(Note: Nasasaktan po ako sa kissing scene ni Chanyeol. Pero okay lang, naiimagine ko naman na si Baekhyun yung kakissing scene nya ._.)
Luhan's POV
"Miss!! Yoon Jeonghan po?" Tanong ni Baekhyun sa nurse.
"Itanong nyo nalang po sa counter" sagot nung nurse. Ay, medyo shunga si Baekhyun.
"Tangina ba you?! Hindi ako bobo miss ah! Kitang kita ko sa papel na hawak mo oh! Yoon Jeonghan, age ano ba yan?? Tapos room 451..." napatigil si Baekhyun nang masabi nya ang room number ni Jeonghan, ".... Room 451.. tama!! Tara na guys!!" Sabi nya at naunang tumakbo. Sinundan namin sya pero syempre hindi ako tumakbo. Baka tatalbog boobs ko. Dejuk! Baka madapa ako. Duh!
"Asan si Jeonghan!? Patay na ba sya?! Asan sya?!" Naabutan namin yung pinsan ni Baekhyun sa labas ng room. Ang qt nya talaga.
"Nasa loob po sya Kuya Baek" sagot nung boi. Si S.Coups pangalan nya. ANG QT TALAGA!! MAHABA BABA NYA GAYA NI SEHUN- wala. Wala akong sinabi.
"Alangan naman nasa labas hano!? Myghad I'm so stressed" sagot ni Kyungsoo na kanina pa tahimik.
Teka, ako lang hindi nagsalita dito ah.
"Hi S.Coups! Musta ang kasal nina Chanyeol at Hyuna?" Ay shet yun pa. Napatingin ako kay Baekhyun na napahinto tsaka lumingon kay S.Coups. It means, interesado sya.
"Uhm. Nat-"
"Pumasok nalang kaya tayo haay!" Sabi ni Kyungsoo at binuksan ang pinto tsaka naunang pumasok. Sumunod naman ako.
Teka, bakit ang familiar ng room na to? Parang nakita ko na to somewhere.
Tama... Dito yung room kung saan namatay sina Hyoyeon at Daehyun...
Namatay..... napatigil naman ako at napatingin sa nakapikit na Jeonghan.
Kung si Hyoyeon ay nasa love triangle ng KaiSoo.
Si Daehyun ay sa ChanBaek naman.
Si Jeonghan ay saamin.
Napatigil ako sa paghinga at lumabas ng kwarto tsaka tinawag si Baekhyun.
"natigil-"
"BAEKHYUN!!" sigaw ko at hinawakan ang kamay nya para mapansin nya ako, "Baekhyun, iligtas natin si Jeonghan! Sumpa ang kwartong yan!! Natandaan mo ba sina Daehyun at Hyoyeon!? Bes, namatay sila sa kwartong yan! Ayokong pati si Jeonghan mamamatay! Bes, ilipat natin sya ng kwarto!!" Sabi ko at napatalon.
"Wtf!! Hindi mamamatay si Jeonghan!!!" Inis na sabi ni S.Coups kaya napatingin ako sakanya from head to toe, "K-Kasi.. hindi naman talaga. Natulak lang sya sa hagdan" dagdag pa nya at umiwas ng tingin.
"S-Sino ang tumulak sakanya?" Tanong ni Baekhyun. Napatingin naman sakanya si Coups.
"I'm sorry Baek hyung dahil hindi ko nasabi sayo yung totoo. Natigil yung kasal dahil samin ni Jeonghan. Umalis sila Chanyeol hyung, Sehun hyung at Kai hyung para puntahan kayo sa airport dahil nasabi namin na aalis kayo. Nagalit si Hyuna noona kaya natulak nya si Jeonghan sa hagdan ng altar" nagulat kami sa sinabi ni Coups. Pati si Kyungsoo na kanina lang pala nasa likod ko, bigla-bigla nalang umiyak. Nagulat ako dun ah.
"P-pumunta sa airport sina Chanyeol!?" Tanong ni Baek pero nakatingin sya samin. Napayuko naman ako.
"Y-Yes. He chose you over Hyuna" sabi ni Coups at pumasok sa kwarto para lapitan si Jeonghan. Napatingin naman si Baek sakin habang napatingin naman ako kay Kyungsoo na nakatingin kay Baek. Tungunu.
Nagsintanguan naman kami bago tumakbo.
Sana maabutan pa namin sila.
Ako ulit POV
"Asan sila?!" Tanong ni Kai habang nakahawak sa pader. Hingal sila ng hingal dahil sa kakatakbo. Nihindi man lang nila naisipan pang sumakay. Nakakatanga talaga ang LOVE.
"H-Hana-Hanapin n-nat-in s-sila" hingal na hingal na sabi ni Sehun habang nakaluhod na sa sahig. Anytime, mamamatay na talaga sya.
"Tara na!" Sabi ni Chanyeol pero sa paghakbang nya ay agad naman syang bumagsak. Napatingin yung dalawa sakanya at napasapo ng noo.
"Chanyeol naman!! Bakit ngayon pa!!" Sabi ni Kai at hinila ang dalawang braso ni Chanyeol at pilit na binangon ito.
"Ipasok mo muna yan sa banyo at tayo ang hahanap" sabi ni Sehun.
"Tangina nyo buhay pa ako!!" Sabi ni Chanyeol at binuksan ang isang mata nya, "Kelangan ko lang huminga" sabi nito.
Napasapo ulit ng noo ang dalawa at umalis tsaka iniwan si Chanyeol na nakahiga parin sa sahig. Nang makalma ay agad itong bumangon para sumama sa dalawa. Nakahawak sya sa dibdib nya habang nakatingin sa isang monitor.
(Insert airport here) China...... 3:45 PM
Napatingin sya sa relo nya at tiningnan ang oras. 1:34 PM na. Lumingon lingon sya sa paligid at nagbabasakaling makita nya ang tatlo.
That time, nasa sasakyan ang tatlo papunta sa hospital. 30 minutes bago makarating sa hospital. So....
"Nahanap nyo?" Tanong ni Chanyeol sa dalawang nakaupo sa waiting area ng airport. Napabuntong hininga ang dalawa at yumuko.
"Maghihintay nalang tayo. Isang oras at kalahati nalang at flight na nila. Posibleng nasa paligid lang sila" sabi ni Kai at hinimas ang sentido nya.
Napaupo naman si Chanyeol sa tabi ni Kai at yumuko.
After 30 minutes....
"BILISAN MO ANG PAGD-DRIVE LUHANNN!!" sigaw ni Luhan sa sarili nya. Tanga lang.
Tahimik lang ang dalawa sa backseat habang nakatingin kay Luhan na kanina pa daldal ng daldal. Naiwan pa nila yung driver nila sa hospital. Lmao diba?
Sa kasamaang palad, traffic. Inis na pinaghahampas ni Luhan ang busina sa gitna ng manibela. Wala syang pake kung umingay ang sasakyan nya. Basta ang gusto lang nya magsinalisan yung mga kotse sa harapan nya. Nanggigigil sya.
"Pinili kong umalis para malayo sakanya. Bakit ko pa ba sila pupuntahan?" Tanong ni Kyungsoo. Napatingin si Luhan sakanya.
"Kasi mahal mo sya" napatingin si Kyungsoo sakanya, "Bakit mo pa naisipang sumakay sa kotse na to at sumama samin sa airport? Bakit ayaw mong magpaiwan sa hospital? Kasi diba gusto mo syang makita?" Sabi ni Luhan.
"Oo.." walang halong pagdadalawang isip na sabi ni Kyungsoo, "...mahal na mahal ko si Kai. At ginagawa ko to para saming dalawa"
"Akala mo naman makakabuti yan ulol" singit ni Baek. Tangina ba? Drama na dapat yun eh, "Selfish ka Kyung. Gusto mo sayo lang si Kai" dagdag pa nito.
Napatingin ulit ako sa daan. I hate traffic na than drugs.
"Call me selfie, i don't care" sagot ni Kyung at nagcross arm pa, "Gusto ko akin lang si Kai"
"Tanginag selfie" bulong ko at inihipan ang mga kuko ko.
"Ano ba talaga rason Kyungsoo?!" tanong ni Baekhyun, "Ano bang dahilan kung bakit ka nakipaghiwalay kay Kai?! Trabaho lang yun Kyungsoo!!"
"Wala kang alam Baekhyun... so shut up! Shut up ka nalang!" Sabi ni Kyungsoo.
-
"Excuse me?" Nagising si Kai nang may kumalabit sakanya. Napatingin naman ito.
"Yes?" Tanong nito sa isang janitor.
"Kanina ko pa kayo nakita dito sir. Ilang oras na rin kayong tulog" napatingin si Kai sa dalawang natutulog sa tabi nya. Tumingin ulit sya sa janitor.
"Y-Yung flight papuntang Ch-China"
"Nai-announce na po kanina. Papuntang China po ba kayo?" Tanong ulit ng janitor.
Umiling si Kai at napatulala.
"Mabuti naman po. Alis na muna ako" sabi ng janitor bago umalis.
Nagising naman si Sehun at tiningnan si Kai.
"Ano na nangyari?" Tanong ni Sehun. Hindi makasagot si Kai dahil agad na tumulo yung luha nito.
"Umalis na tayo" sabi ni Kai at pilit na ngumiti, "Grabe ang sarap ng tulog natin" dagdag pa nito at mahinang tinapik si Chanyeol. Nagising naman ito.
"K-kai..."
"Wala na! Wala na sila" mahinang sabi ni Kai habang nakangiti. Napaluha nalang sya habang nginitian ang dalawang kaibigan nya.
Natahimik ang dalawa habang napahilamos naman ng mukha si Kai at inayos ang buhok nya.
"Tara na!" Sabi ni Kai at agad na lumabas ng airport. Ginawa nya pang panyo yung necktie nya.
"It's too late" sabi ni Sehun bago tumayo at sumunod kay Kai.
Napatingin naman si Chanyeol sa dalawang nagwalkout.
Too late.
-------
TANGINA TOO LATE DAW ULOL!! Di pa tapos nyahahahahaha!! Ang qt ko.
Hinubad ni Luhan yung heels- yung sapatos nya kasi masakit na daw yung paa nya at tumakbo ng napakabilis. Sinundan naman sya ng dalawa pa.
After 20 minutes, nakarating na sila sa airport. Para silang nireyp.
"Putangina" sabi ni Luhan at tumingin sa dalawa.
"B-Bak-kit!?!" Tanong ni Baekhyun at napahawak sa dibdib nya.
"We're too late! Naiwan na tayo ng eroplano!!"
----
Yun ang totoong too late. Nyahahahahaha patawarin nyo ako dahil ang lame :'<