Half A Heart

By AngBabaeSaPutikan

277 11 16

More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 7
Chapter 8.1
Chapter 8.2
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 10.2
Author's lovely note to her lovely readers
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Epilogue
FACTS ABOUT THIS BOOK

Chapter 6

7 0 2
By AngBabaeSaPutikan

"Amelia, come up here." rinig kong sabi niya sa mula sa second floor.

How did he know my name? I've never introduced myself to him.

Umakyat na ako sa hagdan. I saw him standing outside a door.

"Get in." sabi niya at binuksan ang pinto. I could say na kwarto niya 'to. Panglalaki yung colors ng wallpaper niya.

He closed the door behind us. Kinabahan ako. Hindi kaya?

HOMAAAAYGULAAAAY! This can't be!!

Uwaaaaaa~ Help me guys! Alam kong gwapo 'tong kasama ko at may atraso ako sa kanya but I AM NOT IN FAVOR OF THIS! Oh katawan kong never been touched ay hindi pa handa para sa ganito!

May nakalapag na mga damit na pangbabae sa kama niya at sa baba nito ay may mga sandals and high heels shoes. Para saan itech?

"'Yan ang susuotin mo."

Napalingon ako sa kanya. "What? Lahat 'yan? Kanino ba 'to?"

His face didn't show any expression. "Heck, no. Just choose one and pumili ka ng babagay na sapatos dyan. I don't know your taste so I took a lot from my cousin's wardrobe."

Ay? Hahaha! Sorry na po.

"Sa pinsan mo 'to? Hindi kaya siya magalit?" pag aalangan ko.

"She won't be. Napaka bait nun."

Siya ba magbibihis sa akin? Oh shemaymomay! Hindi pa ako handa! Note, hindi PA ako handa so ina-assume ko na someday gawin niya 'to sa akin. Juice colored! Umayos ka Amelia! Nilulumot utak mo.

Lumabas na siya sabay ni-lock ang pinto. Ahh. Hindi niya naman pala ako bibihisan. Char char ko lang yun kanina.

I let my eyes roam around the room. In fairness, hindi naman gloomy or sullen ang atmosphere ng kwarto niya di tulad niya.

Magbibihis ba talaga ako dito sa kwarto niya? Baka may CCTV siya dito at pinanunuod niya ako. Kyaaaaah! It's so creepy!

'Lol Amelia! Lakas talaga ng imahinasyon mo. Stop it! Magbihis ka na dahil may nag-aantay sayo.' sabat ng inner voice ko.

Tinignan ko na yung mga damit na nakalapag sa higaan niya.

Nang kunin ko ito, nagulat ako sa nakita ko. Muntik ko na itong maitapon sa higaan.

Kasi naman, nakita ko yung brandname. Forever21. Juicecolored! Ang mamahal naman nito. Yung ibang damit naman, Candy, Next, Atmosphere. Puro mga international brands 'to ah.

Nakakatakot namang suotin 'to ng isang tulad ko. Hindi ako sanay sumuot ng mga ganitong mamahaling damit. Hanggang tiangge lang naman kasi ang kaya ko.

Pinili ko na lang yung dress, para madali isuot at hubarin para di na 'ko mahirapang mag palit mamaya ng uniform ko.

Tinignan ko yung sarili ko sa salamin. Wow. How could I look this pretty, with just a dress?

Hindi naman sa nagmamayabang or inaangat ko yung sarili ko, pero nagbago talaga yung itsura ko sa damit na 'to. Kahit nakalugay lang yung buhok ko at wala akong kolorete sa mukha, I do look good. Though medyo naiilang akong suotin ang damit na 'to 'cause it's expensive.

Pinili kong suotin yung sandals. Ayaw ko mag high heels dahil baka matapilok pa 'ko sa event na 'yun. Ayaw ko naman ipahiya si.. Ay teka, ano nga pala pangalan niya?

Tumingin tingin ako sa room. I saw a name plate sa study table niya. "Blaze Louis." ang nakalagay.

Blaze is his name? Unique ah.

Nagpulbos ako at naglagay ng konting lip tint.

Nilagay ko na yung uniform ko sa bag. Pero paano 'tong sapatos ko? Pwede ko namang ipagsiksikan 'to sa bag ko pero madudumihan yung mga gamit ko sa loob ng bag.

Hay nako, mamaya ko na nga lang yan problemahin. Iniwan ko muna ito at ang bag ko sa may paanan ng bed niya.

Lumabas na ako sa kwarto. "Blaze?" ani ko habang pababa na ako sa hagdan.

Naabutan ko siyang nakaupo sa couch. I could see in his eyes na nagulat siya even though he tried to hide it.

"Are you okay?" tanong niya. Siguro napansin niyang naiilang ako.

"Hindi kasi ako sanay sumuot ng ganito ka-mahal na damit." I said honestly.

Hinila niya ako patungo sa isang salamin sa sala nila.

"You look good." sambit niya at hinawakan ang magkabilang balikat ko. "Have confidence. Every girl deserves this kind of lavishness. Don't let the dress wear you. You wear the dress."

I breathe deeply and tinignan ko uli yung sarili ko sa salamin. Don't let the dress wear you. You wear the dress. I smiled finally having confidence with what i'm wearing. Not because I can't afford to buy a dress as high-end as this, hindi na pwedeng maramdaman ko man lamang na I deserve something like this.

"That's it. You look way better." sabi niya at nginitian ako mula sa salamin.

I smiled at him this time. He taught me of self-worth and self-esteem. Never thought he had that in him.

"Thanks."

Tumingin siya sa baba ko. "But what you're wearing on your feet does not fit with the kind of dress you're wearing." Umakyat siya at pumasok uli sa kwarto niya.

Ay? Akala ko okay na? Hashtag paasa. Kalalaking tao nito ni Blaze pero mas madami pa siyang alam sa fashion kesa sa akin na babae.

Pagbaba niya, I saw him holding silver high heels. "This fits that dress." mungkahi niya.

"Pero hindi ako sanay magsuot ng ganyan. Baka matapilok ako. I believe in the saying, 'Comfort before style'." I protested.

"You're my date, Amelia. I'm gonna help you walk. Hindi naman kita hahayaang malaglag." sabi niya.

Whoa. Double meaning ba 'yun?

I sighed. "Okay." I think it's much better to obey him than to fight with him. Baka masaktan pa 'ko.

After niya magbihis, umalis na din kami. Sumakay kami sa motorbike niya. Pa sideview na ako umupo ngayon dahil nga naka dress na 'ko.

Sinabihan ko na din naman siya na dahan dahanin ang pagda drive. Sumunod naman siya na ikinamangha ko. Marunong naman pala siyang sumunod.

Pagdating namin sa bahay ng friend niya, ang dami nang tao sa may veranda nila.

Fortunately, pinadaan naman nila kami. Wala eh, batas talaga 'tong kasama ko. At saka sino ba naman gustong makabunggo ang taong may ganitong aura.

Pagpasok namin, sinabat na kagad kami nang isang lalaking naka sweatshirt na white with red stripes.

"Bro! Thank goodness, you came." sabi nung guy kay Blaze.

"Of course I'll come, Will. Happy birthday!" tapos nagkayakapan sila. "By the way, this is Amelia. My girlfriend."

HUWAAAAT?! GIRLFRIEND?! Hindi ba pwedeng, date lang? Date can mean many things naman ah. Pero girlfriend? Ugh! May mga ka schoolmate pa naman ako dito.

"Hi, Amelia. I'm Will." sabi ng guy na may birthday. He took out his hand.

"Hi Will! Happy birthday." sabi ko and took his hand for a handshake.

"Halina kayo, let's go sa patio." alok ni Will. Sumunod naman kami sa kanya. I walk with his arm around my waist making me steady on walking. Di kaya chinachansingan lang ako nito?

Nandun ang circle of friends nila ni Will sa patio. There were five guys including Blaze. Tapos each of them has a girl on their side.

Isa isa silang nagpakilala sa akin. Mark, Johnny, Hans, Nika, Sally, Mina, tapos yung girl na nasa side ni Will ay si Trish.

"Hello. I'm Amelia." sabi ko sa kanila.

Pinaupo nila kami ni Blaze.

"Blaze, she's different from all the girls you've brought." ani ni Hans.

"What do you mean, bro?" tanong ni Mark. Sa kanilang lahat, si Mark yung may pinaka inosenteng mukha. Baby face eh. Hindi mo aakalaing barkada siya ng taong isang tulad ni Blaze.

Hindi naman kumikibo si Blaze pero he's smiling.

"All of the girls he brought were very gorgeous but have attitudes that were, you know, fluctuates dramatically." sagot ni Johnny.

Si Johnny naman yung guy na mukhang yung pinakamatalino sa kanila pero hindi siya nerd tignan. He's classy to look at actually.

Si Hans and Mark parang hindi naintindihan yung explanation ni Johnny. On the rescue naman si Will. "What Johnny means is, Amelia's the kind of girl na simple and because of that mas gumaganda siyang tignan and kaya siya naiiba sa mga babaeng dinala at ipinakilala sa atin ni Blaze."

Blaze chuckled and took a drink. "Stop it, baka magyabang 'to si Amelia." sabi ni Blaze with humor in it.

I jokingly rolled my eyes before him. Better na lang na sakayan ko trip niya, iisipin ko na lang i'm doing this as a compensation from what i've caused him.

"Ahh, natuto ka na palang tumaray sa akin ah." sambit ni Blaze and pulled me closer to him. Pinagkikiliti niya ako. Shocks!

"Haha! Tama na, Blaze!" sabi ko between laughs. Tumigil na din naman siya at inayos ko yung pagkakaupo ko. Inakbayan niya ako at hinalikan ang side ng ulo ko.

Hala? Paano? Why is he being like this?

'Amelia, he's just being in character. Pretend lang 'to. Wag kang ano dyan.' my inner voice reminded me.

Okay. Sabayan ko na nga lang diba?

Pagtingin ko kila Will ay nakangiti sila sa amin. "Ang cute niyo tignan." sabi naman ni Hans.

"Bagay kayo." naka ngiting sabi ni Nika.

"Hindi kami bagay, tao kami." ani ko.

"Bagay nga daw tayo. Kinikilig ka lang eh." pang-aasar ni Blaze.

"Ewan ko sa'yo." sabi ko naman na kunyari ay naaasar sa kanya.

Inilapit niya yung mukha niya sa may leeg ko, sa side ng left cheek ko at naka ngiti siya. Tila ba nilalambing niya ako. "Hey.." ramdam ko yung hininga niya sa leeg ko pagsalita niya. And damn it! Nakikiliti ang lola niyo! "I'm sorry na.. Di na kita aasarin.." sabi niya, brushing his nose to my cheek.

I pushed him on his chest. Nakikiliti talaga ako juice colored! Sila Nika naman ay kinikilig na ewan.

Pinilit kong tiisin na hindi tumawa. Na hindi matinag sa ginagawa niya.

He suddenly rubbed his nose just below the back of my ear that made me wince. He knows my weak spot now.

"Okay, okay." sabi ko as I touch the area of my skin below the back of my  ear. Nanghina talaga ako hanggang tuhod ko. A different kind of weakness. Parang I wanted to surrender. Oh to the em to the gee!

Uwaaaaa~ Hindi ito pwede! Erase erase!

"Naku, lalanggamin kayo dyan sa ka sweet-an niyo." sabi ni Mina.

"Ang landi kasi nito ni Blaze." sabi ni Mark.

"Ewan ko sainyo, pero mahal ko 'tong babaeng 'to." sabi ni Blaze sa kanila at hinalikan ang ulo ko.

"Whoa. True love na ba 'to?" sabi naman ni Hans.

Ngumiti lang sa kanila si Blaze habang ako hindi ko alam kung paano ako re-react.

Ayun, after ng konting kain, nag inuman sila. Hindi naman nila ako pinilit uminom nang sinabi kong hindi ako umiinom. But I am worried sa pag uwi namin ni Blaze. Can he still drive kahit naka inom siya?

I texted Ciara. "Cia, i'm really sorry. I'm sorry I left you. I'm sorry din kung nabastos ka ni Blaze. Babawi ako promise."

Nag reply din naman siya kagad. "It's okay, Am. Thank you anyways. Close ba kayo ni Blaze?"

"No. Kakakilala ko pa lang sa kanya." reply ko

"Ah. Mag iingat ka, love you!"

Hindi ko naman ginawang big deal yung tinext niya. "Thanks! Love you too!" sunod kong text sa kanya.

Hindi na siya nagreply after that.

Natapos sila Blaze mag inuman hanggang 8 pm kasi may pasok pa bukas. 5 pm kami dumating kila Will. Puro sila kwentuhan about sa past ni Will at kung paano nila unang nakilala si Will. Masaya nga silang kasama. Hindi naman sila mga bad influence kumbaga.

Now, Blaze is tipsy kaya mas lalo akong kinabahan. Baka maaksidente kami.

"Can you still drive? Kaya mo pa ba?" I asked habang sumasakay siya sa motorbike niya.

"Yes. Don't fret, hindi ko naman hahayaang may mangyaring masama sa'yo." he brushed his long hair with his hand at sinuot ang helmet.

Sinuot ko na din yung isang helmet at sumakay na.

As the wind blows, I can smell his scent. The mixture of wine and his cologne were very pleasant to smell. I buried my face on his back, naaadik na ata ako sa amoy niya. It keeps me awake din naman kaya ma se-sense ko kung bumibilis ang pagpapatakbo niya.

Nakarating kami sa bahay nila na may mga ilaw na nakabukas sa loob. Meaning, hindi lang siya ang nag iisang nakatira sa bahay.

"Wait for me here." sabi niya at bumaba na sa motorbike niya.

Iniwan niya akong naghahantay sa labas ng bahay nila. Maya maya ay lumabas na siyang dala yung bag ko.

"Hatid na kita sainyo." he said and sumakay na uli sa motorbike.

"Uh.. Kailangan kong magbihis ng uniform. Paghihinalaan ako nila Mama. Hindi nila alam kung saan ako nagpunta." sabi ko.

"We'll just stop in a gasoline station on the way to your house."

Sumakay na lang uli ako sa motorbike niya.

As what he said, huminto nga kami sa isang gasoline station. Nagbihis na ako sa comfort room doon. Naalala kong hindi ko inilagay sa bag ko yung sapatos ko. Iniwan ko nga pala yun sa tabi ng ibang sapatos ng pinsan niya.

Kaya lumabas akong suot pa din yung silver high heels. Ghad. I look weird wearing it with my uniform. Haha! Daig ko pa yung nag model ng uniform namin sa school.

Nakita kong lumabas si Blaze mula convenience store na may dalang plastic bag at sumandal siya sa naka parada niyang motorbike. May kinuha siyang bottled water sa plastic bag at uminom dito.

"Nakalimutan mong dalhin yung sapatos ko. Wala akong susuotin bukas." reklamo ko.

Tinignan niya ako mula baba hanggang taas then he laughed. "You look ridiculous."

Inirapan ko siya. "Tinawanan pa 'ko! Kunin mo na yung sapatos ko!" sabi ko.

He drank again. "Ang layo na natin sa bahay ko. Bukas ko na lang isasauli." sabi niya.

"Hahantayin kita sa entrance gate. Oras pa naman ng first class ko bukas ay 7:30 am so before 7:30 ay suot ko na dapat yung black shoes ko."

"Fine."

"Bukas ko na lang din ibabalik 'tong damit ng pinsan mo." saad ko

"Alright. Here, drink this." sabi niya at inabot yung bottled water na hawak niya.

Thank goodness! Kanina pa talaga ako nauuhaw. Nahihiya lang kasi ako kaninang kumuha sa party. Kinuha ko naman ito at uminom. I could taste the wine mula sa brim ng bottle na nanggaling sa bibig niya pero binalewala ko na lang kasi uhaw na uhaw na talaga ako.

"I know you haven't been drinking kanina pa." mungkahi niya.

"Thanks." sabi ko nang matapos akong uminom at binigay ko uli sa kanya yung bote.

"Halika na, it's late." sabi niya at sumakay na sa motorbike.

Pinahinto ko na lang siya sa kanto ng street namin. Baka kasi makita pa kami nila Papa.

He took off his helmet pero he stayed sitting on his motorbike.

Tinanggal ko na din yung helmet na suot ko at binigay ito sa kanya. "Thanks Blaze, ingat ka." sabi ko at lalakad na sana palayo kaso hinila niya ako pabalik sa kanya.

"No, thank you Amelia. Hindi ako napahiya sa mga kaibigan ko kanina because of you."

Well, how frank of him to say that. Sa isang taong may bad boy image, di ko aakalaing he'll say something like that.

"Bakit, kailangan ba talagang may dala ka laging babae?" I asked.

Feel ko, nagiging frank lang siya dahil nakainom siya.

"Yeah. Sanay kasi silang lagi akong may kasamang babae kapag ganoong mga events. Kung wala, eh aasarin nila ako. That's one of the things I can say that I belong with them."

Ganito ba talaga 'yun? May specific requirements para lang belonged ka? 

"Ah. Bayad na ako sa mga atraso ko sa'yo ha. Sana maging friends tayo kung gusto mo. Bye, Blaze."

Hindi niya pa din ako binibitawan bagkus ay hinawakan niya yung mukha ko. Inangat niya ito at hinalikan ang noo ko.

"Bye, my silver shoed girl." sabi niya at binitawan na ako. I could see in his eyes na groggy na siya.

What the heck was that all about?

Nginitian ko na lang siya at naglakad na.

'Nakainom lang siya, Amelia. Wala lang 'yun.' sabi ng inner voice ko.

It was weird. Pero on the other hand, swerte ang magiging girlfriend ng lalaking 'yun. He's playful, kaya mapapasaya niya yung girl. Saksakan siya ng lambing, kaya mararamdaman nung girl na espesyal siya. Thoughtful siya, alam niya kung anong kailangan o hindi ng babae at binibigay niya ito.

Sadyang di mo mapapansin yun dahil sa outer look niya.

Kamusta na kaya si Ice ko?

'Ko?! Hala hala! Pag-aari mo?' sabat ng inner voice ko.

Joke lang naman eh. Let me rephrase it, kamusta na kaya si Ice?

Hinanap niya kaya ako? Hindi ko man lang siya nakasama ngayon :(

Siguro kung hindi ako sinama ni Blaze, baka nakasama ko man lang si Ice.

"AMELIA! SAAN KA GALING AT NAKA SILVER HIGH HEELS KA PANG LOKA LOKA KA!"

Hala! Here we go~ Haha!

Continue Reading

You'll Also Like

1.7M 98.3K 74
႐ိုး႐ိုး႐ွင္​း႐ွင္​း​ေလး​ေတြ႔ဆံုမႈ​ေတြ မ်ားပင္​မယ္​့ ကိုယ္​တို႔ရ႕ဲ​ေတြ႔ဆံုမႈ​ေတြက babies​ေလး​ေတြန႔ဲအစျပဳတယ္​ ရိုးရိုးရှင်းရှင်း​လေး​တွေ့ဆုံမှု​တွေ မျ...
585K 51.9K 150
ဘာသာပြန်သူ - စွဲညို့အသင်း ရိုရိုချိုချိုနဲ့ မခါးတာလေး ဖတ်ချင်ရင် လာနော်
1.3M 38.8K 37
အငြိုးတွေအမုန်းတွေကြား ချစ်ခြင်းကသာအနိုင်ရမလားဆိုတာကို ခပ်ကြမ်းကြမ်းလေး ခံစားသွားရမှာပါ။ warinng ‼‼‼ကြိုပေးတာမို့ မကြိုက်တဲ့သူများမဖတ်လို့ရပါတယ်
647K 13.2K 86
တောင်ပေါ်သားနဲ့ မြေပြန့်သူ ဇာတ်လမ်းလေးပါရှင့်