Filipino horror stories

By DeanIexst

6.5K 63 9

Minsan kasi sa buhay natin may mga bagay na dapat nating malaman, malay mo isa sa mga story na ito buhay mo r... More

BIO LABORATORY
RESTROOM
SHARE YOUR EXPERIENCE
SCHOOL MO
NUMERO
PLEASE SHARE
LITRATO
TINIG
PAPEL
Abangan ang iba pa
boarding house
unknown woman
TOM
SOCIAL SCIENCE BUILDING
BATHROOM GHOST
31st floor
3 STUDENTS
BALETE DRIVE
JEEPNEY
CELLPHONE
Stay updated
1-2-3
ENGKANTO

Filipino horror stories

1.5K 11 9
By DeanIexst

Ang Aplikante

"Saan po kayo?" tanong ng magandang receptionist kay Andrew.

"Sa 16th floor po. Sa Super Call Center po," magalang na sagot niya.

"Mag-iwan na lang kayo ng ID saka paki-sign na lang po dito," sabi ng babae sabay abot ng Visitor's Log kay Andrew.

Maraming tao ang nakatayo sa harap ng reception desk sa building na iyon sa Makati. Lunes kasi kaya busy ang lahat ng mga tao. Marami at iba-iba ang nilalakad. At tulad ni Andrew, marami rin ang nagbabakasakaling makahanap ng trabaho.

"Nasa dulo po ang elevator lobby," sabi ng receptionist kay Andrew matapos mag-abot ng isang ID.

Dahan-dahang naglakad si Andrew papunta sa elevator lobby. Kumakabog ang dibdib niya sa kaba. Ito kasi ang unang pagkakataon niyang mag-apply ng trabaho. Tatlong buwan pa lang kasi ang nakakalipas ng grumaduweyt siya sa kolehiyo. Engineering ang tinapos niya ngunit dahil wala namang alam na mapapasukan ay sinubukan niyang mag-apply sa call center. May ilan kasi siyang mga kaklase na nakapasok sa mga call center at malaki daw ang suweldo.

Pinagmasdan ni Andrew ang mga tao na naghihintay sa elevator lobby. Lahat naka-business attire. Mga naka-amerikana, mga naka-necktie, at nagkikintabang mga sapatos. Nakadama tuloy siya ng panliliit sa kanyang suot na simpleng asul na polo at lumang itim na slacks.

Pagbukas ng isang elevator ay mabilis na nag-unahan ang mga tao sa pagpasok. Wala na ring nagawa si Andrew kundi ang makipagsiksikan. Sa loob, tahimik lang ang lahat. Lahat naghihintay sa pagtigil ng elevator sa kani-kanilang mga floor.

Naka-ilang tigil din ang elevator bago ito huminto sa 16th floor. Dahan-dahang lumabas si Andrew, dama ang pawis sa kanyang noo. Lumapit siya sa guwardiya na nakaupo sa isang desk.

"Mag-aapply po sana," mahinang sabi niya.

"Pirma na lang kayo dito sir," sabi ng guwardiya habang itinuturo ang visitor's log na nasa ibabaw ng lamesa. Pagkatapos pumirma ay binuksan ng guwardiya ang pintuan ng call center.

Pagpasok ni Andrew ay natuwa siya ng makitang wala pang ibang aplikante maliban sa kanya. Bahagyang nabawasan ang kaba niya. Alam niya kasing ma-iilang siya kapag may mga kasabay siyang magaganda ang damit at magagaling mag-ingles. Huminga siya ng malalim at lumapit sa receptionist, na nakatayo at nakatalikod sa kanya na para bang may ginagawa.

"Good morning, mam. I would like to apply for a Customer Service Representative position," ang magalang niyang sinabi.

Hindi kumibo ang receptionist. Nakatalikod pa rin ito sa kanya, mukhang abala sa ginagawa.

"Excuse me, mam," sinimulan niyang muli. "I would like..."

Hindi niya naituloy ang sasabihin dahil biglang itinaas ng receptionist ang kanang kamay nito at pagalit na itinuro ang mga bakanteng upuan para sa mga aplikante.

Ang sungit naman nito, naiinis na nasabi niya sa sarili.

Umupo si Andrew sa isa sa mga bakanteng upuan habang ang receptionist ay bumalik sa kung ano man ang ginagawa nito. Nagmasid siya sa paligid. Maganda ang desenyo ng reception area, maliwanag at makabago. Hindi maiwasan ni Andrew na mapangiti habang iniisip na maaaring dito siya magta-trabaho.

Pinagmasdan niya rin ang abalang receptionist. Nakasuot ito ng asul na blouse at itim na mini-skirt. Mahaba at makintab ang buhok nito. Sinilip niya kung ano ang ginagawa nito ngunit sadyang hindi niya ito makita.

Makalipas ang ilang minuto ay biglang tumigil ang receptionist sa kanyang ginagawa. Mabilis itong naglakad at nagmamadaling pumasok sa isang pintuan malapit sa kanyang desk. Hindi alam ni Andrew kung ano ang kanyang iisipin. Tinitigan lang niya ang saradong pintuan kung saan pumasok ang babae.

"Oh, are you an applicant?"

Nagulat si Andrew sa narinig na boses. Lumingon siya at nakita niya ang isang lalake na palabas sa pintuan ng isang opisina na nasa bandang kanan niya. Nakasuot ito ng puting polo at itim na slacks.

"Y-Yes, sir. I am," tarantang sagot ni Andrew.

"Have you been waiting for long?" tanong ng lalake habang mabilis na naglalakad papunta sa reception desk.

"Not really. Just for a few minutes."

"Oh, I'm sorry about that. We're just so busy today. Anyways, kindly fill-up this form and when you're done, submit it to me with your resume," nakangiting sabi ng lalake habang inaabot ang isang Application Form.

Bumalik sa upuan si Andrew dala-dala ang Application Form. Matapos niya itong fill-up-an ay kumuha siya ng isang resume mula sa kanyang bag. Marami siyang dalang resume dahil balak niyang mag-apply sa ibang call center kung hindi siya papalarin dito.

"Are you done?" tanong ng lalake ng lumapit si Andrew sa reception desk.

"Yes," nakangiting sagot niya.

"Okay! Just take a seat and we'll call your name in a few minutes." Tumayo ang lalake mula sa pagkakaupo at pagkatapos ay bumalik sa kuwartong pinanggalingan nito kanina. Tahimik na naupong muli si Andrew.

Hindi pa lumilipas ang isang minuto ay biglang lumabas ang babaeng receptionist mula sa pintong pinasukan nito kanina, na sa tingin ni Andrew ay ang opisina niya. Nakangiti na ito at mukhang hindi na abala. Maputi ito at maganda, puwedeng maging isang model.

"Are you Andrew?" tanong nito sa kanya.

"Yes."

"Please follow me," masayang sabi ng babae sabay talikod. Mabilis na sinundan ni Andrew ang babae na muling pumasok sa opisina nito.

"Please sit down," sabi ng babae na nakaupo na sa desk nito. Hawak niya ang resume ni Andrew. "I'm Jane, by the way."

Mabilis na naupo si Andrew sa bakanteng upuan na nasa harap ng lamesa at kinamayan ang babae. Bumalik ang kanyang kaba. Nararamdaman niya ang bilis ng tibok ng kanyang puso. Pinagpapawisan din siya kahit na airconditioned pa ang buong floor na ito.

"So, tell me Andrew. Why do you want to work in a call center?" masaya ngunit seryosong tanong ng babae.

Dahan-dahang huminga ng malalim si Andrew, hindi pinahahalata na kinakabahan siya. Pagkatapos ay sinagot niya ang tanong ng babae, na makailang ulit din niyang prinaktis.

"The call center industry is one of the most in-demand industries here in the Philippines. It presents its employees with opportunities to learn, to grow, and to help others. One can say that it's not just a job, but a career. And I want to be a part of that."

"Good. But what do you know about call centers?"

Huminga ulit ng malalim si Andrew. Inaasahan na niya na itatanong ito sa kanya kaya may nakahanda na rin siyang sagot.

"I really don't know that much, but from what I gather, call centers are the 'go to' points these days. When someone needs help, call centers are just one call away. And of course, the people working in call centers are the frontrunners in providing customer service," nakangiti niyang tugon.

"Okay," mahinang sabi ng babae. Nakatungo ito at seryosong binabasa ang resume ni Andrew.

"So, do you like pretty girls?"

Halatang nabigla si Andrew sa tanong sa kanya. Hindi niya inaasahan na mayroong mga ganitong tanong sa mga interviews.

"Uuummm... well...," na-uutal niyang sagot. "I guess... yes. I mean, everyone likes pretty girls. But for me, what's inside is also important."

Natawa lang ang babae sa sagot niya. Napalunok si Andrew, ramdam niya ang pamumula ng mukha. Hindi siya makatingin sa babae. Buti na lang at nakatitig pa rin ito sa kanyang resume.

"Are you okay working the graveyard shift?" biglang tanong ng babae.

Nakahinga ng maluwag si Andrew. Alam niya ang isasagot sa tanong na ito.

"Yes. I don't have any problems working the graveyard shift. There won't be any problems with transportation as well."

Tumango lang ang babae. Nakakunot ang noo nito habang nakatingin sa resume niya, na para bang may parteng hindi naiintindihan.

"Have you ever killed somebody?" seryosong tanong ng babae.

Hindi makasagot si Andrew. Blanko ang kanyang isip. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin.

Lumipas ang ilang minuto. Nakatingin lang si Andrew sa babaeng nag-iinterview sa kanya. Walang kaingay-ingay sa loob ng opisina.

Sumandal sa upuan ang babae at ngumiti.

"Tell me, what are your strengths?"

Hindi maintindihan ni Andrew kung ano ang nangyayari ngunit ngayong mayroon siyang masasagot sa tanong ay sinunggaban na niya ito.

"My strengths? Well, I can say that I'm a hard-working person. I always give my best whatever I'm doing. I like to tackle challenges head-on. And I can also say that I'm trustworthy," sagot ni Andrew bagamat halatang kinakabahan ito.

"Liar!"

Nagulat si Andrew sa sinabi ng babae. Bagamat nakatingin pa rin ito sa resume ni Andrew ay halatang galit na galit ito. Mahigpit ang pagkakahawak nito sa resume niya, na ngayon ay gusot-gusot na.

"Excuse me," tanong ni Andrew ng hindi kumibo ang babae.

"What are your weaknesses?" pagalit na tanong ng babae.

"My...weaknesses...? Well, I'm... I'm...," hindi makapagsalita ang naguguluhang si Andrew.

"Liar," pasigaw na sabi ng babae. "Do you find me pretty?"

Napanganga lang si Andrew sa mga sinasabi ng babae. Hindi na niya alam ang gagawin. Nanlalamig ang buo niyang katawan.

"Answer my question! Do you find me pretty?!"

Napaatras si Andrew sa kinauupuan. Takot na ang nararamdaman niya ngayon.

"Y-Yes," mahinang sagot niya.

Napahalakhak ng malakas ang babae. Tawa ito ng tawa na para bang wala ng bukas.

"You're just like them. All of you are the same," nakangiting sabi nito sabay kuyumos sa resume ni Andrew. Ibinato niya ito kay Andrew, na sinubukang umilag ngunit tinamaan pa rin sa pisngi.

"I hate you!" sigaw ng babae sabay tayo. "I hate all of you!" Nanginginig sa galit ang babae. Kitang-kita ni Andrew ang mga ugat sa leeg nito. Matalas ang titig ng babae sa kanya. Punong-puno ng pagkamuhi ang mga mata nito.

"I'm gonna kill you! I'm gonna do what you did to me!" Sa pagkakataong ito ay biglang sinungaban ng babae ang nakaupong si Andrew. Bumagsak siya sa lapag at isang sigaw ang pumuno sa loob ng saradong opisina.

"What are you doing here? How did you get in?"

Binuksan ni Andrew ang kanyang mga mata. Nakahiga siya sa lapag, nakadepensa ang kanyang mga braso sa kanyang mukha. Nakabagsak ang upuan sa gilid niya. Tumingala siya at nakita ang lalakeng kausap kanina sa reception area.

Biglang napabalikwas si Andrew sa lapag. Nagmasid siya sa paligid. Siya lang at ang lalake ang tao sa kuwartong iyon. Walang bakas ng babaeng nag-iinterview sa kanya. Mabilis siyang tumayo, hindi pansin ang panginginig ng binti.

"Didn't I tell you to wait for us to call you? What are you doing here?" galit na tanong ng lalake.

Hindi alam ni Andrew ang sasabihin. Pinulot niya ang bag na nasa lapag at pilit na inayos ang nagulong buhok.

"Don't tell me..." sabi ng lalake ng makita ang maputlang mukha ni Andrew. "Did something happen?"

Tinitigan ni Andrew ang lalake, hindi alam kung paano ikukuwento ang nangyari.

"I was being interviewed by this..." hindi niya maituloy at napahikbi siya.

Tiningnan lang siya ng lalake. Para bang alam na kung ano ang nangyari sa aplikante.

"W-Was it Jane?" tanong ng lalake na biglang namutla din.

Nagulat si Andrew sa sinabi ng lalake. Hindi niya alam kung paano nalaman ng lalake ang bagay na iyon. Naalala niya ang mukha ng galit na galit na babae. Bumalik ang takot na naramdaman niya kanina.

"S-Sorry, but I've got to go," mabilis niyang sinabi habang nagmamadaling lumabas ng kuwarto. Pagkalabas ng call center ay sumakay kaagad siya sa isang bukas na elevator at pinindot ang Ground button. Hindi na niya narinig na tinatawag siya ng guwardiya para pumirma sa visitor's log. Pag bukas ng elevator ay tumakbo siya. Hindi niya alam kung saan pupunta, basta ang alam niya ay kailangang makalayo siya. Nawala na sa isip niya ang iniwang ID sa reception kanina. Basta't tumakbo lang siya ng tumakbo.

Nang mahimasmasan siya ay nakita niyang tanghali na. Hindi rin niya alam kung nasaan na siya. Nagmasid siya sa paligid. Maraming tao ang naglalakad at nag-aabang ng masasakyan.

"Baclaran! Boss, maluwag pa," tawag ng kundoktor ng bus na tumigil sa harap niya.

Tiningnan lang niya ang kundoktor, hindi alam ang gagawin. Makalipas ang ilang minuto ay binuksan niya ang dala niyang bag. Inilabas niya ang lahat ng dala niyang resume at itinapon sa basurahan sa tabi niya. Pagkatapos ay sumakay siya ng bus.

Setyembre 18, 20132 Replies 

Stalker 

"Hay, salamat! Uwian na rin!" bulalas ni Aimee. Itinaas niya ang dalawang kamay at nag-inat ng likod. Pagkatapos ay dinampot niya ang kanyang bag at mabilis na tumayo mula sa kanyang cubicle. Dire-diretso siya sa elevator at nakipagsiksikan sa mga kasamahan niyang nagmamadali ring umuwi.

Pag dating sa baba ay nakita niya si Bessie.

"Oy, Bessie! Tuloy tayo bukas, ha," bati ni Aimee.

"No problem. Kailangan ko bang magdala ng kahit ano?"

"Naku, hindi na. Basta't ang mahalaga, matapos natin yung proposal. Kundi, lagot na naman tayo kay Bossing."

"Oo nga, " sagot ni Bessie sabay tawa. "Sige, bukas na lang. Bye."

"Ingat!"

Pumara ng taxi si Bessie. Pagkasakay niya ay mabilis na humarurot palayo ang taxi. Napabuntong hininga si Aimee. Malapit lamang kasi ang kanyang bahay kaya't naglalakad lamang siya papasok at pauwi. Hinawakan niya ng mahigpit ang kanyang shoulder bag at nagsimulang maglakad.

Ngunit agad din siyang napatigil ng makita ang isang taong grasa na nakatayo sa gilid ng kalsada sa kanyang harapan. Nakatingin ito sa kanya.

Ito na naman? sabi ni Aimee sa kanyang sarili. Halos isang linggo na kasi magmula ng makita niya ang taong grasang iyon. Tuwing uuwi siya ay palaging naroroon ang taong grasa, nakatayo at nakatingin sa kanya.

Ano bang problema nito? Dapat paalisin 'to rito. Ang baho-baho!

Binilisan ni Aimee ang kanyang lakad. Nang malagpasan ang taong grasa, ramdam niya na nakapako pa rin sa kanya ang mga mata nito. Araw-araw ay ganito. Hindi niya alam kung ginagawa ba ng taong grasa ang ganito sa lahat ng tao, o baka sa kanya lamang.

Bakit naman kaya siya nakatingin sa akin?

Naging kampante lamang si Aimee ng makapasok na siya sa kanyang bahay at ng ipinid at i-lock niya ang kanyang pinto.

Kinabukasan, oras ng uwian, mabilis na tumayo si Aimee mula sa kanyang cubicle dala-dala ang ilang pirasong folder.

"Ano? Let's go?"

Bahagyang nagulat si Aimee ng makita si Bessie na nakatayo sa kanyang harapan. Tulad niya, may bitbit din itong mga folder.

"Okay. Halika na at ng makapagsimula na," sagot ni Aimee. Dumiretso ang dalawa sa elevator.

"Di ba malapit lamang ang bahay mo rito?" tanong ni Bessie.

"Oo. Diyan lang ako nakatira. Kaya nga naglalakad lang ako palagi."

"Buti ka pa. At least, tipid sa pamasahe."

"Korek ka diyan!"

Pagdating sa baba ay dumiretso kagad sa labas ang dalawa at nagsimulang maglakad.

"Tamang-tama. Nagluto ako kanina ng Afritada," masayang sabi ni Aimee. "Tiyak, masarap ang kain natin mamaya."

"Uy, talaga? Tamang-tama, matagal na kong di nakakakain ng lutong bahay."

"Bakit naman, Bessie?"

"Mag-isa lang kasi ako dito. Nasa probinsya lahat ng pamilya ko."

"Ganon? Buti di ka nalulungkot?" tanong ni Aimee.

"Ok lang. Medyo sanay na rin."

"Bakit di na lang-"

Biglang naputol ang sasabihin ni Aimee. Nakita na naman niya kasi ang taong grasa. Ngunit sa pagkakataon ito, natayo ito sa gitna ng sidewalk, nakaharang sa kanilang daraanan.

"Bakit?" tanong ni Bessie.

"Y-Yung taong grasa..." sagot ni Aimee sabay turo sa madungis na lalaki.

"Ay, ano ba yan! Nakakatakot naman."

"Oo nga. Ilang beses ko na nakikita yan tuwing maglalakad ako pauwi. Naku, mabuti pa tuwawid na lang tayo sa kabila."

"Oo, nga."

Matapos lumingon sa kaliwa't kanan, mabilis na tuwawid ang dalawa.

"Grabe, dapat ireklamo sa baranggay iyan," sabi ni Bessie.

"Oo nga. Di ko alam kung bakit pinapayagang makagala yung mga ganyan!"

"Teka, tingan mo Aimee!"

Lumingon si Aimee at nagulat ng makitang tumawid din ang taong grasa at sinusundan sila.

"Oh my god! Bakit niya tayo sinusundan?"

"E-Ewan ko," tarantang sagot ni Aimee. "P-Pero tuwing maglalakad ako pauwi, lagi akong sinusundan ng tingin niyan."

"H-Ha? Naku, baka stalker yan!"

"Stalker? Meron ba namang taong grasang stalker?"

"Oo naman!" sagot ni Bessie. "Baka kasi nakursunadahan ka!"

"Naku Bessie, huwag kang magsalita ng ganyan ha."

"Mabuti pa bilisan natin ang lakad."

Halos hingalin ang dalawa sa pagmamadali. Ngunit, kahit anong bilis nila, naroroon pa rin ang taong grasa na nakasunod sa kanila tuwing lilingunin nila ito.

"Mabuti pa humingi tayo ng tulong. Medyo dumidilim na rin, oh," sabi ni Bessie.

"H-Ha? Huwag na. Malapit na naman ang bahay ko. Sigurado, hindi tayo masusundan niyan dito."

Lumiko ang dalawa sa isang makipot na eskinita. Madilim na dahil lumubog na ang araw at ang buwan naman ay natatakpan ng makakapal na ulap.

"Aimee, dito ba ang bahay mo. Ang dilim naman."

"Oo nga pero huwag kang matakot. Ganito talaga dito."

Nagpaliko-liko ang dalawa sa loob hanggang marating nila ang isang dead-end. Sa pinakadulo nito ay may kulay asul na bahay na may dalawang palapag.

"Eto ba ang bahay mo?" tanong ni Bessie. "Wow! Ang ganda naman! Mag-isa ka lang ba diyan?"

"Oo, ako lang," nakangiting sagot ni Aimee. "Halika na, pasok tayo."

"Sandali!"

Napalingon ang dalawa ng marinig ang malakas at magaspang na boses. Nagimbal sila sa kanilang nakita.

Ang taong grasa!

"H-Hindi!" bulalas ni Aimee.

"Aimee! Anong gagawin natin?"

"A-Anong kailangan mo? Bakit mo kami sinundan?" tanong ni Aimee.

Hindi sumagot ang taong grasa. Sa halip ay dumukot ito ng isang bagay mula sa kanyang likuran. Isang mahaba at matalas na kutsilyo.

"A-Aimee!" mahinang sabi ni Bessie sabay yakap sa kaibigan.

"H-Huwag kang lalapit. Sisigaw ako!"

Parang hindi siya narinig ng taong grasa. Dahan-dahan itong naglakad papalapit sa kanila.

"Hindi kita hahayaang maisagawa ang binabalak mo," sabi ng taong grasa. Mahinahon at buo ang boses nito.

"A-Aimee! Anong gagawin natin? Baliw yan! Papatayin tayo niyan," nagsusumigaw si Bessie sa takot.

Ngunit, sa di-malamang kadahilanan, parang nawala ang takot sa mukha ni Aimee. Sa katunayan ay nakangiti pa ito.

"Ganun pala. Isa ka pala sa kanila." Humakbang si Aimee upang salubungin ang taong grasa.

"A-Aimee? Anong ginagawa mo?"

Biglang sumigaw si Aimee, dahilan upang mabasag ang mga salamin ng bintana ng kanyang bahay. Napaatras naman si Bessie, ang mga kamay ay nakatakip sa kanyang mga tainga.

Itinaas ng taong grasa ang kanyang kamay na may hawak na kutsilyo at itinutok ito kay Aimee, tila ba nanghahamon.

"Aimee..." mahinang tawag ni Bessie sa kaibigan.

Sa puntong iyon ay hindi na masyadong maalala ni Bessie ang mga sumunod na mga nangyari. Hindi niya maipaliwanag ngunit para bang nagbagong anyo ang kanyang katrabaho. Biglang humaba ang mga kuko sa kamay ni Aimee. Pati ang mga tainga nito ay biglang tumulis. Nang lingunin siya ng kaibigan, nakita niyang naging nakakatakot ang mukha nito. Para bang naging isa siyang mabangis na hayop. Matatalas ang mga ngipin nito. Ang mga mata naman nito ay parang mga uling na nagbabaga.

Muling hinarap ni Aimee ang taong grasa. Pagkatapos ay sinugod nito ang lalaki, ang mga kamay na puno ng matutulis na kuko ay nakataas.

"Hindi mo ko mapipigilan," sigaw ni Aimee. Ang kanyang boses ay parang galing sa ilalim ng lupa. "Hindi ko hahayaang istorbohin mo ang aking hapunan!"

Tumalon ng mataas si Aimee. Pagbagsak nito ay sumalpok siya sa taong grasa. Bumagsak sa lupa ang dalawa, nagpagulong-gulong. Pagkatapos ay katahimikan.

Hindi alam ni Bessie kung gaano katagal silang ganoon. Nang subukan niyang tumayo, nakita niyang tumayo si Aimee. Sa dilim ay inaninag niya ito. Nakita niya na ang hawak na kutsilyo ng taong grasa kanina lamang ay nakaturok na ngayon sa lalamunan ng kanyang kaibigan. Pasuray-suray na naglakad si Aimee papalapit kay Bessie. Nakangiti ito, nakalabas ang matatalas na ngipin.

"B-Bessie... Gutom na ko...." mahinang sabi nito. Pagkatapos ay bumagsak ito at sumubsob sa lupa, hindi na gumagalaw.

"A-Aimee?" naguguluhang sabi ni Bessie.

Mula sa kadiliman ay sumulpot ang taong grasa. Lumapit ito kay Bessie, lumuhod sa kanyang harapan.

"Huwag kang masyadong magtitiwala. Dumarami na sila at mas magaling ng magpanggap. Hindi mo alam kung sino ang totoong tao."

Matapos sabihin ito ay tumayo ang taong grasa at tumalikod. Lumapit ito sa bangkay ni Aimee at kinuha ang kutsilyong nakaturok sa leeg nito. Pinunas niya ang dugong nasa kutsilyo sa kanyang maduming shorts. Pagkatapos ay naglakad ito papalayo at naglaho sa kadiliman.

Sa police station, hindi malaman ng mga pulis kung ano ang iisipin sa testimonya ni Bessie. Wala namang ibang saksing nakakita sa krimen at wala silang makitang tao na makapagsasabing may nakakita sa taong grasa. Inisip na lamang nila na na-trauma ang babae kaya't hindi nito maalala ang mga tunay na nangyari.

Nang makaalis sa istasyon si Bessie, mabilis na nilapitan ng hepe ang pulis na kumuha ng sinumpaang salaysay ng babae.

"Akin na yung sworn statement nung babae."

"Eto po," sabi ng pulis sabay abot sa isang pirasong papel.

Pagkakuha ay agad na pinunit ng hepe ang papel, kinurumpol, at itinapon sa basurahan.

""Sir, ano pong gagawin natin dun sa babae?" tanong ng pulis.

"Hayaan niyo siya. Mas lalong kaduda-duda kung may mangyayari sa kanya. Wala rin namang maniniwala sa kanya. Basta't sirain niyo lahat ng ebidensya."

"Eh, si Aimee po?"

"Ako nang bahala," sagot ng hepe. "Ipapalibing ko na lang kay Karding."

"Eh, ano pong gagawin natin sa taong grasa?"

Biglang sumigaw ang hepe at sinipa ang upuang nasa harapan niya. "Sobra na ang taong grasang iyan! Gusto ba niya talaga tayo ubusin? Sigurado, mahuhuli ko din siya at pagbabayaran niya ang lahat ng kasalanan niya"

Humalakhak ng malakas ang hepe. Pagkatapos ay nakigaya ang iba pang mga pulis at nagsitawanan din silang lahat.

----------------

abangan ang iba pa..

----------------

Kikisap-Kisap

June 8th, 2013

Biglang idinuldol ng lalaki ang dala nitong kandila sa mukha at katawan ni Aling Gina hanggang sa magsimulang magliyab ang kasera niya.

BIGLANG kumisap-kisap ang ilaw sa kuwartong inuupahan ni Jun habang naghahanda siyang matulog. Mag-aalas-onse na ng gabi nang mga sandaling iyon. Ang telebisyon ay maayos naman at hindi nag-fluctuate ang power niyon kaya hindi ang daloy ng kuryente ang problema. May dalawampung segundo marahil na kumisap-kisap ang ¡law bago iyon tuluyang namatay.

Napundi na, hula niya.

Pero pagkaraan ng isang minuto ay muling nagsindi ang ilaw na parang walang nangyari, bagkus ay parang lumiwanag pa iyon. Hanggang sa patayin na niya iyon ay hindi na iyon nagkadiperensiya pa. Kasunod niyon ay may umalingasaw na hindi magandang amoy sa kuwarto niya. Masakit iyon sa ilong. Parang amoy iyon ng isang sunog na…katawan ng tao? Dumungaw siya sa bintana. Wala siyang nakitang nagsusunog ng kahit basura sa labas.

“SAAN ho ang punta n’yo?” nakangiting tanong niya sa kaserang si Aling Gina nang makita niya ito pagbaba niya. Papalabas ito kasama ang pamangkin nitong si Raymond. Disiotso na si Raymond. Si Aling Gina ay mahigit limampung taong gulang na. May dalang korona ng patay si Aling Gina. Kasama niya sa bahay ang mga ito. Apat ang kuwartong pinauupahan nito na pawang nasa itaas ng bahay. Ang kuwarto sa ibaba ang inookupa nito at ni Raymond at ng ina ni Raymond.

“Sa patay,” tugon nito.

“Sino ho ang patay?”

“Si Alfred,” tugon nito. Dati raw nangungupahan iyon sa kuwartong tinutuluyan niya ngayon. Dalawampu’t limang taong gulang na raw ito. Kagabi raw ito namatay, mag-aalas-onse ng gabi. Naglalakad daw ito pauwi nang harangin ng dalawang lalaki at holdapin. Pumalag daw ito kaya pinagsasaksak hanggang sa mapatay.

Ayon sa isang testigo, may dalawampung segundo raw itong nagkikikisay bago hinigit ang huling hininga.

Natigilan siya sa narinig. Biglang pumasok sa isipan niya ang ilaw sa kuwarto niya. Mag-aalas-onse rin kagabi nang kumisap-kisap ang ilaw sa kuwarto niya. May kinalaman kaya iyon sa pagkamatay niyong Alfred? Isang taon din daw na tumira ¡yon sa kuwartong tinutulugan niya ngayon. Dalawampung segundong kumisap-kisap ang ilaw sa kuwarto niya at may dalawampung segundo ring kumisay-kisay muna iyong Alfred bago namatay.

Naramdaman ba ng ilaw ang nangyayari kay Alfred nang mga sandaling ¡yon? Kaya habang naghihingalo ito ay kumikisap-kisap din ang ilaw?

Kung may isang taong malaki ang paniniwala sa mga multo at iba pang bagay na may kinalaman sa kababalaghan, si Jun iyon.

NAPATINGALA si Jun sa ilaw ng kuwarto niya. Kumikisap-kisap na naman iyon. Mag-aalas-siyete pa lang ng gabi nang mga sandaling iyon. Mahigit isang buwan na ang nakararaan mula nang kumisap iyon, na sinabayan ng pagkamatay ng dating nanunuluyan doon sa kuwarto.

May namatay na naman bang dating boarder sa kuwarto na ito? tanong niya sa sarili. Ang unang pagkisap niyon ay tumagal lamang nang dalawampung segundo, ngayon ay medyo matagal na kaya pinatay na niya iyon. Pinindot niya ang switch ng ilaw pero hindi namatay ang ilaw. Nagpatuloy iyon sa pagkisap-kisap. Sira din ba ang switch? Kani-kanina lang ay maayos pa iyon.

Masakit sa mga mata at sa ulo ang pagkisap-kisap ng ilaw kaya lumabas muna siya ng kuwarto.

Mahigit isang oras ang itinagal ng pagkisap niyon, pagkatapos ay namatay nang may isang minuto bago uli nagbukas na parang walang nangyari. Gaya ng naunang insidente ng pagkisap niyon, parang mas lumiwanag pa ang ilaw. Kasunod niyon ay ang paggana uli ng switch. Mayamaya lamang ay umalingasaw ang masakit sa ilong na amoy ng tila sunog na katawan ng tao.

Gaya ng dati, dumungaw siya sa bintana pero wala uli siyang nakitang tao sa labas na may sinusunog na kahit ano. Nahiga siya, nagtalukbong ng kumot, at natulog na. Ayaw sana niya ng madilim ngunit pinatay rin niya ang ilaw sa pangambang kumisap-kisap na naman iyon.

“MAGANDANG umaga ho, Aling Gina,” bati ni Jun sa kasera niya nang madatnan niya ito kinaumagahan na nagdidilig ng mga halaman sa harap ng bahay. Galing siya sa pagbili ng diyaryo at almusal sa kalapit na palengke. “Huhulaan ko, may namatay na naman ho na dating boarder n’yo kagabi, ‘no?” pabirong tanong niya rito.

Natitigilang napatingin sa kanya ang kasera niya.

“Bakit mo alam? Sino ang nagsabi sa ‘yo?”

Siya naman ang natigilan. “May namatay nga?”

“Si Ricky,” malungkot na sagot nito.

Napalunok siya. Hinintay niyang bawiin nito ang sinabi pero hindi nito ginawa.

Tulad ni Alfred, minsan ding nanuluyan si Ricky sa kuwartong inuupahan niya ngayon. May sampung minuto pa lang daw ang nakararaan nang makatanggap ng tawag si Aling Gina mula sa isang kamag-anak ni Ricky. Si Ricky daw ang pinakamatagal na umupa sa kuwarto kaya naging malapit si Aling Gina maging sa mga kamag-anak nito.

Kagabi raw, mag-aalas-siyete ng gabi ay naaksidente ang sinasakyang motorsiklo ni Ricky. Naisugod pa raw ito sa ospitai ngunit pagkaraan ng isang oras ay namatay.

Nakaramdam siya ng panlalamig ng katawan. Mag-aalas-siyete nang kumisap-kisap kagabi ang ilaw sa kuwarto niya at inabot iyon nang mahigit isang oras. Nagkataon pa rin ba iyon o may kaugnayan na talaga ang ilaw sa kamatayan ng mga dating nanuluyan sa kuwarto? Hindi siya tumanggi nang yayain siya ni Aling Gina sa burol ni Ricky. Siya pa ang bumili ng korona ng patay na dala nila.

Pinagmasdan niya ang bangkay ni Ricky. Mukha nga itong mabait, ayon na rin sa pagkakalarawan ni Aling Gina. Matulungin daw ito. Dalawampu’t limang taong gulang pa lang ito at estudyante pa lang ito nang mangupahan sa kuwarto ni Aling Gina. Naalala niyang si Alfred ay dalawampu’t limang taong gulang din nang mamatay. Matanda lang ang dalawa sa kanya nang isang taon.

Naupo siya. Si Aling Gina ay malungkot pa ring nakatunghay sa mga labi ni Ricky. Mukhang nanghihinayang ito sa naging kamatayan ng lalaki. Sino ba ang hindi? Nagsisimula pa lang ang buhay ni Ricky, isa itong inhinyero at may magandang bukas na hinaharap. May ilang nakababatang kapatid din daw ito na sinusuportahan.

Natigilan siya nang may makita siyang lumapit kay Aling Gina na nang mga sandaling iyon ay nasa tabi pa rin ng kabaong. May dalang malaking kandila ang lumapit kay Aling Gina. At sa pagkabigla niya, biglang idinuldol ng lalaki ang dala nitong kandila sa mukha at katawan ni Aling Gina hanggang sa magsimulang magliyab ang kasera niya. Saka rin lang niya napansin na ang lalaking iyon ay si Ricky.

Napabalikwas siya mula sa pagkakasandal niya sa upuan. Naidlip pala siya at agad dinalaw ng isang masamang panaginip.

ALAS-DOS na ng madaling-araw nang magyaya si Jun na umuwi na sila ni Aling Gina. Napahaba ang pakiki-pagkuwentuhan ng kasera niya sa partidos ni Ricky at hindi naman niya ito puwedeng ¡wan. Nakita pa niyang napaluha si Aling Gina.

Wala namang pasok kinabukasan, hindi lang talaga niya naging ugali ang magpuyat dahil hindi niya gusto ang pakiramdam na aantuk-antok sa susunod na araw.

Sasaglit pa lang siyang nakakatulog nang magising siya dahil sa matinding lamig na nararamdaman. Nakita niyang bukas ang bintana. Bumangon siya upang isara iyon pero nasulyapan niyang bukas din ang pinto ng kuwarto niya at may nakatayo roon. Si Ricky!

Hindi siya puwedeng magkamali, natitigan niya nang husto ang mukha nito habang nasa kabaong at ang suot nito nang mga sandaling iyon ay ang suot din nito habang nakaburol.

“Umalis ka na sa kuwariong ito!” mariing sabi nito.

Napaatras siya nang humakbang ito palapit sa kanya. Malamang sa hindi ay nananaginip lang siya nang mga sandaling iyon gaya nang mapaidlip siya sa punerarya. Ngunit bakit kumakabog ang kanyang dibdib?

“Sundin mo ako. Umalis ka na rito,” sabi nito.

Kung hindi lang siya kagagaling sa burol nito ay iisipin niyang buhay ito sa hitsura nito nang mga sandaling iyon.

“Bakit?” tanong niya.

Nagsimula itong magkuwento. At hindi niya maintindihan kung bakit sa halip na kumaripas siya ng takbo ay nakinig siya.

Labindalawang taon na raw mula nang magsimula si Aling Gina na paupahan ang kuwartong tinutuluyan niya. Si Dennis na isang estudyante ang unang nangupahan doon. Pagkaraan ng ilang buwan ay may nangyaring masama kay Dennis. Pinasok at inangkin daw ng isang masamang espiritu ang katawan nito. Kumakalas daw ang espiritu mula rito sa sandaling mag-uumaga na. Pagsapit ng dilim ay muling inaangkin niyon ang katawan ni Dennis. Nawawala raw sa sarili si Dennis tuwing papasukin ito ng espiritu kaya hindi na nito alam ang ginagawa ng masamang espiritu sa katawan nito. Pero may mga umaga raw na nagigising si Dennis na may dugo sa kamay.

Nasa malayong lalawigan daw ang mga kamag-anak ni Dennis. Si Aling Gina raw ang una at huling tao na pinagtapatan ni Dennis ng mga nangyayari dito bago ito natagpuang patay. Nagpatiwakal ito. Gumamit ito ng hagdan at tinanggal ang nakasinding ilaw mula sa socket niyon at saka ipinasok ang isang daliri doon. Kinuryente nito ang sarili.

Takot daw sa kuryente ang masamang espiritung gumagambala kay Dennis. Halos masunog ang katawan nito nang bumagsak ito sa sahig. Inisip daw nito na sa ganoong klase ng pagkamatay ay lulubayan na ito ng masamang espiritu.

“Huwag n’yo nang paupahan ang kuwarto. Hayaan n’yo na lang itong bakante,” lyon daw ang ibinilin ni Dennis kay Aling Gina bago ito nagpakamatay.

Umalis na raw ang masamang espiritung lumiligalig kay Dennis ngunit maaari daw na nakapag-iwan ito ng sumpang maaaring kumapit sa susunod na mangungupahan sa kuwarto. Ganoon daw ang ugali ng masasamang espiritu—nililisan ang lugar na ginawa nitong tahanan ngunit kadalasan daw na nag-iiwan ito ng sumpa sa lugar na iyon.

Ngunit hindi pinansin ni Aling Gina ang babalang iyon ni Dennis kahit may nakita raw itong katibayan na totoo ang sinasabi ng lalaki tungkol sa masamang espiritu. Nanghinayang daw ito sa kikitain ng kuwarto. Naisip daw nito na inatake lang ng pagkabaliw si Dennis kaya sinapit ng lalaki ang malagim na wakas nito kaya kung anu-ano ang sinabi nito bago namatay.

Nagkatotoo ang babala ni Dennis, kinapitan ng sumpa ang lahat ng sumunod na nangupahan sa kuwarto. Nangamatay ang mga ito pagtuntong sa edad na dalawampu’t lima.

“Saan mo nalaman ang tungkol kay Dennis?” tanong niya kay Ricky.

“Nagkita kami ng kaluluwa niya sa kabilang buhay,” sagot nito.

Kasunod niyon ay bigla na lamang niyang nakita ito na may hawak na nag-aapoy na kahoy. Idinuldol nito ang apoy sa kurtina niya na agad nagliyab. Isinunod nitong sunugin ang kama. Kumalat ang apoy sa buong kuwarto.

Nataranta siya. Hahayaan lang ba niya ang nangyayari dahil sa pag-iisip na nananaginip lang siya? Pero ramdam niya ang init ng apoy. Paano kung totoong nasusunog na pala ang kuwarto? Paano pa siya magigising? Ipinasya niyang huwag magbaka-sakali. Tumakbo siya palabas.

“Huwag ka nang bumalik dito!” sigaw sa kanya ni Ricky.

Ang kuwarto ni Aling Gina sa ibaba ang tinungo niya upang iligtas ito.

Pero nagulantang siya sa napasukan sa kuwarto nito. Nakabigti ito sa kisame ngunit buhay pa ito, pilit pinipigilan ng dalawang kamay ang lubid na sumasakal sa leeg nito. “T-tulungan… mo ‘ko…” sabi nito.

Bago niya nadaluhan ito ay pumasok si Ricky at sinilaban ng apoy ang katawan ni Aling Gina. Agad na nag-apoy ang damit ng matandang babae.

“Umalis ka na!” sigaw sa kanya ni Ricky. “Huwag ka nang bumalik sa bahay na ito na pinatatakbo ng isang ganid!”

Pinagmasdan niya si Aling Gina. Nag-aapoy na ang buong katawan nito. Wala na siyang magagawa para dito. Tumakbo siya palabas ng nasusunog na bahay. Huminto lang siya nang matiyak na malayo na siya. Nagtalo ang isip niya kung patuloy na lalayo o babalikan ang bahay. Ipinasya niyang bumalik. Nahindik siya sa nasaksihan.

Hindi nasusunog ang bahay. Lumapit siya roon. Nagulat siya nang makitang maraming tao sa loob at labas niyon. Pumasok siya sa kuwarto ni Aling Gina at nagimbal siya satagpong tumambad sa kanya. Nakabigti ito at patay na. Maayos ang mga gamit sa kuwarto, walang palatandaan na may pandarahas na nangyari sa matanda o nanlaban ito.

Namatay si Aling Gina sa sarili nitong mga kamay. Bakit ito nagpatiwakal? Inutusan ba ito ni Ricky? O pinuwersa ito ni Ricky? O dahil sa usig ng konsiyensiya nito?

Lumabas siya ng bahay, naglakad nang walang tiyak na direksiyon. Nanghihinang napaupo siya sa bangketa at matagal na napatulala lang sa kawalan.

Hanggang Sa Kabilang Buhay

September 19th, 2012

“Dilat na dilat ang mga mata nito at tila sumisigaw nang bawian ng buhay.”

SAWA na sa hirap si Alicia kaya naman ipinangako niya sa sarili na mabigyan lang siya ng pagkakataong yumaman sa kahit ano pa mang paraan ay agad niyang susunggaban iyon.

Kaya nang magpakita sa kanya ng interes ang biyudong milyonaryo na si Don Alipio ay hindi na niya pinakawalan ito. Upang lalong marahuyo ito sa kanya, disimuladong nagpapa-sexy siya tuwing dadalaw ito sa kanya. Napapangiti siya nang lihim kapag nakikita niya ang titig nito sa kanya na puno ng pagnanasa.

Nang maging magkasintahan sila, lalong tinukso niya ito sa disimuladong paraan. Ngunit tuwing matatangay ito at nanaising may mangyari sa kanila ay pasimpleng dumidistansiya siya rito. Hindi siya makapapayag na maangkin nito nang hindi sila naikakasal.

At kahit pa siguro ikasal kami ay hindi ako papayag na makuha niya ako, naisip niya. Ang katawan niya ay para lang kay Orlando, ang lihim na minamahal niya. May usapan silang kapag naikasal na siya sa matanda at may karapatan na siya sa kayamanan nito ay padadaliin na niya ang buhay nito upang sa lalong madaling panahon ay magkasama na sila ni Orlando. Magpapakalayu-layo sila at mamumuhay nang masagana.

Alam niya ang kahinaan ng matanda. Astang nananabik ito ay lalong nanggigigil ito. Hinding-hindi niya pagbibigyan ito dahil baka matulad siya sa ¡bang babae na inakalang pakakasalan ng matanda kapag ibinigay rito ang gusto, ngunit sa bandang huli, pagkatapos pagsawaan ay hindi rin pinakasalan.

Ikadalawang buwan nila bilang magkasintahan nang magpareserba ang matanda ng isang kuwarto sa pinakasikat na hotel sa bayan nila. Pagpasok nila roon ay hinalikan kaagad siya nito. Disimuladong umiwas siya.

“Bakit?” nagtatakang tanong nito.

“Eh, masama ang pakiramdam ko, mahal,” palusot niya.

“Masama? Eh, kanina lang, ang sigla-sigla mo. Mahal, nasasabik na talaga ako sa iyo. Nahihirapan ako tuwing nakikita kitang napaka-sexy ng suot na damit. Lalaki ako at sana ay naiintindihan mo na may mga pangangailangan ako,” malambing na sabi nito.

“Eh, mahal, natatakot kasi ako. B-baka mabuntis ako nang wala sa oras,” pagdadahilan pa niya. Pasimpleng nagde-kuwatro pa siya para lalong mahantad ang mapuputi at makikinis na hita niya. Kandaduling ito sa pagtitig doon.

“H-huwag kang mag-alala, p-pananagutan naman kita,” anito na halata sa boses ang tinitimping pananabik.

Dumukwang siya rito para masilip nito ang mayamang dibdib niya na tinatakpan lang ng manipis na lacy bra. “ibibigay ko sa iyo ang gusto mo pero pakasalan mo muna ako,” nang-aakit na sabi niya rito.

ARAW ng kasal ni Alicia kay Don Alipio. Tapos na siyang ayusan ng hairstylist at nagpaiwan siya saglit dito.

Habang nasa harap ng salamin ay napapangiti siya. Hanggang nang mga sandaling iyon ay hindi pa rin siya makapaniwala na kinagat ng don ang pain niya. Naalala pa niya ang gabi na itinodo niya ang pagpapasabik dito. Kunwari ay unti-unti na siyang bumibigay, ngunit nang sa tingin niya ay nasa katindihan na ito ng emosyon ay saka siya bumitaw at nag-demand ng kasal. Halos hindi siya makapaniwala na papayag kaagad ito. Mabilisan pang ipinaayos nito ang en grandeng kasal nila.

Tuwang-tuwa si Orlando nang malaman iyon. Binigyan kaagad siya nito ng sampung tableta ng Valium na kinuha nito sa pag-aari nitong botika. Ipainom daw niya iyon sa matanda sa gabi ng pulot-gata nila para siguradong patay ito. Ngayon pa lang ay binibilang na nito kung ilang sangay ng botika ang itatayo nito kapag nakuha na niya ang kayamanan ng matanda.

“Ilang sandali na lang at magiging milyonarya ka na, Alicia,” pagkausap niya sa sarili. Mayamaya ay tumayo na siya para tunguhin ang naghihintay na bridal car.

MABILIS na naidaos ang kasal. Nang hahalikan na siya ni Alipio ay pikit-matang tinanggap iyon ni Alicia.

Nang nasa reception na sila ay saglit lang silang tumigil doon at hinila na siya nito pauwi sa mansiyon.

“Ano ka ba, Alipio? Nakakahiya sa mga tao kapag umalis tayo roon,” aniya.

“Hayaan mo sila. Sabik na sabik na talaga ako sa iyo, mahal. Gusto ko nang masolo ka,” anito. Agad na tinawag nito ang driver nito at inutusang ihatid na sila sa mansiyon.

Gusto mong mapadali ang lahat sa iyo, ha? Aniya sa sarili.

PAGPASOK na pagpasok pa lang nila sa kuwarto ay sinibasib na kaagad siya nito ng halik. Ngunit pinigilan niya ito.

“Bakit na naman? Mag-asawa na tayo, ah! ‘Di ba ang sabi mo, pakasalan muna kita bago mo ibigay sa akin ang sarili mo?’ Ayan, pinakasalan na kita,” naiinis na sabi nito.

“Eh, mahal, maligo muna tayo. N-nanlalagkit na ako, eh,” malambing na sabi niya.

Nangislap ang mga mata nito. “Sige, sabay na tayo,” anito.

“Hindi. Mauna ka na. Nahihiya pa ako, eh. A-alam mo naman, inosente pa ako,” kunwari ay nahihiyang sabi niya rito.

Ngumisi ito. “Ang suwerte ko talaga sa iyo. Hinding-hindi talaga ako makapapayag na hindi kita maangkin. Akin ka lamang, Alicia,” anito habang matamang nakatitig sa kanya nang buong pagnanasa. Kapagkuwan ay tumalikod na ito at nagtungo sa banyo.

‘Yan ang akala mo, tanda! Hinding-hindi mo maaangkin ang katawang ito, aniya sa sarili habang nakataas ang kilay na sinusundan ng tingin ang pagpasok nito sa banyo. Nang marinig na niya ang lagaslas ng tubig ay tumalikod kaagad siya at bumaba para magtimpla ng mainit na gatas sa kusina. Pagkatimpla ay binudburan niya iyon ng dinurog na sampung tableta ng Valium na bigay ni Orlando.

“Hah! Tingnan ko lang kung masilayan mo pa ang araw bukas,” mahinang sabi niya habang itinataktak ang natitirang durog na gamot sa gatas. Hinalu-halo niya ang gatas para tuluyang matunaw iyon, saka umakyat na siya dala ang isang basong gatas.

Pagpasok niya sa kuwarto ay tiyempong palabas na ng banyo ang hayok na matanda. Nginitian niya ito nang matamis.

“Mahal, ipinagtimpla kita ng gatas. Inumin mo muna,” malambing na sabi niya rito.

“Mamaya na ‘yan. Nasasabik na talaga ako sa iyo,” anito na akmang sasaklitin uli siya. Umiwas siya.

“Mahal, inumin mo muna ang gatas habang mainit pa. Pampalakas ng tuhod,” malanding sabi niya rito.

Inabot nito ang gatas at dire-diretsong ininom iyon. Kapagkuwan ay muli siyang sinaklit at pinaghahalikan nito. Hinayaan lamang niya ito.

Ang tagal namang umepekto, naiinip nang usal niya sa isip. Pakiramdam niya ay katumbas ng isang oras ang bawat segundo. Nangingilabot siya sa pinaggagagawa sa kanya ng hayok na hukluban pero kailangan niyang magpanggap na nasisiyahan siya. Nang sa wakas ay unti-unting lumuwag ang pagkakahawak nito sa kanya ay nakahinga na siya nang maluwag. Bumuwal ito sa kama, sapo ang dibdib.

“Maligayang pagtulog habang-panahon, Alipio,” aniya. Nagsuot siya ng roba at bumaba sa kusina para hugasan ang baso. Nang muli siyang bumalik sa kuwarto ay hinubad niya ang roba at hinubaran din ito. Nandidiri man ay niyakap niya ito at nagkunwaring natutulog.

KINAUMAGAHAN ay narinig ng mga kasambahay ang tili ni Alicia. Sumugod ang dalawang katulong sa loob ng kuwarto nilang mag-asawa kaya lalo niyang pinagbuti ang pag-arte.

“T-Tonya, E-Elma, si Alipio… Hindi magising si Alipio…” kunwari ay tarantang-tarantang sabi niya.

“T-tawagan ninyo si Doctor Roque!” aniya na ang tinutukoy ay ang kasapakat na doktor. Nagawa niyang mapapalitan kay Alipio ang dating family doctor nito at maipalit ang doktor na binayaran niya at pinangakuan ng malaking halaga sa sandaling mapasakanya na ang mga kayamanan ni Alipio.

Mabilis na tumalima ang dalawa. Nang wala na ang dalawa ay binalingan niya ang wala nang buhay na si Alipio.

“Paalam, mahal ko. Rest in peace. Huwag kang mag-alala, iingatan ko ang kayamanan mong maiiwan sa akin,” nakangising sabi niya rito.

BINAYARAN ni Alicia ang lahat ng dapat bayaran para manatiling lihim ang ginawa niya at lumabas na simpleng cardiac arrest ang ikinamatay ng matanda. Hindi na niya pinatagal ang burol at agad na ipina-cremate ang labi ni Alipio. Dahil wala namang anak at nag-iisa na sa buhay ang matanda, solong-solo niya ang kayamanan nito.

Sa harap ng mga bisita ay animo esposang nasa matinding pagdadalamhati ang hitsura niya. Ngunit nang nag-iisa na lamang siya sa kuwarto ay doon niya inilabas ang kasiyahang nararamdaman niya.

“Mayaman na ako! Hindi pa rin ako makapaniwala, akin na ang lahat ng ito,” tuwang-tuwang sabi niya habang inililibot ang paningin sa paligid. Nagbukas siya ng alak at uminom. Nagpakabundat din siya sa pagkain.

NAALIMPUNGATAN si Alicia dahil sa malagkit at malamig na bagay na humahaplos sa hita niya. Dahan-dahan niyang iminulat ang inaantok pang mga mata. Nang hayunin niya ng tingin kung ano iyong humahaplos sa mga hita niya ay nasindak siya sa nakita.

Isang bangkay iyon na halos madurog na ang isang braso at litaw na litaw na ang lamang nakukulapulan ng namumuo nang dugo. Umaalingasawang ubod ng lansang amoy sa paligid. Nakaluwa ang mga mata niyon at sabog ang ulo.

“Kumusta, mahal ko? Narito na uli ako,” anang boses na kilalang-kilala niya. Boses iyon ni Alipio. Ngunit bakit ganoon ang hitsura nito?

“B-bakit kaboses mo si Alipio?” hintakot na tanong niya habang umuurong sa kama.

“Dahil ako mismo si Alipio. Nagdaramdam ako sa iyo. Bakit mo naman ipinasunog ang katawan ko? Sana noon pa kita nabalikan at hindi sana ganito ang hitsura ko. Kinailangan ko pang mag-abang ng isang mamamatay na bago kita mabalikan.

“At dahil sabik na sabik na ako sa iyo at hindi na makapaghintay pa, nang makita ko ang isang lalaki na nasagasaan ng humahagibis na truck, hinintay ko lang lumabas ang kaluluwa niya sa kanyang katawang-lupa at ako na ang pumalit. Kaya, mahal, pagpasensiyahan mo na kung masagwa ang hitsura ko ngayon. Hindi lang talaga ako makapapayag na hindi ka maangkin. Hanggang sa kabilang buhay, napapangarap ko ang malambot at maganda mong katawan. Masyado mo akong pinasabik,” anito at akmang susunggaban siya ngunit nangingilabot na umiwas siya.

“H-huwag kang lalapit!” takot na takot na sigaw niya. Humingi siya ng tulong ngunit naalala niyang soundproof nga pala ang kuwarto at malayo ang maid’s quarters kaya walang makakarinig sa kanya. Binato niya ito ng lampshade nang magtangka uli itong lumapit.

“Bakit ngayon ay ayaw mo na? Pinasabik mo ako nang husto at saka pinatay, ngayon ay hindi mo ako pagbibigyan?” galit na sabi nito. Sa isang saglit ay nakalapit ito sa kanya at itinulak siya sa kama. Sinuntok nito ang sikmura niya. Napakalakas nito kaya agad siyang nanghina. Halos mabaliw siya nang simulan nitong haplusin ang katawan niya.

“Sa wakas, maaangkin na kita, mahal kong asawa. Akin ka hanggang sa kabilang buhay,” anito na tuluyan nang kumubabaw sa kanya. Langhap na langhap niya ang ubod ng lansa na amoy nito. Nang akmang masusuka siya ay tinapalan ng halos buto nang bibig nito ang bibig niya. Dumikit ang malagkit na durog na laman sa mga labi niya. Naipit sa lalamunan niya ang sindak na sindak at nandidiring sigaw niya…

KINAUMAGAHAN ay nagkakagulo ang mga kasambahay sa mansiyon ni Don Alipio. Natagpuan ng katulong na si Tonya na patay na nakabulagta sa kama ang hubo’t hubad na si Alicia. Dilat na dilat ang mga mata nito at tila sumisigaw nang bawian ng buhay.

“Ano ang nangyari kay Ma’am Alicia?” nagtatakang tanong ni Elma habang pinagmamasdan ang wala nang buhay na batambatang asawa ng namatay na amo nila.

“Baka binangungot. Ano ba ‘yan, halos wala pang isang linggo na namamatay si Señor, ‘tapos, siya naman. Sayang, ang bait-bait pa naman niya…” napapalatak na sabi ni Tonya.

“’Di bale. Siguro magiging masaya na siya ngayon dahil magkakasama na sila ni Sir,” komento ni Elma.

Balikbayan

July 29th, 2012

“Ano ang misteryong bumabalot sa katauhan ng BALIKBAYAN?”

Matumal ang pasada. Bakasyon ng mga eskuwela at ang init ng tag-araw ay nararamdaman ng marami. Maliban sa Shopping Mall na maraming umaaligid at nagwi-window shopping, kahit bihira ang bumibili, ay halos walang tao ang mga kalsada na dati’y marami ang naglalakad. Enjoy’ang marami sa malamig at maluluwang na pasilyo ng higanteng Shopping Mall.

“Maliit lamang ang kikitain ko sa araw na ito,” naibulong ni Ben sa kanyang sarili. “Tumaas na muli ang litro ng gasolina at sa iilang pasaherong maisasakay ko ay kakaunti na lamang ang malalabi sa akin. Kailangan kong pumasada ngayong gabi.”

Marami ang mga nagtatrabaho sa Shopping Mall na alas diyes na nang gabi kung magsara at naroon pa rin ang mga fly-by-night birds na galing sa mga Night Club. Bagamat may kakontrata nang sasakyan ang marami sa mga iyon ay makakukuha pa rin siya ng pasahero. May mga hatinggabi na rin kung umuwi na ang karamihan ay mga may-overtime.

Mag-aalas diyes nang gabi nang may pumara sa kanyang isang babae na may dalang malaking maleta.

“Mama. Kokontratahin na kita. Ihatid mo ako sa Balete.”

Hindi kalayuan ang Balete at malaki ang halagang iniaalok ng babae sa kanya. Malaki pa iyon sa kikitain niya sa maghapong pasada.

“Malaki iyan, Miss. Ay aw kong gulangan ka dahil malalaman mo rin iyon. Hindi mapapanatag ang kalooban ko sa gayong trato sa iyo.”

“Samantalahin mo ang iniaalok ko sa iyo, baka iurong ko pa ‘to. Balik-bayan ako. Sa akin ay maliit lamang itong ibinibigay ko sa iyo. Hindi mo ako ginugulangan.”

Tinanggap ni Ben ang pera at tutulungan sana niya ang babae ngunit parang iglap lamang ay nakasakay na ito. Umusad ang sasakyan at tila anag-ag na lamang ang puting damit ng babae sa karimlan. Pangilan-ngilan lamang ang naiilawang bahagi ng kalsadang kanilang binaybay. Nag-iisip pa siya sa kahiwagaang nangyayari nang marating nila ang lugar na sinabi ng pasahero.

Tutulungan sana niyang ibaba ang malaking maleta at ilang supot na dala ng babae ngunit nasa ibaba na ito bago siya nakababa ng kanyang dyip. Napansin niyang madilim sa paligid at kahit na ang bahay na itinuro ng babae ay walang ilaw.

“Hindi ba nila alam na darating ka?”

“Sorpresa ‘tong dating ko.”

“Ihahatid kita sa bahay.”

“Huwag na. Ayaw kong makita nilang may kasama ako,”

“Nang asawa mo?”

“Dalaga ako.”

Bitbit ang maletang umalis ang babae at sa isang iglap lamang ay naglaho na ito sa karimlan.

Malayo na si Ben ay iniisip pa rin niya ang kahiwagaan ng mga pangyayari. Hindi niya mawari ang bilis ng pag-akyat at pagbaba ng babae sa kanyang dyip ang tila aninong paglalaho nito sa karimlan. Parang galing sa malalim na balon ang boses nito.

Kinabukasan, binalikan niya ang lugar na pinaghatiran niya sa babae. Gusto niyang ihanap ng kasagutan ang maraming katanungan sa kanyang isip. Malayo pa ay natanaw na niya ang maraming taong natitipon sa bahay. May dumarating at may papaalis. Hindi niya napigil ang magtanong sa isang lalaking kalalabas pa lamang ng tarangkahan.

“Kararating pa lamang ng bangkay ni Ester na anak ni Pareng Pilo. Namatay siya sa aksidente. Binangga ng isang trak ng graba ang kanyang minamanehong kotse. Sa Italy siya nagtatrabaho,” ang sagot ng lalaki.

Sa Likod Ng Pader

June 3rd, 2012

“Ano ang lumikha ng ingay sa LIKOD NG PADER?”

Hinding-hindi ko makakalimutan ang bahay na aming nilipatan. Isa itong duplex sa may Brgy. Nayon, Antipolo City. Sinasabing ipinatayo ito ng dalawang magkamag-anak na ang isa ay patuloy na naninirahan sa isang bahagi nito. Ang isa ay umalis patungong ibang bansa kaya pinaupahan na lamang. Kami ang nakaupa sa kalahati.

Maayos naman ito. May isang maluwag na kuwarto sa itaas at isang banyo at maayos na sala at kusina. Sa may kalawakang bakuran ay may mayayabong na puno at malagong garden. Marami na ring bahay na nakatayo sa paligid.

Sa panahong inilagi ng aking pamilya dito ay sa sala ako natutulog bilang pagbibigay sa dalawa kong kapatid na babae at magulang ko na matulog sa itaas. Bale bantay na rin dahil bago pa lang kami sa lugar at di pa alam ang klase ng mga tao sa aming paligid. Kahit sa meaning ng ‘bantay’ ay hindi naman ako magpi-fit dahil may pagkaduwag ako.

Karaniwang ayos ko sa sala kapag walang magawa, nanonood ng TV, naninigarilyo o kaya umiinom ng beer. Minsan, pag-trip ko, lahat ‘yon ginagawa ko.

Minsan, habang naninigarilyo ako at nanonood ng T.V. ay may naulinigan akong kalabog na nagmumula sa firewall na naghahati sa duplex na aming tinitirhan. Hininaan ko ang volume ng TV sa pag-aakalang galing lang doon. Pero sa firewall talaga nagmumula ang kalabog na parang may nagmamaso sa kabilang bahay.” Sinipat ko ang relos ko. Ala-una na ng madaling araw. Disoras e nagpupukpok, sa loob-loob ko pa. Hinayaan ko lang. Tumagal ng mga tatlong minuto ang dagundong sa firewall. Nang tumigil ay nahiga na rin ako at nakatulog.

Nang sumunod na gabi ay naulit ang pagpupukpok sa pader. Inisip ko at pilit hinahanapan ng dahilan kung bakit magpupukpok ang kapitbahay namin sa ganoong oras na ang lahat ay natutulog na dapat. Pero wala akong maikatwiran. Isang kuwarenta anyos na biyuda kasi ang nakatira sa kabila at isang katulong. Bakit magpupukpok ang mga ito?

Kinabukasan ay tinanong ko ang pamilya kung naiistorbo sila ng ingay sa firewall tuwing hating-gabi pero wala naman daw sila naririnig na ingay.

Pero nasundan pa ang pukpok nang sumunod pang dalawang gabi. Kaya isang umaga ay kinausap ko na ang kapitbahay namin. Ang katulong na Gemma ang nakausap ko. Kilala naman ako nito.

“Sinong nagpupukpok d’yan sa inyo tuwing hating-gabi?” tanong ko.

“Sinong…magpupukpok?” kumunot ang noo nito sa pagtataka.

“Gabi-gabi na kasi akong nakakarinig na may parang bumabangga sa firewall.”

“Wala namang nagpupukpok sa amin, kuya!” pakli ng katulong.

Lumabas ang matandang babaeng may-ari sa front door ng bahay. Nakatingin sa amin. “Bakit, ano ‘yon Gemma?”tanong nito.

“May naririnig daw po siyang pumupukpok sa firewall tuwing gabi,” sagot ng maid.

“Tuwing hating-gabi!” paglilinaw ko.

Natigilan ang matandang babae. “Papasukin mo muna, Gemma!”

Pinapasok ako sa loob ng bahay. At isinalaysay sa akin ng matanda ang isang kuwento na labis na nagpatindig ng aking balahibo. Mayron raw itong anak dati na maglalabinlimang taong gulang. Namatay ito dahil sa brain cancer. Nagkaroon ng malignant tumor sa utak at huli na nang ma-diagnose. Inilihim ng bata ang sakit sa magulang upang huwag mag-alala ang mga ito sa kanya. Tiniis ang sakit at ang hirap na dala ng gayong sakit.

Ipinakita sa akin ng matanda ang picture ng bata. Binatilyo na rin kung tutuusin at may hitsura.

“Kapag inaatake siya, inuuntog niya ang kanyang ulo sa pader,” hindi na napigilan ng matanda ang mga luhang nangingilid lamang kanina sa mga mata. “Minsan, naabutan namin, dumudugo na ang ulo niya. Hindi na kaya ng kahit anong pain reliever.”

Tahimik lang akong nakikinig sa sinasabi ng matanda. Pero parang natataranta na ang mga ugat sa utak sa isiping ilang gabi na pala akong minumulto. Ang mga kalabog na naririnig ko ay likha lamang ng multo!

Pag-uwi ko ay para akong wala sa sarili. Tulala. Nang ikuwento ko ito sa aking pamilya ay takot na takot sila. Samantalang ako, matapos marinig ang kuwento ng matanda ay parang naawa sa halip na matakot. Buhat noon, madalas ko pa ring marinig ang pag-uuntog ng ulo sa pader at minsan, may kasama pa itong pag-ungol. Ang hindi ko mawari, naririnig ko lamang iyon kapag ang ayos ko sa sala ay naninigarilyo at umiinom ng alak. Para bang sinasabi sa akin ng multo na tigilan ko na ang mga bisyong iyon.

-------------------------------

new- sorry kung ntagalan...=D

-------------------------------

The Social Science Building

Schools are always infested with haunted stories. This is more noticeable to big and old universities, especially those whose roots started at the Spanish era. As time progresses, the chilling stories of each school is pass on to generation to generation. Some of these stories died out, while others are forged by time. My school has one and its story is true. Why can I strongly confirm that its true? Because the evidence was never removed (or can't be in this situation).

The Social Science building is one of the oldest building in our campus. The building harbors most of the departments related to the school's education course. In the past the sixth floor of the building was said to be a morgue. When I enrolled in  this school it was removed and became a free floor- a floor for other PE classes or used by several school clubs for practicing.

The most interesting fact about the SS building is that its elevator is closed. As in, there are metal bars in each floor blocking the doors of the elevator. If that ain't creepy enough, there are times when the elevator opens on its own. I said that because I witness it personally.

The SS building has a bridge that connects the buildings adjacent to it. So in traversing towards the STC Building (which is at the right side of the SS), I would usually pass through the SS building. It was really quiet and I was the lone person in the hall. As I was passing by the elevator, its doors suddenly opened. That startled me and caused me to run away.

Now, many of you would think that "maybe there was a maintenance" or anything near that line of thinking. After I recovered from running, I thought the same thing, but then I remembered that there is no electricity running it.

After that incident I researched about the history of that building, specifically about that elevator. I found some really interesting things about it. First, that elevator has never been replaced. Therefore, when the sixth floor of the SS building was still a morgue, that elevator is what they use. Also, the shutting down of the elevator happened 6 years ago for safety reasons.

However rumor has it that those "safety reasons" weren't really the reason. The reason is pretty scary. The story goes like this:

This story takes place after the sixth floor was renovated. There is this priest who has heading to the Religious Studies Department on the SS Building. Being quite old and having shaky bones, the priest decided to take a shortcut... to ride the elevator.

He entered alone. there weren't problems except that the elevator was clicked to go to the sixth floor. "This must be another prankster's joke" he murmured to himself. Now, the RS Department is in the fifth floor and while the elevator was climbing up, it stopped in the third floor. "These students need to be disciplined" he thought.

The door opened revealing no one outside. He press the button for closing the door and the elevator quietly closed its doors. He reached the fifth floor. He was about to step outside when he was brushed aside by a running girl.

It was shocking, not because the girl appeared out of nowhere, rather because the girl came inside the elevator! The same elevator he was riding alone. Finally stepping outside after seconds of shock, when he turned his view inside the elevator.... there it was. A floating girl, wearing white. The priest was so stunned that he black out.

When he came through, he was already inside the RS Department's room, surrounded by the staff of the department. When he asked what happened, all he can say is that "Babae.... nakaputi... lumulutang.... sa likod nyo!"

Bad Girls and the Bathroom Ghost

I was a student at the Central Philippine University in 1985. I had two best friends, Marie and Jacky. We were considered “the bad, but cool, girls.”

It wasn’t easy to join our group, nor were we looking for additional members. We enjoyed ourselves being “bad” girls – well not the kind that you probably would have in mind. We were still conservative in our unique ways.

Anyway, we always frequent the girl’s restroom for a make over, smoke and the usual gossip. One day, on one of our routine smoking sessions, a girl we never saw before came in and started fixing her hair. She totally ignored us – that was disrespectful! We were furious at her audacity, for no one - and I mean no one - would dare come in the girls' room when we were in there.

We stared at her hard but she, apparently, wasn’t intimidated at all. So Jackie, being the most assertive of us, nudged her and went with her face close to her cheek. The room became so silent, you could literally hear a pin drop. It was a tense moment and we were all at the edge of our breaths. Then suddenly, the stranger turned her head sharply toward Jackie! Jackie screamed, and that led to a chain reaction of screams from Marie and me as well. Jackie jolted backwards and nearly tripped over my foot.

We stood there in horror! Was she going to hurt us? Were we doomed for all the things we had done against many girls like her? These questions went through our minds equally. We stood there staring at her face which was blue, and her eyes were bloodshot and popped halfway out of the sockets!

It is the most horrendous, most scary thing I have ever seen in my life! I've been scared by sights in the movies but nothing beats this!

After that incident, we stopped using the girls' room as often, and vowed not to bully anyone anymore.

Apparently, others have also seen the “ghost-girl” but only as a reflection in the mirror.

Floating Woman

This is a story related to me by my parents.

Before my parents were married, my mother often visited my father at his house in Daanbantayan. At midnight, my father would send my mother home on his little motorcycle. This was their courtship routine.

My mother may have been granted permission by her parents to visit my father, but she was never allowed to stay the night; it was not a respectful thing to do then. So, at midnights, no matter what, my father would send my mother home.

Normally, the rides to my mother's home were uneventful, but there was one night when things were different.

The day was wet; it had been raining heavily. The courting couple remain indoors all day. They talked, cooked and ate together. My father's parents liked having my mother around because, apart from being a good company, she was a great help around the house.

That midnight, it was still raining so they waited a little longer. At around one o'clock in the morning, the rain had turned into a drizzle. My father quickly brought out his little motorcycle and hopped on. My mother climbed up and hugged him; it was going to be a cold ride home.

As they pass the main road and entered into a lonely narrow road, which would eventually take them to my mother's house, they saw ahead an old woman crossing the road. They thought nothing of her, even though she was carrying two kerosene lamps and walking very slowly---where was she going at that time of the night, in the middle of nowhere?

They were freezing in the cold wind so all they could think about was getting home as soon as possible. So, they rode by her without saying a word. After passing by her, both of them curiously looked into the motorcycle's handlebar mirror. What they saw, froze them completely. My father nearly crashed the motorcycle into a tree as he swerved about uncontrollably. He could not keep his hands still; they were trembling out of control.

Behind them, the old woman was floating in the air---her feet were almost three feet off the ground. Her hair fluttered in the wind as though an electric current was going through her body. Her eyes were burning furiously, like the kerosene lamps she was carrying. She was right behind, and appeared to be chasing them.

Although petrified, my father did not lose total control of his motorcycle. He rode so fast and furiously that he missed the turn into the road that led to my mother's house. He only slowed down after my mother alerted him about the turn.

Both my parents didn't know if the other had seen what each of them had seen. When they reached home finally, my father looked at my mother and calmly asked her.

"Nakakita ka sa tiguwang nga naglutaw?" which means, Did you see the floating old woman?

"Yes." She replied, shuddering.

They quickly entered the house and closed the door.

That night, my mother insisted that my father slept in her house. Luckily, he did, or he may not be alive today, and neither would I.

Continue Reading

You'll Also Like

2.4M 119K 35
FLAMES: F- Forever, L-Love, A-Angry, M-Married, E-Enemy, S... Sinister ... Isang taon na nahinto ang sikat na estudyante sa Sto. Cristo, naaksidente...
12.9M 198K 48
The rumored curse of the 6th section is real, and the students of St. Venille High's current senior batch are paying for their ignorance with their l...
91.4K 6.7K 88
Isang tagapag mana ang isinilang mula sa mabuting lahi ng aswang at bampira Para kalabanin ang mga masasamang balak ng mga ito na lipulin at patayin...
139K 10.1K 14
Bembiehyehohyehohyehohyeh~ WALANG SAYSAY ITO, KUNG AKO SA'YO HUWAG MO NALANG BASAHIN.