Risha's POV
"Alam mo ba Jaxx may bigla akong naalala."
"Hmm? About what?"
"Nung 14 ako nakidnap ako."
"Oh, really?"
"Oo, anak kasi ako ng mayor ng bayan kaya pinakidnap ako, akala ko nga papatayin nila ko buti na lang may dumating na lalaki na niligtas ako." Nakita kong ngumiti si Jaxx.
"I bet he's really great."
"OO! Grabe ang cool nya habang nilalabanan nya yung mga villains." Proud na sabi ko. Tumango tango lang sya.
"Utang na loob ko sa kanya ang buhay ko kaya naman napunta ko sa trabahong to."
"W-what do you mean?"
"Kaya puro mga criminals ang inaalagaan ko kasi I'm hoping na makita uli sya. Sabi nya kasi sakin dati murderer sya.. I want to help him. I know behind his demeanor lies a good person. " Napangiti ako ng maalala ko sya. Hindi ko na matandaan ang itsura nya dahil nung panahon na yun ay hinang hina na ko at umiiyak pa.
"You can't remember what he looks like?" tanong sakin ni Jaxx.
"Hindi."
"Ahh." Mukhang may gusto syang sabihin sakin pero hindi nya matuloy.
"May gusto ka bang sabihin sakin?"
"Why do you have a lot of personalities? Wasn't it hard for you?" Sandali akong natigilan.
"A-after the kidnapping incident, I was traumatized and there were different therapies that I had to conduct. And from those theraphies unti-unting lumabas yung mga personalities ko." I looked at him for a second.
" I was physically and mentally exhausted that time kaya lumalabas ang mga personalities ko on my behalf. I'm actually thankful to them. I might have gone crazy, buti na lang they were there to somehow make feel that I'm not alone in my battle and help me vent out my stress. It was difficult at first but as we grew together it became fun." Jaxx held my hand.
"It might have been tough for you."
"Well, somehow, pero actually minsan nga I use them as excuse, alam kasi ng mga tao na may multiple personalities ako kaya minsan pinagbibigyan na lang nila ko haha." I laughed and Jaxx also did.
"I'm thankful to that guy who saved you." I smiled. Of course we should be grateful to him.
I looked at his face and my forehead immediately creased in frustration.
"Ang kapal na ng stubbles mo."
"So?"
"Ang dungis mong tingnan. Mag-ahit ka!" Tuwing nakakakita kasi ako ng mga may balbas ay naaalala ko ang mga kumidnap sakin.
"I'm too lazy to do it."
"Ang pangit mo, mag ahit ka!"
"I'm ugly? Insane." He scoffed.
"Dali na! Ako na nga lang mag aahit sayo."
"Tss."
Agad akong pumunta sa kwarto ko upang kunin ang shaving kit ko.
Nilalagyan ko ngayon ng veet ang mukha ni Jaxx, I don't have any shaving cream kaya ok na siguro to.
"Wag mong kainin ano ba! Hahaha" Pano ba naman his licking his lips na nalagyan ng cream.
"I'm curious what it tastes like." Pinalo ko ang braso nya.
"Baliw! Baka malason ka!"
"It actually tastes nice." Mapanlokong sabi nya. Iniling iling ko na lang ang ulo ko habang ngumingiti.
Pagkatapos ko lagyan ng cream ang muka nya ay kinuha ko ang razor. Ito yung ginagamit ko sa pagsheshave ng kilikili ko haha.
Nung malapit ko nang ilapat sa muka nya yung razor ay biglang nangunot ang noo nya at nilayo nya ang muka nya.
"Bakit?" tanong ko sa kanya.
"Where have you used it?"
"Sa kilikili ko."
"Yuck, disgusting!" Umarte sya na parang nandidiri at nasusuka.
"Leche ka! Ang arte mo hinugasan ko naman yan!"
"Haha fine." Umayos na uli sya ng upo at sinimulan ko na syang ahitan. Sugatan ko kaya to? Hmmm.
"Ayan ang pogi pogi mo na." Sabi ko pagkatapos kong punasan ang natitirang cream sa muka nya.
"Tss."
"Hmm, ang kinis kinis parang pwet ng baby." Hinagod hagod ko ang muka nya at umarteng nang-gigil.
"Hmmm, ang soft, bouncy bouncy!" Nakakatuwa yung pisngi nya natalbog. Kiniss ko ang pisngi nya.
"Tss." Tiningnan nya ang leeg ko. " I thought it was one of your personalities."
"Hahaha, ang creepy ba?"
"Hell yeah!"
"Maligo ka na."
"Bathe me."
"Mag-isa ka, kaya mo na yan."
"I want to see her."
"Sinong her?" Bingyan nya ko ng makahulugang ngiti kaya naman hinampas ko ang braso nya.
"Bastos ka!" Tinawanan nya lang ako.
"Hahaha fine. I'll make it quick." Tumayo sya at hinalikan ako sa noo ko at dumiretso ng cr.
"Lalabas muna ko ah!" Sigaw ko sa kanya. I heard him mumble yes.
-Day 22-
[8:15 am]
Andito ako ngayon sa kusina at nagluluto ng almusal namin ni Jaxx.
Ayain ko kaya mag date si Jaxx? Pero imposible naman na makalabas kami dahil for sure makikita sya ng mga tao and who knows what'll happen?
"Doc." Nagulat ako ng bigla kong makita si Jane. Gulo gulo ang buhok nya at pawisan sya
"Anong ginagawa mo dito?" Akala ko ba isang linggo syang mawawala eh halos apat na araw pa lang naman. "Saka bat dun ka sa backdoor pumasok?"
"Doc." Biglang nabalot ng kaba ang muka nya.
"Bakit?" Imbis na sumagot ay hinila nya ko papunta sa lobby at binuksan nya ang tv.
Jaxx natukoy na ang kinalalagyan, gustong ipapatay ng mamamayan.
"Nasa labas po yung mga tao. Galit na galit po sila." Nang sumilip ako sa may pinto ay nakita ko ang mga galit na tao na kinakalampag ang pinto. May mga karatula sila na may nakalagay na Patayin ang hayop nayan! Halos puro ganun ang nakalagay. Bigla akong kinabahan.
Agad kong kinuha nag cellphone ko at tinawagan si Chief Marasigan. Makatapos ang tatlong ring ay sinagot nya ito.
"CHIEF ANO TO?!" Galit na tanong ko sa kanya. Napagusapan na naming to.
"H-hindi namin alam kung pano nila nalaman na nandyan si Jaxx, papunta na kami dyan."
"Bilisan nyo!" Binaba ko ang cellphone ko at pumunta sa kwarto ni Jaxx.
"What's wrong?" Tanong sakin ni Jaxx pagkapasok na pagkapasok ko ng kwarto. Niyakap ko sya at umiyak.
"Hey, tell me what's wrong."
"J-jaxx, I-I'm sorry." Kumalas sya sa pagkakayakap sakin at hinarap ako.
"What's the problem?"
"W-wag kang aalis dito sa kwarto." Dali dali akong tumakbo palabas ng kwarto nya at agad na inilock iyon. Nakita kong kinakalampag nya ang salamin.
"J-jaxx." Sabi ko bago umalis.