Chasing Chelsea

By donnadonna1234

129 3 0

Is it possible to change "bad girl" to "good girl" ? More

1
2
3
4
5
7
8
9
10
11

6

9 0 0
By donnadonna1234

"Venice are you sure na okay ka lang?" tanong ni Dominic kay Venice na naka tulala. One month na rin kasi silang break ni Timothy.

Nasa Computer Lab kami ngayon at pinapagawan kami ng sariling Website ng teacher naming hindi na nga nagtuturo puros pagawa pa ng kung anu anu at magagalit pa pag bumagsak yung mga classmate namin sa quiz niya.

"Okay lang ako. I just cant believe na ganun magi-end up yung relationship namin ni Timothy." Sagot ni Venice

"Panu yan, ngayong wala na si Timothy at nagtago-tago na sa US, sinu na papalit sakanya sa The Virtue?" tanong ni Dom

"Ewan, sabi ni Sean may bago daw silang isasali... Galing sa korea." sabi ni Shania.

Bigla naman lumiwanag ang mukha ni Venice. "Omg!! Baka si Chanyeol siya... O kaya si jimin! O kaya si Mark."

Oh diba kanina BH yan pero iba talaga mga koreans na pinaguusapan, nakakalimutan niya problema niya.

"Haay naku, hindi ko talaga magets kung bakit nahuhumaling ka diyan sa mga baklang yan. Magkakamukha lang naman." Sabi ni Donna na ikinainis ni Venice.

"Hindi sila bakla!" sigaw ni Venice.

"Okay sabi mo eh, chill ka lang. Pero ayos na ring ituon mo yung atensyon mo sa kanila kesa magluksa ka kay Timothy na isa ding bakla." pailing iling na sabi ni Donna na ikinatawa ko. Ang bad niya talaga!

"Tss basta hindi sila bakla! Pero tama ka ,si Timothy bakla talaga yun." sabi ni Venice. Bitter???

"Nga pala Chelsea, anu meron sa inyo ni Charles... Kayooo haaa... Yieee." pangaasar sakin ni Donna.

"Wala. Friends kami." sabi ko na totoo naman.

"Friends daw...yieeeeee!!!... Kilig pwet siya." sabay sabay na pangaasar nila.

-_-

Abat pinagkakaisahan ako.

"Donna!!? Tapos na ba kayo sa ginagawa niyo. Kung tapos na kayo manahimik na lang kayo!" sita samin ng Teacher namin. Nagulat naman si Donna at tinignan na lang niya yung Teacher at tumango. Lagi na lang siya yung sinisita ng mga teachers. Siya daw kasi pasimuno pero ang totoo ayaw lang sakanya ng mga teacher kasi sinasagut sagot niya lang sila.

"Tapos na po kami Miss Jay. TAPOS NA." Sagot ni Venice sa teacher namin. Natahimik naman lahat sa hugot ni Venice.

Pero binasag din agad ni Donna ang katahimikan.

"Tapos na kaming gawin yung bagay na hindi niyo man lang tinuro samin." sabi ni Donna sabay smirk.

Namula naman sa galit si Miss Jay. "Labas!!" sabi niya kay Donna.

"Hindi mo na kaylangan sabihin, lalabas talaga ko. Wala namang nangyayare dito, sayang lang oras ko dito. Na sasayang sa walang kwentang Teacher." kinuha niya na ang gamit niya.

Sumama ako sakanya sa pagtayo. Kaya tumingin din sakin lahat. "What? Why are you looking at me? Tama naman si Donna wala namang kwenta tong klaseng to." sabi ko

Napangiti naman si Donna sakin pero yung itsura ni Dom kabado di niya alam kung susunod pa ba samin. Si Shania naman kinuha na rin ang gamit niya.

"Anu pa bang tinutunga-tunganga niyo diyan." Nagulat naman kami sa nagsalitang si Venice.

Ang gaga nauna na sa pintuan!

"Oo nga... Di ko nga alam pinapagawa satin e. Tara alis na tayo." sabi nung classmate naming babae.

"Oo tara na girl. Nauna na rin naman ang prisedent natin e." sabi nung isa.

Bago kami lumabas lahat nakita ko naman yung maputlang mukha ni Miss Jay. Tsk tsk sumbong ko kaya to kay Ryan. Kung hindi niyo naitatanong, board member kaya yung tatay ko dito.

Dumiritso naman si Venice sa Council. Papatalsikin niya na daw yung teacher na yun. Si Dom naman hinigit siya kanina ni Lawrence. Close pala sila? Whatever… Wala na dapat akong pake

Si Donna naman ayun nasa Detention, sinumbong kasi siya ni Miss Jay. Si Shania naman hinahanap yung kapatid niyang si Ken.

Anyway ang punto ko dito is mag-isa na lang ako ngayon. Nasa garden ako ngayon, walang kasama. Nakakatakot na parang dati lang hindi ako sanay na may kasama ngayon hindi na ko sanay na mag-isa.

"Argh!!! Tangna!!" nagulat naman ako sa sigaw ng lalaking pinagsusuntok-suntok yung puno sa harap ko. Tinignan ko siyang mabuti para makilala.

Anu kayang problema nitong si Angelo sa puno?

Ng matapos na niyang kawawain ang walang kalaban laban na puno. Umiyak na siya more on humagulhol. Umupo siya sa puno, may sinasabi siya kaya lang masyado siyang malayo para marinig ko.

Nice! Para akong nanunuod ng drama. Kinuha ko naman ang phone ko at vinedeohan ko siya. Sensya na ang saya lang kasi niya panuorin parang actor lang siya sa korean drama.

Nashock naman ako ng bigla siyang napatingin sa direksyon ko. Agad kong tinago ang phone ko sa bulsa at nagpanggap na inosente. Lumapit siya sakin agad at hinila ang braso para itayo ako.

" Give me your phone!." Utos niya.

"Pano pag ayaw ko." I said with a smirk.

"Trust me, di mo magugustuhan ang gagawin ko." ramdam ko ang paghawak niya sa waist ko. Mas lumapit pa siya sakin. Tinulak ko naman siya pero niyakap na ng braso niya ang katawan ko.

"Tulong!!!! Rape!!!" panghihingi ko ng tulong.

Nagulat naman siya sa saglit sa sinabi ko at bigla siyang natawa. Kanina iiyak-iyak siya ngayon tatawa tawa siya. Abrnormal.

"Hahahahaha assuming." sabi niya sakin na nagpabasag ng ego ko.

"Tawa ka pa diyan!!. Ipagkalat ko kaya yung video mo, tignan lang natin kung makakatawa ka pa." sabi ko

Pinakita naman niya yung phone ko na hawak-hawak niya. 0_0

"Panu napunta sayo yan?!" inaabot ko sanya yung phone ko kaya lang masyado siyang matangkad. Argh!!!

"Kinuha ko malamang. Ayos walang password!" tuwang tuwa nya pang sabi habang binubuksan ang phone ko. Pinipilit ko pa ring abutin ang phone ko. Nung narealize kong di ko maaabot sinipa ko na lang siya agad sa paa niya.

"Awww mapanakit kang babae ka! Buburahin ko lang naman yung video" daing niya. Lumevel naman siya sa height ko at pinatingin niya sakin kung pano niya binura ang video.

"Nooooo!!! Di ka lang rapist! Snatcher ka din! Siguro kasama ka sa budol budol gang!" napatawa naman siya sakin.

"Oh eto! Wag mo ng uulitin." Bigay niya sa phone ko at tyaka ginulo ang buhok ko.

"Tss.. Crying baby!" Natawa naman siya sa pangaasar ko

"Ikaw kaya di mahalin ng mahal mo." natahimik naman ako nung bigla siyang naginh seryoso.

"Pangit ka kasi." sabi ko na lang dahil di ko alam sasabihin ko sakanya.

"Wow anu ka pa?!" binatukan ko naman siya. abat sumasagot eh!

"Dyosa ako noh!" Pagdedepensa ko sa kagandahan ko.

"May Dyosa bang mataba?!"

"Di ako mataba! Sexy ako! Yung Cheska mo nga walang hinaharap eh."
"Meron yun! Nagtatago lang!" sabi niya

"Nagtago?! May nagtatago bang dede?!"

Natigil naman kami saglit sa bangayan at sabay na tumawa.

"Susumbong kita kay Cheska hahahha" pagbabanta ko

"Hahahhaha geh lang wala namang pake yun sakin."

"Hahaha buti alam mo." natahimik naman siya sa sinabi ko.

"Tsss ang sama mo."

"Matagal na." proud ko pang sabi sabay flip ng buhok ko at nagwalk out na.

€€€€€€€€€€€¡€€€€€€€€€€€€¡€€€€€€€€

"Chelsea!" tawag sakin ni Cheska. Tinaasan ko naman siya ng kilay. Pansin ko naman na may kakaiba sakanya ngayon dahil nawala yung pagak jolly aura niya.

"What?" Tanong ko

"Sabay na tayong umuwi." tumango na lang ako sakanya at nagpaalam na dahil malapit na ang susunod na klase namin.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

"Okay Class. Alam niyo naman sigurong malapit na ang Founding Anniversary blah blah blha...." di ko na halos naiintindihan ang sinabi ni Miss Shane dahil nagtataka ako ngayon sa mga kaybigan kong tahimik. Hindi lang basta tahimik... Cold sila.

Nga pala di ko nakita ngayon si Charles. Ano kayang nangyare dun?

"Miss Cabal! Nakikinig ka ba?!" Natigil naman ako sa pagmumuni muni ko dahil sa sigaw ng teacher ko.

"Not really." Sabi ko kaya huminga ng malalim si Miss Shane.

"Sabi ko congratulations ikaw ang napiling representative ng section natin sa contest."

"Contest? Saan? Teka! Bakit ako?"

"Gusto ko lang." sagot ng teacher ko atsaka nag walkout na papaalis sa classroom.

Aba badtrip yun ah!

"Anong contest ba yung sinasabi ni Miss?" tanong ko sa mga kaybigan kong parang pinagbagsakan ng langit at lupa

"SMK." walang ganang sabi ni Venice

"SMK?" tanong ko.

"Searching for Ms. Kryptonite." sagot ni Donna.

"SMK is a pageant or parang beauty contest. Ofcourse dahil beauty pageant yun rarampa ka ng nakagown, magpapakita ka na talent at may question and answer na magaganap. Syempre may Mr. Kryptonite na pageant. Kung sino man ang swerteng babae't lalaking mananalo ay ang mag rerepresent ng Department natin." sagot ni Venice.

"Eh bakit ako yung pinili?!" pagrereklamo ko.

"Bukod samin sino pa ba ang most qualified babaeng isasali. Diba ikaw lang." sabi ni Venice

"Bakit hindi na lang isa sainyo ang sinali."

"Kami ang performers sa event. Kami ang magtutugtog sa music background habang rumarampa kayo o kaya kami ang magientertain sa mga tao para di mahalata ang matagal na preparation niyo backstage." Paliwanag ni Donna.

"Syempre kung isa samin isasali mawawalan ng thrill. Isa pa sikat na board members ang Daddy mo dito kaya imposibleng hindi isama ang mga anak niya." mahangin na sabi ni Venice.

"Dont worry mananalo ka." sabi ni Dominic.

"Teka nga! Bakit ba ang lungkot niyo!? Anu bang problema?!" nagulat naman sila sa sinabi ko at nagkatinginan sa isat isa.

"Wala naman. Buhay pagibig lang." sagot ni Donna. Ako lang ang nashock sa sinabi niya. Eh kasi naman may pagkaman hater kaya siya. Pano magkakaron ng lablife yan diba?!

"Same as mine buhay pagibig lang din. Isishare ko na lang sa inyo pag may time." sabi ni Shania, for sure si Sean lang

"Syempre si Timothy lang naman ang problema ko. Isishare ko na lang din kapag ready na ko." sabi ni Venice

"Next time na lang din ako magoopen up." sabi ni Dominic.

"Haay naku! Iinum niyo na lang yan." sabi ko at natawa naman sila.

Pagkatapos ng klase agad na kong nagpaalam sa mga kaybigan ko at hinintay si Cheska sa classroom niya. Sabi ng mga classmate niya umuwi na daw siya kaya tinawagan ko agad siya.

"Hello! Asan ka!"

"Sorry Chelsea... Sumakit kasi pakiramdam ko kaya nauna na ko sayo.  Papunta na diyan si Daddy para sunduin ka." sabi niya sakin.

"Okay." Binaba ko na agad ang tawag at agad lumabas para hintayin si Ryan sa waiting shed. Sa kinamalas-malasang pagkatataon bigla namang umulan. Tinignan ko saglit ang text galing kay Ryan. Tss... Malapit na daw siya.

"Chelsea." Agad naman ako napatingin sa babaeng nasaharap ko. Ngumiti siya sakin na ikinatakot ko.

"M-mommy?"

Continue Reading

You'll Also Like

1.4M 51.9K 40
Heartbreakers Series #2: Leion Eleazar Zendejas Despite being popular because of his academic standing and good looks, Leion Eleazar Zendejas was a s...
1M 15.3K 43
[REVISION COMPLETED] Ylyana Cervantes is living the life that anyone wants to have . . . but why is she still jealous of the handsome politician, Nic...
865K 30K 40
Heartbreakers Series #3: Alaric Reuben Frontera Aquila "Aki" Esqueda is one of Alaric Reuben "Abe" Frontera's friends since Grade 11. Nasa iisang bar...
2.5M 104K 32
(Yours Series # 5) Graciella Rae Arevalo just wants to love and be loved. She feels like she has a lot of love to give and she just wants her own per...