KUMUSTA KRAS MO?
A/N: THANK YOU GUYS AT 19K na po tayo... yahoo lets celebrate, sabog confetti. waghososos
@winwinwattpad eto na yung inaantay mo...hmmm thank you ah.
hope you like this chapter mhuaw
-wackymervin
#ENTRY 45
“Bago mo muna sabihin ang katagang “mahal kita”, iparamdam mo muna para walang duda”
…………………………………….
ADRIENNE’S POV
“Here’s the invitation” sabay abot pa sa akin ni Bench yung isang Envelope. Invitation tapos envelope? An ito bakit parang medyo mabigat?.
Binuksan ko ito. Nakasealed kasi. Siguro dinilaan nila ito o di kaya nilagyan ng paste…hmmm o kaya ng kanin para mas dumikit ng maigi.? Hehe o kaya dahil sa sosyal sila mighty bond?. Di kaya?
Kaya sinira ko nalang ito. Yung left portion ng enveloped. Tapos laking gulat ko sa laman nito.
Isang passport na may picture ko at pirma ko mismo. Hala? Paano nya nakuha yung pirma ko? Pero sabi nya noong nakaraang araw na pinasulat nya ako sa isang bondpaper ng pirma ko yun na pala yun gumawa lang raw sila ng hokuspokus para magawan ito ng paraan.
Tapos mas lumaki yung mata ko kung saan gaganapin yung venue ng birthday party nya.
“whaaaaaaaaaaaaaaaaaaaat????” sigaw ko pa sa harapan ni Bench.
“oh? Sabi ko na nga ba magugulat ka eh” kalmadong pang sabi ni Bench sa akin pero nakangiti ito. Alam na siguro ng loko yung magiging reaksyon ko. Well normal lang siguro sa isang taong mahirap. Pero magandang katulad ko ang magoooooooolats ng ganoon kung ang isang tao eh mag-cecelebrate ng karawan sa ibang bansa.
“baka hindi ako papayagan ng mommy ko”
“nakausap ko na sila. Napag-paalam na kita sabi ko kasi nagawan na kita ng lifeplan kaya kung anong mang mangyari sa iyo eh insured ka na”
“huh????” anak ng tokwang baboy naman oh? Pati sila mommy na bayaran nila? Gosh.
“may magagawa pa ba ako?” tumingin ako ng masama kay Bench. Hehe joke lang hindi pala masama. Kumunot lang yung noo ko noong tumingin ako sa kanya tapos nagtataka ako.
At sabay nagtanong.
“baka naman may lahi kayong vampire, o di kaya pamilya kayo ng human Trafficking kaya liligawan mo ako para ipang bayad doon sa mga mayayaman nyong mga customers? Or worst? Mga aswang kayo? Goshhhhhhhhhhhhhhhhhh benchhhhhhhhhhh “
Pero nag-iba yung mukha ni Bench medyo na offend ko ata sya sa walang kwentang joke ko.
Kaya kaagad akong bumawi.
“jokeeeeeeee…” at inakbayan ito.
“hmmm ikaw naman hindi mabiro. Oo na sige na sa sama na ako”
“Thank you Adrienne.” Muling bumalik yung Masaya at magandang ngiti sa labi ni Bench.
“Don’t Worry, ipinadala ko na yung Gown na gagamitin mo doon sa New Delhi. Bali doon ka na magpapalit ng damit mo aayusan Karin doon ng mga sikat na hairdresser at pagagandahan ka nila doon”
“Bench maganda na ako. Di ko na kailangan” medyo mayabang! Medyo malakas ang tiwala sa sarili? Pero sa totoo lang eh sobra pa sa super yung kaba ko kasi first time kong makikita yung parents ni Bench at sa ibang bansa ko pa sila makikita.
Ano kaya yung itsura ng mommy nya?.
a. Mukhang mataray? Yung tipong mahaba yung buhok tapos nakasalamin dahil medyo matanda na, unico hijo si bench kaya malamang menopause baby ito haha.
b. Yung kilay nito ay nakataas lang kapag kakausapin ka eh nakataas parin ito hindi mo alam kung tinatarayan ka na o normal lang talaga yun sa kanya?
c. Hindi ito palangiti. Kasi kapag ngingiti sya? Masisira yung pagpapabotox nya sa mukha?.
d. Mataba sya?
e. Matapobre sya?
f. Aalipustahin nya ako?
g. Sisipain nya ako palabas ng hotel? As in sisipain nya ako literal kapag nagkita kaming dalawa?
h. Mumurahin nya ako as in lahat ng murang words in all language that she knew.
i. Papatayin nya ako sa harapan ng mga bisita nya
Goooooooooooooooooooooooooooshhh mahal ko pa ang sarili ko.
………………………………………
Pag-uwi ko ng bahay.
Nasa couch lang sila mommy at daddy tahimik silang dalawang nanonood ng tv. Nakatutok ang mga mata nila sa pinapanood nila pero sa tingin ko eh may kakaibang nangyari. O mangyayari palang.
“ano ito?” tanong ko kagaad sa kanilang dalawa. Saka ako lumapit sa kanilang harapan oo doon mismo sa kanilang harapan sa may harap ng tv. Hinarangan ko yung tv para makuha ko yung atensyon nilang dalawa. Ang tahimik kasi nila eh at I wonder why they are acting like that to me.
Nagkatinginan pa sila mommy at daddy para bang nag-iisip kung sino ang gustong magsalita sa kung sino ang mauuna sa kanilang dalawa.
“ma ikaw na” sabi pa ni daddy sabay tulak kay mommy gamit ang balikat nito at tumuturo pa gamit ang nguso nito.
“ikaw na dad, maiintindihan ka nyan” wika pa ni mama.
“anooooooooooooooooo ba????” sigaw ko pa sa kanilang dalawa sabay silang dalawang nagulats sa biglaang pag-sigaw ko.
Tumayo na si mommy. At niyakap ako.
“kasi naman anak….mawawala ka na sa amin.”
“huh? Mawawala?” pagtataka ko pa
“pupunta ka na ng ibang bansa? Tapos diba? Magpapakasal na kayo ng bench na iyon? Napakabata mo pa pero wala na akong magagawa, kung future mo na pag-uusapan eh mas gugustuhin kong doon ka nalang sa kanila alam ko naman na rerespetuhin ka nya dahil mukha naman syang mabait eh”
“mommy? Ano bang mga pinagsasabi nyo? Dadalo lang ako ng Birthday, duh? Ano arte na naman ito? Tigilan nyo na kasi ang panonood ng mga teleserye hays….babalik din ako sa Monday kasi may pasok duh?”
“pero anak, kung magsesex man kayo eh wag mong kalimutang gumamit ng condom” sabi naman ni daddy.
“daddy? Ano ba? Hindi ang babae ang gumagamit ng condom mga lalake at hindi ako marunong gumamit noon. Tigil tigilan nyo nga ako sa mga drama nyo. Uuwi din ako ok?”
“pero anak kapag inapi ka nila doon? Tawagin mo lang ako ah? Hahabol ako doon para kalabanin sila” sabi pa ni mommy sabay yakap ulit sa akin.
“ok whatever sabi mo eh”
Sabay umakyat na ako sa kwarto ko.
Yung family ko talaga so much drama pero nakakatuwa it shows how they love me and care of me too.
………………………………..
Sa katahimikan ng kwarto ko naalala ko na naman yung sinabe ni karlo sa akin. Bumalik sa aking alala-alala yung malumanay. Mahina. At higit sa lahat tagos sa pusong sabi nyang mahal nya ako.
“I love you”
3 words eight letters. Pero kung bibilangin mo eh isa lang naman ang ibig nitong pakasabihin.
Gusto na naman nyang guluhin ang isip ko.
Hindi na ako sumagot kasi nasa likod ko pala si bench kaya pinatay ko na yung tawag ni karlo sa akin.
“may problema ba?”
“hmmm.. wala…may nakakamiss lang sa akin” oo siguro namiss lang akong badtripin ni Karlo eh kanina lang umaga eh binadtrip na nga nya ako kaaga-aga eh.
“sino naman yun?” tanong pa ni bench.
“wala…hindi naman sya importante bench” sagot ko
Pero gustong isigaw ng puso ko na yung taong iyon eh syang nagpapagulo ngayon ng isip ko. Hindi sya importante kasi…importanteng importante sya sa akin. Yun ang gusto ko sanang sabihin pero ayaw ko namang saktan yun damdamin ni bench sa mga salitang binibitawan ko kaya yun nalang ang nasabi ko.
Actually ok na ok si bench.
Kasi sweet nga ito sobra hindi katulad ni karlo. Na sweet nga pero I takes time para maramdaman mo kung paano at saan sya naging sweet sa iyo.
Tapos lagi pang nandyan si bench sa akin. Sinong hindi maiinlove sa kanya? Tapos idagdag mo pa yung kagwapuhan nya.
Hays god! Thank you at ginawa mo po akong maganda.
Sabay kinuha ko yung phone ko. At tinext si karlo. Gusto ko malaman kung totoo ba yung sinabe nya sa akin.
Pero paano kung totoo nga?
Anong gagawin ko?
Hayyyyyyyyyyyyyyyyyyyyys ang gulo.
“karlo buhay ka pa ba?” text ko sa kanya.
Ching! Haha agad agad may nagreply.
“oo” sagot pa nito
“aba akalain mo yun? Akala ko eh patay ka na sayang dadalawin pa naman sana kita”
“may silbi pa kasi ang buhay ko dito sa mundo”
“eh ano naman yun?”
“ang pangitiin ka”
Wait lang . eto na naman ako.
“ang paligayahin ka”
Oooooooooooooopppsss
“ang mahalin ka Adrienne”
Ang last text ni Karlo.
Sabay may tumawag sa phone ko.
Sinagot ko ito si karlo ang nasa likod ng tawag ng iyon.
“karlo….ano bang problema mo? Ano bang trip mo ah? Bakit mo ba ako ginaganito?”
“ikaw…ikaw ang trip ko. Ikaw ang trip ko Adrienne”
Hindi kaagad ako nakapagsalita.
“lagi mo namang sinasabe yan eh…pero lagi mo rin namang binabawi” sabi ko pa
“paano kung hindi ko na bawiin? Paano kung seryoso na ako?”
“karlo”
“Adrienne. Alam kong hindi ako ito. Oo ang corny man sabihin pero mahal na ata kita”
“agad agad?”
“hindi yung agad agad. It takes time for me to say these fucking things. Just like what I’ve said hindi ako ito ibang karlo ang kausap mo. Yung karlo na mahina. Yung karlo na hindi ka kayang iwan. Yung karlo na nagmumukhang tanga. Yung karlo na umaasa. Yung karlo na nasasaktan kapag may kasama kang iba?”
“karlo naman”
“Adrienne. Hindi ko naman inaasahan na mamahalin mo rin ako. Ang gusto ko lang eh masabi sa iyo na gusto kita. At gustong gusto kita”
“pero….”
“pero ano? May Bench ka na?”
“selos?”
“oo nagseselos ako? Oo tama ka I’m fucking jealous ano naman sa iyo? Anong tingin mo sa sarili mo? Napakaganda mo?”
“tapos ngayon aawayin mo ako?”
“nagsisimula ka eh” sagot pa nya. Oo medyo tumataas na yung boses nya at ramdam kong medyo naiinis sya kapag binabanggit ko yung pangalan ni bench.
“karlo kasi…ikaw naman kasi eh…alam mo naman na gustong gusto rin kita tapos ikaw itong naglalayo sa sakin para hindi kita mahalin eh.”
“ang arte mo naman Adrienne pwede mo namang sabihing mahal mo ako eh”
“oo na…puta mahal na mahal din kita, ok na? at sinong maarte sa ating dalawa? Ikaw yun, anong gusto mo ako pa ang manliligaw sa iyo?”
“kelangan pa ba kitang ligawan?”
Omg!
“anong gusto mo? Ako ang manliligaw? Aba ang kapal ng mukha nito”
“hindi ba pwedeng tayo nalang kaagad? Wala ng ligawan? Gastos lang yun eh”
“bahala ka sa mukha mo leche ka”
“oh ito naman highblood naman kaagad eh. Oo na liligawan na kita….p-pero????”
….pero paano ba kita liligawan?”
Biglang lumakas yung tawa ko noong sinabe ni karlo na wala pa talaga syang nililigawan kahit isa.
Ako palang ang liligawan nya wala pa kasi syang naging girlfriend ever since the world begun.
“baliw ka talaga”sabi ko
“paano yung liligawan kita tapos nililigawan ka rin ni Bench. Ano ka maganda? Dalawang lalake ang nagkakagusto sayo? Ayos ka ah?”
“diba? Maganda ako?”
“so pag-aawayan ka namin? Wow Adrienne it’s a battle for the best man? Right?”
“bahala kayo. Pero kung sino yung taong mag-paparamdam sa akin of how he change my world and how he will do anything just to make me happy yun na yun o may ideya ka na ah? Wag pa tanga tanga mahal pa naman kita”
“sweet” sabi pa ni karlo
“sour”
“bitter” sagot pa ni karlo
“ako? Bitter? Hindi no mukha mo matulog ka na nga”
“noong sinabe mong mahal mo ako totoo ba yun?”
“hala? Kelan ko sinabe?” kunwari nakalimutan ko.
“ulitin mo nga baka sakaling nananganip lang ako”
“no…wala akong sinabeng mahal kita tanga”
“oooppps narinig ko ulit. Please isa pa”
“karlo..para kang tanga”
“sige na please????”
“aysssssss ewannnnnnnnnnn matulog ka naaaaaaaaaaaaa” sigaw ko pa sa kanya then I cancel his call.
At nagblush yung cheeks ko as I see my face infront of mirror.
Tubig. Kelangan ko ng tubig.
………………………………..
#kumusta kras mo?
He said that he loves me. At sana sincere na sya doon sa sinabe nya. Pero lalaban daw sya para makuha nya yung mahiwaga kong oo. Sa kanya hmmmm ewan ko lang. kasi may feeling narin ako kay Bench at sobrang nahihirapan na ako sa sitwasyon ko ngayon.
-Adrienne.
PS: hindi ako makatulog ngayon. Dalawang lalake ang nasa isip ko. Yung sa kanan si bench, sa kaliwa naman si Karlo ano ba?. Ang hirap talaga maging maganda.
Char lang.
……………………………………
All Right Reserved 2013
Copyright By: Mervin Canta