After 2 weeks....
After that night we start not to talk to each other, dedma lang pag nag kikita sa hospital usual awkward ang dating, but we know that this is the best thing to do.
Ang hirap pala pag yung taong iniiwasan mo lagi mo rin makikita, it's feels like I'm always hiding something. I'm just starting to be lazy, clumsy, tenses and always not in the mood. Ohhh No! This is Crazy!
Nasa Presure cooker ata ako! Hahaha
Buti nalang may mga friends ako na tumutulong sakin para sumaya pa rin, lalo na sa friend kung si karen.
Ohh,anu ok ka na ba? Mukhang todo iwasan talaga kayo sa isat isa noh! Biglang sabi ni karen, nasa canteen kami at kumakain
Kelangan eh.. Sabi ko naman
Sa totoo lang girl,sayo oo kelangan mo,pero sa tingin mo ba ganun din sakanya? Unfair diba?! Pero dahil nga sa sabi mo na kelangan so ang nangyari ginawa niya din yun for you. Para maging ok lang kayo kung yun ang taging paraan. Wooo lalim! Sagot niya na makahulugan
Like what I'm said before action always have consequence, I should know that this is the consequences of everything. Sagot ko naman na mas malalim
Hahaha girl anu to, palaliman ng sasabihin na nonosebleed nako. Haha natatawang sabi niya
Well, may point ka naman. Do you think that is the real solution? Or maybe it's just for now.
sagot niya pa napa english din
To be honest I really dont know. And I think we have to go! Haha
Sabi ko naman para matapos na ang conversation
Hahaha ok fine! Sabi niya nalang at natawa
Actually tama naman talaga si karen, I don't think that this is the best solution maybe for now, pero panu na pag nagtagal ganito pa rin ba?? Ang hirap naman. Lalo pa na may mga part pa na hindi ko pa rin nasabi...
Lumipas ang oras... At uwian
Oh,panu girl mauna nako ah, alam mo naman pag friday may date kami ni hubby haha. Sabi ni karen na halatang inlove talaga
Karen is a typical girl, na she can fight for everything especially when it comes to her love one's. Totally dramtically inlove, kahit na masaktan siya ng paulit ulit gagawa siya ng paraan para ibalik ang dati. Haha kaloka! Kahit na niloko na siya once ng bf niya ngayon, go parin at binigyan niya ng second chance. I hope that this time it wouldn't be the same again, na paiiyakin lang siya. Kasi sa mga ex niya lagi nalang ganun, kaya this guy must know that this second chance is really need Justice. Karen deserve a total Love,happiness and respect.
Ok, sige ikaw na ang may date! Hahaha sabi ko naman at natatawa
Nauna na nga siya umuwi at after 30 minutes pa uwi na rin ako...
Kakalabas ko lang sa hospital, at naglalakad pa punta sa parking ng shuttle medyo malayo layo rin kaya maglalakad ka pa sa parking lot area na pagkalawak lawak.
Hi! Jenny? Bigla kung narinig galing sa likuran ko.
Nagulat ako ng makita ko pag harap ko ang familiar na mukha iniisip ko pa kung san ko siya nakilala...
I was to say something... Ng bigla kung nakita si Carl paparating kaya agad akong tumagilid...
Tara! Sabi niya....
Ha?? Dun sa nag Hi! sakin... At bigla ko na naalala siya si Hanna
Oh,Carl diba siya si Karen yung friend mo? Pauwi na ata siya isabay na natin.
Nang marinig ko yun, nag step forward nako at bigla naman nag salita si Carl
Oh,Hi! Karen, pauwi kana ba? Sabay kana samin. Pag aaya ni Carl
Ah,No thanks, may pupuntahan pa kasi ako. Sabi ko nalang para makaiwas
Ito na nga ba ang sinasabi ko may mga pangyayaring di mo inaasahan.. Mahirap umiwas sa taong araw-araw mo rin makikita in fact gusto mo ng mag move pero dahil sa makikita mo pa rin siya, maalala mo lang lahat..
Sige ah,bye. Sabi ko naman at nag madaling umalis
Hindi ko alam kung pag nagtagal pa ganito parin iwas doon iwas dito... Grrrr bakit ba kasi kelangan na ganito ang feelings ko, in fact dapat hindi ganito kasi hindi naman naging kami! Tama! Friends lang talaga ang naging relationship namin o sabihin na natin na complicated. Pero dapat relax lang ako, para maging ok parin lahat at maibalik sa normal.
Habang nag lalakad ako kukunin ko ang phone ko at hinahanap sa bag ko pero di ko makita at naisip ko na naiwan ko sa locker...waaa pag minamalas ka nga naman oh. Kainis talaga ang layo ko na pero kelangan kung bumalik. Tssk..
Nasa locker area nako at tinignan ang locker ko at nakita ko nga ang phone ko... Umupo muna ako saglit para mag pahinga.
Biglang.....
Oh,anu ginagawa mo dito? Sabi ni Carl na agad kung tingin
Ahh, naiwan ko kasi phone ko sa locker kaya binalikan ko. Sabi ko naman na this time pinilit maging relax
Haha.. parehas pala tayo may naiwan din kasi ako sa locker ko. Sabi naman niya na natawa pa
Habang may kinukuha siya sa locker niya...
Jenny! Puwede ba kita makausap ng tayo lang? Kahit di ngayon, basta kung kelan ka free? Agad na sabi niya pag kasara ng locker niya
Hindi agad ako naka sagot, pero naisip ko baka ito na yung pag kakataon ko para masabi lahat sakanya pg nakapag usap kami..
Agad kung inayos ang gamit ko at bahagyagng aalis na...
Jenny! Pls!!! Narinig ko na sabi niya pag katalikod ko.
Huminto ako at lumingon sakanya...
Mag punta ka sa park sa sabado 5pm... Diretsong sagot ko sakanya at agad na naglakad pero narinig ko pa ang huli niyang sinabi..
Salamat!! Hihintayin kita! Sabi niya, na alam kung malaking bagay yun sakanya.
Nakauwi na ko ng bahay...
Naisip ko na, hindi naman dapat ako mangamba sa mga sasabihin ko sakanya dahil wala kami naging relation ni Joshua, naging isang matalik na kaibigan ko lang siya kung anu man meron samin noon, wala siyang kinalaman dun. Siguro naiisip ko lang talaga mga nararamdaman ng bawat isa samin kaya ako ganito.
Dalawang tulog pa bago mag sabado, anu mang mangyari kelangan kung ihanda ang sarili ko para samin at matapos na ang problema. Hindi ko akalain na makikilala ko siya sa ganitong paraan, siguro pinag tagpo talaga kami dahil my dahilan at ito yun, siya yung naging daan para malaman ko lahat ng totoo lalo na sa tatay niya! Masakit pero kelangan harapin ng buo. Kung alam mo lang Carl, na malaki din ang naging parte mo sa buhay ko, sa mga tanung na matagal ko ng hinahanapan ng sagot, nang dahil sayo unti-unti nag kakaroon ng sagot. Doon nawawala ang galit at mas naiintindihan ko kung bakit. Sana sa mga darating pang araw maging malinaw na ang lahat at mawala na ng tuluyan ang galit sa puso ko, para maging ok na ang lahat.
Nakauwi na ko ng bahay....
Di agad ako makatulog after ko matapos ang mga kailangan ko tapusin hindi pa rin ako inaantok.
Bigla kung naalala na magkikita kami ni Carl sa sabado. Bakit ba kasi ganito nararamdaman ko?!! Why jenny? It means ba na may gusto na ko sakanya!! No no no! Hindi to totoo! Galit ako sakanya dati! Tapos ngayon ito na.. No! Siguro talagang may mga pagkakataon lang na sadyang nag cross ang landas namin para sa mga bagay na dapat masagot. Afraid nga ba ako na mafall sakanya? Hindi naman siguro. Hmmm...
After 2 days....
Saturday
Oh No! Eto na ang araw ng pag kikita namin mamaya..
Busy ako sa work kaya hindi ko na mamalayan ang takbo ng oras sobrang bilis, nung araw na yun sabrang ding pasyente kaya di ko na namalayan na pag tingin ko sa relo ko 7pm na.
OMG!!! Hala, naku panu yan 5pm ang usapan namin... Agad kung kinuha ang phone ko, ooohh
5 missed call and 3 messages. And of course from Carl. And I think umuwi na siya...hmm
Hindi ko alam kung dadaan pa ba ako sa park o hindi na, dahil alam ko naman na wala na siya dun pagdating ko. Habang nasa byahe nako bigla nalng ako na papara at bumama sa park hindi ko alam pero dinadala ako ng mga paa ako sa park na para bang may naghihintay parin sakin, na kahit alam ko namang wala na.
Habang naglalakad ako, bumibilis din ang tibok ng puso ko na para bang rinig na rinig ko ito. Ewan ko pero iba ang pakiramdam ko... At ng papalapit na sa isang upuan sa park nakita ko isang lalaki ang nakaupo at nagulat ako..... Dahil sa likod palang alam kung si Carl yun!!
Totoo ba to!! Baka nag iimagine nanaman ako! Napasalita ako ng di ko alam at bahagyang sinampal sampal ang sarili ng nakapikit para pag mulat ko sakaling magising ako sa katotohanan..
At biglang...
Oo,totoo to! Di to imagination! Nandito parin ako, hinintay kita. Narinig kung boses
At pag dilat ko.... Nasa harap ko na si Carl! Waaaa anu ba yan! Nanglaki ang mga mata ko, parang itsurang bata at nahiya.
Ha?! Naghintay ka talaga... Sorry di ko namalayan yung oras sa sobrang busy kanina. Sabi ko na nahihiya talaga
Ok lang, talagang naghintay naman ako dahil alam ko darating ka pa rin. Sabi niya na napangiti pa
Tatapatin na kita Carl kaya ako nandito para malaman mo ang lahat at matapos na. Diba kaya ka rin naghintay para makusap mo ko Sabi ko agad na nabigla.
Oo, anu man ang malaman ko huwag ka mag alala tatanggapin ko naman. Sabi naman niya at kitang kita ko sa mga mata niya ang lungkot nadarama niya.
Anu ba talaga ang dapat kung malaman? At pag tatanung niya
Carl, sa una talaga hindi ko to alam, pero ng malaman ko to na bigla din ako, Si joshua at si jo na kapatid mo ay nalaman kung iisang tao lang... sabi ko at umiwas ng tingin sakanya
Ha?? Totoo ba yan? Panu nangyari yun.. Ang totoo nian pinsan ko lang talaga si kuya Jo tinatawag ko lang siya brother or bro dahil sobrang close kami sa isa't isa na parang mag kapatid. Hindi ko na nabanggit yun noon sayo.. Simula ng mamatay si tito na tatay niya mga bata pa kami noon, si papa na ang tinuring niyang pangalawang ama kaya naging close kami at laging magkasama.
Sabi niya na halatang nabigla sa sinabi ko at nag patuloy pa sa pag sasalita...
Bakit ganito?? Lagi tayong pinag lalaruan ng tadhana. Una kay daddy ngayon naman kay kuya Jo. Kahit na ang totoo mag pinsan lng kami, pero masakit parin malaman, lalo na pag nalaman niya din. Jenny, kung alam mo lang na sobra siyang nasaktan noon at...
Shhhh... Bigla kung pag putol sa sasabihin niya
Hindi mo na kailangan pang sabihin...Ayoko ko ng balikan pa ang lahat. Sabi ko at sabay iwas
Look alam mong di ka makakaiwas harapin ang mga bagay na wala pang katapusan. Alam ko matapang ka na harapin lahat ng to. Ang akin lang naman kung talagang gusto mo ng kalimutan lahat, dapat my paraan ka para magkaroon kayo ng closure. Pero kung alam mo sa sarili mo na may puwang pa siya sa puso mo baka ngayon maari mo na siya bigyan ng chance. Payong kaibigan lang po. Nang marinig ko lahat yun sakanya,tinignan ko siya hindi ko alam pero naawa ako saknya dahil kita ko sa mga mata niya ang lungkot at sakin na nadarama niya.
Sa tingin mo ba hindi pa rin nag babago ang lahat? Mahirap ng balikan ang nakaraan na lalo na ngayon na marami ng mga nangyari. Salamat pero sa tingin ko magiging ok lang ang lahat kung palalayain ko na ang sarili ko sa lahat ng mga nangyari. Wala naman na kaming dapat pang pagusapan kasi hindi kami naging pagiging magkaibigan lang ang meron samin. Paliwanag ko sa mga nararamdam ko
Jenny, kahit hindi ako ang nasa sitwasyon niya alam ko na nasa pagitan niyo ako, kasi alam ko lahat ng pinag daanan ni kuya Jo at ikaw base sa mga kuwento mo, ngayon alam ko na iisang tao lang pala ang tinutukoy natin. Kaya naiintindihan kita nagyon.
Sabi niya at ramdam ko ang kaba
Alam mo hindi ko na alam ang mga dapat kung sabihin sa harap mo ngayon..Alam ko nag kamali din ako na hindi ko agad nasabi sayo nung nalaman ko, because I know that It's hard to let you know the truth, and now that you know it wouldn't never be the same again..
Makahulugan naman na sabi ko sakanya na tuluyan na kung napaluha
Sabi nga truth hurts,but that's the truth that I will understand. Ayoko ko rin na mahirapan ka pa kaya ako na ang uunawa. Sabi niya habang nakatingin sa mga mata ko... At nag patuloy pa siya sa sasabihin niya..
Lalo pa ngayon... na next week mag babakasyon siya dito, Sa tingin mo ba dapat na kayong magkita ulit? Nabigla ako sa mga narinig ko na parabang nag pantig ang taenga ko
Hindi ko pa yan masasagot! Hindi ko alam... Yun lang ang tanging naisagot ko sa sinabi niya
Sa totoo lang hindi eto ang naiisip kung reaction niya at ang mangyayari ngayon... Hindi ko maintindihan nararamdaman ko, naiinis ako sakanya! Huhu... Mukhang iba ata ang gusto kung marinig sakanya. Haaay... Ang gulo ko talaga!
Teka, di kaba masaya? Para at least may chance pa rin kayo diba? Bigla naman niyang sabi...
Haay, ayoko muna pag usapan yan. Siguro naman clear na tayo ngayon! Kaya puwede na tayong umuwi. Agad na sabi ko...
Kung alam mo lang ang nasa isip ko ngayon maaring maging masaya ka pero siguro hanggang dito na lang muna ang puwede mong malaman..
Nasa kotse na kami at ihahatid niya nnako pauwi. Tahimik lang kami hanggang sa....
Huwag ka mag alala susubukan kung kalimutan lahat... Dahil alam kung ito ang gusto mo at ang nararapat. Makahulugang sabi niya saakin
Nagulat ako sa sinabi niya at hindi ko inaasahan na yun ang isasagot niya, makahulugan at alam mo na kung anung puwedeng mangyari.
Hindi ko na malayan na nandito na pala kami sa bahay, pag baba ko ng kotse..
Carl, salamat ah! Salamat sa lahat. Ingat sa pag uwi. Sabi ko na alam kung mabigat ang kahulugan
At bigla niyang hawak sa kamay ko at sabing..
Kung san ka magiging masaya ay masaya na rin ako. Ingat ka rin palagi,alam ko mag kikita pa tayo pero hindi na magiging tulad ng dati. Salamat din sa lahat! Sabi niya na talagang tagos sa puso
Pag baba ko ng kotse ang bigat ng feeling, parang napakabigat ng puso ko. Hindi ko akalain na magiging ganito ang lahat.
Bigla din siya bumaba at...
Naiwan mo! Sabi niya sabay taas sa hawak niya na panyo ko
Naiwan ko ang panyo na may nakalagay na pangalan ko
Lumapit siya at sabi...
Puwede bang akin na lang to? Sabi niya na parang bata ang itsura
Hmm...teka bakit naman? Marumi na yan eh. Hehehe sabi ko at biro ko pa
Wala lang! Ang banggo nga e..haha sabi niya at nagbiro din
Oh,siya sige na at ng makauwi kana. Sabi ko naman para matuwa din siya sabay biglang...
Niyakap niya ko.... (Parang nangyari na to!)
Salamat! Bye! Sabay bulong niya at umalis na
Isang gabi na puno nanaman ng revelation... Hindi ko na talaga alam kung tuluyan ko na bang nakalimutan si Joshua ng dahil kay Carl, O sadyang si Carl talaga ang laman ng puso ko,kasi sa totoo lang hindi naging ganito yung naramdaman ko kay joshua kaya hindi ko siya nasagot dati at ang tanging priority ko ang career ko nung panahon na yun. Eto na ba ang panahon para pag bigyan ko ang puso ko para sa nararamdaman nito.