MY ONLY BEST FRIEND (CHOHAN)...

By hyuna_1621

4.2K 169 29

isa po itong maikling kwento ng dalawang mag best friend. kaya sana po magustuhan niyo. :) More

TWO
THREE
FOUR
FIVE
SIX
LAST

ONE

2K 52 11
By hyuna_1621

""MY ONLY BESTFRIEND""

bestfriend?

yan ang word na nagpabago sa buhay ko. lahat na atah binago niyan eh. pati nga ung meaning ko para jan, nabago din. wew.

bestfriend?

para sakin kasi dati, ang kahulugan ng salitang yan ay, isang mahalagang bagay na hindi mo dapat paglaruan. isang mahalagang bagay na hindi mo dapat iwala. at isang mahalagang bagay na hindi mo dapat makalimutan kahit kailan.

kasi nga, kahit ano mang malaking problema ang darating sayo, si bestfriend? anjan parin. handang tumulong sayo kahit ano man ang mangyari. kasi nga, magbestfriend kayo.

i mean, para sakin kasi, ang bestfriend, ay hindi mo dapat ibigin. baka kasi, masira pa ang pagiging magbestfriend niyo pag nagkataon.

"kapag nagkaroon ako ng lalaking bestfriend, hinding hindi talaga ako maiinlove sa kainya." yan. yan ang pinangako ko sa sarili ko noon. yan ang huling sinabi ko sa sarili ko nung hindi ko pa siya nakilala. nung hindi ko pa nakilala ang nag iisa kong bestfriend.

--------------

"naku! late na ako. hahais! first day of school, late ako. kainis naman oh. hais!" pano kasi, hndi ko man lang napansin ung alarm ko. hais! go lang Gail. kaya mo yan. makakaabot ka pa. ajah! hoooh!

nung nasa taas na ako ng building, at dahil nga sa clumsy ako, nabitawan ko ang libro ko at nahulog.

"aish! naman oh."

POK!!!

"ARAY!! ANG SAKIT!! Awh!!" boses ng isang lalaki.

O.O lagot. may natamaan. saka naman ako bumaba ulit para magsorry dun sa natamaan.

"hala! sorry po.! sorry talaga. hindi ko sinasadya. sorry po talaga."

"okay lang. ingat nalang sa susunod miss. awh!" habang hinihimas niya ung natamaan ng libro. T.T awh, masakit talaga siguro un.

"hala! sorry po talaga. hindi ko po talaga sinasadya. sorry po. sorry po talaga. sorry po. huhu. T_T" with matching bow bow pa yan huh?

"haha. okay lang. paulit ulit kana jan sa sorry mo huh? okay lang ako miss."sabi niya.

wait, parang dumudugo atah un ah.

"naku! hindi ka okay.!" bigla kong sigaw sa kanya.

"huh?!"

"may dugo sa ulo mo.! huhu. hala. T.T"

pano kasi, sa ulo siya tinamaan ng libro. ang tulis pa naman ng dulo ng cover nun. huhu. kasalanan ko to eh. T.T

"huh?! O.O san?!"

"tara. punta tayo sa clinic. ipagamot natin yan. sorry talaga. " T.T kasalanan ko 'to eh.

"hi--ndi na miss. oo-kay lang ako."

"hindi pwede. kailangan nating ipagamot yan. baka ano pang mangyari sayo. kasalanan ko pa naman yan eh. tara."

at hinila ko na nga siya papuntang clinic. umaayaw pa kasi eh.

habang ginagamot siya, tawa lang ako ng tawa sa kaniya. grabe kasi ung mga facial expression niya. takot na takot talaga. haha. XD.

kaya pala lumaki ung mata niya kanina at nautal pa. sinabi niya kasi sakin na, takot pala siya sa dugo. haha. XDD

"oi, miss! grabe ka naman. kanina mo pa ako pinagtatawanan eh. (sabay pout) :(" hala. nagpout?! ang cuuute. ang landi. haha. pero promise, ang cute nya. ^^

"eh. sa nakakatawa ka eh. hahaha."

"grabe ka naman miss. ganyan ka pala magsorry. :(" hala? nangonsensya pa?

"ay, geh. sorry na nga."

at dahil nga ako ang may kasalanan, nilibre ko na siya ng ice cream. haha. parang bata lang nuh?

kinalimutan ko na pala ung first class ko. tutal, late naman na din ako. at saka, parang tinatamad nadin kasi akong pumasok. bahala na.

"HOY!" tawag ko sa kaniya.

"grabe ka naman kung makahoy miss. may pangalan naman ako."

"un na nga eh. kanina pa tayo magkasama, hanggang ngayon hindi parin tayo magkakilala. tignan mo, miss ka pa rin ng miss jan eh may pangalan naman din ako"

"ayy, oo nga nuh? sensiya na. nakalimutan. ^.^v" ngeh? pacute?

"aish! geh na nga. ako na nga lang unang magpapakilala. wala naman atah akong aasahan sayo eh. oh sha! ako nga pala si Amisha Gail Bustamante. 14 years old.ikaw? sino ka?" grabe lang kung makasino nuh?

"hello Amisha Gail. ganda ng name ah? i'm Drake Cedrick Salcedo. 15 years old na ako."

"ah. hello din Drake Cedrick. nice to meet you."

"ahh, nice to meet you din. Isha nalang itatawag ko sayo ah? ganda kasi eh. at Drake nalang din itawag mo sakin. para hindi mahaba. hehe. ^.^v" adik nga talaga 'to.

"ahh. okay." -_-!

---------

yan.

yan ung araw nung una ko siyang nakilala. 3rd year high school palang kami niyan. ang saya nga eh. siya palang ang unang tumawag sakin ng Isha nun. kaya sinanay ko narin ang sarili ko sa Isha. ang sarap din kasi pakinggan kapag sa kanya nanggaling un.

pero, sa tuwing naaalala ko naman ung una naming pagkikita, naawa ako. pano ba naman, una palang nga naming pagkakilala, nasugatan na siya agad ng dahil sakin. :( tapos, nung nalaman pa naming magkaklase kami nun, ang saya namin. naging close narin kasi kami nun. dun din kami laging nagsasama. hanggang sa naging magbestfriend na nga kami.

sa tuwing naaalala ko ung alaalang yan, natatawa nalang ako. natatawa ako dahil sa madami na ngang magagandang memories ang binigay sakin ni Drake nung 3rd year palang kami.

tulad nga nito:

sa tuwing nagkakamali siya sa mga ginagawa niya, lagi nalang siyang nagpapacute. ^.^v , yan. yan mismo ang lagi niyang binibigay na facial expression sakin. naiinis nga ako eh. minsan nababatukan ko pa nga siya sa tuwing ginagawa niya yan eh. para na kasi siyang adik. laging nakaganyan. hehe.

tapos, lagi din kaming magkasama nun. tingin nga ng iba samin eh, couple daw kami eh. pano kasi, ung bestfriend ko? hindi yan siya makuntento na magkasama kami lagi sa school, kulang pa daw. tss! kaya ayun, araw-araw niya akong sinusundo at hinahatid pauwi. nakakailang na nga eh. hehe.

at oo, kilala na sya ng parents ko nun. ganun din ako sa parents nya. kumbaga, legal na ung pagiging magbest friend namin. ^^

haaay! nakakamiss. :(

---------

4TH YEAR.

"Isha? ba''t ba tayo nandito?"

"hay naku bestfriend, manahimik kana nga lang jan. magpapahangin lang naman tayo dito eh. ayaw mo nun? makakapagrelax ka muna?"

"kaw talaga Isha, ang dami mong alam."

nasa rooftop kasi kami ngayon ng school. masarap kasi talaga ang hangin dito. hinila ko lang nga yan siya dito eh. maarte pa kasi. tsk! tsk!

"oh? ba't hindi kana nagpapacute?" tanong ko sa kaniya. himala kasi eh. hindi na nagpapacute. tulad ng mga ginagawa nya dati. mmmmp.

"tinigilan ko na. baka kasi, batukan mo na naman ako eh. (sabay pout)" grr! ngayon, pout na naman. -_-! pero, oo na. oo na. ang cute nga talaga nya.

"tsk! hindi bagay."

at dahil nga may baon kaming dalawa, dito nalang din kami kumain.

actually, ako lang talaga ung pumilit sa kanya na magdala lagi ng baon. hassle pa kasi kapag pipila pa kami sa canteen.

habang kumakain,

"Isha? say Aaahh."

"huh?" sabay subo sakin.

dub.dub.dub.dub. O.O hala! ano un?

"oh, ito pa." ngayon siniko ko na siya. susubuan pa sana ako eh. ang awkward kaya ng feeling. kaya ayun, nahulog tuloy ung kutsara.

"ish! Isha naman oh, malikot talaga." sabay kuha sa kutsara.

"eh makulit karin kasi eh." sagot ko naman sa kanya.

nung pag angat naman ng ulo niya, tulala na ung itsura. anyareh?

"oh? anyare sayo?"

"aa--aahh. sponge---bob."

"huh?" ano namang pinagsasabi nito?

"sponge--bob?? O.O"

"anong spongebob?! ayusin mo nga yang pananalita mo!" -_-?

nakakainis na kasi eh. hndi ko naman naiintindihan ung sinasabi. spongebob daw.

pero teka,

SPONGEBOB?!

wag mong sabihing,

"WAAAAAHHHH!!!!! MANYAK!!!! AAAHH!!!" sabay bugbog ko sa kaniya. waaahh!

"hahahahahaha! ang tan-da mona pe-ro, spongebob parin? hahahaha. :DDD"

"aaahh!! DRAKE!! manyak!! manyak!!" huhu.

pano ba naman kasi, nakita niya ung pa--n-ty ko. waahh! nakakahiya!

"hahaha. XD ikaw kasi, kung maka---sty-le ka ng u--po jan, akala mo naman wa---lang kasamang lalaki. hahaha." tawa niya habang hingal na hingal pa. huhuhu.

"aaaahh!!! Draake?!! :( manyak ka talaga!!"

"hahahahahahahaha!" ayan na naman sya. lumalakas na naman ung tawa. grr! -_-!

"AAHH!! CHE!! BYE NA NGA.! MANYAK!!" sigaw ko sa kanya. at iniwan ko na nga. tsk! tsk!

"ui, Isha!! teka lang." tss! wag mong pansinin Isha. pabayaan mo lang. tsk! tsk!

"ui, Isha??" hindi ko parin siya pinapansin. hinahabol niya kasi ako.

"ui. Isha? sorry na. please??"

"ewan ko sayo.! bestfriend ba talaga kita?! tss!"

"hala. oo naman. sorry na, please? (with matching puppy eyes pa)" tss! ang cute talaga ng bestfriend ko. ay este, kainis! grr! pero wait, ang cuuute nya talaga. ahh! ewan!

"eh, ba't mo naman ako pinagtatawanan ngayong alam mo na ung isa sa mga ...... ahh!!! kainis!!"

"pfft!" pagpipigil niya ng tawa.

"oh? anjan kana naman.? :(("

"joke lang naman, bestfriend kong Isha na kamukha ni spongebob."

"DRAKE!!"

"hehe. joke lang ulit. sory na bestfriend kong Ishang maganda huh? tara, ice cream tayo? libre ko." nahiya naman ako sa Ishang maganda. ^.^ ahehe.

"sure. basta libre, go ako jan. :))" eh maganda daw eh. at libre pa. aayawan ko pa ba? haha

at hinila na nga niya ako. habang papunta kami ng ice cream parlor, hawak-hawak niya parin ung kamay ko. holding hands kumbaga.

dub.dub..dub.dub.. O.O hala?! ano ba 'to? kanina pa 'to ah.

ayy, siguro pagod lang ito. madami kasi kaming ginawa kanina eh. nakakastress tuloy. :(

at ayun nga, kumain lang kami ng ice cream. paborito namin un eh. hehe.

------------

isa din yan sa mga alaala na hindi ko makakalimutan.

4th year na kami niyan. pano ba naman kasi, bestfriend ko nga siya pero, lalaki parin siya eh. nakakahiya naman. nakita pa niya ung ano ko ....... hais! kahiya!

pero, natatawa nalang talaga ako sa alaalang yan.

nung naging 4th year na kami, dun na nagsimula ang lahat. dun ko nadin nararamdaman ung kakaibang pagtibok ng puso ko. ewan ko ba, sa tuwing magkasama kasi kami o sa tuwing nahahawakan niya kasi ung kamay ko, lagi nalang bumibilis ung pagtibok ng puso ko. hindi ko nga maintindihan kung bakit eh. nakakalito. kakaiba kasi eh. wew.

pero, kahit ganun pa man , hindi ko nalang pinapansin ung kakaibang pagtibok ng puso ko nun. lagi ko nalang iniisip nun na, baka pagod/stress lang ako. dahil nga sa mga maraming gawain sa school at sa bahay.

Continue Reading

You'll Also Like

8.1M 484K 46
[PUBLISHED UNDER LIB] #3. "If I won't have you then might as well kill me, attorney."
326M 6.8M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
10.1M 391K 36
X, the green-eyed handsome boy who hangs around Quiapo, Manila, is the suitor of Rita. She believes her future is uncertain if she ends up with him a...