Chapter 3
"Bem? Bem!" Sabi ni bem habang inaalog yung balikat ko. Na-tauhan naman ako at na-balik sa reality. Nakita ko na naman si bem na naka-pout.
"Naki-kinig ka ba?!" Sigaw niya naman. Ngumiti labg ako ng alanganin sa kanya.
"Ah-eh. A-Ano nga ulit yung sinasabi mo, bem?" Sabi ko naman sa kanya. Inirapan niya naman ako. Sorry na daw kung hindi ako nakikinig.
"Hay! Bakit ba di ka nakikinig? Daldal ako ng daldal tapos ikaw di ka naman pala nakikinig. Na-sayang laway ko sa'yo, bem. Promise!" Sabi niya na naman sabay kain ng pagkain niya.
Iniisip ko lang kasi yung narinig kong sinabi ni gee-enen-snib kanina nung nag-walk out ako. Ewan ko ba kung bakit nungg narinig ko yun di na ma-alis sa isip ko.
Ano ba kasi yung masakit? Yung alin? Yung bugbog ni Paul sa kanya o yung winalk-outan ko siya o yung di ako nag-thank you sa kanya?
Eh kasalanan niya naman eh! Sino ba kasi nag-sabi sa kanya na tulungan ako? Hindi naman sa pagiging mean pero, kaya ko naman eh. Isang sipa ko lang sa ano nun taob na ulit yun.
Na-bugbog pa tuloy siya. Oo na-appriciate ko yung ginawa niya para sa akin. Pero, na-bugbog din siya ng dahil sa akin. Konsensiya ko din yun ah. Isang taong di ko kilala, mabu-bugbog ng dahil sa akin.
Tapos sinasabi niya na dahilan kung bakit niya aki niligtas kasi nga.... Mommy niya daw ako. Tapos ayaw niya akong nakikitang nasasaktan.
Oh diba? Isa pang magulo yun! Ayaw niya ba akong nakikitang nasasaktan kasi nga ini-insist niya na nanay niya ako o ayaw niya akong nakikitang nasasaktan kasi may ibang meaning?
Nakaka-inis kang gee-enen-snib ka! Nakaka-hilo mag-isip. Tapos isa pa, paano niya ako napuntahan dun sa hallway na yun at sa company? Psh. Stalker siya. Ay! Ayoko na mag-isip. Nakaka-hilo talaga.
"Bem!!! Sa lalim ng iniisip mo, dinaig mo na Pacific Ocean. Ano ba kasi yang iniisip mo?" Sabi naman ni Bem. Umiling na lang ako. Di ko pa-feel mag-salita.
"Eh ano ba kasi yung nangyari sa inyo ni Paul nung hinila ka niya palabas ng studio?" Sabi niya ulit pero ako, wala. Tulalaylaylay.
Bumuntong-hininga na lang ako. Ewan. Parang feeling ko ang bigat-bigat ng pakiramdam ko. Parang nung narinig ko yung boses ni GNNCNIB na malungkot, nahawa na din ako sa sadness niya.
Hala ka, Maika. Anong ginawa mo kay gee-enen-snib? Hala ka pag umiyak yun. Paktay ka.
Manahimik ka nga. Wag mo akong konsensyahin.
Paano ko hindi gagawin yun? Eh konsensya mo ako. Trabaho ko yun.
Hindi ako noob. Alam ko naman na konsensya kita. Pwede ba? Shuttap ka na lang!
Bahala ka. Ikaw din. Basta tandaan mo. Mamaya magiging noob ka. Pramis yan.
So ano? Guru ka na din ngayon? Hayy!
I'm getting damn crazy. Kinakausap ko na ang sarili ko. Hay gee-enen-snib! Ano ba kasi ginawa mo sa akin?!
*
"Nako! Maika! Buti dumating kana!" Sabi ni kuya Roger. Kapitbahay ko. Pauwi na kasi ako ngayon.
"Bakit po kuya Rog? May problema ba?" Sabi ko naman. Sinabayan na din ako ni Kuya Rog sa pag-lalakad.
"Kasi kanina may nakita kaming isang lalaki na tumalon mula sa bakod ng bahay mo. Eh dahil nag-mamalasakit kami, binugbog namin yung lalaki. Suntok dito! Suntok dun! Tapos ayun! Kapow! Wala na yung magnanakaw! Tulog!" Sabi ni Kuya Rog with matching gestures pa.
"Talaga? Nako! Salamat kuya Rog ha! Baka kung ano na nangyari sa bahay ko. Salamat po ah! Sige po. Salamat ulit!" Sabi ko sabay takbo sa bahay.
Nako! Ang baby bahay ko! Paano kung may nanakaw yung mag-nanakaw? Hayy! Paano kung may nanakaw siya sa Mickey Mouse collections ko? Oh no. Di pwede.
Pumasok ako sa gate at laking gulat ko na nandun yung tatlong damulag sa harap ng bahay ko. Si gee-enen-snib naka-upo at hawak yung baba niya tapos inaasikaso nung chinito at naka-salamin.
What is happening?
"Mommy! Mommy! Buti umuwi ka na! Wahhh!" Sabi nung naka-salamin sabay lapit at yakap sa akin. Nagulat naman ako sa ginawa niya kaya naitulak ko siya.
"Ano ba?!" Sabi ko tapos inayos yung damit ko at nag-lakad papunta dun sa dalawa. "Anong ginagawa niyo dito? Diba sinabihan ko kayo kanina na umalis na?!" Yumuko naman sila.
"Sorry Mommy. Dapat talaga aalis na kami pero kasi bigla na lang may bumugbog sa kanya sa labas ng bahay mo tapos pagka-kita namin, bugbog sarado na siya." Sabi ni chinito guy na naka-pout pa.
Oh. So ibig sabihin yung binugbog nila Kuya Roger, si Gee-enen-snib? Woah. Grabe. Quota na siya sa bugbog ha.
"Aghhh..." mahinang daing ni gee-enen-snib. Napa-tingin naman kaming lahat sa kanya. Ano ba yan nako-konsensya na naman ako. Nakaka-awa kasi yung itsura niya eh.
Naka-hawak siya sa tyan niya tapos putok yung labi tapos may onting maga sa kaliwang kilay tapos may mga pasa-pasa. Kasalanan ko ba yung nangyari sa kanya?
"W-Wahhh!! Kawawa ka naman!! Ang dami mong pasaaa~!" Sabi bigla nung guy na naka-salamin habang umiiyak na parang isang damulag. Eh teka, damulag naman talaga siya.
Lumapit ako kay gee-enen-snib tapos tinignan yung mukha niya. Naka-pikit siya at mukha talaga siyang in pain. Kawawang gee-enen-snib. Tskkk~
Hala kaaaaa! Lagot! Sabi ko sa'yo eh. Ikaw may kasalanan pag namatay yan! Laka sige.
Shuttap! Wala kang naitu-tulong eh! Ang daldal mo!
Sinasabi ko lang! Ngayon, hahayaan mo na lang ba siya dyan sa labas? Hahayaan mo na lang ba siya na ganyan ang sitwasyon? Nakow!
Napa-isip ako dun sa sinabi ng bwiset kong konsensiya—Aba! Tinawag mo pa akong bwi—Oh shuttap please!— Dapat ko nga bang patuluyin si gee-enen-snid sa loob? Kawawa naman kasi talaga itsura niya eh.
Hinawakan ko yung baba niya at pinaling sa left at sa right. Napa-pa daing siya tuwing ga-galawin ko.
"Wahhh!! Mommy!!! Ano gagawin natin?!? Mamatay na ba siya??!!" Sabi naman nung chinito. Napa-roll ayes na lang ako.
"Isa ka pa! Shuttap! Di pa siya made-deads okay?" Sabi ko sabay tingin ulit kay GNNCNIB. Hinawakan ko ulit yung baba niya.
"Ayan kasi. Pupunta-punta ka sa company tapos magpapa-bugbig kay Paul tapos tatalon ka sa bakod kaya napag-kamalan kang magna. Ayan!"
Unti-unti naman niyang minulat yung mata niya at tumingin sa akin sabay ngiti ng very light. Napa-tingin din ako sa kanya. So ayun. Nagka-tinginan kami.
"Mommy....."