[WARNING: REVISED]
💮 Their Collaborators 💮
Let's see. . .
A big part of me wanted to run away. Alam mo 'yon. Tao ako eh. Babae. Hellish of all, I have liberty! Freedom! Kalayaan, in tagalog!
But!
Oh, well, kalayaan din (practically) kasi ang nasa harapan ko, so, I don't think that the big part of me wanting to run away weighs more, and I wanted to start myself with this question:
Ano ba ang kayang gawin ng isang tao kapag ang gusto na niya ang nakataya sa pagitan ng obligasyon at pangangailangan? Kung ako siguro, kung para lang naman iyon sa ikabubuti ko, baka ginawa ko na ang lahat ng maaaring gawin para sa gusto na iyon.
Ang mga salitang bumulong sa akin ang ngayo'y tumatatak sa isip ko habang ako'y humahakbang palapit sa lugar at sa taong tuluyan nang magpapabago sa takbo ng pinasimple kong buhay. Napaghinuha kong muli ang nangyari sa akin higit isang buwan ang makalipas, bago mangyari ang lahat ng nakikita ko ngayon.
Mahinahong nakaupo rito sa tabi ng bintana ng pampasaherong taksi kasama ang nagmamanehong drayber, pinanood ko ang pagrolyo ng abalang siyudad. Hindi masyadong maganda ang panahon, ah, naisip ko. Chineck ko ang relo ko; 08:45 am. May one hour and fifteen minutes pa bago ang meeting. Traffic ng kaunti, pero sana hindi ako mahuli ng dating.
"Manong, para po," wika ko sa drayber nang makarating kami sa paroroonan. Inabot ko ang bayad sa kanya. Nang bumaba ako ay mangha kong pinagmasdan ang mataas na gusali na nasa aking harapan. Sarap sulatan ng grafitti, pero pwede ding doodle para colorful.
Pumasok ako at pinuntahan ang babaeng naka-uniporme sa reception area upang magtanong. Agad naman niyang sinabi kung saan banda ang dapat kong puntahan nang maipakilala ko ang aking sarili.
Sumakay ako sa elevator na halos nasa dulo na ng gusali. Actually, private elevator ito kaya walang hintayang nangyari at hindi hassle.
Ting, with the sound of that, the elevator opened silently, and I went out, leaving my palpitation there.
I sighed.
Nakipagtitigan muna ako sa napakagandang pinto, saka bumuntong hininga muli bago kumatok at pumasok. There I saw the office that I think took up much space for a normal one. It got a formal classic design. Inilibot ko muna ang paningin ko bago ko tampulan ng atensyon ang taong nasa pang-opisinang mesa sa gitna. Magalang akong bumati at ngumiti sa kanya.
"Fascinated? Well, it's a cliche for me," unang sinabi niya.
Napakunot ang noo ko't pumasok agad sa isip ko ang tanong na, "Ba't hindi niya bonggahan? Duh." Napangiwi na lang ako.
Sinenyasan niya akong umupo sa isa sa couches na nasa gilid. Pumunta siya sa kabilang bahagi at de kwatrong umupo. Ngayon ay magkaharap na kami sa bawat isa.
Sandali rin ang lumipas. Walang may nagsasalita. Akala ko nga makikipagtitigan lang siya sakin, nakakailang na kasi eh, pero buti na lang at nauna na siya sa kung ano ang sasabihin niya.
"So, ikaw si Lucilia Zander \ˈzan-dər,\ 'yong anak ni Mr. Matteo Zander ng Zanders Corp., tama?" tanong niya. Tumango ako.
"Nice to meet you, then."
Hindi na siya nagsalita pa pagkatapos no'n dahil may na kinuha siyang papel sa mesa at binasa ito.
Kinakabahan ako. Dinig ko pa ang malakas na pagtambol ng puso ko sa aking tainga, but still, I want to go against it, so, I pulled all the courage I have to say what I wanted to say.
"Can we cancel it?" I asked that, holding my breath.
"Cancel what?" His bored emotion showed, and then I found myself crouching in anger, now unable to reserve myself.
"The marriage! Duh!" I hissed and rolled my eyes.
You read it right, and I still can't believe that MY MARRIAGE is coming soon.
It was back then 1991--- de joke! No'ng isang araw lang, he he, nang mabulabog ang tahimik at mapayapa kong buhay.
On the way ako sa isang mamahaling na restaurant. May family dinner daw, sabi ni Mommy no'ng tumawag siya. Wala na ako sa poder ng magulang ko, so, medyo excited ako na makita silang muli.
Papasok pa lang ako nang matanaw ko ang pwesto nila na masayang kumakain. Pero, may kasama silang iba.
"Eh? May bago ba kaming kamag-anak?" Imahinaryong binatukan ko ang sarili ko. Utak, Lulu! Duh! Sino yan? Lalapit na sana ako kaso nauna na ang aking katawan at nagpunta sa lugar na hindi nila makikita.
Antagal kong nagtago doon habang pasulyap-sulyap sa kanila. Siguro mga kalahating oras na. Ewan. Bigla kasi akong kinabahan sa mga taong kasama nila. Tinititigan na nga ako ng ilang lumilibot na waiter dito, but whatever.
Maya-maya'y nagtext si Mom. Syempre, tinanong kung bakit wala pa daw ako. Naiinip na yata yung kasama nila.
What should I say? Na pinagtataguan ko iyong mga kasama nila? Mas okay siguro 'yong hindi ako makakapunta dahil labahan lahat ng pang-alis kong damit.
Nirereply ko na iyong pangalawang pwede kong idahilan nang---
"Hoy, Lulu." May kumalabit sa ulo ko. Masakit 'yon, ha! At alam ko na yata kung sino 'yon sa boses pa lang.
"Ba't nandyan ka? Tumayo ka nga," aniya. Kinalabit niya ulit ako ng malakas kaya naman lumingon na ako at nagreklamo.
"Ano ba?! Masakit!!" singhal ko kay Kuya na si Leonard Zander dahilan upang ako'y makakuha ng atensyon mula sa mga kumakain sa paligid. Ayos.
"Lulu! Kanina ka pa namin hinihintay doon. Anong ginagawa mo dito? Tumayo ka nga," singhal ni kuya pabalik. Puno ng kontrol ang boses niya dahil alam kong ayaw niya ng iskandalo which is nasimulan ko na. Oh, atensyon! Layuan mo ako!
Naramdaman ko na lang ang paghila niya sa braso ko papunta sa mesang pinagkakainan nila. Ito namang si ako, eh, pabaligtad ang ginagawa. Pero, syempre malakas siya at ako'y hindi naman kaya talo ako sa mala-Tug-of-war naming dalawa.
"Ma, si Lulu, kanina pa pala nandito," sumbong ni kuya. Napangiwi ako sabay iwas ng tingin.
"Ah. Hindi mo ba kami nakita dito, anak?" tanong ni Mom sa'kin.
Di ako makasagot sa kanya. Ooo ba ako? But I can't lie to her. Tiningnan lang ako ni Dad.
Napasulyap ako sa ibang kumakain na nandito sa mesang kinakainan nila Mom. Pati sila binigay ang atensyon sakin puwera lang sa isang kasama nila. Good thing at the very least.
Pinaupo na ako't pinakain. Saka ko nalaman na ikakasal na ako do'n sa taong hindi nagbigay ng atensyon sakin nito lang. And FYI, sila ang nagkasundo, hindi ako kasama. Duh! Who'll agree? Ni hindi ko nga alam kung ano ang pangalan no'ng ipapakasal sakin eh. Dinadaan ko na nga lang 'yong lalaking iyon sa mga simpleng pagngiti ng pilit para at least ma-realize niya na hindi ko gusto ang mga nagaganap, pero pati siya pumayag! At mukha namang majority wins, so, papadala na lang muna ako sa ipu-ipong dala nila sa buhay ko.
Major rule ng isang sinaunang arrange marriage ay ang hindi dapat magkita ang dalawang ipapakasal hanggang sa araw ng kasal nila. Little did my parents know na sa pamamagitan ng investigative skills ko at sa tulong ng secret agent ko na ang pangalan ay si Google ay nagawa kong matunton ang address ng kumpanya ng gusto nilang ipakasal sa'kin.
Para namang bullet train na dumaan sa utak ko nang maalala ko ulit ang pangyayari. Totoo ba talaga iyon? Pakiramdam ko bangungot lang eh. Pero, hindi! Kaya nga nagset ako ng meeting kasama siya. Gusto kong ikansela ang kasunduan NILA.
Naramdaman ko ang pagkirot sa gilid ng kuko ko. Nang chineck ko ito, dumudugo na pala. Di ko namalayan na kanina ko pa pala to binabalatan.
"I cannot." Napatingin ako sa kanya sa bigla niyang pagsalita.
Why? My face has drawn a questioning look.
"Fine. Let's make a deal," he snapped as he gaze intently into my eyes that caused my heart to stop for a second, and then stood up. My eyes chased after his figure 'cause he's walking to and fro.
Nobody, except Dad when he scolds at me, has had done that to me. I also realized that this guy is- I hate to admit but-- he is mischievously handsome. You know. Gorgeous set of eyes; I even noticed its color. A must-be soft-textured lips just by merely looking. Tall and lean. And though girls would want a hard set of jaw, I found those soft edges of him attractive. With his black Americana suit, he might be the CEO or some high position on their company.
Gosh, what am I even thinking?! Shake that off, Lulu. Shake that off.
"What do you want, huh?"
Another questioning look from me. Ano'ng ibig sabihin niya?
"Listen." He stopped and gazed at me saying, "I can grant you anything except the cancelation of the marriage."
Eh? Baka naman may gusto to sakin. Hindi lang umaamin.
"But I only want to cancel it. That's why I'm here," solido kong sagot.
"I told you, not that," reply naman niya. "Ano nga ang gusto mo? You're a book writer, right?"
Eh? How did he know?
"Hey, hey, how come you knew about my job? May gusto ka ba sakin o ano? Bakit gusto mong magpakasal tayo?" diretsong pagdidiin ko. Teka, kailan pa ko naging mahangin? I saw him shaking his head in maybe disbelief. Fine, got to shut my mouth.
"I'm not what you think right now," he stated flatly. "What I want is our marriage. Kaya nga nakikipagdeal ako sayo para quits tayo. Ano? What do you want? Prestige? I can fly you to New York and make you one of those most popular book writers like Anne Rice and Stephen King."
Napakunoot ang noo ko. "I can work it out on my own, stupid!" I shouted.
I suddenly heard him hissed. Baka nainis dun sa ipinangalan ko sa kanya. "Eh ano? Financial needs for a lifetime? Bahay at lupa? Tell me. Alam ko namang wala ka na sa magulang mo. At gipit ka sa pangangailangan mo."
Oh, he's getting on my nerves.
Tumayo ako. "Hey! Ano ka, diyos, genie, para tustusan ang mga pangangailangan ko?" Simula nga no'ng nagkatrabaho na ako, hindi na ako humingi sa mga magulang ko! "Kahit magshrink pa sa kawalan ang laman ko dahil sa gutom," though I don't think na mangyayari iyon, "HINDING-HINDI AKO HIHINGI NG TULONG SA KUNG KANINO, LALO NA SAYO!" singhal ko. Hinighlight ko pa ang last sentence. Sakto namang may pumasok na babae na may deliver na pagkain. Naramdaman yata ang tense ng paligid at umalis kaagad.
Nagsalita siyang muli, "Well said. So, you don't like my offer? I'm going to kill you and your family then, in order for me to make an excuse of not marrying you."
I could see how his lips curve into a smirk habang unti-unting napapatameme ako. Kung puwede lang na ngumanga sa harap niya para malaman niyang nabigla ako sa sinabi niya, ginawa ko na. Papatayin niya daw ako at ang pamilya ko! Is that a good joke? No. Napakagat na lang ako sa labi ko.
"You know, lady, that this is some kind of collaboration and stake. And we are, unfortunately, their collaborators. Your choice is to accept it, or you will be sitting on the throne of your empire. You don't want that, do you?" He smiled in a not-so-nice-way.
Ugh, what he said was so relevant. Tama siya. Pero pa'no niya nalaman na ayokong pamunuan ang kumpanya namin? Hindi kaya ginoogle niya rin ako? No way! Napayuko ako't napahinga ng malalim.
No. I should not be intimidated by his threat. Kung papayagan ko man ang sarili ko na matakot, at siya'y maging asawa ko, pa'no na lang kung may ipapasunod niya sakin at ayaw ko? Tatakutin niya ba ako? Hindi 'yon maaari! I've had enough pride. And I won't be able to live my life under his threatenings, under his dominance.
"NO," matigas kong sagot. "It's the reason I'm here, to cancel the marriage."
Pagkatapos ng sinabi kong iyon ay nakita ko ang pagkabigla niya at ang pagdilim ng paningin niya. Makakahinga na sana ako ng maluwag ngunit bigla na lamang dumagundong ang boses niya at sinabing:
"FINE! Now get out of my sight, bitch! GO!"
----------------------------------------------------------------------
A/N: Lucilia Zander on above. <3