Lesson 12: Threat
Lance's POV
Iniwan ko na siya sa lugar kung saan kami kumain. Ang kulit kasi ng babaeng iyon. Ayaw magpaawat. Kung sa bagay, masarap naman yung kinain namin. pero kahit na. Paano na lang kung mahuli kami ng mga guard kapag na-late kami? Pasaway.
Narating ko agad ang school gate. Pero parang may sariling isip ang katawan ko dahil ayaw nitong sundin ang gusto kong gawin. Gusto ko ng pumasok sa loob ng school pero heto ako ngayon, nasa labas pa rin at nagtatago sa may gilid. Ano bang nangyayari sa akin?
I checked my wrist watch. Saktong 9:00pm na. Nilingon ko ang gate, nagsasara na ang school gate. Automatic naman nagsasara at nagbubukas iyon kaya hindi na kailangan ng guard para isara iyon. Nag-iikot lang mga guard sa loob para siguraduhin kung lahat ng estudyante ay nasa loob na ng dorm.
Naku naman! Nasarahan pa tuloy ako. Bakit ba kasi ang tagal bumalik ng babaeng iyon? Asar.
Hindi pa rin ako umalis sa pwesto ko. Ilang minuto pa ang lumipas bago ko siya muling makita, that girl. Pinanood ko lang siya mula sa kinaroroonan ko. Wala akong makitang bagas ng pag-aalala o pagkataranta sa mukha niya. Bakit siya ganon? Parang wala lang sa kanya kung magsara man ang gate.
But the next thing she did, surprised me. Hinagis niya ang bag niya para mapunta sa loob. Pagkatapos ay sinimulan niyang akyatin ang gate at sobrang bilis niyang nakapasok sa loob. Natulala ako sa mga nakita ko. Ni hindi ko lang man naisip na magagawa niya iyon. Wala kasi sa itsura niya.
Nang makisiguro na akong wala na siya, atsaka lang ako lumabas sa pinagtataguan ako. Bakit nga ba kasi ako nagtago? At dapat kasi hindi ko na hinintay iyong babaeng iyon. Bakit ba kasi sumama pa kong kumain sa kanya kanina?
Napailing na lang ako sa mga nagawa ko. I'm so stupid. Itinigil ko na lang ang pag-iisip ng kung anu-ano at nagsimula nang sampahin ang gate para makarating sa loob. Sabay diretso na rin sa dorm.
Naiinis akong pumasok sa loob ng dorm dahil sa hindi pa rin mawala sa isip ko ang nangyari kanina. Ang tanga ko lang. Hindi ko akalaing hinintay ko siya kanina para lang sa wala. Tch.
Nasuklay ko ang buhok ko because of frustration habang papasok ako ng kwarto. Malakas kong sinara ang pinto matapos akong makapasok ng tuluyan sa loob.
"Ano baaaaaa!!" Napalingon ako bigla sa sumigaw. Nakita kong nakaupo na sa kama niya si Skyler. Nakalimutan kong may kasama nga pala ako sa kwarto na ito.
Pero hindi ko na lang siya pinansin. Dumeretso lang ako sa kama ko at mabilis na humiga dito. I could sense Skyler's eyes followed my direction. "Anong nangyari sa'yo? Late na ah. Saan ka ba nanggaling?" Narinig ko pang tanong niya.
Nagkibit-balikat ako. "Wala. Matulog ka na lang diyan." Sagot ko bago ko isara ang mga mata ko.
Hindi ko na siya narinig na nagsalita. Mabuti naman at hindi niya ako kinulit. Maya-maya lang, nakaramdam na rin ako ng antok...
Jill's POV
Mabilis kong narating ang dorm namin. Dahan-dahan pa ang pagbukas ko sa pinto pati na rin ang unti-unti kong paglakad papasok sa loob. Madilim na sa loob nang makapasok ako. halos wala na nga akong maaninag sa dilim nito. Maingat ang bawat hakbang ko patungo sa kwarto namin ni LA.
Nahawakan ko na ang doorknob at akmang bubuksan ito nang bigla namang bumukas ang ilaw. Halos mapatalon ako sa gulat at napahawak sa dibdib ko. And then I realized that I'm not alone here. Nakita kong nakatingin sa akin ang tatlo kong kaibigan na para bang inuusisa ako.
"Ano ba naman kayo! Muntik na akong atakihin sa puso. Alam niyo ba iyon?" Nasabi ko sa kanila.
"Hindi mo ba alam na nag-aalala kami sa'yo? Saan ka ba kasi nanggaling?" Tanong ni Ivy habang papalapit sa direksyon ko.
"Ah... Ano... K-kumain lang ako sa labas. Sorry kung hindi ako nakapagsabi sa inyo. Nag-alala pa tuloy kayo." Paliwanag ko. Sana naman maintindihan nila.
"Sabi naman sa'yo kumain lang yan sa labas eh." Si Ann yan. Naks! Ang galing talaga mag-isip nito.
"Napapaisip tuloy ako kung bakit gustong-gusto mong kumakain sa labas sa ganitong oras. Paano na lang kung nahuli ka ng mga guard?" Umiiling-iling pang sabi ni LA.
Natawa naman ako. "Ano ba naman kayo. Look at me, I'm safe. Wala naman nakakita sa akin. Para namang di niyo ako kilala. Kayang-kaya kong takasan lahat ng guard dito. Ako pa ba?" I proudly said.
Nagbuntong-hininga silang tatlo. "Sabi mo eh." At sabay-sabay pa nilang sinabi yan. I pouted. Pero itinuloy ko na lang ang pagpasok sa loob ng kwarto. Ganon din ang ginawa nila. Natulog na ako agad, kaantok eh.
***
Mabilis natapos ang gabi at sumikat na naman si haring araw. At ano pa bang dapat gawin? Kailangan ng bumangon at mag-ayos para pumasok sa klase. Bumangon na ako para maligo at pagkatapos ay kumain ng almusal bago tuluyang umalis sa dorm kasabay ng mga kaibigan ko.
Si Ann lang natira kong kasama sa kanilang tatlo dahil siya lang naman ang kaklase ko sa first subject.
We're in the middle of the class when I suddenly felt my phone vibrated inside my pocket. Tumingin muna ako sa harap at mukhang busy sa pagdaldal ang teacher namin. Palihim kong nilabas ang phone ko at agad na binasa ang bagong text message.
From: Monster-Jerk
Wag na wag mong susubukang tumakas mamayang lunch kung ayaw mong makick-out sa University na ito.
Eh? Is He trying to scare me? Napakunot-noo ako. I glanced at my teacher once again. Nagsusulat na siya ngayon sa board. Agad akong nagreply sa text.
To: Master-Jerk
Makick-out dito sa University? Hah! Sinong niloloko mo? At sino ka ba para ikick-out ako? Ikaw ba may-ari ha?
Ilang sandali lang, nagvibrate na ulit ang phone ko. Ang bilis naman niyang magreply?
From: Monster-Jerk
Parang ganon na nga...
Anong ibig niyang sabihin dito? Trick niya kaya ito para takutin ako?
I faced Ann sabay pasimleng kalabit sa kanya.
"Bakit?" Mahinang tanong niya. "Kilala mo ba ang owner nitong University?" I asked.
"Sa pagkakaalam ko, dalawa ang owner ng University na ito. Pamilyang Choi ang namamahala sa high school tapos yung other owner naman para sa mga college."
"Pamilyang Choi? Ibig sabihin..."
"Pamilya ni Lance." Halos malaglag ako sa upuan ko nang ituloy ni Ann ang sasabihin ko. High school pa lang ako so ibig sabihin pamilya ni Lance ang may hawak sa aming mga high school students. Feeling ko namumutla na ako ngayon dahil sa nalaman ko.
"Bakit? May sinabi ba sa'yo si Lance?" Tanong pa sa akin ni Ann. Umiling ako, "H-hindi. Naisip ko lang itanong."
"Sure ka? Parang may bumabagabag sa'yo eh." Dagdag pa niya. Umiling ulit ako. "Okay lang ako. Wag mo kong intindihin." I assured her. Tumango na siya bago ibalik ulit ang atensyon kay Ma'am.
Napatitig na lang ako sa phone ko. Nakakainis na talaga itong Monster-Jerk na ito. Kaasar!
Pero nagawa ko pa siyang replyan ulit.
To: Monster-Jerk
Oo na! Alam kong kalahati ng University na ito ay pagmamay-ari niyo. Pero hindi mo ako pwedeng paalisin lang ng basta-basta. FYI, nagbabayad ako.
Wala na akong maisip. Ito na lang ang alam kong dahilan na pwede kong sabihin sa kanya. Sana lang kunagat siya.
From: Monster-Jerk
And you're trying to trick me now? Alam kong ni singkong duling, hindi ka nagbibigay sa University na ito. Full scholar ka dito, am I right?
Halos lumuwa ang mga mata ko matapos kong mabasa ang reply niya. Tae lang! Bakit naman pati iyon alam niya? Siguro chineck na niya ang background ko. Bwiset talaga iyon!
Pinili kong hindi na lang siya replyan. Hindi ko rin naman alam kung ano ang irereply sa kanya eh.
***
"Tara na, sobrang nagugutom na ako." Bungad ni Ivy nang magkita-kita kami sa harap ng classroom ko. Lunch na rin kasi ngayon.
Tumango si LA sa sinabi ni Ivy. Gutom na rin siya. I can see it through her expression. "Osige, tara na sa canteen!" Yaya ni Ann at nagsimula ng maglakad. Sumunod naman ang dalawa.
"Teka!" Pigil ko sa kanila.
Napahinto't napalingon naman sila sa akin. "Pwede bang humingi ng pabor sa inyo?"
"Anong klaseng pabor?"
"Mag-pretend kayo na walang alam tungkol sa nangyayari sa amin ni Lance. Pretend that you don't know all about the deal between me and him."
"Bakit naman?"
"Basta... Gawin niyo na lang ito para sa akin. Please? Ieexplain ko din sa inyo pero wag muna ngayon." Nagmamakaawa na talaga ako. Kailangan kong gawin ito eh.
Nagtinginan muna silang tatlo bago tumango sa akin. I smiled and hugged them one by one. "Salamat."
"Tsk! Hindi mo naman kailangan pang yakapin kami no.." I giggled, "Way ko iyon ng pagpasalamat."
"Psh! Okay, okay. So, pwede na ba tayong kumain ngayon?" Singit ni Ivy. Natawa naman ako sabay tumango-tango. At ayun na nga, pumunta na kaming canteen.
Nang marating namin ang canteen, agad kaming dumeretso sa usual place namin. Pero kung minamalas ka nga naman. Muntik ko pang malimutang katapat nga lang pala namin ang table ng ExO pero may kalayuan naman na siyang tahimik kong ipinagpasalamat.
Pagkaupong-pagkaupo ko pa lang, nagtama ang mga mata namin nung halimaw. Sino pa ba? Eh di si Lance halimaw.
Mabilis akong napaiwas ng tingin. Bigla kasi akong kinilabutan sa tingin niya. Akala mo papatay.
Bigla namang nagvibrate yung phone. Muntikan pa akong mapatalon sa inuupuan ko sa pagkagulat. Inilabas ko ang phone ko at parang naghina ako nung makita ko kung kanino galing ang text.
From: Monster-Jerk
Takot lang makick-out?
Napaangat ang ulo ko sa kanya. Naka-smirk siya. I looked away. Pang-asar talaga ang isang iyon kahit kailan.
Walang pang isang minuto, naramdaman ko na ulit na nagvibrate ang phone ko.
From: Monster-Jerk
Cancel all your schedules after class kung meron man. Our deal will start today. Mamaya na ang first session natin. I'll text you later the place. Wag kang male-late or else, I'll force you to leave this University.
Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko after kong mabasa ang text niya. Napupuno na talaga ako sa halimaw na ito!
What kind of threat is this? He's being unfair! Aish!