The Girl in a Bottle

By Pikachu29

165 9 3

Krystal, the girl who have the things that others want to have. But they don't know.. That "everything" she h... More

The Girl in a Bottle
Prologue

Chapter 1

21 1 0
By Pikachu29

Chapter 1.

KRYSTAL'S POV

So how can I ever try to 

be better? 

Nobody ever lets me in 

I can still see you, this ain't 

the best view 

On the outside looking in 

I've been a lot of lonely 

places 

I've never been on the 

outside

I opened my eyes as I finished singing the song. Applauses and cheers were everywhere.

I felt my eyes slightly squinted when I noticed the two empty seats in the front. But I don't have the time to get mad so I smiled wonderfully at the audience and bowed.

Sinalubong agad ako nila Nikki sa backstage ng may ngiti sa mga labi.

"You are so magaling!" Napapatiling sabi ni Nikki.

"Ano pa bang aasahan natin kay Krystal? Eh halos saluhin na niya lahat ng biyaya ni Lord! Right, girls?" Ngingiti-ngiting wika ni Sab.

"Yeah, right. Wala nga siyang tinira para sa'kin eh." Natawa sila sa sinabi ni Jane.

Well? They're my best of friends, obviously. They also have different personalities. Isang bagay lang naman ang nasisiguro kong pinagkasunduan naming apat, at iyon ang pagkakaibigan namin. :)

"C'mon, guys. Let's celebrate!" Sabay na sabi ni Sab at Nikki.

"Sure!"

We went straightly to the Bar we used to go whenever we're having a celebration. Most of the guys were looking at us but I didn't look back at them. Why would I? Tss. Just a waste of time.

Nikki, and Sab were having fun at the dance floor while Jane and I were just watching how they dance with their random partners. Nikki and Sab may be wild but I know they're just playing around. While Jane? She's like me. I don't like flirting.

We're good girls, you know. Well, hindi ko naman sinasabing bad sina Sab. Ay, basta. 'Yun na 'yun.

"Krys, can I borrow your phone?" Jane suddenly asked.

Tumango naman ako at kukunin ko na sana yung bag ko kaso..

"Where's my bag?" nagtatakang tanong ko sa kanya.

Kumunot ang noo nito, "Hawak mo yun kanina, di ba? Baka naiwan mo sa kotse."

"Eehh.. Sya, titingnan ko kung nandun."

"Kailangan mo ng kasama?"

Umiling lang ako bago tumayo at naglakad palabas sa Bar.

Lakad lang ako ng lakad nang may dalawang lalaking humarang sa'kin. Tinaasan ko lang sila ng kilay at nag-excuse pero bigla akong hinawakan ng isa sa kanila sa braso. Ito ang ayoko dito eh.

"Miss, gusto mo bang sumama sa amin? Sandali lang naman eh."

Eww. "And what if I won't?"

"Mapipilit--" hindi na niya natapos ang sasabihin niya dahil sinipa ko siya sa tiyan at dali-daling tumakbo palayo.

The fudge! Nakasuot pa naman ako ng high heels! Siguradong sasakit mamaya ng bongga ang mga paa ko.

"Hoy! Bumalik ka dito!"

Waaaaaah! Ang bilis nila! Ano ng gagawin ko? Ayokong ma-double dead ang katawan ko!

Lumiko ako pakanan kahit di ko alam kung anong daan ito. Desperada na akong makatakas.

Lingon sa kanan. >.>

Lingon sa kaliwa. <.<

Lingon sa likod. Wait, madilim sa likuran. Wala akong makita.

Lingon ulit sa kanan. >.>

May sasakyan. Nakaparada lang at mukhang walang tao.

"Nasaan na?! P*tang babae yun! Ang sakit ng sipa niya!"

"Dito siya lumiko di ba?"

HAHAHA. Bahala kayong maghanap dyan! Hindi niyo ako mahahanap, 'no! Asa!

Bakit? Kasi pumasok ako sa kotse.

Sa compartment nga lang nito. (.__.)

Pero, this is much better than to be their fresh meat. Like duh! Ang ganda ko naman para maging pulutan ng dalawang yun!

"Mukhang natakasan na tayo."

Hindi ah, nandito lang ako sa isang tabi. Bulag lang talaga kayo.

"Tara na nga!"

Oo nga, umalis na kayo.

Naghintay lang ako ng ilang sandali bago sumilip sa labas. Wala na sila.

YEEESS--teka, ba't parang lumilindol?

And then I heard the engine.

OH NO! Hindi pa ako nakakababa! Waaaah! Nikki! Sab! Jane! I need your help!

Ano ba yan! Nahihilo na 'ko dito! Ang init init pa! Psh. Kasalanan ito nung dalawang gorilya na yun! Kung hindi dahil sa kanila eh di sana, hindi ako nagtitiis ngayon sa posisyon ko!

Ang hirap kayang dumapa tapos pa-alog-alog pa dahil umaandar 'tong kotse! Arrgh!

Ganito pa rin ako hanggang sa biglang tumigil ang kotse. Uhh, ang sakit ng ulo ko. @.@

"Nabili mo ba?"

"Opo. Nasa compartment po."

"Sige. Ako ng bahala."

Napapapikit na ako sa sakit ng ulo nang biglang lumiwanag. Pagtingin ko, may nagbukas pala ng compartment.

Teka, may nagbukas!

"Sino ka?" mukhang gulat na tanong ng lalaking nagbukas ng compartment.

"Bwehehehe.."

Nakakahiya 'tong ginawa ko!

"Anong ginagawa mo dyan?" tanong niya habang inaalalayan akong tumayo.

Nahihilo pa rin ako. @.@

Ipinilig ko agad ang ulo ko at tumingin sa paligid.

Nasa labas pala kami ng isang mansyon.

Tiningnan ko yung lalaking nasa harap ko. Well, hindi naman siya masama kung titingnan ang mukha niya.

I mean, by the way he looks, hindi siya gagawa ng masama. Hindi tulad ng iba na mukhang mga gangsters at jejemon. Siya kasi, parang binuhos na niya ang gel sa buhok niya kasi yung hairstyle niya parang yung kay Superman tapos apat ang mata niya este may suot siyang malaking salamin.

"Uhm.. There were two guys kasi kanina and hinahabol nila ako. So, I decided na pumasok na lang ako dyan para hindi nila ako makita."

Kumunot lang ang noo niya saglit bago nagsalita.

"Hatid na kita." sabi niya at sumakay na sa kotse.

See? I knew it, he's generous.

Sumakay na ako sa backseat kaso..

"Are you gonna make me look like your driver?" tiningnan niya ako ng masama.

"Ang sungit pala nito.."

"What?"

"Sabi ko nga, di ba? Dyan ako uupo sa passenger seat."

So, ayun nga, lumipat na lang ako sa passenger seat. Nakakatakot naman magalit ang isang 'to. Meron palang ganito? Nerd pero iba ang aura. Tss. Weirdo.

Tahimik lang siyang nagmamaneho habang ako, turo lang ako ng turo kung saan ang daan pauwi sa amin. Teka, ilang taon na ba siya? Pwede na pala siyang magmaneho? Baka mamaya, ma-report kami. :o

Hindi naman siguro. Tumingin na lang ako sa labas then find out that nasa tapat na pala kami ng bahay.

"Uhm, thanks." 

Bumaba na ako sa kotse at humarap dito. Hinintay ko lang siyang umalis na bago tumalikod at pindutin ang doorbell.

"Salazar Residence" boses ni Mommy mula sa intercom.

"It's me, Krystal."

Naghintay lang ako saglit bago bumukas ang maliit na gate. Pumasok naman na ako at agad na nakita sa may main door ang nakapamaywang na si Mommy.

"Where have you been? Pinuntahan mo na naman ba siya?" bungad niya sa'kin.

"I went out with my friends. I didn't see anything wrong with that." I replied.

Hindi na siya nagsalita kaya hinalikan ko na lang siya sa pisngi at pumasok sa loob. Pumanhik agad ako sa taas at pumasok sa kwarto.

Kumuha ako ng ballpen at papel. Umupo ako sa may computer table at nagsimulang magsulat.

This day, I felt so embarrassed because of what happened. Nakakatawa. Sino ba namang baliw ang papasok sa luggage compartment ng kotse? But, I don't have any choice. Buti nga at may kabaitan din yung may-ari ng kotse at hinatid pa ako pauwi.

Kanina.. It was my third performance on stage but they didn't came. What will I expect? They're busy. Very busy.

I took a deep breath as I folded the paper. Tumayo na ako at kinuha ang boteng nilalagyan ko ng mga sulat. Yes, I write letters each day and drop it on a bottle.

Marami na nga akong nagamit na bote eh at lahat yun, puno ng mga sulat. Dun ko nilalabas lahat ng nararamdaman ko. And it works. Wala nga lang nakakaalam.

Binuksan ko yung bote at hinulog yung papel na sinulatan ko. Ibinalik ko na sa drawer ang bote at humiga sa kama.

I mumbled a prayer as I closed my eyes. Another day will come tomorrow, I guess. 

Continue Reading