KAIT'S POINT OF VIEW
Natapos na yung new year at pasukan na din nakaalis na rin kahapon si Kent. Nangako din siya kay Icey at samin na kapag nakita niya sila Ace at Tiff dun babantayan niya ito at irereport samin kung ano yung mga pinaggagawa nila dun.
Ngayon naman andito kami sa court nagpapractice si Max at iniitay namin siya bukas kasi may game sila. I wish manalo school namin, of course kapag nanalo school namin panalo na din si Max, siya MVP eh. Nakakaproud tuloy.
" Hay hindi kaya siya napapagod? Pawis na pawis na siya pero tumatakbo pa rin siya. "
" Ikaw ba hindi ba napapagod mata mo kakasunod sa mga kilos niya? " Nagulat ako ng mag salita si Xan.
Ang saya kasi kinakausap na niya kami ng maayos at nangungulit na din siya samin since nung " naging friends na daw " sila ni Kella. Kaso minsan nakakairita na yung pangungulit niya todo kulit kasi siya araw araw tuwing nag kikita kami, kesyo bagay daw kami ni Max aminin ko na daw kasi pag umamin ako aamin din siya. Syempre babae ako kaya kahit papano umaasa ako. Sige na nga at aaminin ko na na may gusto na din ako kay Max pero crush lang naman ang hard working niya kasi sa mga bagay na gusto niya at sige na din pogi din. Pero crush lang talaga.
" Hindi ko siya tinitignan no yung kateammate nila yung tinitignan ko. " - Ako
Syempre para hindi halata dapat sa girls ko muna na to aaminin. Kaso nakakahiya baka pagtripan nanaman ako. Kaya sakin muna.
" Hindi daw-- " - Siya
" Oy! Max dahan dahan ka nga! Baka masprain ka! " Hindi ko na pinatapos si Max sa sinabi niya bigla kasing nadapa si Max, babain ko kaya?
Bababa na sana ako kaso may dalawang babaeng lumapit sakaniya tapos inalalayan siya tumayo.
" Hindi pala nakatingin ah. Ayan ayaw pa kasing aminin naunahan ka pa tuloy. " - Siya
" Excuse me kung hindi mo ako kinausap edi sana ako na yung tumulong sakanya no? Hindi yung mga babaeng yan. " Sabay turo ko sa dalawang babae na hanggang ngayon nadikit pa kay Max.
" Sige mag loko ka pa sa sarili mo. Max! Okay lang? " Sabi niya sakin tsaka bumaba para tignan si Max. Nakita ko nalang din na pababa na yung iba kay Max kaya bumaba na rin ako.
" I'm fine hahaha---oww! " Sabi ni Max pero nung tumayo siya bumagsak din siyia sa floor. Tinulungan nila Tri makaupo ulit si Max sa benches.
Hala don't tell me may sprain siya?
" Hala hospital tayo gusto mo? " - Ako
" Chill. This is nothing. Okay lang talaga ako pahinga lang to. " - Siya
" Max, tama si Kait pano kung hindi ka makapaglaro? Halika na baka lumala pa yan. " - Tri
" Okay lang talaga ako. Seryoso nga. " Tumayo si Max tapos nagpaalam na din sa mga teammates niya.
" See. I can walk. Let's go na? " Sabi ni Max tapos nauna ng mag lakad.
Napansin kong maayos naman maglakad si Max pero pakiramdam ko may problem talaga sa paa niya hindi rin siya nangungulit tulad dati siguro masakit talaga paa niya ayaw lang nyang aminin.
" Max hospital na tayo dumiretso para macheck na yan ng doctor. " Pagaalok ko sa kaniya baka kasi mas lumala yung sprain niya.
" Wow. Nag aalala ka ba? I'm fine, really. See, nakakalakad ako. " Totoo ngang nakakalakad siya pero halatang bawat steps niya nahihirapan siya.
" Bye. Manood kayo bukas ha? Gagalingan ko. " - Sabi ni Max saming girls pag ka dating namin sa mga bahay namin. Nag babye na rin kami sa boys, pero nag aalala talaga ako kay Max kaya hindi ako nakapasok agad ng bahay.
" Hindi ako uuwi kung hindi ka papasok. Pasok na para makapahinga na ako. Di ba gusto mong gumaling na ako? Edi pasok na para makauwi na rin ako. " - Max
Pumasok na rin ako pag kasabi niya nun. Ibig sabihin masakit talaga yung feet niya.
*****
" Max!! Go!! " - Sigaw nila Zain Icey at Kella. Nandito na kami sa court and last four minutes nalang. Mukhang panalo nanaman school namin since may 21 points na lamang yung school namin. Kaso hindi ako makapagcheer kay Max. Nagaalala talaga ako. Ilang beses ko siya tinext kagabi na pumunta na kami sa hospital sa umaga kaso pinipilit niyang okay lang talaga siya.
" Max!! " Napasigaw tuloy ako nung nakita kong nadapa na nang tuluyan si Max bago niya mashoot yung ball sa ring. Nag time out na sila at nilapitan nung mga teammates nila si Max. Hala gusto ko din bumaba kaso hindi naman pwede.
" Hala hindi ba tayo pwedeng bumaba? " - Ako
" Hindi pwede. Mamaya nalang. " - Tri
" Kaya niya yan. " - Xan
Gusto ko din sabihin na kaya ni Max yun kaso sa mukha niya ngayon parang hindi na niya kaya.
Napatingin sa side namin si Max at ngumiti. Tumingin siya sakin at nagwave ng hands tapos nagthumbs up habang nakangiti. Hindi ko mabalik yung ngiti at yung thumbs up sa knaiya. Anong thumbs up yun? Halata namang masakit yung nararamdaman niya mag thuthumbs up pa siya.
Hindi na nila pinabalik si Max sa game pero halatang nagpipilit parin si Max na pumasok sa game. Kahit alam kong gustong gusto niyang pumasok sa game pinagpepray ko na sana hindi siya payagan pumasok baka mas lumala yung sprain niya.
Natapos yung game na mukhang galit si Max. Panalo naman yung game nila pero mukhang hindi panalo yung mukha niya.
Syempre hindi kasi siya nakalaro hanggang dulo.
" Let's go pede na tayong bumaba. " Sabi sakin ni Xan at inaya na akong bumaba.
" Maxiee you're so galing talaga! Water oh. " Sabi nung isang babaeng nakatali yung buhok tali ko siya sa ring eh.
" Towel oh punasan kita gusto mo? " Sabi nung girl na nakaclip, iclip ko siya sa gate ng gym para yun yung punasan niya.
" Hindi mo ba sasabihin na 'gusto mo painumin kita? ' " Pang aasar sakin ni Xan, eto nanaman po kami.
" Painumin kita ng zonrox para luminis yang lungs mo at maging maayos mga sinasabi mo, gusto m? Nag sasalita ka na nga pero kung ano ano naman mga pinagsasabi mo. " Umalis na ako sa tabi ni Xan at dumiretso kay Max.
Sumingit ako dun sa mga babaeng nakapaligid kay Max.
" Hospital na! Ano kaya mo pa? "
" Tapos na naman yung game sige lika na. " Tatayo na sana siya pero mukhang hindi niya talaga kaya, kaya napaupo ulit siya, tinulungan siya nung dalwang boys tumayo.
" Ang kulit mo kasi ayan mukhang lumala pa tuloy. " - Ako
" Hindi yan. Atleast nakanood ka ng game namin di ba? Astig ba? " Sabi niya sakin sabay ngiti. Nakaalalay pa rin sila Tri at Xan sa kanya, at ako taga dala ng gamit niya. Well, atleast dito matulungan ko manlang siya.
" Yes. Of course naenjoy ko, andun ka eh. " - Ako
" Buti naman pinaghirapan ko talaga yun. Ang hirap kaya tumakbo at tumalon habang may sprain ka. Hahaha. Pero okay lang maganda naman yung game di ba guys? " - Sabi ni Max samin.
Nagtawanan nalang kami habang binatukan naman ni Tri si Max.
" Ang bigat mo, ang taba mo siguro. " - Tri
" Muscles yan pre. Wala ka kasi niyan eh. " -Max
" Meron akong muscles, lahat tayo meron mas batak nga yung akin kesa sayo. " - Tri
Nag asaran lang sila dun, while kaming girls nasa likod nila at nag uusap usap.
" May gusto ka sa kanya no? " - Zain
" Amin amin din pag may time. " - Icey
" We'll let you expalin later. " - Kella
Kahit asarin pa nila ako hindi muna ako aamin baka kasi infatuation lang to. Sisiguraduhin ko muna kung may gusto ba talaga ako sa kanya or simple crush lang to, baka naman kasi mabilis din wala.