Chasing Apple

By ELRionCae

6.6K 461 75

I don't attach weigh to love. I f*cking really don't But ... Once Upon A Time IT TURN THE OTHER WAY AROUND... More

Prologue
Chase 1 : Revolver
Chase 2 : Straw and Apple tart
Chase 3 : SPAGHETTI
Chase 4 : Photograph
Chase 5 : #TeamYanCa vs. #TeamDaNnise
Chase 6 : Camping Day 1 : Moon Madness
Chase 8 : Like or Love ?
Chase 9 : Less Than Three
Chase 10 : Forelsket
Chase 11 : At the Ball
Chase 12 : End of Chase
Author's Note

Chase 7 : Camping Day 2 : An Apple A Day..

405 30 0
By ELRionCae


Chapter 7

Yandel's POV

"Beautiful !" nasabi ko nalang out of the blue.

And by that..

She open her eyes while slowly forming a naughty smile in her face.

sxacbnhcrsrccfxdsrcbbjbyvx

THE F*CK !

SHE'S AWAKE !

Mabilis akong napatayo mula sa pagkaka upo ko at napatalikod kay psycho. Shit ! Gising siya, gising ba siya all this time na nagsasalita ako ? Narinig niya pa lahat ng sinabi ko ? Damn it !

"I heard that Yandsss-- beautiful huh ?" napalingon ako sa kanya.

Nakaupo na siya at nakatingin sakin pero yung itsura niya para siyang lasing na hindi maintindihan, namumula ang mga pisngi at labi niya at ang pungay ng mga mata niya na nakatingin sakin.

Pumamewang ako. "Narinig ang alin huh ?"

"Yung sinabi mo, na maganda ako. Kyaaaah ! Yandssss --- totoo ? Nagagandahan ka sakin huh ?" yung sigaw niya parang pilit lang para bang out of energy, stupid girl pinipilit niya padin tumili ng ganun kahit na may sakit siya.

"Hindi ko yun sinabi." diretso kong sabi sa kanya.

"Sus ! Kunyari ka pa, narinig ko no. Beautiful, beautiful ka pang nalalaman, ay sus ! Matagal ko ng alam yon--- DATI pa." nakapikit siya habang nagsasalita tapos ay kumakampay kampay pa ang kamay niya sa ere na para siyang naglasing sa bar or somewhere out there.

"Aiish ! Nag ha-hallucinate ka lang, matulog ka na nga lang diyan." nakakainis tong babaeng to'.


"Hindi naman ako natutulog no ! Narinig ko yung sinabi mo." hindi daw natutulog pero nakapikit na, pero teka -- anong sabi niya ?

"Narinig mo lahat ng sinabi ko ?" nanlalaki ang matang sabi ko.

Dumilat siya ng bahagya. "Oo, diba sabi mo nga maganda ako ? Ikaw ahh-- pinag nanasaan mo din ako." the f*ck with the word pinag-nanasaan ?

"Damn ! Wala sa bokabularyo ko yun. Uughh, yun lang ba narinig mo ?"

Itinagilid niya ang ulo niya at pilit binuksan ang dalawa niyang mata na namumungay at tumingin sakin.

"Bakit ? May iba ka pa bang sinabi ?" napalunok ako sa sinabi niya at napatingin sa ibang direksyon.


"WALA NA ! Aissssh ! Dyan ka na nga, hintayin mo si Bullet diyan." tinalikuran ko siya.

"HOY ! wag mo kong iwan dito." mahinang boses na sabi niya.


Hindi ko na siya tinignan at napa iling nalang, bakit ba kahit may sakit siya ang lakas padin ng fighting spirit niya ? Baliw talaga siya. Isa siyang baliw. Paglabas ko ay saka ko lang nalaman na madilim na, bwisit na Bullet yun bakit ang tagal dumating ?

Aalis na sana ako para hanapin si Bullet pero ...

"WAAAAAAAAAHHHHH !" nagsisigaw ng ganyan sa loob si psycho kaya napatakbo ako.

Mabilis akong pumasok sa tent at tinignan siya, nagsisigaw siya at para bang takot na takot, nakatakip ang dalawa niyang mata gamit ang dalawa niyang kamay at dire diretso lang ang pagsigaw niya.

"Hoy ! Anong nangyari sayo hah ? Anong nangyari ?" tumakbo ako sa tabi niya.

"May ahas ! may ahas !" nagpapanic niyang sigaw.

"SAAAAAN ??" ako naman ay todo hanap sa ahas na sinasabi niya dahil hindi niya naman tinuro kung nasaan. "NASAAAAN ?" aligaga kong tanong sa kanya.

Maya maya ay natigil ang pasigaw niya at tanging narinig ko ay ang mahinang tawa niya, well I supposed malakas dapat yun pero nanghihina siya kaya hindi niya kaya. Naubos nadin siguro ang lakas niya sa pagsigaw niya.

"Hahahahaha !" napatingin ako sa kanya at tumatawa siya ng ganyan.
"Hahahahaha." dire diretso padin ang tawa niya kahit nanghihina siya, tsk.

Napatigil ako sa ginagawa ko at tumingin sa kanya. "Bakit ka ba tumatawa hah ?" nakakainis siya.

Nakapikit siya at tawa padin ng tawa.

"Wala namang ahas eh. Hahahaha natataranta ka masyado diyan." tumingin siya bigla sakin. "Concern ka sakin no ? bumalik ka para tignan ako." ngayon ay nakangiti nalang siya, ugh those smiles.

"Hindi no ! Malay ko ba kung anong nangyari sayo dito, ako pa masisisi kapag namatay ka ng dilat dito." talikod ko sa kanya.

"Kunyari pa ! Uyy, concern siya sakin, concern si Yandss sakin. Umamin ka na." sabi niya saka tinusok tusok ang tagiliran ko.

AAAAARRRGGGGHHH !

Para akong nakuryente sa ginawa niya kaya umalis ako sa tabi niya at umurong ng bahagya saka ko humarap sa kanya.

"You bitch--" nagpipigil kong sabi. "..pasalamat ka may sakit ka, baka nasaktan na kita." duro ko sa kanya.

Ngumiti lang siya at nakapikit na talaga siya ngayon. "Hindi mo ko masasaktan, concern ka sakin eh." uggh, kahit may sakit siya nakakainis padin siya.

"No f*cking way, I'm not concern to you." irap ko sa kanya.

"Umamin ka na kase, kitang kita naman kanina yung pag aalala mo eh." Uggh, this creature really ...

Lumapit uli ako sa kanya at itinapat ko ang mukha ko sa mukha niya para siguradong maririnig niya ang sasabihin ko.

Idinuro ko ang daliri ko sa mukha niya. "Listen you bitch, there's no way in hell that I'm concern to you so stop the daydreaming and you know what ? If killing was not a crime, I will kill you right here right now with my own bare hands. Damn it !" nanlalaki ang matang sabi ko sa kanya.


Idinilat niya ulit ng pilit ang mata niya at ngumisi ng nakakaloko sakin. "But loving someone is not a crime, would you love me then ?" the heck !!

"WHAAAT ? YOU---"


Ngumisi siya ulit. "Oh yes, I love you." she sweetly smiled and then she passed out.



I love you

I love you

I love you



AAAAARRRRGGHHH ! Bakit nag eecho sa tenga ko ang boses niya ? Bakit ? The f*ck with that I love you thing, how could she say that as simple word huh ? For the first time may nagsabi ng nakakadiring salitang yun sakin, for the first time narinig kong sinabi yun ng diretsuhan sakin, for the first time ...

Ugh ! This beating thing really irritates the hell out of me.

"Just-- please stop beating and die there, will you ?" sabi ko habang nakayuko at kinakausap ang sarili kong dibdib.


Ang bilis kase ng tibok ng puso ko at hindi ko nagugustuhan yun. Ngayon ay hindi lang dahil nagkadikit ang katawan namin kaya bumibilis ang tibok ng puso ko, pati na sa pesteng salitang I love you niya. Ugh, damn it ! Hindi na talaga maganda ang mga nangyayari dito.


"Yandel ?" saka ko lang napagtanto nandito na pala tong walanghiya na to.

"Bakit ngayon ka lang huh ?!" sigaw ko kay Bullet.


"Anong ngayon lang ? Kanina pa ako dito, ikaw tong nakatulala diyan eh. Tapos na nga i-check up si Micah ng di mo nalalaman eh." napatingin ako kay psycho, may bimpo na siya sa noo at maayos na ang pagkakahiga niya.

"Weird." napakamot ako sa ulo, bat di ko napansin yun ?


Nilapit ni Bullet ang mukha niya sakin. "Oh yeah you're acting weird. Pano' maiwan na muna kita diyan may gagawin pa kami."

Tumayo ako para pigilan siya. "Wait lang ! Iiwan mo na naman ako dito ? Tsk. Ayoko na dito."

"Partner mo siya kaya kailangan bantayan mo siya."

"Pero hindi ko to tent, nasaan na ba yung bestfriend niya huh ? Siya nalang dito tutal gabi na naman at sila naman ang magkasama talaga dito."

"Na-extend ang activity, hanggang 9pm pa ata' may gagawin pang isa so andun lahat, kami naman ni Cham gagawa ng punishment, si Knife at Nalu hindi ko alam kung saan nagpunta, so walang ibang magbabantay sa kanya, kung gusto mo tawagin ko si Dagger palit---"

"NO !" napalakas ang sigaw ko kaya nagtaka si Bullet.

"Ugh, I mean dito nalang ako kesa makipagpalit kay Dagger, ayokong maka partner yung Micah na yun."

Binigyan ako ng isang makahulugang ngiti ni Bullet na hindi ko nagustuhan kaya sinimangutan ko siya.

"WHAT ?" irita kong tanong.

"Yun lang talaga ?" naniningkit ang mata niyang tanong.

"Oo no ! tss, umalis ka na nga bwisit na to."

Tumawa siya ng mahina. "Okay, see you later, alagaan mo ng mabuti si Micah alam mo na siguro kung paano, bye !." at umalis na siya ng tuluyan, tss buti naman.

Muli, umupo ako sa tabi ni psycho at tinignan siya at ilang saglit ay irita kong ginulo gulo ang buhok ko.


"Aish ! Now what ? I'm going to be your doctor huh ? Ugh, I really hate you !" kinakausap ko na naman siya ng tulog, tsk mamaya gising na naman to ng hindi ko nalalaman.


Wala kong magawa dito, nakakainis. Bigla kong naalala yung binigay ni Nalu sakin kanina, kaya naman kinuha ko yung maliit na papel sa bulsa ko at binuksan yun.


=______=

F*ck that Nalu ! Cursed him ! Cursed him !


Anong gagawin ko dito ? Bwisit talaga yung isang yun, bigyan ba ko ng condom ? Napaka hayop niya, malamang ay ito din ang binigay niya kila Bullet. Kaya pala sinasabi niya na magagamit daw mamaya at sinabi niya pang maki share si Skye kay Kite, as if naman na ---- ugghh ! Never mind ! Bwisit talaga yung lalaking yun. Iritado kong binulsa ulit ang binigay niya at tinignan si Psycho, narinig kong umimpit siya kaya lumapit ako sa kanya.


Umusog ako ng bahagya sa tabi ni psycho at kinapa ang bimpo sa noo niya, ang bilis naman mawala ng lamig nito. Kinuha ko yun at inilublob sa planggana sa tabi ko saka pinigaan at inilagay ulit sa noo niya. Tsk, I can't imagine na gagawin ko ang bagay na to sa taong kinaiinisan ko. Nagsalumbaba ako at tinignan lang siya, ano bang gagawin ko dito ? Nakakaboring, nakaka-antok pa.


I yawned.

Tinignan ko ang tabi ni Psycho , maluwag naman don. Siguro doon muna ako hihiga at lalayo nalang sa kanya, inaantok na talaga ko, maliit lang ang tent, wala din namang pader na matigas ang tent na to' pwede sana akong matulog ng nakasandal lang kaya no choice ako. Tumayo ako at humakbang kay Psycho, paghakbang ko naman ay saktong gumalaw siya kaya napatid ako sa kanya at di sinasadyang napahiga ako sa tabi niya. Walang sabi sabi ay bigla niya akong niyakap.


Tinignan ko siya, tulog naman siya pero bakit .. uughh !


Inaalis ko ang braso niya pero di ko maalis, seriously ? Gising ba siya at pinagtitripan niya na naman ba ako ?

"Hoy ! Bitawan mo nga ko, sisipain kita diyan." hindi siya sumagot, ni hindi nga siya dumilat.

"Psycho ! Isa !" pilit kong inalis ulit ang braso niya kahit hindi ko gustong hawakan yun, kailangan para maialis ko ang braso niya na nakayakap sa katawan ko.


Pero parang nakadikit yung braso niya sa katawan ko at hindi ko matanggal, ang lakas niya huh ? Saan niya nakukuha ang lakas na yun ? Sa buong pwersa ko ay iniangat ko ang braso niya at nagawa ko naman yon, aangat na ulit ako pero mas lumakas siya at lalong humigpit ng yakap sakin kasama na ang isang braso niya.


"Dito ka lang .. please, dito ka lang." napatingin ako sa kanya ng magsalita siya.


Nakapikit siya kaya napakunot ang noo ko. Kinapa ko ang leeg at noo niya sobrang taas ng lagnat niya at ngayon ay nanginginig na siya, nilalamig siguro siya. Sobrang higpit ng yakap niya, sobrang init ng katawan niya at ...

Ayan na naman !

"Ugh, I want to cut my chest right now so I can let you out and throw you to the trash bin. Tsk."

Ang bilis na naman ng tibok ng puso ko, kasalanan na naman ni psycho to. Napatingin ako sa kanya, nanginginig padin siya at tila kailangan talaga niya ng yakap. Shit ! I hate it pero --- uggh ! Dahil nakakaawa siya, sige na nga..

Tumagilid ako ng bahagya at sinimulan ding yakapin siya at dahil doon ay mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko lalo na nung naramdaman ko na mas gumanti siya ng yakap. Ugh ! Bakit ganito yung pakiramdam ? Nakakainis lang.

"Oh crap ! die until your out of beating." tsk, napapadalas ang pag kausap ko sa sarili ko. Sign of insanity is coming.

Napatingin nalang ako kay Psycho at ewan ko ba bakit parang may pumitik pa sa puso ko, ibang pitik yun na parang sumasabay pa sa pagtibok nito. Shit, this is really crap. This is wrong Yandel, this is so wrong, habang maaga pa .. iwasan mo na, alam mong hindi pwedeng mangyari, hindi pwedeng magbago ang lahat ng bagay na pinaniniwalaan mo, hindi pwedeng maging pula ang itim, hindi pwedeng magustuhan mo ang ayaw mo, hindi pwedeng siya ang maging dahilan ng bawat pagbabago mo.

NO ! Siyempre hindi talaga, hindi ko siya magugustuhan, NEVER mangyayari yun.

Oh god ! I'm crazy ! Napailing at napapikit nalang ako and by that, I fell asleep.


*Bullet's POV*


"Ano ? Bakit hinayaan mo sila na magkasama dun hah ? Paano nalang kung may mangyaring di maganda kay Micah doon ? Paano kung may gawin sa kanyang masama yung Yandel na yun ha ? Sinasabi ko na ! Bad influence ka talaga kahit kelan." She's nagger huh ? At O.a mag isip.

"Relax, hindi gagawan ng masama ni Yandel si Micah no, I know Yandel." paliwanag ko pa sa kanya habang naglalakad na kami papunta sa tent nila.

Tumigil siya ng paglalakad at lumingon sakin. "At paano ka nakakasiguro hah ? Silang dalawa lang doon, lahat ng tao busy, walang makaka alam so gaano ka ka assure na walang gagawing masama yang tropa mo sa kaibigan ko hah ?!" ugh, sakit sa tenga.

"Hindi kaya ikaw lang nag iisip niyan ? Masyadong advance yang utak mo, kita mo ngang palaging inaaway ni Yandel si Micah eh gawan pa kaya ng iniisip mo ?." tila nagalit naman siya sa sinabi ko at nilakihan ako ng mata.

"Ako pa talaga ? Ako pa talaga ang may kasalanan ngayon hah, iniisip ko lang ang kaligtasan ng kaibigan ko no ! ?" napaatras ako ng ulo sa sobrang lakas ng sigaw niya.

"Okay fine !" I raise my both hands as a sign of giving up to this conversation.

Pinagpatuloy niya ang paglalakad niya, nagdadabog siya sa paglalakad, ngayon lang ako nakakita ng girl version ni Rage at nakakatawa talaga siya, hindi ko alam bakit lagi siyang highblood, ang laki ng galit sa mundo o sakin lang siya ganyan ? Nakita ko naman kanina masaya siyang nakikipag usap sa mga kasama niya nung dumating lang ako ay saka siya nag gaganyan. She's weird and ...

cute at the same way.

Napailing nalang ako habang sinusundan siya sa paglalakad niya. Saktong dumating na kami sa tent nila Yandel at pagbukas namin ng tent ay ...


"Micah an--- OH.MY.GOD !" napatakip pa ng mata tong si Althea, napaatras at napatuon sakin na para bang nakayakap na siya sakin. Mabilis naman siyang umayos at umiwas, HAH ! really cute.


Pagsilip ko kila Yandel ay mahigpit ang pagkakayap nila sa isa't isa, napangiti nalang ako. Hindi na ako nagtataka, alam ko gusto na ni Yandel si Micah bakit kase ayaw niya pang aminin tss.


"Tignan mo ! Tignan mo yan. Ayan ba ang walang gagawin hah ?"she's yelling again  at me.


"Chill, magkayakap lang sila wala namang nakahubad sa kanilang dalawa diba ? Saka wag kang maingay at baka magising sila." ngiti ko nalang kay Althe. Kinuha ko ang cellphone ko at kinuhanan ng ilang litrato sila Yandel, magandang pang blackmail to.


"Anong ginagawa mo hah ? Ipapakalat mo yan sa school ?"


"Don't be so OA. Ipapakita ko lang kay Yandel ang pinag gagawa niya. Mauna na ako sayo, matutulog na ko."


Lalabas na sana ako pero hinila niya ako pabalik.

"At saan ako matutulog hah ? Hindi pwedeng matulog silang magkasama dito, gisingin mo yan si Yandel hindi pwede tong ganito." aish !


"Ikaw kaya ang gumising sa kanya, tignan natin kung magising mo yan."

"Eh saan ako matutulog hah ? Hindi na kami kasya ditong tatlo !" sigaw niya na naman.

"Maluwag sa tent namin." ngisi ko sa kanya.


"WHAT ? NO WAY ! hindi ako matutulog kasama mo no, that's not so formal."


"Edi bahala ka maghanap ng matutulugan mo." hindi na ako nag abala pang pilitin siya at tuluyan na akong lumabas ng tent.

"AIIISSSHHHH ! NAKAKAINIS !" the next thing I know, she was following me going to our tent.


She's hilarious. She really is.


*Micah's POV*


"Totoo ba talaga yun Althea ? As in totoong totoo ? Magkayakap kami ni Yandss kagabi ? Magkasama kami natulog ? Seryoso ? Hindi ako nananaginip ? KYAAAAAAAHHHH ! Inalagaan niya ako ? Sana magkasakit nalang ako lagi."


"Pathetic ! Tss, paulit ulit ka, pang sampung beses ko na sinabing "OO". Oo nga diba ? Inalagaan at magkasama kayong nakatulog kagabi, ano ? gusto mo pa bang irecord ko yung sinasabi ko ngayon para hindi ka na magtanong ? Hayysss." kunot na naman ang noo ng isang to.


"KYAAAAHHHH ! OMG ! Akala ko nananaginip lang ako kagabi na niyakap ko siya pero totoo pala. OMG ! OMG !" haayy nakakakilig, ang sarap mabuhay.


"Hayy nako ! Umasa ka na naman sa Yandel na yun eh mukha namang hindi ka magugustuhan nun, binosohan ka lang nun nung niyakap ka niya wag ka mag isip na gusto ka na agad niya." irap niya sakin.


"Hindi naman siguro no, baka nga nagugustuhan na niya ako eh. KYAAAAAHH ! Kapag kinasal kami brides maid kita huh ?"

"Kasal agad ? Eh ni hindi ka pa nga napapansin ng lalaking yun kasala agad yang iniisip mo, umayos ka nga."

"Aish ! Highblood ka na naman diyan eh, tara na nga mag almusal na tayo."

Hindi na siya nagsalita at sumama nalang paglabas sakin ng tent, nakakailang hakbang na kami sa labas ng bigla akong may naalala.

"Uy teka Althea, kung magkasama kaming natulog ni Yandsss kagabi, saan ka natulog ?" taka kong tanong.


Napahinto siya at ewan ko ba kung bakit namula ang mukha niya, bigla nalang niya kong inirapan na parang kulang nalang ay lumuwa ang mata niya sa pag irap na yun at nauna siya sakin maglakad na hindi man lang sinasagot ang tanong ko.


"Uuy teka hintayin mo ako." weird, anong problema ng isang yun ?


Sinundan ko nalang siya para makakain na kami ng almusal.

---

Pagkadating namin ay naabutan na namin sila Bullet na nag aalmusal.

"Hi Michelle, goodmorning." si Nalu yan, bakit ba kase Michelle tawag niya sakin ?

"Micah Nalu, Micah." at andiyan din si Knife na laging nag cocorrection sa kanya.

"Uhm, Dennise dito na kayo, teka ipapagsandok na kita." Uggh, why so sweet Dagger ?

Umupo naman ako sa tabi niya at nakita ko na kahilera namin si Yandel, katabi ko si Cham sa kaliwa, katabi ni Cham si Bullet tapos ay si Yandel. Shesssh ! naalala ko na naman yung nangyari kagabi KYAAAHHHH !

"Ahm Yandsss, salamat nga pala kagabi." ngiti ko sa kanya kahit hindi siya nakatingin.


Hindi niya ako nilingon at dire-diretso lang sa pagkain niya. Haaay ! ang pogi niya talaga pag ganyan, mas lalong nakakainlove.


"PMS !" bulong sakin ni Cham at bigla naman siyang binato ng tinidor ni Yandel.

Masamang tinignan ni Cham si Yandel at binato ulit ang tinidor kay Yandel. Natawa nalang ako sa ginawa nila. Dumating na si Dagger at iniabot niya na sakin ang isang plato na may lamang fried rice, bacon at fried egg. Sarap ! Nagutom ako lalo.

"Thank you Dagger." ngiti ko sa kanya, ngumiti lang siya at tumabi sa kanan ko at ipinagpatuloy ang pagkain niya na naudlot kanina. Nakita ko naman na umupo na rin si Althea sa tabi ni Knife , sa tapat ko.

"Uhm guys, nagamit niyo ba yung mga binigay ko sa inyong lucky charm hah ?" tanong ni Nalu at nagulat ako ng biglang tumigil sa pagkain sila Bullet, Dagger, Kite at Yandel.

"BWISIT KA !" sigaw ni Yandel sa katapat niyang si Nalu.

"PERVERT !" irap naman ni Dagger.

Eeh ? Bakit ? Ano ba yung binigay ni Nalu ?

"Bakit ? Hindi niyo ba nagustuhan hah ?." ngisi niya pa.

"Abnormal !" sabi naman ni Bullet.

"Basta ako --- nagamit ko." si Kite yan at mabilis na tumingin sa kanya sila Bullet.


"Seriously ?" takang tanong ni Yandel.

"Uhm !" ngisi ni Kite saka naman tumingin sila kay Skye, tinignan naman sila ni Skye na para bang wala lang.

Ano ba talagang nangyayari ?

"Don't mind them, kumain ka lang diyan. Mga sira ulo yang mga yan." baling naman sakin ni Dagger.

"Disgusting !" parang masuka suka na sabi ni Yandel.

"Sinabi mo pa !" dagdag ni Bullet at umiling iling.

Kami naman nila Cham ay napakibit balikat nalang dahil hindi namin alam yung pinagsasabi nila. Samantalang si Althea naman ay panay ang irap kay Bullet, nakikita ko yun dahil katapat ko siya. Hayy nako ! Bahala na nga sila diyan.

--

Dahil nahuli kaming dumating ni Althea nahuli nadin kaming matapos makain, nagpaalam na sila dahil sisimulan na daw nila ang activity na gagawin, hindi naman kase required ang time kaya okay lang na mahuli kami. Naiwan kami ni Althea at inuubos nalang namin ang pagkain para makasunod na sa kanila. Ilang subo nalang at matatapos na akong kumain nang may narinig akong mahinang pagkalampag sa tabi ng upuan ko, kung saan umupo si Dagger kanina, pagtingin ko ay nagtaka ako sa nakita ko ...



Isang mansanas.


Oo, isang mansanas ang nakalagay doon at may nakadikit na note, kinuha ko yun at binasa..




"Don't get sick, I don't want to be your personal doctor anymore. It pisses me off.

PS : Stay healthy"




OMG ! OMG ! OMG !
Napatingin ako sa paligid para hanapin ang taong nagbigay noon, nakita ko si Yandss my loves sa di kalayuan, nakasandal siya sa isang parte ng katabing kubo at kumakain ng mansanas at tila kakatigil niya lang sa paglalakad, nang nakita niya na tumingin ako sa kanya ay iniwas niya ang tingin niya at naglakad na ulit palayo.


KYAAAAAAAHHHH ! OMG ! YANDSSS MY LOVES, BAKIT KA GANYAN ?

PINAPATAY MO AKO SA KILIG ! WAAAAHHH .. gusto kong mahimatay ngayon promise .. ^_____^




Totoo ba ang kasabihan na an apple a day keeps the doctor away ? Pero paano kung yung apple at doctor ay iisa ? Paano niya mapapagsama ang sarili nila ? SHEEEET ! Ewan ko ba pero pakiramdam ko si Yandel ang pinagsamang Doctor at Apple ng buhay ko. Sheeemmmssss ! Ang sarap talaga mabuhay. Hayy Yandss my loves, my hero, my straw, my apple, my doctor. WAAAAAAH ! Sana talaga akin ka nalang, ang saya saya siguro lalo ng buhay pag nangyari yun.




*Bullet's POV*

"An apple a day keeps the insanity away." Yandel is chanting beside me like a madman, tss anong problema niya ?



Nag-i-stress eating na naman siya sa mansanas, alam kong may iniisip na naman siya ano na naman kaya yun ? May hawak siyang mansanas sa kaliwang kamay at ang kanan niyang kamay ang ginagamit niyang pang bungkal ng lupa.


"Anong problema mo Yandel ?"

"Wala, wag ka ngang magsalita diyan, ipagpatuloy mo nalang yang ginagawa mo." at nagchant na naman siya ng nga chant. Baliw !

Gumagawa kami ng plot ng lupa ngayon, buti naman at hindi partner by partner ang gawain ngayon at hindi din kailangan ng oras. Kanya kanya kami ng gawa at eto kasama ko sila Yandel, kaming mga lalaki at kasama din namin sila Nalu at Knife na puro pang gugulo ang ginagawa haayy mga wala na talagang pag asa ang dalawang to'.

"Ano ba Knife ? Wag ka ngang magulo diyan pwede ?" reklamo ni Dagger sa kambal niya dahil kung saan saan tumatalsik ang lupa na binubungkal niya at halatang sinasadya niya, napaka abnormal talaga.

Si Nalu naman , ayun busy sa pag gawa ng dahon na inipon niya at ginawa niyang korona saka isinuot sa ulo niya, kumuha din siya ng dahon ng saging at kunwaring ginawang palda saka din sinuot, kumuha siya ng mahabang kahoy para gawing tungkod or whatever, para tuloy siyang hari ng isang tribo o kung ano. Sira ulo talaga. Nagpapicture pa siya kay Knife at nagpost ng malalaswang post , tsk.

Habang nag aayos naman ako ng lupa ay napatingin ulit ako kay Yandel at nasaktuhan ko siyang nakatingin sa harap namin, nang sundan ko ang tinitignan niya ay nandoon sila Cham, at ang tinitignan niya --- si Micah. Oo, tama si Micah nga halata naman dahil medyo nakahiwalay si Micah kila Cham at doon nakatuon ang tingin ni Yandel. Nang tignan ko si Yandel ay napayuko siya at napapikit sabay "tsk." umiiling iling. Natawa nalang ako sa kanya. Darn Yandel, stop being indenial, it can kill you.

***


Wala na kaming masyadong ginawang activity ngayon, nag gawa ng plot, nagtanim at kung ano ano nalang. By group nalang ang gumagawa at hindi na by partner. Gabi na ng gawin ang pinaka huling activity, magsusulat ka sa isang papel at magpapahayag ka ng saloobin mo sa kung sino man ang gusto mong sabihan, pwedeng partner mo o kung sino man at kahit ilan ang gusto mo sabihan pwede, pwede din namang wala kang sabihan or ilimita mo yung sasabihin mo, ikaw na ang bahala doon. About honesty ang activity na to' tapos na kami sa mga team building at ito daw ang pinaka mahalaga sa pagiging isang team -- ang pagiging tapat. By group naman ito at kami kami nalang ang nag grupo sa sarili namin para wala ng ilangan, isinama na namin si Micah dahil classmate naman namin siya, si Althea ay doon sumama sa mga classmate niya.


Nakapalibot ang pwesto namin at bonfire sa gitna namin kaya naman masaya din dahil parang nasa bakasyon lang kami or what.
Nang matapos na kami ay nag isa isa na sila ng pahayag.


"Para to kay Nalu." panimula ni Dagger.

"Bakit sakin ? Hindi naman ako kasali dito ?" reklamo naman ni Nalu.

"Manahimik ka nalang diyan, sumama sama ka dito eh." inis na sabi naman ni Dagger.

"Okay, unang una pakiusap tigilan mo na ang pagnanakaw ugh I mean panghihiram, hindi lang sa gamit sa pagkain, nahuli kita kanina hiniram mo ang underwear ni Knife. Hindi ka ba nandidiri sa pinag gagawa mo ?"

"Oh f*ck ! That's gross." diring diri na sabi ni Yandel.


"Nakita mo pala yun ? Haha sorry, nakalimutan ko magdala eh kesa naman gawin kong side A at side B ang brief ko diba ? Ayoko din naman na hindi mag brief mas nakakadiri yun kaya nanghiram na muna ko ng malinis na underwear haha." ngisi niya pa.



"Walang hiya ka, kaya pala ah. Ngayon ako ang walang suot na---oopps !" napatakip ng bibig si Knife na para bang nadulas sa sinabi niya, pero wait did he just say ..


"Geez ! You're not wearing underwear right now ?" tanong ni Skye.

"Seryoso ?" gulat na tanong ni Cham habang natatawa pa.

"Oo bakit ? gusto niyo makita ?" mapang asar na tanong ni Knife para lang hindi maibaling ang pang aasar sa kanya.

"Yuck !" Cham and Skye in unison. Natawa nalang ang iba samin.

"I bet for the side A and side B, dapat yun nalang ginawa mo." bulong naman ni Nalu kay Knife.

"Later." sagot ni Knife. Nagkakasundo talaga sila.

Nagpatuloy na si Dagger "..And second, for Dennise .." okay, napatingin kaming lahat sa kanya bigla.

Si Micah na noo'y naglalaro ng lupa gamit ang stick na hawak niya ay napalingon bigla kay Dagger ng binanggit ang pangalan niya. Samantala si Yandel na imbes kay Dagger tumingin ay kay Micah tumingin. Okaaaay -- mukhang may magandang mangyayari sa last night namin dito.


"Ako ?" gulat na tanong ni Micah habang tinuturo pa ang sarili niya.

"Tss.. narinig na nagtatanong pa." pabulong pero rinig na rinig kong sinabi ni Yandel yun dahil katabi ko lang siya.


"Uhm yes." ngiti ni Dagger. "..tutal wala namang limitation ang mga pagtatanong at pagsasabi dito or what right ? Pwede ba kong magtanong sayo ng isa ?" seryosong nakatingin si Dagger kay Micah.

"Yes, sure .." ngiti namn ni Micah.



"Ahm, pagtapos natin dito at kapag nakauwi na tayo --- can I ask you out for a date ?" nginitian pa ni Dagger si Micah na talagang nakapag pamula kay Micah.




Woah ! Grabe talaga to si Dagger, mabilisan siya, sinasabi niya kung ano yung gusto niya, doon niya natalo si Yandel.


Napatingin bigla si Yandel kay Dagger tapos ay kay Micah. Si Micah naman napatulala nalang at hindi na makasagot kay Dagger, namumula ang pisngi niya, para siyang bata.

"Micah, date daw." siko naman ni Cham kay Micah dahil magkatabi sila at pinag gigitnaan nila ni Skye si Micah.

Napapitlag si Micah at napatingin ulit kay Dagger. "Ahh-- we'll talk later about that." ngiti ni Micah na hindi mawari kung kinikilig o nahihiya.

"TeamDaNnise na ulit ako." salita ni Nalu at nakatingin kay Yandel. Inirapan naman siya ni Yandel.

"Ang gulo mo." sabi naman ni Knife kay Nalu.

"Really ? Good !" tuwang tuwa si Dagger.


Si Cham na ang sunod na nagsalita, wala naman siyang sinabi kundi nagpasalamat lang sa lahat, si Knife ay ganun din, kami ni Skye ay hindi na nagsalita dahil wala naman kaming sasabihin, si Micah naman ay ganun din dahil lahat naman daw ng gusto niyang sabihin ay nasasabi niya sa araw araw lalo na kay Yandel. Ngayon ay turn na ni Yandel-- akala ko ay hindi siya magsasalita pero nagkamali ako.

Kumagat muna siya ng mansanas niya bago siya magsalita. "Uhmm-- para kay P-Psycho.." oh , interesting.

Napatingin si Micah sa kanya at parang kinilig kilig pa.

"Hindi na dapat ako magsasalita pa pero nakakairita talaga, wag ka mag alala limang pangungusap lang to." binuklat niya ang papel na pinagsulatan niya, huminga muna siya ng malalim bago siya nagsalita.


"Unang una ..

"Tigilan mo na ang pagsunod sunod sakin dahil nabubwisit ako sayo."


Pangalawa ..

"Umalis ka na sa buhay ko dahil yun ang kailangan."

Pangatlo ..

"Yung mga nangyari nung nakaraan, tanggalin mo na sa utak mo yun dahil nagkataon lang ang lahat ng yon."

Pang apat ..

"Totoo lahat ng sinasabi ko kaya sana pakinggan mo."


Pang lima at pinaka mahalaga sa lahat

Tumingin ulit siya sa papel


"Dahil kahit anong mangyari at kahit anong gawin mo, hinding hindi kita magugustuhan, tandaan mo yan."



F*ck ! Grabe naman to si Yandel. Napatingin ako kay Micah at unti unting nawala ang ngiti sa mukha niya. Shitty Yandel. Wala ding nakapgsalita sa amin dahil pakiramdam namin ay napahiya si Micah sa sinabi niya. Alam kong lagi sinasabi ni Yandel sa kanya ang last part na yun .. na kahit kelan hindi niya ito magugustuhan pero iba ngayon dahil mas madami ang nakarinig, mas madami ang nakadama, bwisit talaga tong lalaking to kahit kelan.



"Okay ! Tapos na, tara kain na tayo." biglang umeksena ng ganon si Nalu para mawala ang awkwardness sa paligid.



Sinimulan naman tumayo ni Dagger at niyaya si Micah, ugh super hero mode talaga to lagi si Dagger. Nagtayuan na din ang iba at naiwan kami ni Yandel. Nakita kong ibinato niya sa apoy ang papel na hawak niya pero sa gilid lang ito napunta, mabilis din siyang tumayo at umalis pero pagtayo niya ay humangin ng malakas dahilan para liparin ang papel na tinapon niya at saktong napunta yun sa tabi ko. May kaunting usok yun kaya dinampot ko kung saan wala itong sunog. Binuklat ko yun at pinagpag para mabasa ko ang nakalaman doon.



Ito nga yung mga sinabi niya kanina kay Micah, pero parang may mali .. may magkaiba sa sinabi niya .. yung pang apat at pang lima, magkaiba ang sinabi niya dahil sa papel na to ay ganito ang nakasulat :


"Tigilan mo na ang pagsunod sunod sakin dahil nabubwisit ako sayo."

"Umalis ka na sa buhay ko dahil yun ang kailangan."

"Yung mga nangyari nung nakaraan, tanggalin mo na sa utak mo yun dahil nagkataon lang ang lahat ng yon."

Pang apat ..


"Sa mga pagkakataon na to nagsisinungaling ako at mali ang mga sinasabi ko dahil iyon ang mas nakakabuti para layuan mo ko."



Pang lima at pinaka mahalaga sa lahat ...


"Dahil ayoko lang dumating ang araw na matalo ako at pati ang sarili, puso at isip ko ay baka .. mahulog na sayo."









Woaaah ! Shit ! Sinulat ba talaga to ni Yandel ? Seryoso ? Sinulat niya to ? Mabilis kong ibinulsa ang papel at nagtatatakbo papunta sa kubo para tignan kung nandoon si Yandel pero wala siya at sila Cham lang ang nandoon kaya naman dumiretso ako ng tent at nasa labas palang ako ay naririnig ko na ang sigaw.




"F*ck ! Bakit ko ba sinabi yun ? Bakiittt ? Nakakainis ! nakakainis ! Panigurado nasaktan siya, shit ! Bakit ba ko naiinis ? Damn it ! Damn it ! Damn it ! Girls are really irritating. Ugh." kita mula sa ilaw sa loob ng tent ang anino niya at kung paano ang pagwawalang ginagawa niya.



Napailing nalang ako ..



Mali ang china-chant niya kanina habang gumagawa kami ng plot.


An apple a day , keeps the insanity away huh ?



but it's more like ..



An apple a day , keeps his insanity work a day.



Abnormal Yandel. So Abnormal.

Continue Reading

You'll Also Like

3.2M 148K 72
[THE BADASS BABYSITTER] Para sa isang Presidente ng bansa, malaki ang expectation nito sa mga anak niya. You should be the best for him to be proud o...
15.4M 683K 75
(FHS#1) Braylee wants to make her friends happy, Denver wants to get some sleep. She's hell-bent on making the world a better place while he's desper...
6.1M 278K 72
In the near dystopian future where the population has blown up, women and the poor are more oppressed, and those with positions who abuse their power...
64.1M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!