"Ano?! May nagnakaw sa ngalan ko?!" sigaw ni Mang Enteng, ang school janitor na isa sa mga suspect sa Phantom Pervert Case. Matapang ito kahit putol ang kaliwang kamay.
"Hindi! Isa ka lang sa suspect," paliwanag ni Hunter.
"Oo, posible ngang ikaw dahil may susi ka ng bawat silid sa buong school. Kasama na ang girl's dorm!" bintang naman ni Kaizer kay Mang Enteng.
Tinitigan siya ng masama ng janitor at tinutukan ng walis tambo gamit ang kanang kamay nito. "Mag-ingat ka sa mga pananalita mo, Laufejarson!" babala ni Mang Enteng.
Ngumisi si Kaizer at nakipaglaban ng titigan kay Mang Enteng.
"Chill dudes!" awat ni Christian kina Loki at Mang Enteng. "Kamusta Tyr!" bati niya kay Mang Enteng.
"Maayos naman Balder, masaya akong makita kang muli."
Si Mang Enteng o mas kilala sa Asgard bilang Tyr, ang diyos ng digmaan at hustisya.
Mula sa girl's comfort room ay lumabas sina Rosilie at Raven.
"So, kayo si Mr. Enteng Macario," panimula ni Rosilie.
"Ako nga binibini, ano ang mga maaari kong magawa upang linisin ang aking pangalan?"
"Hala, ang formal ni kuya. Konting inter...-"
Hindi na natapos ni Rosilie ang sinasabi dahil mabilis sumabat si Hunter.
"Tama na! Wala tayong magagawa kung puro tanungan at sisihan ang gagawin natin. Kayo-kayo lang din ang nakasulat sa listahan ng mga suspects! Kung isa nga sa inyo ang Phantom Pervert, umamin na lang!"
Umismid si Kaizer sa sinabi niya habang umiiling. "Hunter, Hunter, Hunter, do you think aamin lang basta-basta ang Phantom Pervert na 'yun?"
"We need to catch him offguard," dagdag ni Clark.
"So what's the plan?" sabat ni James na hihikab-hikab.
-*-*-
"Bakit ako ang pinagdidiskitahan mo sa ganitong bagay?!" sigaw ni Hunter na binibihisan ni Kaizer ng pambabae.
"May nauna pa bang pagkakataon na pinagcross-dress mo siya?" nagtatakang tanong ni Rosilie kay Clark na nakahalukipkip habang nakangisi.
Napansin ni Rosilie na namula ang mukha ni Hunter at umiwas ito ng tingin.
Hindi na rin kumibo si Clark ngunit nanatili itong nakangisi. Isang tingin na may kasamang pagtaas ng kilay lamang ang itinugon niya kay Rosilie.
"Actually, darling," sabat ni Kaizer. Ngunit bago pa man niya maituloy ang sasabihin ay binigyan na siya ni Hunter ng isang headchop upang patahimikin siya.
"So ang plan, maiiwan ka sa loob ng locker room, maghihintay kami sa labas," paliwanag ni Clark na pinipigilan ang pagtawa. "Ikaw ang bait. Kung makita mo sa loob ng locker room ang Phantom Pervert, kaya mo na siyang bugbugin. Kung nasa labas naman siya, kami ang bahala."
Napilitan na lamang tumango si Hunter. Madali lang naman ang gagawin niya, magpanggap na babae para ma-attract ang atensyon ng Phantom Pervert.
-*-*-
"Kailangan na natin maclear ang area before five o'clock, para maiset na ang mga kailangan," nababagot na sambit ni James habang naglalakad siya kasama sina Raven at Christian papunta sa girl's locker room.
"Walang problema, maglilibot din ako para mag-obserba ng mga bagay na kahina-hinala," sambit ni Raven.
Matapos noon ay wala nang nagtangkang magsalita sa pagitan nila. Tanging mga yapak lamang ng kanilang mga paa ang naririnig.
"Freyr?" pagbasag ni Raven sa katahimikan.
"Bakit, Hel?"
"Wala. Hindi ko lang inaakala na masyado kang seryoso. Malayo sa mga kwento sa akin ni Balder noong nasa Niflheim pa kami," seryosong pagkakasabi ni Raven na nakatingin sa walang emosyong mukha ni James.
"Ano'ng mga sinasabi niya?"
"Masiyahin si Freyr, ang hari ng mga Vanir."
Napatigil sa paglalakad si James at tiningnan si Raven ng seryoso. "Sabihin na lang natin na nawala na ang rason ko para magsaya."
Nauna na siyang maglakad. Naiwan sina Raven na nagtataka at si Christian na nakakaramdam ng simpatya sa kaibigan.
"Si Gerda," bulong si Christian kay Raven habang pinapanood ang papalayong imahe ni James.
Kasabay ng kalungkutan ni Freyr na diyos ng ulan, ang pagbuhos ng ulan. Sumabay ang kalangitan sa kanyang nararamdaman.
-*-*-
"This is it," seryosong sambit ni Hunter na nakaharap sa salamin ng girl's shower room.
Tinitingnan niya ang repleksyon niya na nakasuot ng damit pambabae at mahabang wig na kulay dilaw. Mukha tuloy siyang cosplayer dahil sa wig na ipinasuot sa kanya ni Kaizer.
Napangiti siya sa nakitang itsura niya. Ang ganda niya pala!
Naalala niya dati, sa Asgard nang napilitan siyang magbihis babae, si Heimdall din ang nagplano noon. Ang sabi ni Loki ay siya daw ang pinakapangit na babae! Ngayon, napatunayan niyang mali ito! Maganda siya!
"Wag masyado matuwa," narinig niya ang boses ni Clark na nang-iinis sa isipan niya.
Napa-ungol siya dahil sa inis. Sinira ni Clark ang moment niya.
Surveillance. Oo, ginamitan siya ni Clark ng mas mataas na level ng surveillance spell upang magkaroon sila ng mas mabilis na komunikasyon. Pakiramdam niya tuloy ay wala na siyang privacy, nakikita nito at naririnig ang bawat sasabihin niya, pabulong man iyon o pasigaw. Kahit gaano kalayo o kalapit.
-*-*-
"May tatlong uri ng surveillance spell," paliwanag ni Clark habang naghahanda sila. "First level, ang ginamit ko sa Bifröst at dito sa school. Kung sino mang outsider ang tutungtong sa boundaries nito, automatic na masesense ko iyon."
"Ang galing!" manghang sambit ni Hunter na pumapalakpak pa.
Napangiti naman si Clark. Bahagyang tumaas ang confidence level na nararamdaman. "Second level, ang ginagamit ko para sa tracking and hunting. Iyon ang ginamit ko para mahanap kayo."
"Wow," sambit na Raven na halatang bumilib sa kakayahan ni Clark. "Ano 'yung third?"
"Bihira ko iyon nagamit. Kay Loki lang at ngayon idedemo ko kung paano."
"Nagamitan mo ako ng spell?" hindi makapaniwalang tanong ni Kaizer na nakaturo pa sa sarili.
"Noong ninakaw mo ang Brinsingamen."
-*-*-
Ngayon ay nakatingin parin si Hunter sa salamin at inaalala ang naganap kanina. Pinuri pa niya at pinalakpakan si Clark, siya pala ang gagamitin nitong specimen upang i-demonstrate ang third level ng surveillance spell kuno.
"Wag ka nang mainis, maganda ka naman," pang-aasar pa ni Clark na siya lamang ang nakakarinig.
"Ay! Bwiset! Invasion of privacy ang ginagawa mo, Heimdall!" sigaw niya na hindi alam kung saang direksyon lilingon upang harapin ang kausap. Naririnig niya ang boses nito sa apat na sulok ng silid.
"Ahuh, kasalukuyan kong hinahalungkat ang laman ng isipan mo. Cute pala si Rosilie para sa'yo?"
Agad namula si Hunter at hindi makapaniwala na nakikialam nga si Clark sa isipan niya!
"Tigilan mo 'ko! Si Hel ang bulabugin mo!" muli niyang sigaw.
"Tapos na kami mag-usap. Alam mo yung feeling na matagal na kami magkakilala pero marami parin akong hindi masabi sa kanya?"
"H-heimdall?!" hindi makapaniwalang sambit ni Hunter na nakanganga pa. "I-ikaw ba talaga 'yan?!"
"Oo naman. Bakit?" nakangiting sambit ni Clark na nakaupo sa isang sanga ng puno sa labas ng campus. Nakasubaybay siya kay Hunter at tuwang-tuwa na makita itong napapraning.
Patuloy ang pag-ulan. Nababasa man si Clark ay nanatili siyang komportable sa kanyang posisyon at binalewala ang ulan.
"Kelan ka pa naging madaldal?! Hindi ka ganyan dati!"
"Ganito talaga ako. Naghahanap lang ako ng makakausap. Ilang libong taon na ba ako mag-isang nagbabantay sa Bifröst at naninirahan sa Himinbjörg ng mag-isa?" bahagyang huminto si Clark sa pagsasalita upang mag-isip. "Four thousand plus two hundred years na Viking age, equals buong buhay ko."
"Pero...-"
Hindi na naituloy ni Hunter ang sasabihin dahil nakarinig siya ng isang sitsit.
'Heim?' sinubukan niyang kausapin si Clark sa isipan. 'May naririnig akong sitsit, may nakikita ka ba sa labas?'
'Wala. Pero mula rito, naririnig ko ang sitsit.'