Enchanted Academy

By DyosangPlayer

88.7K 632 44

Enchanted Academy ang paaralan para sa mga taong may mga kakayahan na hindi kayang gawin ng ordinaryong tao... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
NEXT GENERATION STORY
Note

Chapter 2

3.4K 91 7
By DyosangPlayer

Sheysu's POV

*Cafeteria*

Kumakain kami ni Ally nang biglang nagsigawan ang mga tao. Napalingon kami ni Ally sa entrace ng cafeteria kung saan nanggaling ang ingay.

"Kyaaah~ nandiyan na sila." Sigaw ng mga babae mula sa lower section.

Kilala ko na kung sino yung tinutukoy nila kaya nagpatuloy nalang ako sa pagkain.

"Alam mo, mas okay sana kung hindi kasali sa grupo nila 'yang malditang Catrina na yan eh." Inis na sabi ni Ally sabay irap.

"Easy Ally, wag mo na lang silang pansinin." Pagpapakalma ko sa kan'ya.

Nagpatuloy nalang kami sa pagkain at 'di na namin sila pinansin pa, pagkatapos namin kumain ay bumalik na agad kami sa classroom.

Pagpasok namin ay tulad parin ng dati sobrang ingay wala pa kasing teacher eh. Ilang minuto na rin ang nakalipas ay dumating na ang teacher namin.

"I'm your science teacher, okay now let's go to the lab." Bungad sa'min ni ma'am na hindi manlang kami inabalang batiin.

Sumunod lang kami sa kan'ya papuntang lab, nag discuss lang naman siya ng onti eh saka next week pa naman daw niya kami tuturuan gumawa ng experiment.

Tatlong subject lang ang mayroon sa lower section habang sa higher section naman ay lima. Ewan ko ba kila mama kung bakit ganun. Masyadong nilang minamaliit ang mga taga lower section.

Natapos na ang klase namin sa science at uwian na rin sa wakas. Agad din naman kaming dumeretso sa pag uwi ni Ally.

"Hays boring naman ng mga nangyari sa school wala manlang kabago bago." Sabi ko habang nagiinat.

"Sheysu 'di ba wala ka namang gagawin?" Biglang tanong sa'kin ni Ally.

"Oo bakit?" Sagot ko at napalingon sa kan'ya.

"Tara doon sa gubat." Biglang aya niya na siyang pinagtaka ko.

"Ha? Eh 'di ba nga pinagbabawalan nga tayo pumunta dun. Ano bang gagawin natin dun ha?" Tanong ko sa kan'ya.

Ang mga estudyante kase dito ay pinag babawalang pumunta sa gubat dahil sa sobrang delikado. Pag may nakahuli sayo na pumunta ka ng gubat ay mapaparusahan ka. Kung saan ay isang linggo mong hindi masu-summon ang guardian mo.

"Sige na Sheysu, mag-iingat naman tayo eh. Gusto ko lang makita kung anong meron sa gubat at gusto ko rin kase mag relax eh. Please." Pilit na pag aya niya sa'kin habang pumipikit pikit pa ang loka ano akala mo cute ka.

"Sigi tara na, ano pa nga ba ang magagawa ko eh mukhang desidido kanang mangulit este pumunta?" Sabi ko sa kan'ya sabay buntong hininga.

"Yehey! Tara na." Excited na sabi niya.

Agad niya akong hinila papunta sa gubat, maingat kaming pumasok sa loob nito na tipong walang makakakita at 'di na namin pinalampas ang pagkakataon kaya sinadya narin naming puntahan ang blue river kung saan makikita mo talagang blue na blue ang tubig at isa pa sa kagandahan nito ay talagang napaka maaliwalas tignan ng mga tanawin dito.

"Oh 'di ba, ang sarap tumambay dito." Nakangiting sabi ni Ally habang relax na relax.

Totoo namang nakakarelax. Wala paring pinagbago ang ganda pa rin talaga dito, ang daming bulaklak, mga paro-paro at mga ibong nagsisiliparan sa paligid, bigla ko na namang naalala sila mama at papa nakaka miss tuloy yung mga panahon na masaya kaming magkakasama at nagpi-picnic dito.

Lumipas ang ilang oras at hindi na namin namalayan na gabi na pala, delikado na dito.

"Ally tara na, inabot na tayo ng gabi." Pag-aya ko sa kan'ya saka dali-daling tumayo.

"Hala ka gabi na pala, hindi ko na namalayan yung oras." Gulat na sabi niya at tumayo na rin.

Habang nililigpit namin yung mga gamit namin ay may kaluskos akong narinig mula sa'ming paligid. Nilingon ko agad ito at wala naman akong nakita kaya nagpatuloy ako sa pagliligpit ng biglang may narinig kaming...

"Awooooo!"

Mas binilisan pa namin yung pagliligpit namin at nang matapos kami ay naglakad na kami pabalik. Habang naglalakad bigla akong hinila ni Ally sa mga halaman.

"Bakit?" Bulong ko sa kanya.

May tinuro siya sakin, tumingin naman ako sa tinuro niya at biglang nanlaki ang mata ko. Tinuro niya sakin ang isang t-rex, yan lang naman ang pinakamabangis dito sa gubat siguradong pag nakita niya kami ay katapusan na namin. Yumayanig ang lupa habang ito ay naglalakad.

"Ano nang gagawin natin Sheysu?" Natatakot na bulong sa'kin ni Ally.

"Ewan ko, hindi ko alam." Natataranta kong sagot habang nag-iisip ng pwedeng gawin. Bigla ko tuloy pinagsisihan ang pagpunta namin dito.

"Ayoko pang mamatay Sheysu, ayoko pa." Naiiyak na sabi niya habang nanginginig na nakahawak parin sa braso ko.

"Ako rin naman eh. Teka kumalma muna tayo at mag-isip ng pwede nating gawin ha." Ani ko sa kan'ya.

Tahimik lang kaming dalawa habang nag-iisip ng plano.

"Alam ko na!" Napalakas ang pagkakasabi niya, tumingin ako sa t-rex na siyang nakatingin na din sa amin ngayon.

Uh-oh

"Patay." Sabay naming sabi ni Ally habang nakatingin sa t-rex na nakatingin sa'min.

"TAKBO!" Sigaw ko saka kami tumakbo ng sobrang bilis. Takot na takot kaming dalawa na tumatakbo at kinakabahan.

"RAAAAAARRR!"

"RAAAARRR!"

Wala kaming ibang magawa kun'di ang tumakbo nang takbo pero pagod na talaga ako at malapit na niya kaming maabutan ni Ally. Mukang isa na lang ata ang paraan para makatakas kami. Tumingin ako kay Ally.

"Ally!takpan mo yung mata mo gamit yung panyo mo bilis!" Utos ko sa kan'ya habang tumatakbo kami.

"Ha?! Ano?" Naguguluhang tanong niya habang nakatingin sa'kin.

"Gawin mo na!" Mukang natakot naman siya at mabilis niyang tinakpan ng panyo ang mga mata niya.

"Sheyi!" Sigaw ko.

"Sheyi!" The fuck ayaw niyang lumabas.

"Sheyi please lumabas ka na." Nagmamakaawang sabi ko sa guardian ko habang hingal na hingal na kami sa pagtakbo at malapit na din bumigay ang mga binti ko. Malapit na kaming maabutan ng t-rex.

"Sheyi!" Huling tawag ko sa kan'ya na sobrang lakas.

Biglang lumiwanag ang paligid kaya pumikit muna ako saglit at nung nawala na ang liwanag pagkalipas ng ilang minuto ay dumilat na agad ako at nakita ko na nakatayo sa harapan ng t-rex si Sheyi ang aking main guardian.

Sa gitna ng laban ay umalulong siya ng sobrang lakas dahilan para magtakip kami ni Ally ng tenga.

Third Person's POV

Nung umalulong si Sheyi ay biglang nagising ang lahat ng tao roon sa campus.

"Ano yun?"

"Nakakatakot naman"

"Ngayon na kaya magu-umpisa ang war?"

"Anong nangyayari?" Biglang sabi ng King pagkagising niya at wala pang segundo ay bigla siyang nakaramdam ng isang malakas na nilalang sa hindi kalayuan.

"Ano yung alulong na 'yon?" Kinikilabutan na sabi ng Prince habang nakayakap ito sa kan'yang sarili.

"Sa gubat galing." Sabi ng Princess habang nakadungaw ito sa bintana.

Nagsimula ng maalarma at makaramdam ng kaba ang lahat ng makakita sila ng pagliyab mula sa gubat at sa lakas ng apoy nito ay muntikan na itong umabot sa campus.

∆∆∆

Continue Reading

You'll Also Like

178K 6.9K 54
Kamatayan. Isa 'yon sa pinakakinakatakutan ng lahat. May mga iilang nagsasabi na hindi ito mapipigilan, at lahat tayo ay mamamatay rin kalaunan. Ngu...
10.6M 515K 80
◤ SEMIDEUS SAGA #04 ◢ Promise of the Twelve - End of the rebellion as prophecied by the titan goddess, Mnemosyne. It seems like fighting a titan...
61.9K 1.9K 30
Basahin muna ang book 1 bago ang book 2 salamat.... Tapos na ang lahat... nakalog out na sa game at muling kaming naglaro sa bagong game na nilabas n...
11.9M 522K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #02 ◢ Elysian Oracle - the oracle of Elysium, the highest oracle of the realms. The Alphas know it isn't over. The Gods are cons...