi ko saka napayuko.

"Wala yun. Hindi naman ako galit sayo e." Sabi nya.

"Okay lang Zac, sabihin mo sakin yung totoo na galit ka talaga okay lang." Sabi ko.

"Hindi talaga Maxine e. Pero, bakit kahit na alam mong Mahal ko sya.. nandyan ka pa din, para kausapin ako?" Tanong nya.

"Kasi nga, Mahal kita Zac. Katulad ng Pag mamahal mo sakanya, kahit gaano kasakit matitiis ko. At Kahit gaano katagal bago mo sya makalimutan, iintayin kita." Sabi ko sakanya.

"Masyadong mahirap ang bagay na yun." Sabi nya.

"Tutulungan kita. Pangako, tutulungan kita." Para ako na ang mahalin nya. Tsk.

"Salamat Maxine. Bakit ikaw nakakausap ko? Pero, sya hindi?" Tanong nya.

"May mga tao talagang temporary lang, Kaya Wag ka masyadong umasa na mag iistay lahat." Huli kong payo sakanya bago nya naisipan ng umuwi.















Continue Reading

You'll Also Like

19.8M 538K 62
A good girl who will break all her rules for the bad boy who will break all his rules for her, too. Teen Fiction ❤️
326M 6.8M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
2.2M 100K 38
[Published Under LIB x Wattpad] Peñablanca Series 1: Brave Hearts "Fragile but brave..." Amalia Argueles has adored the charming basketball captain A...
596K 6.8K 44
"Hindi naman ako 'yong klaseng angel na inaakala mo." - Ayara - Date Started: June 06, 2023 Date Finished: June 23, 2024