"No matter how STRONG of a person you are ,there's always someone who can make you weak."
***
NAKAHIGA ako sa kama habang yakap yakap ang unan ko. Nakatingala lang ako sa kisame habang hinihintay ang pagbabalik ni Calvin. Lumabas lang kasi s'ya saglit dahil may bibilhin daw sa may convenient store jan sa kanto. Hindi na ako sumama dahil ang totoo lang gusto ko talagang mapag-isa ngayon.
Kakauwi lang namin galing sa mall dahil nagyaya ako na umuwi agad .
Dinahilan ko nalang na hindi maganda ang pakiramdam ko. Pero ang totoo talaga ay dahil sa nalaman ko na panloloko sa'kin ni Carl. Kahit anong gawin kong pagwaksi sa isip ko ng nakita ko kanina ay hindi ko magawa. Parang echo yun na pault ulit na pumasok sa isip ko.
I am still in the state of shock because of what I've discovered. Hindi ko nga alam kung nabroken hearted ako dahil mas nangingibabaw ang pagkabigla ko sa nalaman ko. Who wouldn't? Nalaman mo ang matino mong boyfriend ay niloloko ka! I just couldn't believe that Carl can do this. I know Carl , bago ko pa man siya sinagot noon ay inalam ko muna ang pagkatao n'ya. And his a one woman kind-of-a-guy.
But he cheated on you, Georg! Singhal ng kabilang bahagi ng isip ko.
Totoo nga siguro ang sinabi ni Calvin noon.. Walag matinong lalaki. Lahat ng lalaki ay pareho lang ang likaw ng bituka. Pero saan ba ako nagkulang para lokohin ako ni Carl?
Naputol lamang ang pag-iisip ko ng marinig ko ang pagbukas ng pinto sa may labas. Ilang sandali lang din ay pumasok si Calvin sa may kwarto ko. May dala siyang malaking supot. Napatingin naman ako sa itsura n'ya at hindi ko mapigilang mapangiti sa sarili ko dahil nakalukot iyon. Ewan ko ba kung bakit tuwang tuwa ako sa tuwing nakabusangot ang muka n'ya. Ang cute cute n'ya kase kapag ganun ang itsura n'ya. Tsaka para s'yang bata..
"Oh.. Bakit ganyan ang itsura mo?" Nagtatakang tanong ko sa kan'ya habang bumabangon sa pagkakahiga ko. Umupo naman siya sa may dulo ng kama..
"Tangina kase nung baklang cashier sa may 7-11.. Hinihipuan ako.. Kingina kadiri!" Gusto kong matawa dahil sa itsura n'ya ngayon pero baka mas lalong mainis lang sa'kin ang unggoy na'to kaya napakagat nalang ako sa ibabang labi ko para mapigilan ang pagtawa ko.
"Paano mo naman nasabi hinihipuan ka?..."
"Ayaw n'ya kasing bitawan 'yung kamay ko nung inabot ko yung bayad sa kan'ya. Tangina n'ya kapag nakita ko ulit s'ya babasagin ko na ang muka n'ya.." Naiinis n'yang sabi. Ako naman ay hindi ko na mapgilan ang pagtawa ko. I burst out laughing because of his grumpy face. ngumuso lang siya "Akala ko ba masama ang pakiramdam mo?" Takang tanong n'ya sa'kin kaya napahinto ako sa pagtawa.
"Ayos na ako.."
"Gusto mo lang siguro akong masolo kaya nag-yaya kang umuwi." Nakangising sabi n'ya. Naibato ko naman sa kan'ya ang unan ko ng wala sa oras.
Iniisip pa ba ng lalaking 'to ang mga sinasabi n'ya? "Gago mo! Mandiri ka nga sa sarili.."
"Alam mo babe, okay lang naman kung pinagseselosan mo 'yung mga chicks na nakatingin sa'kin kanina sa mall. Walang kaso 'yun. Kaya lang ilagay mo naman sa posisyon ang pagseselos mo dahil kaibigan lang kita." Sabi niya dahilan para matigilan ako.
Pakiramdam ko eh sinampal n'ya ako sa sinabi n'yang 'yun. I know that it's a joke. Pero bakit ganito? Parang nasaktan ako sa sinabi n'ya na kaibigan lang kami?
Why Georgina? Do you expect something between you and Calvin? Gusto mo more than friends ? Natigilan ako. Did I really want us to be more than friends? Confusions started to eat me. Lihim nalang akong napailing dahil sa mga naiisip ko. Baka kaya lang ako nagkakaganito dahil sa nalaman kong panloloko ni Carl sakin kaya nagkakagulo ang isipan ko.
"Okay ka lang , babe?" Bumalik ako sa sarili ng mag-salita si Calvin. Napansin siguro nito na natigilan ako. Marahan lang akong tumango sa kan'ya.
"Amin na nga yang dala mo. May pag-kain ba jan?" Sabi ko sa kan'ya para ibahin ang usapan. Iniabot naman niya sa'kin ang supot na dala n'ya kanina at mabilis kong tiningnan ang laman nito. May cup noodles , corn chips , soda in can at..... what the fxck?!? Nanlaki ang mata ko ng makita ko ang foil na nakahalo sa mga pinamili n'ya. Hindi ako inosenteng tao para hindi malaman kung ano ang laman ng foil na'yun.. Agad ko yung kinuha at binato kay Calvin. Humalkhak naman siya dahil sa ginawa ko. Halos pamulahanan ako ng muka dahil sa kalokohan n'ya.
Gagong 'to! Hindi man lang nagsabing merong condom dito.
"Gago ka! Bakit ka bumili n'yan?" Salubong ang kilay na tanong ko sa kan'ya. Hindi parin s'ya tumitigil sa pagtawa kaya kinuha ko ang isang cup noodles at binato 'yun sa kan'ya. Tinamaan ko naman siya sa ulo kaya tumigil s'ya sa pagtawa. Kamut-kamot nya ang ulo na tinamaan ko habang pinulot n'ya ang binato kong cup noodles.
"May pinag-gamitan kasi ako kanina kaya naubusan ako kaya bumili ulit ako para may stock. Alam mo na in case of emergency.." Nakangiti pa ang loko. Akala n'ya siguro hindi ko alam na si Veronica ang pinag-gamitan n'ya. May mas kadiri at luko-luko pa ba sa unggoy na'to?
"Wala na bang laman yang isip mo bukod sa s3x?" Nandidiri ang tingin na sabi ko sakan'ya. Napaisip naman siya na akala mo eh may utak. May utak naman siya pero puro kalokohan at kapilyuhan naman ang laman.
Maya maya ay napangiti siya "Bukod sa s3x? Kumain.. nakakagutom kayang magkipags3x--- Aray!" Reklamo nito habang kamut-kamot ang ulo na binatukan ko. Ang bastos talaga ng Montemayor na'to . Walang matinong sinasabi. "Bakit mo ako binatukan?" Nakasimangot ang muka nito na kamut-kamot parin ang ulo.
Inirapan ko naman siya "ang bastos mo eh.."
"Nagtatanong ka tapos ikaw pa 'tong magagalit.."
"Sino ba ang matutuwa sa sagot mo Montemayor? Puro kahalayan iyang lumalabas sa bibig mo.."
"Matino naman ang sinabi ko aa?"
"Asan ang matino doon aber?"
"Lahat ng sinabi ko.."
Matino ba 'yung puro kabastusan ang sinabi n'ya? Hindi na talaga titino ang unggoy na Montemayor na'to. Nasa dugo na yata talaga ng mga Montemayor ang pagiging pilyo at malikot sa mga babae at patuay na ang isang 'to. Once a Montemayor always be a Montemayor. Napapailing nalang ako na bumangon sa kama at kinuha ang pinamili n'ya. Nagutom ako sa kalokohan ng unggoy na'to kaya kakain muna ako.
"Asan ka pupunta?" Tanong nito sa'ken. Prente na siyang nakahiga sa may kama ko. Nakaunan pa ang kamay n'ya sa may ulo n'ya.
"Kakain..." Maikling sagot ko lang sa kan'ya bago tuluyang lumabas ng kwarto ko at nagtungo sa may kusina. Kinuha ko ang cup noodles at binuksan 'yun. Pagkatapos kong maihalo ang mga spices nun ay sinalinan ko naman ito ng mainit na tubig. Tinakpan ko muna iyon at hinintay na maluto ang noodles nya at makalipas lang ng ilang minuto ay naluto na rin nman ito. Naupo ako at tahimik na kumain. Maya maya lang din ay sumunod ang unngoy nasi Calvi at katulad ko ay nagluto din siya ng noodles at tumabi sakin pagkatapos.
Tahimik lang kaming kumakain.
"By the way, kamusta na pala si Carl?" Naitanong n'ya maya maya dahilan para mabilaukan ako.
Geez ! Ito na nga ang sinasabi ko eh! Hindi pa kasi nito alam ang nalaman ko dahil ayaw ko namang ichismis sa kanya dahil problema ko to sa boyfriend ko, at isa pa baka kapag nalaman n'ya eh baka manghiram ng mukha sa aso si Carl... Hindi imposibleng mangyari 'yun.
"Erh.. B-busy s'ya ngayon eh.." Pagsisinungaling ko. Napansin ko naman na nagsalubong ang kilay n'ya.
"Asan s'ya busy?"
"Andami mong tanong Montemayor!" Naiinis kong sabi sa kan'ya sabay higop sa cup noodles.
Tumingin naman siya sakin "I was just curious. Antagal ko na kasing hindi nakikita ang boyfriend mong 'yun.."
Hindi ko mapigilang hindi ngumiti dahil sa sinbi nyang yun. Kung may anong kapilyahan kasi ang pumasok sa isipan ko "Aminin mo nga Montemayor..." Nakangising sbi ko sa kan'ya. Nilangkapan ko pa ng nanunudyong tingin dahilan para mapakunot ang noo n'ya.
"Aminin ang?"
"Type mo si Carl 'no?.." Diretsahang sabi ko. Nanlaki naman ang mata n'ya sa sinabi kong yun. Ako naman ay natawa dahil sa naging reaksyon n'ya.
"Are you telling me that I'm gay?"
"Bakit hindi ba?" Pang-aasar ko pa sa kan'ya. Ansarap lang kasing asarin ng lokong 'to dahil mabilis itong mapikon kapag inasar s'ya.
"Sa dami ng babaeng naikama ko , ngayon ka pa magdadalawang isip sa pagkatao ko?" Puno ng pagmamayabang n sabi n'ya. Hindi ko naman talaga pinagduduhan ang kasarian n'ya. Pinagtitripan ko lang talaga s'ya. Gustonh gusto ko kasi ang itsura n'ya kapag nakabusangot 'yun.
"Eh paano kung nakikipagtsuktsakan ka dun sa babae tapos lalaki pala siya sa isip mo?" Saad ko.
Nasilayan ko na ang pagkainis sa muka niya. It means that I'm winning.. Hahaha
"Hindi nga sabi ako bakla eh!" Naiinis na sabi pa nito.
"Asus! Kumwari ka pa, berde naman talaga ang dugo mo eh!"
Humarap siya sa'kin, salubong ang kilay "Isa pang asar mo.. Hahalikan kita.." Seryosong sabi n'ya. Napatingin ako sa kan'ya dahilan para magsalubong ang tingin naming dalawa .Napalunok ako ng wala sa oras. Seryoso ang mukha niya ngayon. Hindi ko alam kung tototohanin niya ang sinabi o baka tinatakot lang n'ya ako para tantanan ko na siya sa pang-aasar ko sa kan'ya.
"Bakla!" hindi ko alam kung ano ang nagtulak sa'kin na tawagin siyang ganun. Ngunit huli n para bawiin ko pa iyon.. Naramdaman ko na lamang ang paglapat ng labi niya sa may labi ko. At sa hindi ko malamang dahilan ay kusang pumikit ang mga mata ko.
**
Short update..
Kamusta bakasyon ?