CHAPTER THIRTY
DATE CREATED:May 24, 2016
Vacation’s over. Nangingiti ako sa mga naawa kay Kauru. Ako din guys, Hindi ko alam kung bakit siya ang kawawa sa story na ito. Double check kayo sa votes and comments and this is your reward, Enjoy.
MARIEL'S POV
"Jeff! Hintayin mo naman ako! " Pero parang wala siyang naririnig at pumasok nasa study room niya. Sinundan ko siya at isinara ang pinto.
"Kailan? Kalian mo pa ako niloloko?! " SIgaw niya agad sa akin.
"Jeff, Nakita lang ako ni Kauru kanina! Hindi ako nakipagtagpo! Tingin mo ba makikipagkita pa ako sa kanya kung may asawa na ako?! " Akala ko ay maguguilty na siya pero tumingin siya sa akin ng diretso.
"Bakit? Diba nakikipagkita ka din sa akin kahit kayo ni Kauru? Maybe history repeat itself? Please Mariel, Madami na akong ginagawa wag ka nang dumagdag. Kaya pwede iwan mo ako? " Tumalikod na siya sa akin at umupo ulit sa harap ng monitor.
Bakit ba naging ganto siya? Hindi ito ang Jeff na minahal ko. "Nagbago kana Jeff, You’re not the same Jeffrey I used to loved. " Natigil siya sa pagtitipa at tumingin sa akin.
"Then you don’t loved at first, Mariel…" Doon ako tumigil. Pinagdududhan niya ba ang pagmamahal ko sa kanya? "… This is me. The real me, so deal with it. If not, then the door Is open. You can leave. " Sabi niya sa malamig na tono.
Ngumiti ako ng mapait. "Edi wow, Bahala ka sa buhay mo! " Dali dali akong umalis pero hindi nakatakas sa pandinig ko ang mga narinig ko bago isara ang pinto.
"Yes, Cammille. Inaasahan kita. It’s a da---. " at hindi ko na narinig ang kasunod noon dahil na isara ko na ang pinto. Bumaba ako sa kusina para uminom ng tubig dahil naninikip ang dibdib ko sa mga narinig ko kay Jeff. Masyado ba akong naging demanding sa oras niya kaya nasasakal na siya at naging ganto siya kalamig?
Inubos ko ang isang basong tubig kaya medyo narelax ako. "So hiwalay na ba kayo ni Kuya? Pwede na ba kitang mabawi? " Nagulat ako ng pagsara ko ng ref ay nasa harapan ko na si Kauru. Tinitigan ko siya maigi. Mas gumwapo siya, mas naging malaman hindi mataba ah? Mas naging manly ang pangangatawan niya.
Bakit ganoon? Gusto ko siyang yakapin? Mariel, ano bang pinag-iisip mo? Si Jeff na diba mahal mo? Ano pang sinasabi mong gusto mong yakapin siya?
"Done checking me out? Mariel, Nararamdaman ko…" Tinulay na ni Kauru ang pagitan naming dalawa kaya mas nakita ko siya ng malapitan. May hindi pala nagbago sa kanya, Ang pabango niya. "..You still like me, Babe. And alam mo naman kung bakit ako nandito. I want you back. Whatever it takes, babalik ka sa akin. " Ngumiti siya sa akin at niyakap ako. Hindi ko napansin na nakayap na pala ako sa kanya. Bakit ganto ang nararamdaman ko? Tama si Kauru, May nararamdaman pa ako sa kanya.
Pero may nararamdaman na din ako kay Jeff.
Sino ba talaga ang totoo kong mahal?
THIRD PERSON’ POV
Pumasok na siya sa unibersidad ng makasabay niya ang S.H.I.T Girls. Sina Linette, Lyra, Lyre, at Railey. Pag nga tinatawag niyang S.H.I.T Girls ang mga ito ay tig-iisang sabunot at sampal ang inaabot niya kaya sa isip nalang niya sanasabi iyon.
"Good Morning, Girls! Second Sem na! " Excited na sabi ni Linette. Ngumiti nalang siya. Oo nga, Second Sem na. Panibagong subject na naman ang paghihirapan niya para makapasa.
"Oo nga, Tapos balita ko mahirap daw yung programming! Nako, Magshift na kaya ako? Sino kaya Prof natin doon?" Sunod-sunod na tanong ni Railey.
Doon niya lang naalala professor niya pala si Jeff sa programming! Nangiti siya ng maalala niya iyon. Kung kahapon ay nagkasagutan sila, ngayon ay gusto na niya itong batiin matapos ng ginawa sa kanya ng asawa.
FLASHBACK
Maaga nagising si Mariel dahil unang araw ng pasukan nila para sa second semester ng kanilang semester. Hinawakan niya ang kabilang bahagi ng hinihigaan niya. Walang gusot at malamig. Ibig sabihin ay hindi na naman ito natulog katabi niya. Malamang ay sa study room na naman ito natulog. Mas lalo siyang nainis sa asawa, napahawak na lang siya sa palasing-singan. Napawi konti ang pagkainis niya. Ngumiti nalang siya ng pilit at pumasok sa banyo. Binilisan lang niya maligo para makasabay si Jeff papunta school dahil ganto naman ang kinagawian nila. Gusto na niya makausap ang asawa. Kung ano ba talaga ang gustong mangyari ng asawa niya. Pagbukas niya ng pintuan ng kwarto ay nakalapag sa sahig nila na isang box. Kinuha niya iyon at binuksan, naglalaman pala ito ng isang cupcake. May naka ipit doong papel. Binasa niya ito.
I’m sorry…
-J
Akala niya ay mahaba haba ang nakasulat pero salitang ‘I’m sorry’ lang pala ang nakalagay. Sinara niya ang pinto at umupo ulit sa kama. Kahit maikli lang iyon ay nangiti siya. Atleast alam na nito na may kasalanan siya. Hindi naman niya kayang tikisin ang asawa ang mahalaga ay humingi na ito ng tawad.
END OF FLASHBACK
"Earth to Mariel! Hello? " Naagaw ni Lyre ang kanyang atensyon. Hindi na niya napansin na malapit na sila sa room nila.
"Bakit? " Tanong niya.
MARIEL’S POV
"Ang sabi ko, sana si Sir Jeff pa din ang prof natin. Sayang naman kasi ang biceps niya kung hindi natin masisilayan" Nakita ko pang kuminang ang mata.
"Oo nga, Siya prof natin sa Comp Prog. " Walang preno kong sabi.
"How did you know huh? " Tanong ni Lyra. Napitlag ako doon. Patay, ano sasabihin ko?
"Ah, Eh, Kuwan…" Hindi ko alam ang isasagot ko.
"Instinct! Kayo naman girls! Parang hindi niyo alam na palaging nasa dreamland itong kaibigan natin na ito. " Inakbayan ako ni Linette habang pinapaniwala ang iba naming kasama. Nakahinga ako ng maluwag. Tumango tango naman sina Lyre.
"Alam mo Mariel? You should move on! Nagmumukha kanang ilusyonada! Haha. Ikaw ba asawa at alam mo sched niya?" Pabirong tanong ni Railey. Parang nairita ako sa sinabi niya.
"I’m not. Hindi ko ilusyunada. Sinabi niya sa akin na siya daw ang magtuturo sa atin sa programming. Kung ayaw mo naman maniwala ay wag. Walang pumipigil sayo. " Inalis ko ang pagkaka-akbay sa akin ni Linette at nauna nang pumasok sa room. Umupo ako sa bandang hulihan. As usual katabi ko sila pero nasa dulo namin si Railey na walang imik at seryoso ang mukha. Ayoko muna siya kausapin. Naiinis ako.
Mas lumapit naman sa akin si Linette. "Girl, Sigurado ka ba dyan? Sa sinasabi mo kanina? " Tanong niya sa akin
"Bakit ba ayaw niyong maniwala sa akin? Ikaw, Linette. Alam mong asawa ko siya diba? At sinabi niya sa akin iyon. Bakit ako magsisinungaling? "
"Hindi naman sa ganun pero--"
"Pwede ba Linette. Alam kong mas matagal mo silang nakasama pero sana wag kang maging bias. Kung gusto niyo hintayin natin ata alam kong siya ang papasok sa subject na ito. "
"Kasabay mo ba siya? "
"Hindi, pero wala na siya sa bahay ng umalis ako kaya alam kong nauna na siya. " Sagot ko. Hindi narin siya umimik pa ulit.
Mga ilang minuto din ay pumasok na prof namin. Ipapakita ko sa kanila na hindi ako nagiilusyon.
"Good Morning! Wow, Akalain niyo magiging hawak ko na naman kayo sa isang subject? Nice to see me ba? Ikaw Ms. Mariel? Parang blooming ka ah? "
Karamihan ng kaklase kong babae ay sa akin nakatingin. Paano ba naman kasi ay binate ako ng isang gwapong prof. Kikiligin na sana ako eh. Pero napawi ang ngiti ko dahil hindi siya ang inaasahan kong prof namin. Bakit hindi siya ang kaharap naming ngayon?
"I’m good, Mr. Aquino. " Pilit akong ngumiti. Siniko naman ako ni Linette.
"Bakit mo ba kasi nasabi na si Hubby mo ang prof natin? Hindi mo ba binasa ang COR natin? " Umiling ako.
"Then tingnan mo ngayon. Gaga ka din at kalahati eh" Napakamot na sabi ni Linette.Kinuha ko sa bag ko ang COR ko at tiningnan ang mga Prof na magtuturo sa amin. Para akong sinaksak dahil hindi ko nakita ang pangalan ng asawa ko at ang narinig ko ngayon.
"And sa mga hindi nakaka-alam. Sir Jeffrey Costaniez is no longer a part of our faculty,
He resigned last week. " Pagkasabi noon ni Jigs ay nagsulat na ito sa whiteboard.
JEFFREY’S POV
Abala ako sa mga papeles na kailangan ko pang basahin at intindihin. May kumatok sa pintuan ng opisina ko. Inis kong niluwagan ang necktie ko.
"Come in! " Pagkailang Segundo ay pumasok ito na may daladalang papeles.
"Jeff, Pinapatanong ni Tita kung nareview mo na daw yung ibinigay ko sayo last Sunday? Yung kay Mrs. Posner? " Pumikit nalang ako at inisip si Mariel. She must be at school sa gantong oras. Sana nagustuhan niya ang ginawa kong black forest cupcake. Dapat nga ay cake kaso wala na akong mahabang oras para gawin iyon. Medyo gumaan ang pakiramdam ko ng alahanin ko ang masasayang alaala naming magkasama. I hope she understand that my mother, our company needs me.
"Yes, and please paki-set ako ng appointment kay Mrs. Posner. May gusto lang ako idiscuss sa kanya bago ko pirmahan ito. " Pagkasabi ko noon ay bumalik na ako sa pagbabasa. Akala ko ay naka-alis na si Cammillle pero inaangat ko ang mata ko at nakita kong nakatingin siya sakin habang nakangiti.
"Why? " Maikli kong tanong. Marami pa akong dapat tapusin. Dapat ay wala akong sinasayang na oras.
"Wala, Natutuwa lang ako kasi you’re back. Dito sa kompanya. Akala ko ay habang buhay kana magtuturo. "
"Yeah, I’m back pero temporary lang. Nasa ibang bansa kasi si Mama para asiksuhin naman si mamita ang mga naiwan nitong gawin doon so I have no choice kaya ako bumalik dito. "
"Bakit ba gusto mong magturo? You have plenty of money kaya hindi mo na kailangan pang magtrabaho ng sobra. Wala pa nga sa kalahati ng sweldo mo sa pagtuturo ang pumapasok ng pera dito sa kumpanya araw araw. Enlighten me, Jeff" Umupo naman si Cammille sa sofa.
Ngumiti ako bago sumagot "Kasi iyon ang passion ko. Iyon ang gusto ko, ang maibahagi ko sa kanila ang kaalaman ko. Hindi ko habol ang sweldo doon, kagaya ng sinabi mo, Mas malaki ang pumasok na pera dito kesa sa pagtuturo ko pero masaya ako kasi alam kong may natutulungan ako na makamit nila ang magandang future… " Mas lumaki ang ngiti ko ng makita ko ang singsing naming ni Mariel. Itinaas ko iyon kay Cammille. "…And I found my beautiful wife there, so I don’t regret being a professor. Satisfy? " Nawala ang mga ngiti niya kanina na para bang may sinabi akong hindi maganda.
"Ah, may asawa kana pala? Bakit hindi mo naman sinabi? I thought we’re close friends? Magkababata tayo ah? Tapos hindi mo manlang ako inimbita? " Naramdaman ko sa boses niya ang pagtatampo.
"Yes, Happily married. Nasa Davao ka kasi tapos nawalan ako ng communication sayo. Sabihin mo nga paano? " Pabiro kong sabi.
Pero hindi naman na ngiti kahit konti si Cammille. "Sige Jeff. Meron pa akong tatapusin na report. " Dali dali itong lumabas sa opisina.
Hindi ko na inisip kung bakit nag-iba ang mood ni Cammille basta ang mahalaga ay maayos ko ito lahat sa madaling panahon.
Para matapos ko na ito.
At makasama ko na siya habang buhay.
MARIEL’S POV
"Hala bakit nagresign si Sir Jeff? Sayang gwapo pa naman nun? "
"Oo nga eh, diba nabalita pa may relasyon sila ni Ma’am Tricia? Sila kaya? "
Naririnig kong kwentuhan ng kabilang table namin sa Cafeteria. Hindi ko nalang ito pinansin at nagpatuloy nalang kumain.
"Girl, Hinay. Two hours pa vacant natin" Sabi sa akin ni Linette. Wala sila Lyre, Lyra, at Railey. May sariling mga gala ang mga iyon. Hindi ko parin pinansin si Railey. Ewan ko ba feel ko lang. baka bukas ko nalang pansinin siya.
"Bakit nga pala nagresign si hubby mo? " Tanong niya. Maski ako ay walang alam. Bakit hindi manlang nasabi sa akin ito ni Jeff? Masyado ba siyang busy para sabihin sa akin na ‘Nagresign na ako’ Period. Nagmukha akong tanga. Naturingan asawa ako pero ano?
"Ewan." Nagpatuloy lang kumain.
"Anong wala, Mariel? Asawa mo yung tao pero hindi mo alam? Tanga ka b--"
"Tanga ako. Period"
"Seryoso? Bakit ganoon? Hindi ba kayo nag-uusap? "
Hindi ko na kinaya na magsawalang kibo. "Oo, hindi kami nag-uusap hindi na nga kami sabay matulog! Minsan hindi kami nagkikita ng dalawa o tatlong araw at nakababad lang siya sa monitor! " Nawalan na ako ng gana sa pagkain dahil narealize kona na iba na ang lahat, Lahat ay nagbago na. Ako nalang ang hindi make-get over.
"Ano na naman ginawa sayo ng lalaking iyon?! Sabi ko na nga ba eh! Hindi talaga siya makakapagtiwalaan eh! Iharap mo siya sa akin ngayon! Tawagan mo!"
Sabi ko na nga ba eh. Kaya ayokong sabihin pero wala naman akong mapaglabasan ng sama ng loob. "Wag na Linnette. Busy iyon sa susunod nalang. "
"Ay hindi baka sa susunod ay mapatay ko na siya. Nasaan na ba yang walang hiya mong asawa?! "
"Hindi ko nga din alam eh. " Nahihiya kong sabi. Tiningnan naman niya ako matalim.
"What?! Then where the hell is he?! " Napasigaw na si Linnette at pinagtitinginan na kami dito.
"Nasa South Korea. " Sabi ng lalaking nasa likod ko ito. Hinarap ko ito. Sana pala ay hindi ko na ito hinarap.
"He’s in Korea. In case you didn’t know babe. And I know matatagal siya doon. And you know what? " Nakangiti nitong tanong. Na para bang wala akong ginawa sa kanyang masama. Hindi ko nalang ito pinansin pero si Linnette ata ay kanina pa nakatingin sa kanya.
"Pwede na kitang ahasin sa kanya. At pwede ko nag simula ngayon iyon. " may inaabot siya sa aking rosas. Hindi ko napansin na tinanggap ko iyon.
Nagulat nalang ako ng may humila sa akin "Pwede ba Kauru, lubayan mo kaibigan ko! Alam mo naman ang sitwasyon gagatong ka pa! Tara na nga Mariel! " Hinila na ako ni Linnette pero bago kami makalayo ay may sinabi pa siya.
"Call him. And you will know the truth. " at tuluyan na akong nahila ni Linette.
Happy 10k Reads! Wow, salamat! Lalo na sa mga nagcocomment. Haha alam niyo na kung sino kayo mga pumipila kay Kauru. Haha.
NOTE:
4 COMMENTS
OR
6 VOTES
IN EXCHANGE OF MY UPDATE. OKAY?
NOT EDITED. SORRY SA MGA TYPOS OR ERROR.
WRITTEN BY: ZiamIsLove143