Hilary Joyce

By zecondchance

34.6K 973 44

Sebastian Briner Saavedra hate the word 'love'. After series of failed relationship, he surrendered and becam... More

PROLOGUE
Chapter 1 - Girl Unoticed
Chaper 2 - Manifestation of perfect
Chapter 3 - A Goddess
Chapter 4 - In a bar
Chapter 5 - She's back
Chapter 6 - She's mine
Chapter 7 - Mixture of salty water
Chapter 8 - Such a moron
Chapter 9 - Joyce
Chapter 10 - The promise
Chapter 11 - Her room
Chapter 12 - Favor
Chapter 13 - Body heat
Chapter 14 - Her feelings
Chapter 16 - His everything
Chapter 17 - Smack
Chapter 18 - Endearment
Chapter 19 - Cassandra
Chapter 20 - Revenge
Chapter 21 - In pain
Chapter 22 - She doesn't exist
Chapter 23 - The end
Chapter 24 - New beginning
Chapter 25 - Joyce Negasariz Villamor-De dyos
Chapter 26 - Forgive me
Chapter 27 - Marry me
Chapter 28 - Deja vu
Chapter 29 - Vows
Chapter 30 - Taming Mrs. De dyos
Chapter 31 - A big no
Chapter 32 - To know that
Chapter 33 - Enough
Chapter 34 - Their Story
Chapter 35 - A deal
Chapter 36 - One call away
Chapter 37 - Her diary
Chapter 38 - Borrowed time
Chapter 39 - Worth one more try
Chapter 40 - What's his
Chapter 41 - Freed
EPILOGUE
Special Chapter - Must Read

Chapter 15 - Not this time

582 24 0
By zecondchance


Chapter 15 - Not this time

Sebastian

Republikan production...

Noong minahal kita alam mo..
Kung gano 'to ka wagas..
Laman ka ng mga dasal..
Ngunit paano 'to nagwakas..
Bigla na lang di nagpakita..
Saan ka ba nagpunta..
May nagsabi sa'kin sa Cebu..
Doon ay naroon ka..
Bakit hindi ka nagpaalam..
Ano ba ang aking..
Nagawa't biglang iniwan..
Ang aking pusong..
Nagdurugo dahil sayo..
Hindi ko malaman ..
Kung bakit nagkaganto...

Inibig kita ng tapat..
Ang lahat naman ay ginawa..
Ngunit hindi ko..
Maipaliwanag..
Kung bakit ba bigla..
Ka na lang nawala..
Biglang pumatak sa pag-iyak..
Ang aking luha..
Na hindi na matiyak..
Kung makukuha ko..
Pa ba'ng mga pag-ngiti..
Sabihin mo kulang..
Pa bang mga sandali..
Ika'y kasama habang..
Kayakap sa magdamag..
Ngayon iiwan mo..
Akong nag-iisa...

Kulang na kulang ba..
Hindi pa ba sapat..
Inubos kong lahat..
Nang panahon ko sa'yo..
Anong gagawin..
Di mo pinapansin..
Hetong damdamin..
Aking paglalambing...

"Fuck Dustin! Stop that freaking annoying sound!"

Kasama ko sa apartment ang ilang members ng taekwondo club. Nakakaisang case na kami ng beer pero standing still pa rin ang mga gago, palibhasa matitindi ang mga bahay-alak.

"You know what dude para kang si Jim, naaalala lang kami kapag may problema."

"Natumbok mo Dustin. Imagine the last time where here was march and it's already in the month of november. Seven long months lang naman kaming na-ban dito sa bahay mo." It was JC.

"Tell us Seb, may ibinahay ka ba rito sa loob ng pitong buwan?"

I splash my beer on Justin's face.

"What the heck Seb!"

Naibuga ko lang naman kasi sa kaniya iyong iniinom kong beer. Hindi man lang kasi bumubusina bago magtanong.

"Tsk..stop asking nonsense Justin.."

Oo, ni minsan hindi ko binanggit sa kanila ang tungkol kay Hilary. Pinagbawalan ko rin silang pumunta rito dahil alam ko ang likaw ng bituka ng mga gago. Makakita lang iyan ng maganda para na silang asong ulol na naglalaway. Baka dulo-dulo unahan pa akong dumiskarte ng mga ugok.

Pero iba ang sitwasyon ngayon, kailangan kong maglibang kun'di baka magbigti na lang ako bigla at kapag nagkataon mabubulok muna ang bangkay ko rito sa apartment bago nila ito madiskubre.

"Nga naman, masyado ka kasing ano Justin. Himala cannot happen twice." JC

"Ulol! Pinagsasabi mo JC?"

"Eh kasi naman Dustin, himala na nga iyong pagka-deads ni Jim doon sa Joyce, se-sequel pa ba itong si Seb. Commonsense tsong!"

"Tado! Anong akala mo kay Seb, bato gaya mo?" Dustin

Bahala sila riyan, basta ako magpapakalunod sa alak.

Bullshit this life!

Alam mo iyong pakiramdam na ang saya-saya mong natulog tapos paggising mo bigla na lang mawawala iyong taong ikinasasaya mo. The fuck right?

"Fuck you! May sinabi ba ako?"

I freakin walk up this morning without Hilary in the house. I did search her in her room, that's when I discovered that her things are already gone. Bakante ang kuwarto at maski kapiranggot na papel na nagsasabi ng kahit katiting na paliwanag niya ay wala.

"Pero hindi naman nakakapagtaka kung magkaganoon si Jim. Langya! Parang lotto price lang iyong Joyce! Kumpletos rekados!"

Para niya akong binitin sa ere ng ganoon na lang. Sinubukan ko siyang hanapin sa mga puwede niyang puntahan pati sa bar na pinapasukan niya pero wala siya. Ano ba'ng problema niya?

"Kaya nga ganoon na lang kung makahabol ang kumag. Samantalang dati siya ang binubuntot-buntutan ng mga chiks. Imba talaga nagagawa ng pag-ibig!"

I was about to confess my feelings towards her. Handa na ako sa magiging sagot niya o kahit sa magiging consequence ng pagtatapat ko pero puta lang!

"Bago na kasi motto ngayon ni Jim. Kapag mahal mo ipaglaban mo! Kung ayaw mo, aba'y gago magsisi ka sa dulo!"

Shit! Hindi! Hindi ako makakapayag na ganito na lang ito magtatapos. Ayokong magsisi sa huli! Kung kailangan kong suyurin ang buong Pilipinas gagawin ko, mahanap lang siya!

Maghintay ka lang Hilary. Itaga mo sa rebulto dahil mahahap din kita!

Hilary

Uwian na rito sa paaralan ngunit para akong ninjang nagtatago sa mga poste palabas ng gate, baka kasi mamaya nandito lang pala si Briner at inaabangan ako. Pasilip-silip pa ako at panay ang linga sa paligid

Pero sa totoo lang...miss ko na si Briner.

Pero hindi. Kailangan kong gawin ito. Kailangan!

Para sa ikauunlad ng ikonomiya!

"Got yah!"

Pinagpawisan ako ng malamig nang may dalawang malakas na bisig ang humawak sa braso ko at sa amoy pa lang ay alam ko na kung sino.

"Bitiwan mo ko Briner!"

Sinubukan kong lumayo ngunit di hamak na mas malakas siya sa akin.

"Nope. Not this time Hilary."

Paano na? Ano ng gagawin ko!

Hindi na ako nakapalag pa nang ipasok niya na ako sa sasakyan niya. Mabilis siyang umupo sa driver seat at agad na pinaharurot ang kotse.

Wala na. Wala na talaga akong takas!

Tahimik lang ako habang bumabyahe. Nahihiya kasi ako sa ginawa ko. Umalis ba naman ako na wala kahit na hay ni hoy.

Siya naman deretso lang sa kalsada ang tingin. Galit iyan malamang.

Kasalanan ko naman eh.

Pagkatapos ng kalahating oras na byahe, tumigil kami sa tapat ng isang restaurant.

Bakit kami nandito?

Tahimik na bumaba ng sasakyan si Briner at pinagbuksan ako ng pinto. Sumunod lang ako sa kaniya hanggang pagpasok. Siya na rin ang umorder para sa akin. Kumakain na kami't lahat ngunit hindi pa rin siya nagsasalita kaya ako na ang bumasag sa katahimikan.

"Uhmm..a-ano. B-Briner."

Nagsisimula pa lang akong magsalita pinigil niya na agad ako.

"Just eat Hilary. Tatlong araw akong hindi nakakain ng maayos dahil sa pag-aabang sa'yo sa bar at maging sa school mo."

Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa sinabi niya.

Ang boses niya. Iyong boses na hindi ko narinig sa loob ng ilang araw. Iyong boses na namiss ko. Sa wakas, narinig ko ulit.

Pero totoo nga, nangayayat nga siya. Kitang-kita rin ang kulay itim na nakapaligid sa magaganda niyang mga mata.

Hindi rin ba siya nakakatulog ng maayos gaya ko?

Napapanaginipan niya ba ako satuwing naiidlip siya gaya ko?

Palagi rin bang sumasagi sa isipan niya kung ano nang ginagawa ko gaya ko?

Namimiss niya rin kaya ako gaya ko?

Briner, ano ba talaga? Naguguluhan na ko.

Bakit kailangan mo pang hanapin kung nasaan ako?

Ano ba talaga ako para sa'yo?

Natapos na kami sa pagkain at nasa byahe na ulit pero hindi pa rin niya ako iniimikan. Nakakabingi. Sobrang nakakabingi ang katahimikan.

Itinigil niya ang sasakyan sa tapat ng park na malapit sa apartment niya. Bumaba siya at naglakad papuntang swing. Ako naman ay sinundan lang siya. Naupo ako sa swing na katabi lang ng swing na inupuan niya.

Matapos ang mahabang katahimikan, nagsalita rin siya.

"Do you know the story of Anatomy of Heartbeats?"

Anatomy of Heartbeats. bakit bigla niya naman natanong iyon?

"O-Oo"

Oo nga pala, fun siya ni girl unoticed.

"Iyong bida roon parang ako."

Parang siya?

"A-Anong ibig mong sabihin?"

Naguguluhan ako.

"Katulad noong bidang lalaki, takot ako. Takot akong masaktan, ulit."

Hindi ako umimik at hinayaan ko lang siyang magpatuloy.

"Ilang beses na rin akong sumugal, umasa at nagtiwala pero sa huli, nabigo lang ako. I stiffened my heart and never let it beat for someone again. Sa matagal na panahon, ganoon ang ginawa ko. Pero isang araw, isang araw may bigla na lang dumating.

Noong una inakala ko na katulad lang din siya ng lahat ng mga babaeng nagdaan sa buhay ko, manhid at hindi marunong makuntento pero sa paglipas ng araw hindi pala. Nagkamali ako.

She's different. Malayong malayo kung ikukumpara sa mga babaeng nakilala ko. Mabait, palangiti,masarap magluto, malambing ang boses at higit sa lahat, madaling mahalin. Hindi ko napansin na unti-unti na pala akong nahuhulog sa kaniya. Bawat ngiti, bawat bigkas niya sa pangalan ko iba na ang dating sa'kin. Lalo siyang gumaganda sa paningin ko sa paglipas ng mga araw. Tuwing umaga makita ko lang ang mga mata niya na parang nakangiti at kumikislap, nakukumpleto na agad ang araw ko.

Kasama ko na siya pati sa panaginip ko. Kahit saan ako lumingon siya na ang nakikita ko. Hinahanap lagi siya ng mga mata ko at higit sa lahat, bumibilis ang tibok ng puso ko kapag nariyan siya. Kapag katabi at kasama ko siya, ang saya-saya ko lagi at satuwing nakangiti siya, doble ng nararamdaman niya iyong nararamdaman kong ligaya.

Kaso isang umaga, nagising na lang ako na wala na siya. I felt betrayed again. Parang gumuho ang mundo ko sa isang iglap. Everything went black and white again at ang masakit, hindi ko alam kong bakit."

Hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng kakaiba. Lalo na nang tumingin siya sa akin at magtagpo ang mga mata namin.

Umiiyak siya. Umiiyak si Briner!

"Hilary bakit? Bakit kailangan mong umalis kung kailan...mahal na kita?"



Continue Reading

You'll Also Like

75.2K 3.2K 68
Tinalikuran ni Rhexien Roentgen ang isang masaganang buhay dahil hindi nito matanggap na ikakasal siya sa kanyang ex girlfriend na nanloko sa kanya...
2.8K 80 52
AKIRA GAIL SANTIAGO a.k.a diyosa she half Japanese and half Filipino. noisy and never -ending stories. many envied it because of its beauty until she...
4.9K 149 54
Her name is Sweet Miracle. The girl who looks like a doll, a living mannequin indeed. Some people wants her. It's either to hurt or own her. But she'...
13.3M 555K 57
(Game Series # 6) Assia dela Serna's dream was to become a lawyer. Ever since she was little, she had dreamt of becoming one... But from a young age...